My Love From The Past (Comple...

De Lhoysia

448 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... Mai multe

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 10

8 1 0
De Lhoysia

Nasa hapag kaming lahat nina mama. Tinulungan ko na si ate na magluto kahit hindi naman ako kasinggaling niya. Gusto ko ring matuto kahit papaano pero sadyang hindi ako mabilis matuto. Minsan sunog, minsan naman hilaw ang pagkakaluto ko.

"May sasabihin ako sa inyo." Malamig na tugon ni papa. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Bakit pa?" Tanong ko sa kanya.

"May kasalanan akong nagawa." Nabitawan ni mama ang kutsarang hawak niya. Napatingin siya kay papa na parang alam na ang kasalanan nito.

"Ano na namang ginawa mo Amelio?" Mariing tanong ni mama.

Mabilis akong napatingin sa labas ng bahay namin nang may sasakyang bigla na lang pumarada. Kinuha ko kaagad si Jamaica.

"Dapa!" Sigaw ko bago nila pinaputukan ang bahay namin gamit ang kanilang mga armas.

Tinakpan ko ang tainga ni Jamaica dahil sa lakas nang tunog ng baril.

"Diyos ko!" Matagal pa bago humupa ang putukan.

"W-Wala na ba?" Nanginginig na tanong ni ate. Hindi magkamayaw sa kakaiyak si Jamaica. Hinimas ko ang kanyang likuran.

Anong nangyari?

"P-Papa?" Nanginginig ang kamay kong niyugyog siya.
Nakahiga ito sa sahig. May bahid ng dugo ang kanyang damit.
"Papa."

"W-Wala na si papa, Amaica." Nakatulala akong napatingin kay ate na ngayon at lumuluha.

"B-Buhay pa si papa, ate."
"M-Mama?" Pero hindi ito sumagot.

"Mama?" Gumapang ako papalapit dito pinaharap ko siya sa akin. May dugo sa kaliwang parte ng kanyang dibdib.

"M-ma!"

Sira ang buong gamit ng bahay dahil sa putukan na naganap. Bakit nila nagawa ito?

"W-Wala na silang dalawa ate." Humihikbing saad ko.

••

"Ano ba'to?" Marahas kong pinunasan ang luhang kumakawala sa aking mga mata habang nakasunod sa paglalakad kay Kieper. Patungo kami ngayon sa swimming club ng bigla kong namiss si papa. I know na matagal na siyang wala but I missed him so much.

"Dito ka lang, ibibigay ko'to sa kanila." Pinakita niya sa'kin ang bag. Tumango lang ako sa kanya. Sa pinakamataas ako na bleacher pumwesto.

Kita ko ang kabuuan ng swimming pool nila.

"Dash!" Sigaw sa'kin ni Kieper na nasa baba. Kumaway lang ako sa kanya. Isa-isa niyang binibigyan ang ka-members niya ng binake ko.

"Den, gusto mo?" Rinig kong usapan nila sa baba.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtetext kay Lily. Ayaw kong ipahalata na naaapektuhan ako sa presensya niya.

"Ang sarap ah. Sinong nagbake? Kung babae yan liligawan ko na." Nabulunan pa ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ng isa sa kanila. Seriously, dude? Dahil lang sa cupcakes? Gosh.

"Patay ka, pag ginawa mo yun." Natatawang saad naman ni Kieper. I think it's a wrong decision na sumama ako kay Kieper. Aside sa ako lang ang babaeng nandito, sigurado ako hindi sila titigil sa pang-aasar. Kulang na lang si Lily eh.

"Sino bang nagbake nito?"

'Lily, asan ka na?' Type ko ng message kay Lily. Hindi na ako komportable sa atmosphere dito. Halos pigilan ko na ang aking paghinga.

"Yun oh." Wala na akong ideya kong ano ng pinag-uusapan nila.

'Nasa drama club pa ako.'
'Punta ka dito, icheer mo'ko.' With sad emoticon.

Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat.

"Dash, saan ka pupunta?" Biglaang tanong ni Kieper. Nakatingin silang tatlo sa'kin lalo na si Den.

"Pinatawag ako ni Lily, kita na lang tayo mamaya." Saad ko at kumaripas ng takbo palabas. Gusto ko lang makatakas.

Kumalma ka lang puso.

Dumeritso na ako sa drama club. Ilang classroom lang ang pagitan nito sa swimming club kaya hindi na ako mahihirapan pang maglakad.

Kumatok muna ako sa pintuan ng club nila.

"Sino sila?"

"Nandiyan ba si Lily?" Tanong ko sa lalaking nagbukas ng pinto.

"Come in." Nilakihan nito ang siwang ng pintuan. Aakalain mo sa labas maliit lang ang space nito pero pag nakapasok ka na sa loob malaki pala may sarili rin silang stage.

"Nandito ka na rin." Pagod na humawak sa balikat ko si Lily.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako." Inalalayan ko siyang umupo sa bakanteng upuan.

"Ang dami mo sigurong role kaya napagod ka." Sabi ko sa kanya.
"Ano bang role mo?"

"Ang sakit nga ng likod ko." Reklamo niya.

"Anong role mo?" Pag-uulit ko. Nanakit rin ang paa ko sa kakalakad- takbo na ginawa ko.

"Bato." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bato?

••

Nakaupo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang puntod ni mama at papa. Ilang araw matapos ang insidente pinadali namin ang paglilibing sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang may gawa nito. Wala ring ibang nakakita sa pagsalakay ng mga yun.

"Halika na, Amaica." Tawag sa'kin ni ate.  Tumayo ako at pinagpag ang aking sarili. Ilang araw na rin hindi nakakapasok. Hindi ko man lang nakausap si Laurie at si Korn lalo na si Kai.

