My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

448 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 16

6 1 0
By Lhoysia


Tumikhim ako na nasa gilid lang. Asan na yung sinabi niyang hindi siya pumapatol sa kaibigan? Ha? Lily?

"Anong ginagawa namin dito? Malamang sinusundo ka. Ililibre raw tayo nitong si Dashne." Namilog ang mata ko. Wala pa naman akong sinasabi ah.

"Wait lang, magbibihis lang ako." 

"Wag ka na lang kayang magbihis." Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba'tong si Lily.

"Tsk, gusto mo lang makita ang katawan ko."

"Kapal mo. May iba akong gusto wag kang feeling shokoy ka!" Sobrang defensive naman nitong si Lily.

Habang naghihitay kaming dalawa ni Lily kay Kieper. May grupo ng kalalakihan na nagtutulakan palabas ng locker. Nang hindi sinasadyang natulak ako nong isa sa kanila kaya bumagsak ako sa pool.

"Dash!" Sinubukan kong itaas ang aking sarili para makalanghap ng hangin pero parang may humihila sa'kin pababa.

'Hanggang sa kabilang buhay, ikaw parin ang lalaking mamahalin ko, Kai.' Kasama non ang pagpatak ng aking luha.

'Mahal na mahal kita.'

"Tulungan niyo nga yung kaibigan ko! Kita niyong nalulunod na mga unggoy kayo!" May tubig na akong nainom dahilan nang maubo ako.

"Mababasa ang uniform na'min."

"Uniform niyo pa talaga inaalala niyo! Iligtas niyo ang kaibigan ko o kung ayaw niyong ipapalapa ko kayo sa Lion!" Hinampas-hampas ko na ang tubig dahil nawawalan na ako ng hininga.

Hanggang dito nalang ba?

《Lily's Pov》

Kung kaya ko lang lumangoy bakit hindi ako ang magliligtas sa kanya. Ano ba kasing ginagawa ni Kieper sa loob at ang tagal-tagal lumabas! Ano pa bang ginagawa niya sa loob? Taen aka naman Kieper!

"Dash!"
"Hoy! Saan kayo pupunta?!" Sigaw ko nang kumaripas ng takbo ang tatlong unggoy! Mga gago!

"Hayop kayo! Pag may nangyaring masama sa kaibigan ko ibabalik ko kayo sa kagubatan!"

"L-Lily." Nag-aalala akong napatingin kay Dash na sinusubukang i-ahon ang sarili. Pareho lang kaming malulunod pagtumalon ako diyan sa pool. Jusko!

"Dash, hahanap ako ng tulong. Huminga ka lang!" Asan na ba ang Kieper na yun?! Isa pa yung mo'kong. Sino ba ang hahanapin ko?

Tumakbo ako palabas. Sino naman ang hihingan ko ng tulong?!

"Lily."

"A-Alex!"
"Kailangan ko ng tulong mo." Hinila ko siya papasok ng swimming club.

"Anong kailangan mo?" Tinuro ko si Dash. Asan na siya?

"Si Dash!" Sigaw ko nang makita ko siyang nakalubog na sa tubig!

Walang alinlangang tinalon ni Alex ang pool.

"Help me." Tinulungan ko si Alex na hilahin si Dash pahiga sa may gilid. Sobrang putla na niya.

Maski ako pinagpapawisan.

"May pulso pa siya." Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito bigla.

"Den!" Nabitawan niya ang bag na dala at dinaluhan kaagad si Dash na walang malay.

Umusog si Alex para mabigayan ng lugar si Den. Kinikilig ako ngayon pero hindi pa pwede.
Binigyan niya kaagad ng madaliang CPR si Dash.

Kinagat ko ang aking dila para pigilan ang pagtili. Nang idampi ni Den ang kayang labi para bigyan ng hangin si Dash. Sa ikalawang pagkakataon hindi parin tumitigil si Den. Inulit niya ang ginawa kanina.

"Oh my god." Sambit ko ng umubo ng tubig si Dash na galing sa pool. Nanlamig ang buong katawan ko don a.

Matry nga kung anong lasa ng tubig. Ano ba'tong iniisip ko?

"Are you ok?" Tanong ni Den habang sinuklay ang buhok ni Dash. Hindi ako nagsisising ship ko ang dalawa. Lalayag rin ang dalawang 'to.

