My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

485 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 19

9 1 0
By Lhoysia

"Maica, sandali!" Mabilis niyang nahawakan ang braso ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

"Anong kailangan mo? Nagmamadalis kasi ako." Saad ko habang hindi makatingin sa kanya.

"Amaica." Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at tinanggal iyon.

"Anong kailangan mo Kai?" Nilakasan ko na ang sarili kong tumingin sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang." Pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Mag-uusap lang kami.

Dinala niya ako sa itaas ng gusali ng paaralan namin. Sumalubong sa akin ang malakas na simoy ng hangin.

"Anong pag-usapan na'tin?" Humarap siya sa'kin na may lungkot sa kanyang mata. Iniwas ko ang aking paningin mula sa kanya.

"Kung anong gusto mong sabihin kay Kai, sabihin muna."

"Mahal na mahal kita, Amaica." Nakatalikod siya mula sa'kin.
"Ikaw lang ang tanging babaeng minahal ko." Pinakinggan ko na lang ang bawat salitang sasabihin niya.
"Pinagkasundo kami ni Laurie na ipakasal pero hindi ako pumayag sa gusto ni papa. May isa lang akong babaeng papakasalan at ikaw yun." Humarap siya sa'kin kasama nang pagpatak ng kanyang luha.

"Kai, gusto ka ni Laurie." Alam ko ang mga tingin ni Laurie sa kanya. Ganon din ang tingin ko kay Kai nong una kaming magkita. Alam kung may gusto si Laurie kay Kai.

"Hindi siya ang gusto ko Maica, ikaw." Mariing sambit niya at tinakbo ang pagitan naming dalawa at sinalubong ako ng yakap.
"Ilang araw kitang iniiwasan pero akala ko kaya ko, Amaica." Bulong niya habang mahigpit akong niyayakap.
"Mga araw na hindi kita nakikita para na akong namamatay."
Tahimik lang ako. Walang salita ang lumalabas mula sa aking bibig.

Ikaw lang din ang lalaking mamahalin ko, Kai.

••

"Kamusta ang pagsubo mo ng pagkain kay Den?" Ang bilis talagang kumalat ng balita pagdating kay Lily.

I didn't expect na papatulan ni Den ang sinabi ni Kieper. He's not the type of guy na makikipagsabayan. Pero akala ko lang pala yun. Now I know na may side pala siya ng ganon. Tsk, sarap pag-untugin ang mga ulo nila nilang dalawa.

"Bakit hindi mo itanong kay Kieper?" Tutal siya naman ang nagpasimuno non.

"Wala dito si Kieper e. Ikaw na lang ang magkuwento."
"Dali na makikinig ako." Pamimilit niya.

《FLASHBACK》

"Can you feed me?" Laglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Oy, bumibigay na si president."

"Manahimik ka nga diyan baka marinig tayo niyan. Punishment na naman ang aabutin na'tin." Bulung-bulungan ng mga kasamahan ni Den.

"Nganga." Utos ko kay Den. Sumunod naman ito. Hindi ko inaakala na para lang akong nagpapakain ng bata.

"Picturan mo. Tapos send mo sa'kin yung picture." Hindi nakaligtas sa'kin ang pagsilay ng ngiti niya sa labi.

"Ayos na?" Tanong ko kay Den na puno na ng pagkain ang bibig.

"Hmm." Tumango ito at nag-ok sign pa. Malamang hindi makakapagsalita yan dahil pinuno ko ng pagkain ang bibig niya.

"Yan ikaw ng magpakain sa sarili mo at may gagawin pa ako. At wag mong kakalimutang gamutin yang dito mo." Turo ko sa gilid ng kanyang labi.

"Concern."

Ganon na ba ako kahalata?

《End of flashback》

Lumayo ako ng kunti kay Lily dahil pinaghahampas na niya ang mga kaklase namin. Ang hirapa talaga pag sinapian ng masamang espirito ang babaeng 'to. Nanakit na eh.

"Kenekeleg eke."
"Ikaw kinikilig ka rin ba?" Tanong niya sa katabi niyang si Gwen.

Baliw na talaga siya. Lumuwag ba ang turnilyo sa utak niya?

"Malamang, isa kaya ako sa admin ng fansclub nila. #DenDash!!"  Saad naman ni Gwen. Tinotoo nga nila ang fansclub na sinasabi nila.

"Ito Dash oh." Pinakita pa sa'kin ni Lily ang groupchat nila. Sa pagkakabasa ko DenDash ang group name nito.

Tumalikod na ako sa kanilang dalawa kanya. Hays, let them be.