"Papasok ka na bukas." Tumango ako sa sinabi niya.
Kamakailan lang napapansin ko na si ate na ngumingiti pero bakit ako hindi ko magawa? Hindi gano'n kadaling tanggapin ang pagkawala nilang dalawa.

Napatigil kami sa paglalakad ng may sasakyang nakaparada sa tapat ng aming bahay. Ito yung sasakyan na pumarada nong gabi ng pamamaril sa'min. Una akong naglakad para harapin sila.

Tandang-tanda ko pa nong araw na yun. Kung paano sila walang tigil na nagpapaputok ng kanilang mga baril.

"Hindi ba't kayo ang namaril sa bahay namin?!" Hindi ko napigilan ang aking galit.

Hindi ako nito sinagot subalit may matandang lalaki ang lumabas mula sa sasakyan. Kaeadad lang ito ni papa.

"Amaica!" Sigaw ni ate  at hinila ako sa kanyang tabi.

Tinitigan ako ng matandang lalaki mula ulo hanggang paa.

"Anong gingawa niyo dito?!" Galit na singhal ni ate sa kanila.

"Ikaw ba si Amaica?" Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Hindi na iyon mahalaga. Gusto kong sabihin sayo na layuan mo si Kai Suarez." Anong kinalaman ni Kai dito?

"Bakit? Paano niyo nakilala si Kai?"

"Wag ka ng maraming tanong hija, kung ayaw mong mapahamak." Saad niya at pinakita pa ang baril na nasa kanyang bewang.

"Umalis na kayo!" Singhal sa kanila ni ate.

Paano nila nakilala si Kai?

••

Wala sa sariling napadilat ako ng aking mga mata.

"Hay, juskong babae ka! Pinag-alala mo'ko." Nag-aalalang saad ni Lily.

I have no idea of what happened.

"Nahimatay ka." Inayos ko ang aking upo. Nakahiga kasi ako sa kanyang hita habang pinapaypayan. Habang tumatagal mas lalong naging malala ang panaginip ko.

"Ayos ka na ba?" I smiled at her. Concern pala sa'kin ang kaibigan kong 'to.

"I'm fine." Paninigurado ko sa kanya.

"Tara na. Puntahan na na'tin si Kieper. Kanina pa tapos ang practice namin."

"Let's go."

Lumabas kaming dalawa sa drama club. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako nahimatay.

"Hey, cous." Inalis ko ang mabigat na kamay na nakapatong sa aking balikat.

"What the heck are you doing here, Piccolo?"

"Tsk, binibisita ka. Alam mo bang miss ka na ni lolo?"

"Hindi muna siya babiyahe ngayon." Saad ni Lily na patuloy parin akong pinapaypayan.

"Why?" Nakataas na kilay na tanong niya kay Lily.

"Nahimatay 'to kanina."

"Really, cous?"

"Stop that, Nico. Para kang bakla." Saway ko sa kanya nang ipatong niya ang kanyang palad sa aking noo.
Wala naman akong lagnat sadyang nahimatay lang ako nang walang dahilan.

"That's why you're pale." Hinawakan ni Nico ang mukha ko.

"Dash." Hindi na pala namin kailangan pumunta ng swimming club kasi kalalabas lang rin nila Kieper.

Dumungaw ako sa likuran ni Kieper nakasunod sa likuran niya si Den.

"Nandito ka na rin. Kain muna tayo baka mag-sleeping beauty na naman itong si Dash." Mahina kong siniko si Lily. Ang daldal talaga ng babaeng 'to. Walang preno ang bibig. Sayang at wala akong dalang tape na ipandidikit sa bibig niya.

"Why? What happened?"

"W-Wala-"

"Ito kasi ang nangyari. Kanina pumunta siya ng drama club tapos bigla na lang siyang nakatulala tapos umiiyak. Tinatawag ang pangalan ng lalaki. Kao, ba yun?" Nilagay niya pa ang kanyang hintuturo sa kanyang sentido.
"Hindi naman yun english ng baka."
"Aha! Kai. Yun, yun!" Napapikit na lang ako dahil sa lakas ng boses.

"Who's Kai?"
"May kakilala ka bang Kai, Dash?" Sunod-sunod na tanong ni Piccolo.

"Wala. Tara na gutom na ako." Una akong naglakad papuntang canteen. Walang preno ang bibig ni Lily.

Pero totoo bang binanggit ko ang pangalang Kai? I don't remember anything.

"Dash." I stopped walking without looking at him.

Nakatalikod parin ako sa kanya.

"Who's Kai?" Heto na naman ang puso ko. Bumilis na naman ito sa pagtibok.

"H-Hindi ko siya kilala."

"Hindi ba talaga?" Pumihit ako paharap sa kanya. Bakit ganon na lang siya makapagtanong sa'kin?

"Bakit? Kilala mo ba ang Kai na tinutukoy ni Lily kanina, Den?" Naningkit ang mga mata kong napatingin sa kanya. Posible ring may tinatago siya.

Yung pakiramdam na ngayon mulang siya nakilala pero parang nagkita na kayo sa nakaraan.

Continuă lectura

O să-ți placă și

481K 753 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
72.9K 4K 140
may mga taong darating sa buhay natin na magpaparamdam Kung gaano tayo ka importante ngunit taliwas non ang pananakit nila sa'tin. Ngunit sabi nga ni...
51.8K 1.3K 23
"Hindi ka aalis. Nangako kang gaganti ng utang na loob sa akin anuman ang hilingin ko dahil sa pagliligtas ko sayo. And I have decided kung ano ang g...