My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 668 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 31

195 9 0
By jeyninstrous

Nakikinig lang ako sa teacher namin sa mapeh na nagdi-discuss sa gitna at hindi ko maiwasang mag isip. Unang iniisip ko ay ang sinabi ni Jaxson na namiss niya ako sobra. Oo kinilig ako don pero nag-aalala ako. Nyeta kasi eh! yong tumbler ko na ihinagis ko sa kanya di ko na nabalikan.

Bigla pang sumagi sa isip ko yong band competition mamayang gabi. Sana lang payagan ako ni Mommy na magpagabi ng uwi. Eto pa meron pa, kong sakaling manonood naman ako ay sinong tititigan ko? si Zeddie ba o si Jaxson?

Hay hirap! Naguguluhan na ako kasi gusto ko si Zeddie at si Jaxson naman...ewan ko! Basta pag kasama ko si Zeddie kinikilig ako at natutuwa at kapag si Jaxson naman ay nabubwiset, nagagalit at nasasaktan ako. Tangna kasi yong tukmol na yon!

Ng matapos ang afternoon class namin ay parang kidlat ang mga kaklase ko na nagmadaling nagsilabasan ng classroom namin. Agad ko namang sinukbit ang backpack ko sa likuran ko at lumingon kila Janica at Shantal na abala pa sa pagliligpit ng mga gamit nila. Lumingon din ako kay Amari na handa ng lumabas.

"Amari!" pagtawag ko sa kanya at mabilis siyang nilapitan at hinawakan sa braso.

Lalapit na sana ang dalawang bodyguards niya sa amin ng sinenyasan niya ang mga ito at agad naman silang tumigil sa paglakad palapit sa amin.

"Amari, hindi ka ba manonood ng band competition mamayang gabi?" tanong ko sa kanya.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at parang nag-aalinlangan pang sumagot.

"Kong ayaw niyang sumama huwag mo ng pilitin." bigla namang singit ni Shantal at nauna ng naglakad palabas.

Nagkatinginan pa kami saglit ni Janica.

"Sundan mo." sabi ko kay Janica at agad naman siyang tumango at sinundan si Shantal palabas.

Hinarap ko ulit si Amari.

"Amari, pagpasensyahan mo na talaga si Shantal ah, ayaw mo ba talagang sumama sa amin mamaya manood ng band competition?" tanong ko.

"I'm sorry but I can't. I'm not allowed to go in a crowded place." sabi niya kaya hindi ko maiwasang malungkot.

Mukhang wala na talaga siyang balak na sumama o sumabay pa sa amin lalo pa ngayon na galit pa din si Shantal sa kanya. Ang pinaka worst pa ay bawal siyang pumunta sa maraming tao dahil delikado para sa kanya lalo pa't prinsesa siya.

"Sige basta Amari friends mo pa din kami at kapag kailangan mo kami ay nandito lang kami." sabi ko at tanging tipid na ngiti lang ang isinagot niya at tuluyan ng naglakad palabas kasunod ang dalawang bodyguards niya.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga ulit. Sana lang talaga hindi niya kami iwasan. Ayaw kong baka isipin niya na hindi na namin siya kaibigan. Kahit nalaman ko na prinsesa siya ay kaibigan pa din naman ang tingin ko sa kanya at walang magbabago don. Wala akong pakialam kong prinsesa o ordinaryong tao lang siya basta ang importante sa akin ay kaibigan ko siya.

Tuluyan na din akong lumabas ng classroom at isinara na ang dalawang pinto. Dahil sa ako ang sexytary ay nasa akin ang suso--- este susi ng classroom namin at ako din minsan ang nagla-lock. Gumorabels na kasi ang lahat at ako nalang ang naiwan. Tangnang susi naging suso tuloy! flat pa naman ako! chos!

Matapos kong masiguradong naka lock na ang dalawang pinto ng classroom namin ay naglakad na ako pababa ng hagdan. Ng makarating ako ng first floor ay naabutan ko si Janica at Shantal na nag-uusap. Hindi ko na narinig pa kong tungkol saan ang pinag-uusapan nila dahil agad din silang tumahimik ng makita ako.