"Anong nangyari?" Tanong ni Kieper na kakalabas lang ng locker. Binatukan ko nga. Ang tagal-tagal lumabas e.

"Bakit ang tagal-tagal mong lumabas ha? Nalunod ni Dash."

"LBM ako. Ikaw kaya pabalik-balik sa banyo." Sambit nito habang nakahawak pa sa kanyang tiyan. Ganon ba? Ayos na naman naligtas ni Alex at ni Den ang buhay ni Dash. Haba ng hair a.

"Ayos ka lang ba Dash?" Tanong ni Alex na tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang basang buhok.

Patuloy lang sa pag-ubo si Dash ang dami niya sigurong tubig na nainom. Todo alalay naman sa kanya si Den.

Tinulungan ko na silang itayo si Dash. Parang wala pa itong lakas na tumayo.

"Wear this." Nilagay ni Den sa balikat ni Dash ang jacket na suot niya.

Lalayag na sila. Kapit lang.

••

"Kai, sandali." Pigil ko sa kanya nang mahawakan ko ang kanyang braso.

"Tigilan mo na ito, Amaica." Mariing sambit niya.

"Ayos naman tayo, hindi ba?" Bigla na lang naging ganito? Hindi ko na naiintidhan.

Marahas niyang sinuklay ang kanyang buhok. Madilim ang kanyang pagtingin sa'kin.

"Amaica, tumigil ka na." Kumalas ang aking pagkakahawak sa kanya.

"B-Bakit?" Nalilitong tanong ko sa kanya. Anong nagawa kong mali?

"W-Wala."

"S-Sabihin mo na sa'kin Kai!" Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. May tinatago sila na hindi ko alam. Kung tutuusin ako lang ang walang alam. Para akong tanga e.

"Sasabihin ko sayo sa isang kondisyon.." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago direkta akong tinitigan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"Lalayuan mo na ako." Pigilan ko ang aking paghinga dahil sa kanyang sinabi.

"S-Sabihin mo na." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Ikakasal na ako, Amaica." Humakbang ako ng kunti papalayo sa kanya. I-Ikakasal na siya? A-Anong kalokohan 'to?

"H-Hindi ako naniniwala, gumagawa ka lang ng paraan para layuan kita." Gumagawa lang siya ng dahilan para tumigil na ako.

"Totoo, Amaica." Napatingin ako sa likuran niya ng biglang dumating sina Laurie at Korn.

Pilit kong tinatago ang nararamdaman ko para hindi nila mahalata.

"A-Anong ibig niyong sabihin?"

"Pinagkasundo kaming dalawa ni Kai na ipakasal." Umawang ang aking labi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa. K-kaibigan ko si Laurie paano niya nagawa ang bagay na ito?

"A-Alam mo Korn?" Tanong ko kay Korn na tahimik lang na nasa gilid marahan itong tumango.

Wala anumang salita nang talikuran ko na lang sila. Tinawag pa ako ni Korn pero hindi ko ito nilingon. P-Paano nila nagawa sa'kin ito?

Sinubukan kong huminga ng maayos pero nag-uunahan na sa pagtulo ang aking mga luha. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng na nasa pasilyo.

"Kung isa lang itong panaginip pakiusap gisingin niyo na ako."

Gusto ko ng umuwi.

Kinuha ko kaagad ang gamit ko nang makarating ako sa silid namin.

Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalabas sa paaralang 'to.

"Maica." Mahigpit ang pagkayakap ko sa aking mga libro bago nakalabas ng gate nang paaralan namin.

Si ate ang kailangan ko ngayon.  Si Ate Annica ang.

••

"Are you ok?" Paulit-ulit na tanong ni Den habang nakasakay kami sa sasakyan niya. Siya na ang nag-volunteer na ihatid ako sa condo unit ko.

"I'm fine." Sagot ko sa kanya.

I can't believe na malapit na akong malunod kanina. Niyakap ko ang aking sarili gamit ang jacket ni Den.

At si Alex hindi ko pa siya napapasalamatan sa pagligtas niya sa'kin  kanina.

Maayos niyang naiparada ang kanyang sasakyan sa harap ng building. Bago pa man ako makababa binigay ko sa kanya ang jacket na pinasuot niya sa'kin kanina.

"Thank you." Sabi ko sa kanya bago makababa.

"I call you later." Saad niya.

Hindi na ako nakapagtanong nang pinaadar na niya ang sasakyan paalis. .

