4

26 26 3
                                    



4

Ariela Moon Lerona

Minsan talaga may mga taong mabubuhay nalang sa paniniwala sa pag-aakala. Katulad ko na nag akala na matapos matikman ni Jaedan ang sinigang na luto ko mag babago na ang pakikitungo niya sa akin pero mali pala ako.

Mas lalong naging demonyo ang hayop! Kumbaga nag pakabait para lang makatikim ng sinigang! In short patay gutom!

"Hoy ikaw nga ang mag urong dito!" Singhal ko kay Jaedan ng aalis na Ito para pumunta sa taas.

Nag taas lang siya ng kilay, "why would I? Nag luto ka diyan kaya dumami ang urungin kaya mag urong ka mag isa mo."

Umirap siya bago tuluyang pumunta sa taas. Babatuhin ko pa sana ng tsinelas kaso nawala na siya sa paningin ko. 

Sana nga mag laho na siya sa paningin ko!

Wala 'din akong nagawa kun'di ako ang mag urong. Kasirola, pinggan, utensils at mga baso lang naman ito kaso ang tamad pa 'din ni Jaedan! Nakikain naman siya ng sinigang eh! 

Padabog ko hinugasan ang mga hugasin, mabuti nga at hindi nabasag yung isang baso dahil sa pagdadabog ko. 

Madali lang 'din ako natapos. Nag punas muna ako ng kamay sa kitchen towel bago napagdesisyunan na nag walis na 'din.

Hindi ko namalayan na pati sa labas ng bahay, sa garden ay nakapagwalis na 'din ako. O my god! Ang init pa naman! Nasobrahan yata ako sa kasipagan.

Pawisan tuloy ako na pumasok sa loob, naabutan ko pa si Jaedan na pababa pero hindi ko nalang pinansin at umakyat ako sa taas at nag tungo sa kwarto.

Nag linis lang ako ng katawan ko dahil ang lagkit ng pakiramadam ko bago ako bumaba at nag tungo muli sa kusina para sana uminom ng tubig ng naabutan ko si Jaedan doon, umiinom ng juice.

Napangisi nalang ako ng makitang wala siyang imik. Ang sarap gimbalin ng buhay niya! 

"Painom naman ng juice!" Pag pukaw ko sa lumilipad na isip niya.

"Kumuha ka--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng hablutin ko ang baso ng juice niya bago nilagok iyon. Inilapag ko yung baso sa harapan niya.

Natawa nalang ako sa reaksiyon niya. 

"Salamat." Nakangiting sabi ko.

"What?! N-Nainuman ko na iyon." Sabi niya. 

Natawa nalang ako. Ang dali namang makalimot ng tao na ito!

"Mr. Acosta baka nakakalimutan mo na natikman ko na ang laway mo so don't mind na okay?" Sabi ko.

"Tsk. I don't even like to kiss you, nairita lang ako sa iyo. At isa pa hindi ka marunong humalik." Nakasinging usal niya.

Gago to! Nagulat lang talaga ako kaya hindi ako nakatugon! Atsaka hindi talaga ako marunong humalik.

"Normal lang yun sa walang experience Mr. Acosta."

Tila nasamid naman siya sa sinabi ko. Balak ko pa sanang hatawin ang likod ng dospordos ang likod eh!

"Do you mean? You're a virgin?" Hindi makapaniwalang really niya.

Tumango lang ako sa tanong niya. Duh kahit mukha akong spoiled brat pero disente ako no! Malayo sa iniisip ni Jaedan.

"Teka nga maiba tayo sa usapan… Aalis nga pala ako mamayang hapon, may kikitain lang ako na friend." Pag-iiba ko sa usapan.

"Kaibigan ba talaga? I'm telling you Ariela. Kapag ibang lalaki ang kikitain mo humanda ka sa akin." 

NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTAWhere stories live. Discover now