"Pupunta kayo mamaya?" tanong ko sa kanila.

"Yes, I'll go." sagot ni Janica.

Lumingon naman kami kay Shantal.

"Ayaw ko pang umuwi sa bahay kaya sige manonood ako mamaya." sabi niya at tumango naman ako.

Mamayang five fifty pa magsisimula ang band competition kaya napagdesisyunan muna naming tatlo na tumambay sa swing. May sampung swings ang nasa loob ng school. Napalingon kami ni Janica kay Shantal ng pag upo namin sa swing ay may inilabas siyang tatlong chips.

Ibinigay niya sa akin ang chips na ang flavor ay sour at kay Janica naman ang spicy habang sa kanya ay yong salty. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi pa din niya talaga nakakalimutan ang mga gusto namin.

Si Shantal ay mahilig sa mga pagkain na maalat habang ako naman ay mahilig sa mga maaasim na pagkain. Kaya siguro maasim din kili-kili ko chos! At si Janica namay ay mahilig sa mga maanghang. Ewan ko ba sa kanya kahit yata sobrang anghang ay gustong gusto niya. Naalala ko pa nga noong nag sleep over kami kila Shantal at kumain kami ng mga cup noodles eh kahit X3 na ang anghang ay parang wala lang sa kanya.

Samantalang kami ni Shantal ay halos maiyak na. Kulang nalang uminom kami ng dalawang pitsel ng gatas para lang mawala ang anghang. Si Shantal naman kahit ang alat na ay gora pa din. Buti nga hindi nagka problema sa kidney si gaga.

Abala lang kami sa pagkain at walang sinumang umiimik sa amin. Naisipan kong kunin ang luma kong cellphone sa bag ko at nagpatugtog ng mga kanta ni Olivia Rodrigo. Ewan ko ba pero parang relate na relate ako sa mga kanta niya kahit di naman ako heart broken. Ngayon lang ata ako naging heart broken dahil sa tukmol na boybestfriend kong si Jaxson na hindi ko naman aakalain na magugustuhan ko pala.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang sabayan ang kanta. Sana lang talaga di ako mabulunan sa pakanta kanta kong to habang kumakain. Kahit di maganda ang boses ko ay gora lang. Nakaka-relax din ang hangin dahil hapon na at hindi na mainit kaya mas ginaganahan akong kumanta.

Okay lang naman akong kumanta kahit sintunado dahil malayo naman ang mga classrooms dito at wala ng masyadong mga estudyante na pagala gala dahil ang iba ay nagsi-uwian na. Ang iba naman ay malamang nasa auditorium na para mag-abang kahit mamaya pa naman magsisimula ang banda.

Abala lang sa pagkain ang dalawa habang nakikinig sa akin na kumakanta.
Ng tinodo ko na ang pagkanta ay narinig ko silang natawa kaya napatigil ako at sinamaan sila ng tingin.

"Oh bakit kayo tumawa?" tanong ko sa kanila.

Gusto kong ngumiti dahil nakita ko si Shantal na tumawa na ulit pero hindi ko nalang ginawa. Kuntento na akong makita siyang tumawa.

"Ang pangit pa din talaga ng boses mo, walang pinagbago." sabi ni Shantal at natawa nalang din ako.

"Gaga ka! maging supportive ka na nga lang sa akin. Eto naman pangit ka bonding." sabi ko pa at natawa siya ulit.

"Bakit gustong gusto mo ang mga kanta ni Olivia? broken hearted ka ba? sa pagkaka-alam ko kasi mahilig ka sa mga rock na kanta at ayaw mo sa mga love songs diba?" bigla namang tanong ni Janica.

Kilalang kilala na talaga nila ako. Alam kasi nila na ayaw ko ng mga love songs at gusto ko ng mga masayang kanta, ewan ko ba kong bakit.

"Kailangan ba broken hearted ako para pwede na akong makinig sa mga kanta ni Olivia Rodrigo?" sabi ko pa at sumubo ng chips.

"Aminin mo na kasing broken hearted ka dahil may bago ng girlfriend si Jaxson." sabi naman ni Shantal.

