My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

448 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 31

6 0 0
By Lhoysia

"Kamusta ka hija? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod akong napatango. Gusto ko mang magsalita pero hindi ko ginawa. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Drink this." Sabay lahad sa'kin ni Den ng isang basong tubig.

"Salamat."

"Maiwan ka muna namin hija, may pag-uusapan lang kami ni Den sandali." Nag-aalangan man ay tumango ulit ako.

Lahat ng naaalala ko hindi pa buo. Ang huli ko lamg napanaginipan ay kung paano ako lumusong sa dagat. Maski ako hindi ko alam kung bakit ko tinapos ang buhay ko. May dahilan naman siguro ako kung bakit ko tinapos ng ganon ang buhay ko hindi ba?

••

《《Den》》

"Ang ganda niya." Nakangiting saad ni lola habang paulit-ulit na tinititigan si Dash.

"Yeah." Pagsang-ayon ko.

"Kayo na ba hijo?" Hindi ako nakasagot.

"Den, nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo siya." She smiled at me.
"Unang kita ko palang sa batang yan, alam kung mabait siya. Tanggap ko na matagal ng wala ang kapatid kong si Amaica  pero hindi ko inaasahang makikita ko siya muli sa katauhan ng batang iyan." Pinunasan ko ang luha mula sa kanyang mata.

"Alagaan mo siya, wag mong hayaan na mangyari muli ang mga nangyari noon huh?" Tumango ako bago siya niyakap. Hindi ko hahayaang mangyari muli iyon.

《《Lily》》

Sa lahat ba naman ng makakasama ko itong pang shokoy.

"May dalaw." Aba't ! Sinong may dalaw?

"Sinong sinasabi mong may dalaw?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Wala naman akong sinasabi ah." Pagmamaang-maangan niya. Walang iba kundi ang Jav na'to ang kasama ko ngayon. Huh, hindi ko alam kung may lahi ba'to ng kung ano. Pansin ko lang ah. Hindi naman sa nag-aasume ako pero kanina pa niya ako sinusundan. Eh, hindi ko naman kasama si Kieper at anong namang reason niya na sundan ako?

"Ano bang ginagawa mo dito?" Hindi ko na talaga napigilan ang inis ko sa kanya. Tinapakan lang niya naman ang sapatos ko. Kakalinis ko lang nito kanina e.

"Wala." Wala pala ah.

Hinila ko ang tainga niya.

"Magsasabi ka ng totoo o sasabihin mo sa'kin ang dahilan kung bakit ka nandito?"

"Wala naman akong pagpipilian...aray!" Sigaw niya nang hilahin ko pa ang kanyang tainga.

"Mabuti at alam mo. So, anong dahilan kong bakit nandito ka?" Hindi ko parin binibutawan ang tainga niya. Sarap hilahin ng hikaw. Pero hindi naman ako ganon kasadista para gawin yun. May awa pa rin naman ako.

"Oo na..sasabihin ko na."
"G-Gusto lang kitang makasama, ayos na ba?" Nabitawan ko ang kanyang tainga.

Naningkit tuloy ang mata ko dahil sa sinabi niya.  Sinong niloko niya? Malandi rin ang isang 'to.

"Playboy ka, ilang babae na ang nasabihan mo niyan ha?" Pag-aakusa ko sa kanya.

"Ikaw pa lang." Grabe rin ang kamandag ng lalaking 'to a.

"Sorry pero hindi kita type." Bago ko pa siya takijuran kita ko ang biglang pagbahid ng lungkot sa kanyang mata.

Tsk, namamalikmata ka lang. Lily, alam mo na ang ganyang mga galawan.

••

《《Dash》》

"Ang sarap ah." Nakangiting sambit ni Diana habang tinitikman ang luto ni Lola Annica. Yun na lang daw ang itawag ko sa kanya. Tutal hindi na rin naman daw siya iba sa'kin.

"Umupo na kayo at kakain na tayo." Sabay na umupo sina Diana at Drake. Umupo naman sa tabi ko si Den. Kanina ko pa pinag-aaralan ang bawat galaw niya parang may kakaiba sa kanya.

"Kumain ka na Dash." Sabi niya sa'kin. Kunti lang ang nilagay ko sa aking plato. Hindi pa naman kumakalam ang sikmura ko.

"Kumain ka ng marami." Bulong sa'kin ni Den. Aangal pa sana ako ng lagyan niya ng maraming pagkain ang aking pinggan.

"Hindi ko naman 'to mauubos lahat." Hindi ito sumagot nang tumikhim si Diana.

"Kain na." Uubusin ko talaga 'to?

Nagsimula na silang kumain at ganon rin ang ginawa ko. Kahit hindi na kaya ng sikmura ko pinilit ko paring maubos ito.

"Kumain ka pa, hija." Pilit lang akong ngumiti. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko sa banyo ang tuloy ko dito.

"Den! Yoho!"

"Nakalimutan ko palang sabihin na nandito siya kanina pa at hinahanap ka kuya." Si Piccolo yun ah.

"Kakausapin ko muna siya." Paalam ni Den sa'min. Anong ginagawa dito ni Piccolo?

Hindi naman yata ako nakita ni Nico.

"Anong pag-uusapan nila?" Wala sa sariling bulong ko. Habang tumatagal mas lalo lang akong nanghihinala na may tinatago sa'kin si Den.

"Magbabanyo lang po ako." Tinahak ko ang daan kung saan dumaan si Den kanina.
Maski sa sarili ko hindi ko alam kung bakit ko sila sinusundan.

"What are you doing here?" Tanong ni Den habang kaharap si Nico.

"Tsk, bilib talaga ako sayo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."
"Ito." May nilagay si Nico sa palad ni Den hindi ko lang maaninag kong ano.

May kung ano pa siyang binulong dito.

"Insan, nandito ka rin pala." Kahit kailan talaga ang damuhong 'to!

"Hinahanap ko kasi ang banyo." Ngumisi lang ang loko. Panira ka talaga kahit kailan Piccolo!

Mabilis naman na itinago ni Den sa kanyang bulsa ang bagay na binigay sa kanya ni Nico.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ako ng bahala kay Dash." Saad ni Diana na tumabi sa'kin.

Mabilis niya akong hinila papalayo sa dalawa at sinamahan patungong banyo.

"Alam mo nawewerduhan na talaga ako diyan sa pinsan mo Dash." Saad ni Diana habang nasa labas.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nakaharap sa salamin.

"I mean halos araw-araw na siyang nandito at parating hinahanap si kuya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya kay kuya. I think it's important." Hinugasan ko ang aking kamay bago lumabas ng pinto.

"Let's go?" Tumango ako.

••

"Salamat sa paghatid." Kumaway ako kay Den at kay Lola Annica. Tumanggi na sana akong magpahatid at sasabay na sana kay Nico but they insisted.

Sumulyap muli ako sa kanila bago pumasok sa loob ng building.

"I'm ok, mom."
"Yeah, don't worry. Maganda naman ang unit ko." Rinig ko pagkapasok.

Maybe she's new here.

Bago ko lang siyang nakita dito.

Dumeritso na ako sa may hagdan. Hindi ko gustong gumamit ng elevator. Feeling ko kasi na masta-stuck ako sa elevator once na sasakay ako dito. 

Natigil ako sa huling hagdan bigla na lang kasing nangalay ang paa ko. Parang ilang libong kuryente ang dumaloy mula dito.

"Excuse me." Anas nito at nabangga pa ang binti ko.
"Paharang-harang ka kasi." Aba't siya na nga tong nakabangga siya pa'tong may ganang magreklamo.

"Ang laki ng space, dito ka pa talaga sa gilid ko dumaan." Inis na asik ko sa kanya.

Inirapan lang niya ako at tinakbo ang paakyat ng hagdan. As far as I can remember siya yung babaeng nasa labas kanina. Akala ko pa naman mabait. Marami nga namang namamatay sa maling akala.

Humawak ako sa railing ng hagdan at pinagpatuloy ang pag-akyat.

"And finally!" Sigaw ko habang nakadapa sa kama.

Napapaisip parin ako kung ano yung binigay ni Nico kay Den kanina.

"Bakit ko ba iniisip yun? And privacy nila yun."

Umupo ako mula sa pagkakahiga nang magring bigla ang phone ko.

"Gaya ng inaasahan."
"Hello, Lily. Anong kailangan mo?" Malambing kong tanong.

[Tsk, pagtumawag may kailangan agad? At isa pa wag mo ngang palambingin yang boses mo kinikilabutan ako e.]

Tumayo ako at kinuha ang bathrobe sa kabinet.

"What can I help?"

Sumandal ako sa kabinet ng biglang tumahimik sa kabilang linya.

[Kilala mo si Jav di ba?]

"Hmm, siya yung vice president ng swimming club." Nagkasalubong ang kilay ko sa tanong niya.

She sighed.

May problema ba siya?

[M-May nasabi kasi akong hindi maganda sa kanya. And hindi ako makatulog dahil sa nasabi kong yun.] I smell something fishy.

"Tapos?"

[Tsk, akala ko pa naman matutulungan mo'ko. For sure naman kung si Kieper ang tatanongin ko alam mo ng isasagot. Kung hindi ba naman kalahating tarantado at siraulo ang lalaking yun. Malamang kanina ko pa siya tinawagan.]

"Kumalma ka nga." Sambit ko bago pumasok ng banyo.
"Ano bang sinabi mo sa kanya?"

[Sinabikonghindikosiyatype!]

Ano daw? At kailan pa siya naging rapper? Ni isa sa mga sinabi niya hindi ko maintindihan.

"Hindi kita maintindihan."

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago muling nagsalita.

[Ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko siya type.]

"Ano namang sinabi niya sayo? At nasabi mong hindi mo siya type?"

At yun nga. Imbes na maghalf bath ako, nakatulog ako dahil sa haba ng kinuwento niya. Ang tanong ko lang naman kung anong sinabi niya kay Jav. Bakit napunta sa story telling?

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
39.3K 745 52
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...