My Love From The Past (Comple...

By Lhoysia

485 48 3

Sa pagwakas ni Amaica sa kanyang buhay dahil sa labis na pag-ibig niya sa lalaking sumira ng tiwala niya. Is... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 5

14 3 0
By Lhoysia

"Tao po!" Sigaw ko habang nakaharap sa malaking bahay. Ito kasi yung sinabi sa'kin nila Laurie sa'kin na tinitirhan nila Kai. Nilakasan ko na ang loob kong pumunta dito.

"Ano pong kailangan nila?" Lumabas ang isang babae na may kaedaran na.

"May itatanong lang po sana ako."
"Dito po ba nakatira si Kai." Wala sa sariling napakamot ako ng ulo.

Ano ngang apelyido ni Kai? Hays, hindi ko kasi natanong e. Basta si Kai.

"Si Sir Kai po ba?" Tumango na lang ako. Basta Kai ang pangalan niya. Alam kong siya na yun.

"Asan po ba siya?"

"Ikaw ba si Amaica?" Tanong ng lalaking kakalabas lang ng bahay.

"Sir Hwaren." Tumabi ang matandang babae.

"Ako nga po."

"Pasukin mo siya, manang." Saad niya sa lalaki. Pinagbuksan ako ng gate nong babae.

"Manang, sino po yung lalaki?"

"Ah, si Sir Hwaren. Siya ang nakababatang kapatid ni Sir Kai." Napatango na lang ako. May kapatid pala si Kai. Akala ko nag-iisa lang siyang anak. Tsk, hindi ko naman alam ang family background niya.

"Pasok ka na." Sinundan ko lang si manang papasok ng bahay. Sobrang laki pala ng bahay nila Kai. Mayaman pala talaga sila.

"Umupo ka muna." Sinenyasan ako ni manang na umupo katapat ni Hwaren.

"Bakit ka napadalaw dito?" Wala naman akong balak magsinungaling sa kanya.

"Gusto ko lang sanang malaman kung anong nangyari kay Kai. Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok."

"Ikaw palang ang babaeng naglakas ng loob na pumunta dito." Natatawang sabi niya.
"Nasa itaas si kuya. Nagpapahinga, kagagaling lang niya sa lagnat."

Kaya naman pala hindi siya nakapasok ng ilang araw.

"Pwede ko ba siyang puntahan?"

"Hindi basta-basta nagpapapasok si kuya sa kwarto niya. Subukan mo lang baka papapasukin ka niya."
"Manang, ihatid mo si Amaica sa kwarto ni kuya." Tumayo ako nang pinalapit ako ni manang.

"Magkaibigan ba kayo ni Sir Kai?" Tanong ni manang habang paakyat kami ng hagdan.

"Hindi po." Mabilis na sagot ko.

"E, anong ginagawa mo dito kung ganon?"

"Manliligaw niya po ako." Napatigil si manang sa paglalakad. At hindi makapaniwalang napatingin sa'kin. Ako po ang nanliligaw, manang eh.

"Ano kamo?"
"Manliligaw?" Marahan akong kinurot ni manang sa tagiliran.

"Juskong bata ka, ang lalaki dapat ang nanliligaw hindi ang babaeng katulad mo." Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.

"Manang, ako lang ang may gusto sa kanya. Kaya ako ang nanliligaw para magustuhan niya ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ewan ko sayong bata ka."
"Ito na ang kwarto ni Sir Kai. Humanda ka, hindi mo pa nabubuksan ang pinto mababato ka na ng unan." Iniwan ako ni manang mag-isa sa harap ng pintuan.

"Malambot naman siguro na unan ang ibabato niya sa'kin. Hindi ba?" Bulong ko sa sarili. Pinihit ko ang siradura ng pinto ni Kai. Kakabukas ko pa nga lang unan na agad ang dumapo sa mukha ko.

"Aray naman." Napahawak ako sa aking mukha kung saan dumapo ang unan na binato niya.
"Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo ha?" Pinulot ko ang unan sa sahig at binato ulit sa kanya.

"Bakit ka nandito?"

"Ilang araw ka ng hindi pumapasok. Malay ko ba kung anong nangyari sayo." Kung anong ikinaganda ng bahay nila ganon din ang ikinalat ng kwarto niya.
"Hindi ka pa ba umiinom ng gamot mo?" May gamot pa kasi ibabaw ng mesa sa gilid ng kama niya, wala pang bawas.

"Hindi ako umiinom ng gamot." Parang ganito rin yung nangyari sa'kin noon a.

