My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

448 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 24

5 0 0
By Lhoysia

Paulit-ulit kong tinampal ang aking bibig nang makarating ako sa booth. Gosh, what the heck?! Ano yung sinabi ko kanina. Oh, gosh.
Ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa kahihiyan. Hindi ko rin sinasadya na saktan si Alex.

Buong cupcake ang nilagay ko sa aking bibig. Gusto ko lang mabawasan ng kahit kunting hiya ang nararamdaman ko ngayon.

"Bakit sobrang pula mo ha? Insan?" Mapang-asar na sabi ni Nico. Nag-iinit tuloy ang buo kong mukha. God!
Nakakahiya ka, Dash. Ano bang ginawa mo?

"W-Wala." Nahihirapan kong sabi dahil sa cupcake na nasa loob ng bibig ko halos hindi ko nga malunok.

"Ikaw lang ba mag-isa dito?"

"Mabuti naman at dumating ka na." Hinubad ko ang apron at binigay sa kanya.

"Ikaw muna ang magbantay dito. Babalik rin ako kaagad." Hindi na siya nakapagreklamo.

"Wala to sa usapan!"

"Kumuha ka lang ng cupcake diyan ako ang magbabayad!" Sigaw ko sa kanya.

"Mabilis naman akong kausap!" I run as fast as I could.

"Hindi pa naman siguro tapos." Tanong ko sa sarili.

Binuksan ko ang pintuan ng swimming club. Sa labas palang rinig ko na ang sigawan.

Halos puno na ang bleacher at wala ng ni isang vacant.

"Go, Den!"

"Bilisan mo, Greg!"

"Kaya mo yan Den!"

Nakaabot ako.

Sumilip ako sa para makita kung sino ang nagcocompete.

Lima lang sila ang nasa pool. Si Kieper naman nakaupo sa monoblock na nakaharap sa may pool area.

"Dash!" Kieper! You don't need to shout my name. Palagi na lang pag nandito ako sinisigaw niya ang pangalan ko.

Bumaling ako kay Den na nakatingin sa direksiyon ko ngayon. Hindi niya ba alam na nauunahan na siya.

"Go." I mouthed. He just smiled.

Mas binilisan niya pa ang paglangoy. Hanggang sa maunahan niya ang katunggali niya.

Napangiti ako na siya ang nanalo.

"Nanalo, si Den!"

"Nanalo tayo!" Tilian at sigawan ang namayani.

"Akala ko talaga matatalo na tayo dahil parang wala sa sarili si Den." Kahit hindi ko napanood ang simula atleast nakaabot ako.

Nang mai-annouce na ang winner. Hindi magkamayaw ang lahat ng estudyanteng nandito ngayon. Sumulyap ako sa wrist watch ko. Oo, nga pala si Nico. Baka naubos na niya yung ibebenta namin.

Okay na yun, nakaabot parin naman ako kahit patapos na.

Una na akong lumabas ng swimming club para puntahan si Nico.

"Girls, bumili na kayo."

"Ano naman ang makukuha naming kapalit kapag bumili kami niya?"

"My number." Kumindat pa ito. Kaya hayun ang mga babae nag-uunahan sa pagbili. Iba talaga ang charisma ng mga playboy. Lahat nadadala sa landi.

Lumingon sa'kin si Nico na may ngisi sa labi.

"Ubos na." Pagmamayabang nito.

"I see it."
"Sana pala nagpagawa ka na lang sarili mong store, I'm 100% sure na ubos lahat ng paninda mo." He just laughed. I'm not joking.

"You can go now." Sabi ko sa kanya.

"Dito muna ako. Wala naman akong ginagawa at isa pa tapos na naman ako sa pinapagawa sa'kin ni Den." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anon mg ibig mong sabihin?" Nahuli ko mismo sa bibig niya na may pinapagawa sa kanya si Den. Anong pinapagawa sa kanya ni Den?

"O sige, insan. I have to go. May utos pa pala si lolo sa'kin. Bye." Sabi niya at kumaripas ng takbo. Baliw, hindi man lang nagawang hubarin ang suot niyang apron.

