NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTA

By JasperCerteza

373 243 26

NOT YOUR TYPICAL MAN | Jaedan Eros Acosta #1 "Not the Man you expecting. You are mistaken, Miss." MOST IMPRES... More

JAEDAN EROS ACOSTA
--
1
2
4
5
6
7

3

40 35 3
By JasperCerteza

3


Ariela Moon Lerona

Hindi ko namalayan na nakadating na pala kami sa paroroonan namin dahil buong byahe kaming walang imik at ako naman ay tulala lamang. 

I can't still digest how this moron kissed me out of the blue! And the shocking is! That's my first kiss! 

Mukha lang akong maldita, lakwatsera, laman ng night clubs at kung ano-ano pa pero aaminin ko ni kahit sinong lalaki na lumalapit sa akin ay nag paparamdam or should I say nag iisist ay hindi ko pinapayagan na galawin ako or something.

And here I am. Giving my first kiss to this moron! No! He steal it! This fucker!

Bumaba kami sa kotse at alam na alam ko na talaga ang ugali ng lalaki na Ito kahit ngayon lang kami nag kakilala.

Ang walang modo! Wag ba naman pagbuksan ang asawa niya ng pintuan? Ang rude talaga niya! Kasing gaspang ng daan ang ugali! Ayaw man lang mag pa sweet kahit papaano. 

Yeah right. He's not like that. He's rude moron!

Nag lakad kami papasok sa bahay. Nasa likod niya lang ako. Walang imikan, kaya nilibang ko nalang ang pag tingin sa kabuuan ng bahay.

It's just simple yet beautiful. Masasabi ko na maganda ang loob kahit hindi ko pa Ito nakikita ito, alangan namang ang ganda ng labas tapos ang loob dugyot? Parang si Jaedan, dugyot.

Ng makapasok kami sa loob ay doon lang niya ako hinarap. Busy pa ako sa pagtingin-tingin at paghanga sa kabuan ng bahay pero napalingon na 'din ako sa kanya kasi tila biyernes santo ang mukha sa sobrang lukot at sungit.

"Nadito na ang mga damit mo," tinuro niya yung mga maleta ko na nasa tabi ng hagdan, "pumili ka nalang ng kwarto mo sa taas."

"Ano at? Paano napunta dito iyan?" Gulong tanong ko sa kanya.

"Ask your parents, don't me. Malay ko ba na excited sila dahil sa plano nila?" Sabi niya, nakangisi bago ako iniwan at pumunta sa taas.

Hindi ako mapakapaniwalang sinundan ng tingin ang bulto ni Jaedan hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga isipin nitong si Jaedan.

Masyadong nega ang mga iniisip niya. Alam ko naman na ayaw niya sa kasal, pero ang pag isipan niya ng masama ang magulang ko at tapunan ako ng kung ano-anong salita na wala namang katotohanan ay below the belt na naman ata.

Gusto ko man na umalis at dalhin ang lahat ng gamit ko pabalik sa bahay namin ay alam ko na magagalit sila Mommy. Ayoko mapaulanan ng sermon.

Kaya kahit ayaw ko ay inakyat ko ang mga maleta ko papunta sa taas. 

Masyadong mabigat ang mga maleta ko. Mukhang halos lahat ng gamit ko ay nadito na. Ilang maleta iyon. 

Pahirapan ang pag taas ko sa mga maleta. Naiakyat ko ang isang maleta ngunit ang mga sumunod ay masyadong malalaki at mabibigat. 

Sinubukan ko buhatin ang dalawang natitirang maleta ngunit muntik pa akong mahulog! Mabuti nalang at hindi sumala ang paa ko kun'di bagok ang ulo ko ng wala sa oras.

Sinubukan ko muli na buhatin ang mga maleta ngunit laking gulat ko ng biglang agawin iyon ni Jaedan at siya na ang nag buhat papunta sa taas. 

Nakabihis na siya ng grey na t-shirt, black sport short at birkenstocks na tsinelas. Mukhang nadito na 'din ang gamit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay ng maibaba ba niya ang mga maleta sa taas. Tinignan lang niya ako saglit bago nag lakad papunta kung saan nag sisilbi ang kwarto niya. 

Oh? Nakapili na siya? Alam na talaga niya na may bahay na kami. God.