"Hindi no! ano namang pakialam ko kong may girlfriend na yong tukmol na yon?"

"Bakit defensive ka?" tanong naman ni Janica.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Hindi nga ako affected na may girlfriend na siya tsaka si Zeddie ang gusto ko at hindi siya kaya okay lang na magka girlfriend yon, hanggang bestfriend lang kami at wala ng iba." sabi ko at sumubo ulit ng chips.

Yan deny pa! tangina mo self!

"Gusto mo si Zeddie pero gusto mo din si Jaxson." hirit na naman ni Shantal.

Ay tignan mo talaga tong babaeng to oh!

"Hindi nga! si Zeddie nga lang gusto ko." sabi ko pa at napalingon sa cellphone ko ng nag stop ang music at bigla itong nag vibrate.

May nag text. Bago ko pa man makuha ang cellphone ko na nakalagay sa gitna ay mabilis na itong dinampot ni Shantal at binasa ang text. Hinayaan ko nalang siya dahil abala din ako sa pagkain.

"Sinong Fall?" bigla niyang tanong habang nakatingin sa cellphone ko at lumingon sa akin.

Nagkibit balikat lang ako.

"Di ko din alam basta ng isauli sa akin yang cellphone ay nandiyan na yang number ng Fall na yan."

"Sinong nakakita at nagsauli ng cellphone mo?" tanong ulit ni Shantal.

"Ewan, nakita ko lang yan na nasa loob na ng bag ko." sabi ko at tumango lang siya at ibinalik na sa akin ang cellphone ko.

Tumitig pa siya sa akin at parang may iniisip.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa akin. Problema ng babaeng to?

"May naalala lang ako." sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

"Anong naalala mo?" tanong ko at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Last Fall, yan ang pangalan ng banda nila Jaxson." sabi niya at tanging tango lang ang naisagot ko.

Last Fall? bakit ngayon ko lang nalaman? Sabagay hindi naman ako nagtanong kay Jaxson o kay Zeddie kong anong pangalan ng banda nila. Di kaya ay isa sa mga tukmol squad ang nakapulot ng cellphone ko?

"Nakakalungkot lang dahil hindi na makakasali si Clint sa kanila mamaya." sabi ni Shantal at malakas na buntong hininga ang pinakawalan.

Nagkatinginan pa kami ni Janica. Agad na akong tumayo at inaya na silang magpunta sa auditorium dahil baka maiyak na naman si Shantal kapag pinag-usapan namin si Clint. Alas kwatro na at malapit ng mag alas-singko kaya malamang marami ng mga tao sa auditorium.

Pagdating namin sa auditorium ay agad kaming pumasok sa loob at madami na ngang tao. Madilim ang loob at tanging ang mga parang disco lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Hindi ko maiwasang magandahan sa set up dahil para kaming nasa totoong concert ng gaganapin na banda. Handa na din ang mga instruments na gagamitin ng mga kasali. Naka display na ang mga ito sa malaking stage.

Puro mga junior high school lang ang pinapayagan na makapasok sa auditorium dahil para sa mga junior high lang ang event na ito. Mga junior lang din ang mga kasali na magco-compete. Buti nga malaki ang auditorium kaya hindi kailangang magsiksikan ng mga gustong manood. Hindi naman kami nahirapan ni Shantal at Janica papunta sa mga upuan.

Ng dumating ang alas singko ay nagsimula ng umilaw ang stage. Nakapwesto na din ang mga judges sa mga upuan nila kaharap ng stage. Nasa likuran kami ng mga judges pumwesto. Mabuti nga hindi nagtutulakan ang mga students dahil disiplinado naman lahat.

Ng umakyat na ang emcee sa stage ay nagsimula ng mag-ingay ang lahat. Ang iba ay may dala pang mga banner na may mukha ng mga contestants. Hindi nawala sa paningin ko ang maraming mga banners nila Jaxson at ng mga ka grupo niya. Siyempre sikat sila dahil heartthrobs sila dito sa loob ng campus kaya hindi talaga maiwasan na marami silang supporters.

"Students of Zigfred National High School, are you ready?!" sigaw ng girlalong emcee sa gitna ng stage.

Nagkumahog naman ang mga students sa pagsigaw. Lahat ay excited. Sino ba naman ang hindi?

Panay lang kami sa pakikinig sa emcee lahat at hindi pa din nawala ang ingay ng ibang estudyante. Biglang nag vibrate ang luma kong cellphone na nasa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. Hirap pa ako sa pagtingin kong sino ang nag text dahil nandito ang mga kaibigan ko at ang ingay ng ibang students. Ng tuluyan ko ng makita ang message ay parang alam ko na kong sino siya.

From: Fall
Watch me.

Nagtaka ako. Posible kayang si Fall ay si Zeddie? o si Jaxson?

"Let's give around of applause for the Last Fall band!"

Napalingon ako sa stage ng sabihin yon ng emcee. Ang ingay kanina ng mga estudyante ay mas lalong nadagdagan pa. Lalo pa ng lumabas na si Jaxson at ang mga ka-grupo niya. Hindi ko maiwasang mapanganga saglit dahil ang gwapo nila at ang astig ng mga suot nila at mukhang pang professional na banda talaga.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapatingin ako kay Zeddie dahil ang gwapo niya at nakatingin siya sa akin. Alam kong ako ang tinignan niya at kumindat pa siya! paki niyo ba basta ako yong tinignan niya!

Ng mapalingon naman ako kay Jaxson ay hindi ko na maalis ang paningin ko sa kanya. Gwapo silang lahat pero mas nangingibabaw ang kagwapuhan niya. Hindi ko alam pero sa paningin ko ay para siyang anghel lalo na ng sa kanya naka focus ang spotlight. Hindi ko maiwasang mapangiti at mapahawak sa dibdib ko, kumikirot na naman ito sa hindi ko malaman na dahilan.

Lalo pa ng napalingon ako kay Aisah na todo cheer kay Jaxson at ang masaklap pa ay nakatingin din si Jaxson sa kanya. Nakita kong ngumiti siya dito at parang binibiyak ang puso ko. Nasasaktan na naman ulit ako dahil alam kong hindi ako ang dahilan ng ngiti niya. Hindi siya sa akin nakatingin.

Napapikit nalang ako at napahinga ng malalim. Sana lang talaga mawala din tong nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw kong mas lalo lang na mahulog sa kanya. Natatakot akong masaktan ng sobra.

Minsan oo, minsan hindi...
Minsan tama, minsan mali...

Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Jaxson. Diretso agad na nagtama ang paningin namin ng tumingin ako sa kanya.

Umaabante, umaatras...
Kilos mong namimintas...

Intro palang ng kanta ay kinakabahan na ako. Parang tumatambol ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kong dahil lang ba sa ingay ng ibang mga estudyante, sa ingay ng instruments o sa boses niya? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.

Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw?
Iparating sa mundo...

Hindi ko alam pero sadyang pakiramdam ko ay hindi ako ang tinitignan niya. Malayo ang pwesto ni Aisah at ng mga kaibigan niya sa amin kaya hindi si Aisah ang tinitignan niya ngayon. Napalingon ako kay Shantal at Janica. Isa kaya sa kanila ang tinitignan niya? pero bakit? Ayaw kong mag-isip ng kong ano ano kaya napailing nalang ako at tumingin na ulit kay Jaxson.

Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka

Sa bawag pagbigkas niya ng mga salita ay mas lalo lang akong kinakabahan.

Kung maging tayo...
Sa 'yo lang ang puso ko

Bigla siyang pumikit habang nakahawak lang sa microphone na nakasabit sa stand na nasa gitna. Ang ganda ng boses niya pero sa bawat pagbanggit niya ng mga salita ay parang ang sakit pakinggan.

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa rin
May gulo ba sa 'yong isipan
Itugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag-ibig mo

Bigla siyang nagmulat. Ang mga mata niya ay nakatutok na ngayon...

Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo

Kay...Janica.

Ohh oh oh...

Tama ba ako? kay Janica siya nakatingin?

Gusto kong sabihin sa isip ko na mali pero alam kong tama ang hinala ko dahil ramdam ko at kitang kita ng dalawang mata ko. Bakit? anong meron kay Janica? bakit kay Janica siya nakatingin?

Kailangan ba kitang iwasan
Sa twing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo
Iba rin pag tayo lang... ahhh...

Naging biglang rock ang tono ng kanta at mas lalo lang na nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko lalo na sa pagtunog ng drum. Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto kong maiyak sa hindi malaman na dahilan habang nakatingin sa kanya na nasa stage. Gusto kong tumakbo at umalis.

Nasasaktan akong nakikita siya. Hindi ko na alam...hindi ko alam kong bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ang hirap niyang abutin...hindi niya ako mahal...

Sa bawat pagkanta niya ulit ay mas lalo lang na nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ko dahil alam kong hindi para sa akin ang kanta pero ramdam ko. Hindi ako ang tinitignan niya pero pakiramdam ko ako.

Mahal niya ako pero baka pakiramdam ko lang din. Posible bang maling akala lang ang lahat? sana nga...

Naging remix ang kanta mula sa Hindi Tayo Pwede ay naging Fall For You na favorite song ko. Gusto kong tapusin ang panonood pero sumisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos. Naririndi din ako sa boses ng mga estudyante at ng mga pinapatugtog na instruments.

The best thing about tonight's that we're not fighting...
Could it be that we have been this way before...

Bakit parang relate na relate ako sa kinakanta niya? Wala sa sariling napatayo ako sa kinauupuan ko at naglakad patalikod sa stage. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa hindi malaman na dahilan. Nasusuka ako na nanlalamig na ewan.

I know you don't think that I am trying...
I know you're wearing thin down to the core...

Narinig ko pang tinawag ako ni Janica at Shantal pero hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Agad kong tinakpan ang dalawang tenga ko. Ayaw ko...ayaw ko ng marinig pa ang susunod na lyrics ng kanta dahil alam ko na hindi naman mangyayari yon. Alam kong hindi ako ang gusto at mahal niya. Hindi siya mahuhulog sa akin.

Wala na akong pakialam kong may mabangga man ako basta ang nasa isip ko lang ay makalabas ako ng auditorium. Ng malapit na ako sa exit ng auditorium ay agad akong tumakbo palabas at pumunta sa pinaka malapit na banyo. Ng makarating ako sa banyo ay agad kong isinara ang pinto at napasandal dito. Nanghihina ako.

Oo hindi kami pwede...takot akong ma fall ng sobra sa kanya pero eto ako mas lalo lang na nahuhulog. Ito ang problema sa akin eh, ako yong tipo ng tao na tatanga-tanga pero mabilis makahalata sa kahit ano tapos kapag sobrang curious ko, mag oobserba ako hanggang sa malaman ko kong ano ang gusto kong malaman at nakakainis, naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako, to the point na kahit nasasaktan na ako sa mga nalalaman ko patuloy pa din na ngumingiti at tumatawa para hindi mahalata ng iba na nasasaktan ako.

Agad kong hinubad ang backpack ko at binuksan ito para kunin ang tumbler ko dahil nauuhaw ako. Ng mabuksan ko ang bag ko ay doon ko lang naalala na hindi ko nakuha ang tumbler ko sa cr na nasa building namin. Grabe na ang pamamawis at panlalamig ko. Umiikot na din ang paningin ko at gusto ko ng umiyak.

Anong nangyayari?

Ng sinubukan kong tumayo ay napaupo ulit ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot na naman ito, hindi ako makahinga ng maayos. Ang sunod kong namalayan ay nakahiga na ako sa sahig ng banyo at dahan dahang pumikit ang mga mata ko kasabay ng.... pagbukas ng pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 297 38
There was a girl named Crystal who's a secret agent and had a secret mission on one of her enemy. Ayaw niya sanang tanggapin iyon ngunit wala naman s...
70.7K 2K 36
Imagine "The Ultimate Mr. Torpe " ay inlove naman kay " Ms. Pakipot" Torpe sya , pakipot naman yung isa . Ano ? Wala na lang bang imika...
960K 86.3K 39
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.9K 90 37
A compilation of words.