"Dash harap ka nga dito." Hinarap ko naman si Lily pero flash ng camera ang sumalubong sa'kin.

"Opps, nakalimutan ko pa lang i-off ang flash. Ok na, marami kasing nanghihingi ng pic mo."

"Lily." Saway ko sa kanya pero tumawa lang ito.

"Sige na Dash, ito lang. Ang cute mo dito oh."
"Wag kang mag-aalala sa group chat lang to namin 'to isesend."

"Bahala ka." Napailing na lamang ako.

Kung ano-anong naiisip ng mga 'to may pa-fansclub pang nalalaman.

Hindi ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa pag-iisip ng mga 'to.

"Dash."

"Bakit?" Tanong ko sa lalaking tumawag sa pangalan ko.

"May naghahanap sa'yo." Right timing at wala kaming prof. ngayon.

"Sino raw?" Nagkibit lang ito ng balikat.

Hinayaan ko muna sila Lily at Gwen na mag-usap tungkol sa paglayag ng ship nila.

"Nico, what are you doing here?"

"I need to tell you something." Seryosong sabi niya. Bigla na lamang akong kinakabahan sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

••

"Nagkabalikan na kayo ni Kai?" Tanong sa'kin Laurie nang magka-usap muli kami.

"Hindi ko alam."
"Hindi ko alam kung tama pa ba'tong ginagawa namin. Ibig kong sabihin pinagkasundo kayong ipapakasal kaya dapat hindi na ako nakikigulo sa inyo." Mahabang turan ko sa kanya.

"Amaica, hindi magiging masaya ang pagsasama kung hindi niyo mahal ang isa't isa." Pilit itong ngumiti sa'kin.
"Wag kang mag-aalala, gagawa ako ng paraan para maputol ang kasunduang iyon."

"Laurie, may gusto ka kay Kai hindi ba?" Huminga siya malalim bago muling nagsalita.

"Katulad ko lang si Korn." Makahulugang saad niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Oo, may gusto ako kay Kai. Pero hindi ako yung tipo ng tao na ipipilit ang sarili ko sa taong may mahal namang iba. Magkatulad lang kami ni Korn. Kasi hindi niya pinipilit ang sarili niya sa taong hindi naman siya mahal." Mahabang salaysay niya.
"Ang importante ngayon ay magkasama na kayo muli ni Kai. Ilang araw ko na rin siyang napapansin na wala sa sarili dahil hindi niyo pinapansin ang isa't isa isa." Natatawang sabi niya.

May kung anong punyal ang tumusok sa aking puso dahil alam kung gusto niya si Kai pero siya na mismo itong nagpaparaya.

Sana makahanap si Laurie ng lalaking magmamahal sa kanya.

"Bakit? May naiibigan na ba si Korn?" Umiwas lang itong ng tingin. Ayaw ko na ring magtanong sa kanya.

"Hindi ako ang dapat sumagot mo na yan, Amaica."

May punto siya. Hindi dapat pangunahan ang isang bagay. Baka yun pa ang dahilan na masira ang isang pagsasamahan.

••

Malakas na batok ang natanggap sa'kin ni Nico.

"Akala ko kung anong sasabihin mo, makikichismis ka rin pala kung anong nangyari sa'min ni Den sa amusement park." Iritado kong sambit sa kanya.

"Tsk, I'm just curious."

"Sabihin mo nga sa'kin. Kailan pa kayo naging magkakakilala ni Den?"

"Bakit gusto mong malaman?" Tumaas ang gilid ng kanyang labi habang nakatingin sa'kin. Wala lang.

"Tsk, nothing. Umalis ka na nga kung wala kang matinong sasabihin."

"Fine, cous. Hindi muna ako kailangan itaboy." Parang bakla rin ang isang 'to.

"Alis na." Pagtataboy ko sa kanya. Nakapamulsa itong umalis. Namimihasa na ang lalaking 'to a. Palagi na lang nakakpasok sa paaralang 'to.

《《Den》》

"Malapit na ang competition, Den." Jav said.

"I know, kaya kailangan na'ting mag-ensayo ng mabuti." Mariin kong tinitigan ang mga miyembro ng swimming club. We have to win this competition.

"Pres." Napalingon ako kay Kieper na tumatakbo patungo sa direksiyon namin ni Jav.

"Why?"

"May naghahanap sayo, Nicolo raw." Tumango ako sa kanya.

"Ikaw munang bahala dito." Tinapik ko sa balikat si Jav bago lumabas.

Nakapamulsang nakasandal sa pader si Nico. Umayos ito ng tayo nang makita ako.

"What do you need?"

"Bagay nga talaga kayo ng pinsan ko. Palagi niyo na lang akong tinataboy." Nagkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa'kin.
"Hindi ako magtatagal, mamaya. May mahalaga tayong pag-uusapan tungkol kay Amaica Dela Cruz." Sumeryoso ang aking mukha nang mabanggit niya ang pangalang yun.

"Where?"

"I'll text you the exact address. May mga litrato rin akong ipapakita sayo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ok."

"By the way, anong nangyari sa inyo ni insan sa amusement park?" Alam ko na kung saan patungo ang usapang 'to.

"I have to go, Nico." Saad ko bago pumasok ulit. Narinig ko pa siyang sumigaw.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Jav nang makarating ako sa tabi niya.

"Nothing important."

••

《《Dash》》

"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Gi.

"Kanina pa sila nandito, ikaw na lang ang hinihintay." Humingi ng pasensya sa'min si Gi.

"Nabili na namin lahat ng kailangan niyo."

"Sad to say, napaaga ang event na'tin." Ang iba nalungkot, ang iba naman ay masaya dahil maliban sa malapit na ang exam, wala na na silang iisipin kong ganon.

"Kung gaanon. Kailan po magsta-start ang event?" Tanong ng katabi ko.

"Sa susunod na araw. Naisipan ng Dean na mapaaga ang event dahil bukod sa malapit na ang exam, may bagong event na naman ang darating." Anong event na naman kaya yun?

"Bukas, magtatayo na tayo ng mga booth niyo para pagdating ng event ididisplay niyo na lang yung mga ibebenta niyo." Nagsitanguan naman kaming lahat.

"Pwedeng matanong?" Saad ko sabay taas ng aking kaliwang kamay.

"Yes."

"Hmm, di ba may event rin ang swimming club sa araw na yun?"

"Oo, meron. Sa gustong manood, free kayong manood ng competition nila." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sagot ni Gi. Si Lily, manonood rin ba siyang kina Kieper?

••

《《Lily》》

"Time first muna." Ang sakit ng likod ko a.

"Lily, malapit na ang play na'tin." Saad ng malditang bida ng play na si Jade. Porket ikaw ang bida? Ang hirap kaya maging bato. Try mo ng malaman mong bruha ka.

Sarap sabunutan e.

"Ikaw dapat ang mag-ensayo kasi hanggang ngayon hindi mo pa memorize yang mga lines mo. Kaysa ako ang pagsabihan mo, bakit hindi na lang ikaw ang magpractice diyan?" Inirapan ko lang siya at umupo sa monoblock chair na nasa ibaba ng stage.

"What did you say?" Paulit-ulit. Ang effort niya ha, sinundan pa talaga ako pababa ng stage.

"Wala, may sinasabi ba ako?"

"Narinig kita." Boba, narinig naman pala niya. Bakit kailangan niya pang ipaulit. Sana ayos ka lang teh.

"What's happening here?" Mariing tanong ni Alex. Nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa'kin at kay Jade na parang maamong tupa kapag nandiyan si Alex.

"Siya ang nagsimula." Sabay turo niya sa'kin. Para talaga akong nasa mga novels kung saan babaliktarin ng kontrabida ang bida.

"Magpapahinga lang naman ako. Malay ko bang naiinggit yang babae na yan, bakit hindi ka rin magpahinga ha?" Ngumiwi lang ito sa'kin. Kapag talaga ako hindi nakapagpigil tanggal yang kilay mong parang angry birds sa kapal.

"Lily, kailangan niyong magpractice. Sa susunod na araw na ang play." Mahinahon na sambit ni Alex.

"Anong mag-iinsayo? Bato lang naman ang role ko. Ni wala nga akong linya." Tumayo ako at tinitigan si Alex.
"Ang gulo niyo, diyan na nga kayo."

Magpapractice akong maging bato. Gano'n?

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 437 39
Kaya mo bang pumasok sa klase nyo na ikaw lang ang nag iisang babae? Kaya mo bang sabayan ang pagiging basagulero nila at ang pagiging pasaway nila...
35.5K 1.6K 44
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
28.2K 341 4
Honoka keeps on seeing things that seems surreal. She and her friends got kidnapped. They were forcely taken to the academy they didn't know. The Mor...
1.3M 42.9K 51
UNEDITED Naranasan mo nabang pumasok sa klase na ikaw lang ang nag-iisang babae? Date Started:October 27,2020 Date Finished: March 10 2021 Only Girl...