My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

448 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 8

10 1 0
By Lhoysia


"Ang ganda, hindi ba?" Tukoy ko sa malawak na karagatan. Ang lamig ng simoy ng hangin. Gaya ng pangako ko sa kanya. Dinala ko siya dito. Minsan na akong dinala dito ni papa.

"Ang ganda." Sabi niya pero sa akin nakatingin.

Sinalubong ko ang malakas na alon ng dagat. Matagal na ring hindi ako nakakapunta dito. At ngayon nakabalik na ako.

Bumagsak ako sa tubig nang may malakas na alon ang  sumalubong sa'kin. Pumasok pa sa ilong ko.

"Ayos ka lang?" Natatawang saad ni Kai na nasa dalampasigan.

"A-Ayos l-lang." Umuubo kong sabi. Nainom ko pa ang tubig. Ang alat ah.

Tumayo ako mula sa pagkakabagsak.

Tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming dalawa ni Kai.

"Dali na." Hinila ko na siya.

"Ang saya!" Sigaw ko habang itinaas pa ang aking dalawang kamay sa ere.

Basang-basa na ang buong katawan ko. Katulad na rin kay Kai. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito kasaya sa buong buhay ko.

"Amaica/ Kai." Sabay naming bigkas.

"Bakit/ bakit?" Nagkatinginan kaming dalawa habang nakahiga sa puting buhangin.

Mahina akong natawa.

"Anong sasabihin mo?" Ako na ang nagtanong sa kanya baka sabay na naman kami.

"Ikaw na." Saad niya sa'kin.

"Sabay na lang tayo." Sabi ko sa kanya. Sigurado naman akong hindi magkatulad ang sasabihin naming dalawa.
Tumango siya. Nakatingin lang ito sa dagat parang may malalim na iniisip.

"Mahal kita/ mahal kita." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Totoo?" Gulat kong tanong sa kanya. Hindi ako makapaniwala.

Nagkibit balikat lang ito kaya umupo ako sa tabi niya.

"Totoo? Kai?" Niyugyog ko paa ng balikat niya. Baka nabingi lang ako o kaya nama'y mali lang ang pagkakarinig ko.

Tumayo siya at pinagpag ang kanyang sarili. Lumusong ito sa malamig na tubig ng dagat.

"Kai!" Lumingon ito sa'akin.
"Mahal din kita!" Sigaw ko sa kanya na siyang ikinalawak ng kanyang ngiti. Napatalon-talon ako dahil sa tuwa. Kami na ni Kai. Mahal niya raw ako.

••

Ilang araw ng nakakaraan at ngayon ang balik nila Kieper. Yung chocolate ni tito, hanggang ngayon hindi ko parin nauubos. Bigla na lang kasing sumakit ang tiyan ko.

"Kanina ka pa nakangiti diyan a. May uuwi nga naman. Sino sa kanila? Si Kieper o si Den?"

"Lily, masaya lang ako dahil babalik na si Kieper at maibigay ko na rin sa kanya yung mga chocolates ni tito." Ngumiwi lang siya dahil sa sinabi ko. Naubos na niya ang chocolate na ibinigay ko sa kanya. Gano'n ba talaga siya kabilis na kumain.

"Ito oh. Alam kong gutom ka na water lily." Nilapag ko sa harapan niya ang isang tupperware. Gumawa kasi kami ng tuna sandwich sa cooking club. Sinubukan ko ring gumawa, tama naman ang lasa niya.

"May natutunan ka na rin palang gawin sa cooking club niyo a." Saad niya at inamoy pa ang laman ng tupperware.

"Don't worry, walang lason yan." Paninigurado ko.

"Hindi naman lason ang dahilan kung ba't ko ito inaamoy. Baka lang kasi panis na itong binigay mo."

"Kainin mo na nga lang." Nagpeace sign pa ito bago nilamon ang sandwich na gawa ko. Grabeng babae na'to. Halatang gutom na gutom a.

"Ilang araw ka ng hindi kumakain, Lily?" Napangalumbaba akong nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ko na lang siya habang kumakain.

"Tatlong araw na." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi na mabiro. Hindi lang ako kumain ng breakfast." I have no idea kung anong oras ng dating nina Kieper.

Nakatambay lang kaming dalawa ni Lily sa may bench na kaharap ng building namin.

"Infairness ah. Ang sarap ng gawa mo."

"Sadyang gutom ka lang talaga, Lily."
"Wala ba tayong prof. ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Wala may seminar raw ang mga prof. natin." Napatango-tango na lang ako. Napadalas yata ang paseseminar ng mga prof. namin.

"For sure, mamaya pa yun uuwi sina Kieper."

"Bakit tatlong sandwich ang ginawa mo? May pagbibigyan ka pa ba?"