"Inumin mo na yan. Sa makalawa na tayo pupunta sa sinasabi ko sayong asul na dagat." Pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay.

"Hindi ako umiinom ng gamot." Pag-uulit niya.

"Ito oh. Panulak." Dinukot ko ang candy na nasa aking bulsa.

Alam ko ang pakiramdam na papainumin ka ng gamot kahiy ayaw mo. Kung gaano kapait ito.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Maraming libro ang narito. Hilig niya talaga ang pagbabasa.

"Sayo ba lahat ng 'to?" Turo ko sa mga libro na naririto.

"Oo, bigay lahat yan sa'kin ni papa." Ang bait naman pala ng papa niya e. Binigay lahat ng mga 'to sa kanya.

"Nakilala ko pa la yung kapatid mo. Mas gwapo pa pala siya kesa sayo."

"Tsk." Tago akong napangiti.

"Sana pala siya na lang niligawan ko." Madilim siyang napatingin sa'kin.

"Subukan mo lang." Mas lumapad ang ngiti ko. Abot tainga na nga e.

••

"Anong nangyari kahapon? Sabi nila magkasama raw kayo ni Den. Chika muna sa'kin bilis." Pangungulit sa'kin ni Lily.

Ano naman ang ikukwento ko sa kanya. Namili lang naman kami ng mga kakailanganin namin para sa members ng swimming club then wala na.

"Namili lang naman kami ng mga kakailanganin na ingredients para sa kakainin ng mga taga-swimming club." Sabi ko sa kanya.

"Bakit sa sasakyan ka niya sumakay? Di ba may sasakyan ka naman?"

"Oo, nga." Sabat naman ni Kieper na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.

"Nasira ang sasakyan ko. Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Di ba? Pagpunta na'tin dito ayos pa naman yun?"

"Isa lang meaning niyan. Ang tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin kayo. Ganyan rin ang napapanood ko sa mga k-drama." Iba ang k-drama sa sitwasyon ko. This is reality.

"Kieper, di ba ngayon ang alis niyo?"

"Oo, humingi pa ng consent si Den para sa pag-alis namin." Napatango na lang ako.

Ang ibig sabihin lang nito si Lily lang ang makakasama ko sa buong linggo. One week silang mag-iistay sa kung saan mang lugar sila pupunta.

"Alis na ako." Tinapik ni Kieper ang balikat ko at bumulong.
"Wag kang mag-alala pipicturan ko si Den para sayo." Muntik ko ng mabato sa kanya ang libro nakapatong sa table ko. Kahit kailan talaga.

"Wag mo rin akong kalimutan Kieper!" Sigaw ni Lily sa papalabas na si Kieper.

Lima kaming naka-assign sa paggawa ng sandwich. Bale, fifty sandwiches lahat ang ginawa namin. Binigyan kasi kami ng list of members ng swimming club. Marami talaga sila.

Ang iba naman tumulong kina Gigi para sa iba pang dadalhin ng mga taga-swimming club. Wala namang problema sa kakainin nila para sa susunod na araw dahil may pagkain na sila don. Binayaran na yun ni Den. Malaki ang budget ng swimming club kesa sa iba pang club na nandito.

"Ano palang nangyari sa audition mo?" Humalakhak lang si Lily. May nakakatawa sigurong nangyari.

••

《Lily's Pov》

"Ito nga ang nangyari. Listen carefully ok?"

(Flashback)

Oh gosh, nandito na talaga ako. Hindi kalayuan natanaw ko na ang club president namin. Hindi talaga ako nagkamali na dito ako sumali. This is it.

"Register muna kayo para sa audition." Sabi nong lalaking nasa harapan. Nauna na ako sa linya.

"Hello po." Masayang bati ko sa kanila.

"Hi." Bati no'n sa'kin ni Alex siya ang president ng club na'to. Ang gwapo niya.

"Ang gwapo mo." Mahina itong natawa.
"Hindi talaga ako makapaniwala." Nanginginig na ang kamay ko.

"Magaling ka ba sa pag-acting?" Tanong nong isang lalaki katabi ni Alex.

"Me? Hindi sa pagmamayabang pero ang dami kong talents."

"Can we see?" Ito na ang chance ko para maipamalas ang aking galing.

"Sure." Humarap ako sa kanila ng may mapang-akit na tingin.

"Hey baby." Itinaas ko ang aking mga paa at ipinatong sa mesa.

"Wow, clap your hands."
"Para talagang makatotohanan." Sabi ni Alex.

"Salamat." Nakangiting sabi ko.
"Marunong din akong kumanta."