Hindi ko nalang pinansin ang panandaliang pagiging gentleman niya. Umakyat nalang ako at namili ng kwarto. Mayroong apat na kwarto sa taas at ang isang nasa dulo ay kay Jaedan. Binuksan ko isa-isa yung kwarto. 

Inuna ko yung nasa tabi ng kay Jaedan. It's all white painted at kumpleto na 'din ang gamit ngunit Wala sa taste ko iyon. Ang pangalawa naman ay may master bedroom at grey naman ang pintura ng dingding pero naisip ko na mag isa lang naman ako. 

Tinignan ko ang pangatlong kwarto at pumasa Ito sa taste ko dahil kulay violet ang pintura ng dingding, may bookshelf, aircon, lamp sa tabi ng kama at study table na 'din. It's simple yet aesthetic! I love this!

Dinala ko doon yung mga gamit ko at inayos muna iyon sa closet sa loob. Amoy bagong gawa pa ang closet pero maganda Ito. Ng matapos ay sa banyo naman ako pumunta. May bathtub pala Ito kaya na excite ako! Inayos ko nalang yung mga gamit pangbanyo ko bago ako lumabas.

Wala akong ginawa sa buong umaga kun'di ang mag linis. Ng mapagod ako ay humiga ako sa kama ko at pumikit saglit para sana magpahinga kahit kaunti.

Everything is fine ng biglang mag flash sa isip ko ang halik ni Jaedan! 

What the?!

Napamulat tuloy ako ng wala sa oras! Gusto ko lang naman mag pahinga! Napailing-iling nalang ako at umupo nalang. Nilibang ko ang sarili ko sa ibang isipin. 

God. Parang kahapon lang single ako tapos ngayon kasal na sa isang bastardo na si Jaedan Eros Acosta! Wow! Ang galing!

Natawa nalang ako sa pinagiisip ko! Gusto ko man mag sisi ngunit huli na at wala na ako magagawa. Alam ko na lilipas ito at parehas naming aayawan ni Jaedan kapag hindi na namin kinaya ang pag trato namin sa isat-isa. Ang madali lang iyon lalo na at ipinakita na ni Jaedan ang ugali niya. 

Umirap ako sa kawalan bago ako nag palit ng damit, medjo na excite ako sa kwarto ko kaya hindi ko napansin na naka dress pa pala ako! Nag suot lang ako ng simpleng violet t-shirt at shorts, may slippers na 'din sa loob ng room. Napangiwi nalang ako ng birkenstocks din Ito kagaya ng kay Jaedan. 

Imbes na mag inarte ay bumaba nalang ako at dumiretso sa kusina. Nagulat pa ako ng makita ko si Jaedan sa lamesa at kumakain na mag isa. 

Ang rude talaga niya! Hindi man lang nag aya!

"Magandang tanghali." Bati ko sa kanya. 

Tumingin lang siya sa akin saglit bago ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Umirap nalang ako. Ang hirap niya pakisamahan ha? Ang sarap batukan! Charot baka mabulunan.

Hindi na ako nag himutok pa at napagdesisyunan nalang na kumain na 'din. Tinanaw ko muna ang mga luto at mukhang siya ang nag luto. Napangiwi ako ng makita ang bacons, hotdogs at itlog, and the worst is sunog! Hindi naman masyadong torture at pede pa kainin. Pero? The hell? 

Kumulo naman ang tiyan ko dahil sa gutom Kaya napagdesisyunan ko na umupo na ngunit hindi pa lumalapat ang pwetan ko sa upuan ay nag salita siya.

"It's only for me. Mag luto ka ng iyo." Sabi niya.

Hinila niya ang pinggan papunta sa kanya na akala mo ay bata na aagawa ng pagkain!

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi naman sana ako mag rereklamo kung hindi niya ako bigyan pero yung ganito? Nakakapanginit ng ulo! Demonyo!

"Tsk. Sa iyo na yang sunog mo na luto! Mag luluto talaga ako ng akin." Padabog akong tumayo at nag punta sa may ref.

Pero bago pa ako makadating ay nag salita siya.

"Good luck. Sana ay hindi mas worst sa luto ko ang luto mo." Tumawa pa siya na parang demonyo, no scratch, demonyo talaga siya!

Sisigawan ko pa sana kaso mas lalo lang siyang mang-aasar kaya nanahimik nalang ako at dumiretso na sa gagawin ko dahil gutom na 'din talaga ako.

Kumuha ako ng mga ingredients sa ref at thankful naman ako na may mga gulay at kumpleto ang mga rekados, mukhang bago kami tumira ay may grocery na. 

I decided to cook sinigang. Napatingin ako kay Jaedan na ngayon ay kumakain pa 'din at tila hindi ginagalaw ang pagkain lalo na yung sunog niyang ulam. Tsk. 

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Ginayat ko yung mga ingredients at ang manok. After that pinakuluan ko yung manok at nag patuloy na iyon. 

Hinayaan ko lang na maluto ang sinigang na niluluto ko. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa loob ng bawat cabinet sa kusina. Marami ang delata at kung ano-ano pa.

Napatingin pa ako kay Jaedan ngayon na nakahawak na ng cellphone at tila hindi nababawasan ang pagkain sa pinggan. Ang gago! Pinaghihintay ang pagkain! Ang sama!

Hindi 'din nagtagal ay naamoy ko na ang mabangong amoy ng sinigang. Tingnan ko muna kung malambot na ang manok, hinayaan ko uli na kuluan Ito bago hanguin.


"My god it's smells so good!" 

Inilapag ko yung bowl na may lamang sinigang sa lamesa bago humila ng isang bangko at umupo, nag lagay din agad ako ng kanin sa pinggan ko na kinuha ko 'din dahil hindi man lang nag abala si Jaedan na handaan ako ng kahit kutsara at pinggan man lang.

"My god! I miss this." Bulong ko habang inaayos ang napkin sa may lap ko. 

Feel ko hihimatayin ako sa sobrang excite! Ang tagal ko 'din hindi natikman ang luto ko! Simula kasi ng pinauwi ako nila Mommy sa mansion ay tanging mga kasambahay nalang ang nag luluto. 

May condo ako malapit sa hospital kung saan ako nag ttrabaho bilang OB. That's why simula noon natuto na akong maging independent at makibagay hindi bilang isang tagapag mana ng Kumpanya. Ayaw pa nga ako pag trabahuhin ni Daddy but I blackmailed them, kapag hindi nila ako pinayagan ay hindi ako mag ttake over sa Kumpanya nila. Guess pumatok siya, naka nakapagtrabaho ako.

"You cook?" Napukaw ng boses ni Jaedan ang mga isipin ko.

Napatingin ako sa kanya, taas kilay, "uhm yes?"


"That's sinigang," Sabi niya sabay lunok habang nakatingin sa sinigang, "and it's smells good huh?"


"Thanks... Pero alam mo ba na masarap ang sinigang hindi lang kapag inamoy mo? Dapat tikman mo din! Wait saglit..." 

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kumuha ng isang bowl at nag lagay doon ng sinigang, dala ko iyon pag balik ko sa lamesa. 

"Here... Taste it." Inilapag ko yung bowl sa harapan niya.

Bahagya pang kumunot ang noo niya ng bigyan ko siya ng pagkain. Yeah right, ang nangyari kanina ay nakalimutan ko. Pero hindi naman ako ganoong tao, hindi ko ginagawa ang ginawa nila sa akin. Just stay humble.

"Don't worry wala yang lason... and about sa nangyari kanina, okay lang." Sabi ko bago ako bumalik sa pag kakaupo ko.

Nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin hanggang sa makaupo ako, I just smiled at him. Ineexpect ko na mag susungit siya, pero laking gulat ko ng ngitian niya ako pabalik!

And damn this feel! Para akong nasa langit ng ngitian niya ako! I feel my heartbeat so fast! That's a genuine one! Wow!

"Masarap." Komento niya matapos tikman ang luto ko.

I just smiled at him again ngunit tumango lang siya. At least hindi siya nag sungit diba? 

Pero mas maganda pa 'din kung ngingiti siya! Mas lalong lumalabas ang kagwapuhan niya! 

"Alam mo dapat palagi kang ngumiti." Suggestion ko.

Kumunot ang noo niya, "why?"

"Mas lalo kang gumagwapo, hindi ka nakakatakot tignan." Nakangiting sabi ko.

I don't know if it's just me or guni-guni ko lang iyon ngunit nakita ko ang pamumula ng pisngi niya gayun 'din ang paglabas ng kaunting ngisi sa labi niya.

"Just eat Ariela."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...