"Kay Kieper yang isa." Turo ko sa blue na tupperware.
"At yan akin." Sabi ko at kinuha sa kamay niya ang isa pang tupperware.

"Gutom pa ako e." She said while pouting her lips.

"Di bagay sayo. Sayo na'to." Binigay ko na lang sa kanya yung akin.

"I love you, Dashne. Ang swerte sayo ni Den." Saad niya.

Napatingin ako sa mga estudyanteng dumadaan. Sa lakas ng boses niya maririnig siya ng mga ito.

"Shut up, Lily."

"Sus, kinikilig ka lang e." Pang-aasar niya.

"Hindi noh."

"Hindi raw. Ba't namumula ang tainga mo?" Napatakip ako ng dalawa kong tainga. Malakas itong humalakhak habang nakaturo pa sa'kin.
"In denial, Dash."

••

Dalawang araw ang nakalipas simula ng magpunta kami ni Kai sa dagat. Sobrang saya ko at hindi ako makapaniwala na magiging kaming dalawa.

"Ano yan?" Nasa loob kami ng kwarto niya. Kami lang tatlo ang nandito sa bahay. Si manang at kaming dalawa.

"Noodles?" Pinakita ko sa kanya ang bowl na may lamang noodles.

Naningkit ang dalawang mata niya. Nakangiting nakatingin lang ako sa kanya.

"Kulang naman yan sa tubig." Saad niya.

"Aww, hindi kasi ako marunong magluto." Napakamot ako ng ulo. Noodles na nga lang hindi ko pa magawa. Paano na lang kaya kong ibang pagkain ang lulutuin ko?

Tumayo siya dala yung bowl.

"Mahal mo naman ako di ba?"
"Kai!"

"Mahal." Sabi niya bago ako iwan mag-isa sa kwarto. Hindi mawala ang ngiti mula sa aking labi habang pinagmamasdan siyang lumabas ng silid.

Mahal niya nga ako.

••

"Sorry, talaga Dash. Hindi ako makakasabay sa'yo pag-uwi." Malungkot na sabi ni Lily habang pababa kami ng hagdan.

"Ano ka ba, it's ok. Kaya ko namang umuwi." Nakangiting sabi ko sa kanya habang hinawakan ang kanyang kamay.

"May rehearsal kasi kami ngayon, para sa play namin sa drama club."

"Ok lang, siguro sayo na lang 'to." Sabay taas ko sa plastic bag na may lamang mga chocolate. Matutunaw na'to pag hindi pa kinain. Kay Kieper ko sana yun ibibigay kaso wala pa siya dito.

"Para kay Kieper to e."

"Marami pa naman ako niyan sa condo. Bukas ko na lang ibibigay kay Kieper ang para sa kanya. Matutunaw na rin kasi yan pag hindi pa kinain."

"Salamat a. Sige, mauna na ako." Hinawakan ko ang starp ng aking bag.

"Bye." Kunaway ako sa kanya habang papalayo.

"Babye." Pinagmasdan ko na lang siya habang mawala siya sa paningin ko.

"Magcocommute ako ngayon? Wala pa naman akong sasakyang dala." Napatigil ako ng may nagsaboy sa'kin ng tubig. Hinihiningal akong nakatayo. What's happening?

'Hanggang sa kabilang buhay, ikaw pa rin ang lalaking mamahalin ko, Kai.'  May nakikita akong babae. Nasa malalim na parte ng dagat. Umiiyak hindi dahil sa tuwa it's  because of sadness.

'Mahal na mahal kita, Kai.'

Nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Wala ako sa sariling tahimik na umiiyak sa harapan ng hagdan.

"Dash?"
"Dash!" Lumingon ako sa lalaking nakahawak sa aking balikat. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha.
"Are you ok?"

"I'm ok." Inayos ko ang sarili kahit basa na ang suot kong uniform.

"Ihahatid na kita."

"Ayos lang, Den. Kaya ko na mang umuwi mag-isa."

"Ihahatid kita. That is not a question, that's a statement." Para akong posteng nakatayo mula sa aking kinatatayuan.

"Maglalakad ka o bubuhatin pa kita."

"I can walk." Mabilis na sagot ko bago sumunod sa kanya.

Nakarating kami sa parking lot nakasunod pa rin ako sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Get in." Kusang gumalaw ang katawan ko papasok ng sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

39.4K 764 52
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
2.7K 850 40
"You are the most precious gold that I found on earth, Spring. You're the sunshine that gives rainbow in my stormy, cloudy days." JUNIOR HIGH SERIES...
72.9K 4K 140
may mga taong darating sa buhay natin na magpaparamdam Kung gaano tayo ka importante ngunit taliwas non ang pananakit nila sa'tin. Ngunit sabi nga ni...