"I wanna dance with somebody~
"I wanna feel the heat with somebody~

Sinabayan ko pa ito ng sayaw.

"Amazing."
"Isulat muna ang pangalan mo dito." Sabi niya. Kahit nanginginig pa ang kamay ko nagawa ko paring maisulat ang pangalan ko ng maayos.

(End of flashback)

"Ginawa mo talaga yun?" Gulat na tanong ni Dash. Bakit ganon na lang kahirap paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi ko? Hindi ba talaga ako kapani-paniwala.

"Oo, noh."
"Naipasa ko naman ang audition." Pumalakpak pa ako. Ang laking achievement na non para sa'kin.

Hays, ang gwapo talaga ni Alex. Tinamaan na yata ako.

••

《Dash Pov》

Napatingin ako sa phone ko ng bigla na lang itong nagvibrate. Nicolo. Ano pa ba ang kailangan niya? I answered his call.

"What?"

[Can we talk? I have something to tell you.]

"Where are you?" Itetext lang daw niya sa'kin ang location kong saan kami magkikitang dalawa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking yun.

"May pupuntahan ka ba after ng class?" Tanong ni Lily. Last subject teacher na kasi namin ang nagtuturo ngayon.

"Oo, may kikitain ako."

"Sino? Gwapo ba?" Yun pa talaga ang inaalala niya. Tsk, Nicolo is a bad ass playboy.

"No." Sagot ko sa kanya. Lily is pretty, at ayaw kong ipakilala sa kanya si Nicolo dahil for sure gagawin lang niya 'tong pampalipas oras. At isa pa ayaw kong masaktan si Lily ng dahil sa lalaking yun.

"Class dismissed." Sabi ng prof. bago lumabas ng classroom.

"Magkita na lang tayo bukas." Saad ko sa kanya. Lumabas na rin ako ng classroom kasunod ng prof. namin. Sa parking lot lang kami magkikita ni Nicolo. Ayaw ko na sa malayo, wala rin akong sasakyang dala dahil pinaayos ko pa.

"Anong kailangan mo?"

"Tsk, kahapon ko pa nga gustong sabihin sayo yun sa mall. Kaso bigla mo akong tinakasan." Nakasandal ito sa sasakyan niya, for sure sa kanya yun.

"Ano ngang kailangan mo?"

"Easy, cous." Yeah, we're cousin.
"Pinapasabi lang ni lolo na baka may oras kang dalawin siya."

"Wala naman akong gagawin ngayon, sasabay na lang ako sa'yo." Inihagis pa nito ang susi niya sa ere.

"Let's go." Sumakay ako sa passenger seat.

"Hindi mo ako driver."

"Ngayon, driver kita. Wag ka na ngang magreklamo diyan. Piccolo." Pang-aasar ko sa kanya. Narinig ko siyang nagmura. Bata pa lang kami yan na ang ginawa kong pangalan para asarin siya.

"Nicolo not Piccolo." Pagtatama niya sa'kin.

"Whatever, cousin." Sumandal ako sa back seat. Wala akong panahon na mabisita si lolo dahil may kalayuan ang bahay niya mula sa condo ko . Ilang oras din yung biyahe.

"Nakauwi na pala si dad kanina lang."

"Sino?" Tanong ko. Humalukipkip sa lang ako likuran.

"Really? Dashne?"
"Hindi muna kilala kung sino ang dad ko."

"Malay ko ba. Tatlo silang magkakapatid no. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang gumawa sa'yo."

"Matagal ng patay ang isa nilang kapatid kaya dalawa na lang sila." Oh, ang dami ko palang hindi alam sa pamilya namin.

Si lolo papa siya ng papa ko. Ang ibig sabihin lang non magkapatid ang papa ko at ang papa ni Nicolo. Actually, tatlo silang makakapatid. Until now hindi ko parin nakikita ang isa ko pang tito.

Pumasok niya ang sasakyan sa malaking gate. Masyon ang bahay ni lolo. In short, mayaman siya.

"We're here."
"Kapagod mag-drive." Nagstrech pa siya ng kamay ng makababa kami.

"You're here."

"Dad, hindi ka na kilala ni Dash." Napairap na lang ako. Hindi ako ganon kadaling makalimot.

"Tito Hwaren." Yumakap ako sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 42.9K 51
UNEDITED Naranasan mo nabang pumasok sa klase na ikaw lang ang nag-iisang babae? Date Started:October 27,2020 Date Finished: March 10 2021 Only Girl...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
849K 1.2K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
410K 13.5K 39
[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandi...