My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

449 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 35

5 0 0
By Lhoysia

Wala pang 7:00 pm, nauna na ako sa room namin ni Laurien. Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero nakalock sa loob nito.

"Laurien, nandiyan ka na ba sa loob?" Ilang katok ang ginawa ko para pagbuksan niya ako ng pinto pero wala. Ang ibang kasamahan ko pumasok na sa sari-sarili nilang mga kwarto.

"Dash, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Jav ng mapadaan sa tapat ng room namin ni Laurien.

"Hmm, gusto ko lang magpahangin." Pagsisinungaling ko.

"Sige, mauna na ako." Tumango na lang ako at binalingan ng tingin ang pintuan na nasa aking harapan ngayon. Baka tulog na siya.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko palabas.

Nagtungo ako sa dalampasigan. Hindi naman ganon ka dilim dahil may mga ilang ilaw ang nilagay nila para mabigyang liwanag ang daan.

Marami pa namang mga tao sa resort na'to. Pero iilan na lang ang nandito ngayon.

Humanap ako ng cottage na walang taong nandoon.

"Pwede naman sigurong matulog dito?" Tanong ko sa sarili.

Pinagpag ko ang upuang kawayan dahil may ilang buhangin ang nandon.

Hihiga na sana ako ng biglang magring ang phone ko.

"Ma." Nakangiting sambit ko sa screen.
"Elvin." Kumaway ako ng makita ko siya sa screen, katabi siya ni mama.

[Hi, ate.]

"Kamusta ka na? Kayo ni mama?" Tanong ko.

[We're ok. Kailan ka pupunta dito?] Nakasimangot na tanong niya. Sa loob ng ilang taon, limitado lang ang pag-uusap naming dalawa ni Elvin.

He's busy with his studies at ako rin.

"Don't worry. Ikaw ang una kong sasabihan kong kailan ako pupunta diyan, ok?" Nakasimangot itong tumango at ibinigay ang phone kay mama.

"Ma."

[How are you?]
[Tinawagan ko si Nico, ang sabi niya nasa fieldtrip ka raw.] Hindi ko pala nasabi kay mama.

"Sorry, ma. I forgot to tell you. Nandito kami sa isang resort ngayon." Saad ko sa kanya. Hindi ko na nagawang ipakita sa kanya ang view dahil madilim na rin dito.

Bahagyang natawa si mama nang makita niya akong paulit-ulit na humikab.

[Matulog ka na, anak. Para hindi ka mapagod sa mga activities niyo bukas.]
[I call you back, later. I love you, Dashne.]

"I love you ma. And Elvin." Kumaway ako sa kanya bago ko pinatay ang tawag.

Ilalagay ko na sana ang cellphone sa aking bulsa ng may maliit na papel ang nalaglag mula sa aking bulsa.

Kinuha ko agad ito at ibinuklat  yung binigay sa'kin ni Klaine kanina.

Sa unang kita ko palang sayo sa gusaling iyon alam kung ikaw si Amaica. Araw-araw kong hinihiling na magkita tayong dalawa sa hinaharap at tinupad niya ng ang hiling ko.  Nakita kitang muli Amaica kahit na hindi tayo nakapag-usap na dalawa.

Sunod-sunod na patak ng aking luha ang pumatak sa papel na hawak ko.

Hindi ko na mabasa ng maayos ang nakasulat dahil nanlalabo na ang paningin ko.

Binaling ko ang aking paningin sa malawak na karagatan.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Until now hindi parin alam kung anong dahilan ng pagkamatay ni Amaica. At aalamin ko yun.

"Dashne, halika." Rinig kong boses mula sa karagatan. Hindi ko alam kung naghahalucinate lang ba ako.

"Amaica?" Kusang gumalaw ang katawan ko para lumusong sa dagat.

"Kasalanan nila Dashne. Kasalanan niya." Kita ko kung paano pumatak ang luha niya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko, aabutin ko na sana ito nang may humila sa'kin pabalik sa pinanggalingan ko.

"Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw nito sa'kin at mahigpit na niyakap ako.

Tikom lang ang bibig ko. Walang balak na magsalita.

Hinawakan niya ako sa balikat. Sobrang dilim ng tingin niya, kita ko ang pagpipigil niya ng galit.

"A-Anong ginagawa mo dito? Den?" Utal na tanong ko.

"Ako dapat ang magtanong niyan sayo." Basa na ang kalahati ng damit ko.
"Let's go. Ihahatid na kita sa kwarto mo." Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin niya na lang ako bigla.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Kaya ko na." Saad ko bago siya lagpasan.

Pagkarating ko sa kwarto, nakabukas na ito.

Nagmadali akong magbihis bago ako humiga sa sofa.

Wala naman dito sa loob si Laurien. I don't know where she is.

Kahit anong pikit sa mga mata ko hindi parin ako dinadalaw ng antok.

'Insan, yung librong binigay ko sayo. Hindi mo pa ba nababasa?'

Tumayo ako at hinalukay ang gamit na nasa gilid ng sofa. Nagdala lang ako ng libro in case na wala akong magawa. Hindi ko pa nababasa ang mga 'to. Basta inilagay ko lang sa bag.

Limang libro pala ang nadala ko?

Ipinatong ko ito sa aking hita nang makaupo ako sa sofa.

Isa-isa ko itong binasa ang cover ng librong hawak ko.

Lahat ng to.

Kay Kieper lahat ng nadala ko?

Tsk, lahat ng yun puro science.

Pero may isang librong nakaagaw ng atensiyon ko.

"Pamilyar sa'kin ang libro na'to." Iniangat ko ang libro at tinitigan ang cover. Agham, parang may kilala ako na nagbabasa nito. Hindi ko lang maalala kong saan at kailan ko nakita.

'Hindi ka pa ba nagsasawa sa librong yan?' Tanong ko habang nakababa ang tingin sa librong hawak niya.

'Gusto mong basahin?' Umiling lang ako at umupo sa kanyang tabi.

Napahawak ako sa aking ulo ng bigla na lang akong nakaramdam ng sakit.

Isa-isa kong binuklat at pinag-aralan ang bawat pahina. Nang may malaglag na isang litrato. Nanginginig ang kamay ko habang pinupulot ito.

"K-Kai?"

'Dito ko ilalagay ang litrato nating dalawa.' Sambit niya at inipit sa pahina ng kanyang libro.

'Diyan talaga?' Tumango ito at mahigpit na hinawakan ang kanyang libro.

Nabitawan ko ang libro at nakatulalang nakatitig sa kisame.

'Umuwi ka na, Amaica!'

Siya ang dahilan!

Siya ang may kasalanan!

Mag-isa ako sa silid kaya walang makakarinig sa'kin. Hindi ko na napigilan ang aking hikbi.

Lahat ng alaala, kung paano ko nilusong ang tubig ng dagat.
Lahat ng yun bumabalik.

"Salamat, Den." Mabilis kong inayos ang aking sarili at umupo sa sofa.

"Oh, nandito ka na pala. Dash." Kanina pa.

Tinapunan ko ng tingin si Den. Sinigurado kong walang kahit na anong emosyon ang makikita mula sa aking mata.

Seryoso rin siyang nakatingin sa'kin. Alam ko na lahat.

"Aalis na ako." Tumango muna si Laurien bago sinira ang pinto.

"Bakit  kayo magakasama ni Den kanina?" Akala ko ba tulog na siya.

"Wala." Malamig na tugon ko. At inayos ang mga librong nagkalat sa sahig.

"I will be honest with you. I like Den."
"Kung may balak kang agawin siya. Wag mo nang ituloy."

"Isaksak mo pa sa baga mo." Mahinang bulong ko. Halata namang hindi niya narinig dahil humiga na ito sa kama. Sa katauhan ni Laurien, may naalala akong tao na ganyan na ganyan rin.

Mahina akong natawa dahil may pinagmanahan ang babaeng yan.

《Flashback》

Kanina pa ako nakaupo sa may buhangin. Pinanonood ko lang silang maglaro. Wala ako sa mood.

"Hello, lola." Napabaling ang tingin ko kay Laurien na may kausap sa phone niya.
"Yes, la. I'm fine."
"Take care." Saad niya bago isinuksok ang cellphone sa kanyang bulsa sa hindi sinasadyang hindi niya napansin na may nalaglag.

Pinagpag ko ang sarili ko bago kinuha yung nalaglag sa kanyang bulsa. Family picture?

Sa unang tingin ko palang sa matandang babae, hindi na ako pwedeng magkamali.

"Give me that." Saad niya at hinablot sa kamay ko ang litrato.

"Nalaglag mo kasi." Saad ko bago siya nilagpasan. Ngayon alam ko na kung saan nagmana.

《End of flashback》

••

Maaga akong nagising dahil tutulong pa ako sa paghahanda ng makakain namin.

"Maayos ka bang nakatulog kagabi?" Tanong ni Lily Lily. Tinampal ko ang kamay niya ng mapansing siya lang ang makakaubos sa pagkaing inihanda ko.

"Tikim lang naman." Humarap ako sa kanya.

"Tikim? Eh, kanina ka pa kuha nang kuha." Natatawang saad ko na siyang inasal niya.

"Gutom lang ako." Napailing ako at nilagyan ang plato para sa kanya.

"Eto." Lumaki ang ngiti niya at walang alinlangang nilamon ang pagkain na inihanda ko. Hindi naman halata na gutom siya.

"Ngayong gabi may palaro raw si Mayor Alex." Mayor Alex? Sambit ni Kieper at umupo sa tabi ni Lily.

Kukuha sana ito sa pagkain na hawak ni Lily pero mabilis niyang naiwas ang plato kaya hindi nakakuha si Kieper.

"Puyatan na naman 'to."










Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 13.9K 6
Eli Mignonette vanished after two years of marriage with Logan Brandon. Leaving him with a shocking secret: she was pregnant with his twins! Now, El...
1.3M 52.3K 79
She's kind but at the same time cool, She's brave but at the same time cold, She's gorgeous but at the same time exquisite, She's special but at t...
176 53 15
A voluptuous woman who dreams to become a police woman someday and her dreams come true. She is KYOMI IOWA VALLE, an innocent woman and a simple girl...
376K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...