Baliw na ba siya?

"Hays, nanalo sila Den." Usapan ng mga kasamahan ko nang makarating sila sa booth namin.

"Past twelve na pala. Hindi pa ba kayo kakain?" Tanong ni Jai.

"Ang sabi sa'tin ni Gi na hanggang twelve lang tayo kasi mamaya may mga ibang event naman daw."

Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko e.

"Ililigpit muna na'tin 'to. Nagliligpit na nga sila oh." Turo ni Jai sa katabi namin.

"Ngayon ko lang napansin, ubos na ang paninda na'tin?" Hindi ko maiwasang matawa dahil sa ginawa ni Nico kanina.  Kung alam niyo lang na landi lang pala ang kailangan para makabenta, isa na do'n ang ginawa ni Nico .

••

Hanggang sa maabutan na ako ng dilim, hindi ko parin alam kung dadating pa ba si Kai. Pilit ko paring pinapaniwala ang sarili kong darating siya.

Kunting hintay na lang baka may nangyari lang kaya natagalan siya.

"Maica." Napatayo ako at nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko.

"Laurie?" Nakakunot ang noo ko habang naglalakad palapit sa kanya pero natigil lang yun nang may bnunot siya sa kanyang likuran.
"Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi na makakapunta si Kai." Paano niya nalaman na magkikita kami ni Kai dito?  At paano niya nalamang nandito ako ngayon?

"I'm sorry, Amaica. Pero hindi ko hahayaang mapunta sayo si Kai."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya lahat nang sinabi niya sa'kin puro kasinungalingan lang pala yun.

"Nasaan si Kai?"

"Hindi pupunta dito ang "fiance" ko." Itinutok niya sa'kin ang baril na hawak-hawak niya.

"L-Laurie, ibaba mo yan." Ilang hakbang paatras ang ginawa ko. Pero humakbang rin ito paabante.

"Yung sinabi ko sayong pipigilan ko ang kasal namin, it's a lie."

Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to.

Itinapon niya ang baril na kanyang hawak.

"Mas mabuti pang umuwi ka na, Amaica. Hindi na siya pupunta dito." Saad niya bago ako talikuran. Hindi pa man kalayuan mas isang sasakyan ang pumarada at bumaba dito si Kai.

"K-Kai." Yumakap sa kanya si Laurie.

Nakatayo lang ako don habang tinatanaw si Kai na papalapit sa'kin.

"Kai." Tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong ng yakap.

Nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang luha ko ng sapilitan niyang kinalas ang aking kamay sa pagkakayakap sa kanya.

"Umuwi ka na, Maica. Pasensiya na kung pinaghintay kita dito."

"Kaarawan ko ngayon Kai, bakit ganito?" Hindi niya ako sinagot at umatras para may pagitan sa aming dalawa.
"Kai, bakit?"

"Umuwi ka na, Amaica." Mariing sambit niya. Lumapit samin si Laurie at iniyakap ang kanyang kamay sa bewang ni Kai. Inakbayan naman siya nito na siyang ikinabasag ng puso ko.

Pinalis ko ang aking luha.

"Aalis din ako, mauna na kayo." Sambit ko bago hinarap ang malawak na karagatan.

"Umuwi ka na, Amaica."

"Mauna na nga kayo hindi ba?!" Sigaw ko habang hindi sila nililingon. Sobrang sakit.

Narinig ko ang pag-andar ng kanilang sasakyan, papaalis. Ang saya! Sobrang saya!

Salamat sa regalo, sobrang saya ko.

Parang tinatawag ako ng karagatan. Gustong mawala lahat ng sakit. Tinanggal ko ang aking sapatos at iniwan ito sa may buhangin.

Hindi ko makakalimutan ang regalong binigay niyo.

"Maligayang kaarawan, Amaica."

Continue Reading

You'll Also Like

139K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
356K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
76.6K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
72.9K 4K 140
may mga taong darating sa buhay natin na magpaparamdam Kung gaano tayo ka importante ngunit taliwas non ang pananakit nila sa'tin. Ngunit sabi nga ni...