Naiwan ako sa labas. Hindi naman na gaanong basa ang uniform ko. Hindi na rin ako nakapagbihis dahil wala naman akong extra shirt na dala.

Ilang hakbang ang ginawa ko papasok sa loob ng may maaninag akong pamilyar na tao.

"Tito?" I kissed his right cheek.
"What are doing here po?"

"Nicolo called me. Muntik ka na daw malunod. Are you ok, hija?" Nag-aalalang tanong ni tito.

"I'm fine po. You don't have to worry." I smiled at him.

"Sino pala yung naghatid sayo?" Oh, nakita pala niya.

"President po ng swimming club." Sagot ko na lang.

"Ok, hija. I'm just here to check you, if you are ok. Hindi na ako magtatagal wala ring kasama ang lolo mo sa bahay." Tito tapped my head.

Dumating ang isang black SUV.

"Bye." Kumaway ako kay tito nang makasakay siya sa van. Ito talagang si Nicolo pinag-alala pa si tito. Bumiyahe pa siya dito para i-check lang ako. I'm not complaining, like hindi naman niya na kailangan pang bumiyahe ng ilang oras.

Napabuga ako ng hangin bago pumasok sa loob.

"Good evening, maam."

"Good evening din po, manong." Bati ko pabalik sa gwardiya.

Hindi na ako gumamit ng elevator mas gusto kong maghagdan na lang. Nang may makasalubong akong matandang lalaki.

Kita kong nahihirapan siya sa pagbaba.

"Lolo, tulungan ko na po kayo." Inalalayan ko siya pababa ng hagdan. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay baka kasi mawalan siya ng balanse.

"Manong pakialalayan na lang si lolo." Sabi ko sa guard nang maihatid ko si lolo sa labas.

"Sige po maam." Ngumiti ako sa matanda nang may tumulong luha mula sa kanyang mata.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Mabilis niyang pinalis ang kanyang luha.

"Ayos lang ako, hija."

"Maiwan ko na po kayo." Bumaling ako sa gwardiya.
"Manong ingatan niyo si lolo."

"Makakaasa ka po maam."

Iniwan ko na silang dalawa sa labas. Pero kahit na ganon hindi parin nakaligtas sa'kin ang sinabi ng matanda na siyang ikinalingon ko muli sa kanya.

"Tara na po lolo. Ipapahatid ko na po kayo." Napaparanoid lang siguro ako. Tama bang tinawag niya ang pangalang, Amaica?

Nagkibit-balikat na lang ako. Bago tinungo ang hagdan.
Pero sa mga mata niya parang may kilala ako na hindi ko matandaan. Napapikit ako at hinilot bahagya ang aking sentido.

"Sana ayos ka lang, Dash." Sabi ko sa sarili.

••

"Amaica, anong nangyari sayo?" Mahigpit na yakap kaagad ang sinalubong ko kay ate pagkarating ko ng bahay.
"Ano bang nangyari sayo? At ang aga mong umuwi."

"Na-miss lang kasi kita ate at isa pa wala naman kaming guro ngayon." Marahan kong pinahid ang luha mula sa aking mata.

"Ikaw talagang bata ka." Hinagod ni ate ang aking likuran. Pinutura ko muna ang aking sarili bago humarap sa kanya. Walang bahid na galing ako sa iyak.

"Magbihis ka na. Magluluto muna ako." Pagtalikod ni ate siya ring pagbagsak ng aking mga luha. Iniisip ko bakit kailangan pa nilang ilihim sa'kin lahat? Kahit na intensiyon nilang wag akong saktan, nagawa pa rin nila.

"Ca, umiiyak ka ba?" Tumalikod muna ako kay Jamaica at pinahid ang aking luha.

"Hindi umiiyak, si Ca." Saad ko at binuhat siya. Pinipilit kong ngumiti sa harapan niya.

"Nagsisinungaling ka, Ca." Sabi niya at hinawakan ang aking pisngi.
"Umiyak ka."

"Yakapin mo nga si Ca." Pinalupot niya ang kanyang maliliit na braso sa aking leeg. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking luha.

"Wag ka ng umiyak, Ca."

Bakit ganito kasakit? Sobrang sakit eh.

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 859 19
Sunny is a famous student sa kasalukuyang panahon na makakapag travel to past, makakapunta sya sa panahon kung saan ang pilipinas ay nasa ilalim pa n...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
45.7K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...