It All Started With The Royal...

By CloudMeadows

1.3M 60.3K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... More

intro.
i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.
xi.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xviii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxviii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxii.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

xxxviii.

25.2K 1.1K 341
By CloudMeadows

Flashback

[TRIGGER WARNING]

I can feel the stinging sensation between my legs. Ang sakit, gusto ko na lang mamatay kaysa maranasan ito. Nanghina ang buong katawan ko at wala na akong lakas upang pigilan sila sa pangbababoy nila sa akin. Gusto kong masuka sa pandidiri. 

"Boss! Kailangan na nating umalis! May mga nakatakas na bata at paniguradong papunta na rito ang mga pulis!" sigaw ng kasamahan nila. 

Napatigil siya sa ginagawa niya sa akin at lumingon doon sa lalaki. 

Mommy . . .  gusto ko ng umalis sa lugar na 'to.

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong nung isang nakahawak sa akin. Paniguradong ako yung tinutukoy niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagmaang-maangan na nawalan ng malay. Nanginginig pa rin yung katawan ko.

"Iwanan niyo na 'yan, tara na!" 

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa hindi ko na maramdaman yung presensya nila sa paligid. Bumangon ako pero napadaing ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan. Naiiyak kong inayos ang aking damit at napatingin ako sa dugong tumutulo mula sa pagitan ng hita ko. Hindi ko na napigilan at napahagulgol ako sa sakit at pandidiri.

Sinubukan kong maglakad pero bumigay agad yung tuhod ko at napaupo ako. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Punong puno ng sigaw at iyak ang abandunadong eskwelahan na 'to at alam kong hindi lang ako ang biktima. 

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at umaasa pa rin ako na isa itong masamang panaginip. Napapikit ako nang mariin habang iniisip ko kung ano na kayang iniisip ngayon nila mama. Hinahanap kaya nila ako? 

Nakatulog yata ako sa kakaisip at nagising na lang ako dahil sa kakaibang ingay. Iminulat ko ang mga mata ko at napatingin ako sa paligid. May mga pulis at mga medikong abala sa pagsagip ng mga babaeng ka-edad ko. Nalilito pa ako sa una hanggang sa napansin ng isang babae na nakasuot ng police attire na nakamulat ako at litong lito sa nangyayari.

"Hija? Naririnig mo ba ako?" tanong niya.

Tumango lang ako. Wala rin akong lakas upang magsalita. Ngayon ko lang din napansin na nakahiga ako sa isang stretcher. 

"You're safe now. Idadala ka namin sa pinakamalapit na hospital upang magamot ka, okay?" Ang hinahon ng boses niya kumpara sa kaguluhang nangyayari ngayon.

You're safe now.

Parang gusto kong umiyak nang marinig ko yung mga salitang 'yon. Sa wakas, wala na ako sa gusali na 'yon. Wala na ako sa impyernong bumaboy sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakaligtas ako o malulungkot dahil alam kong habang buhay na mababaon sa alaala ko ang nangyari sa akin ngayon.

"No! No! Stephanie wake up!" 

Napatingin ako sa kalsada na 'di kalayuan sa kinaroroonan namin. Mukhang may aksidenteng naganap doon dahil may mga mediko ring umaasikaso roon. May babaeng nakahandusay sa sahig at duguan siya. Sa tabi nito ay isang lalaki na kanina pa umiiyak.

Napatingin ako sa luhaan niyang mukha. Di man gaano kalinaw dahil sa distansya namin pero alam kong sa mga oras na 'to ay natatakot siyang mawalan ng taong mahalaga sa kanya. Naisip ko ulit ang pamilya ko. Alam kong sobra silang masasaktan kapag nalaman nila kung anong nangyari sa akin.

Nakatingin lang ako sa dalawa mula sa stretcher na kinahihigaan ko pero nawalan din ako ng malay kalaunan. 

***

Nagising ako at una kong napansin ang puting kisame. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si mama na umiiyak habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ko. 

Bumalik sa aking memorya ang mga nangyari at muli akong nasampal ng katotohanan na hindi panaginip ang mga nangyari sa gusaling 'yon. 

"Anak?" bigkas ni mama nang mapansin niya na gising na ako. Hinawakan niya yung pisngi ko at naiiyak na tumingin sa mga pasang natamo ng katawan ko. Hindi na ulit siya nagsalita dahil tanging hikbi ang lumalabas mula sa kanyang bibig.

"Ate . . ." mahinang sambit ng kapatid ko. Hinawakan niya rin yung kamay ko at nalilito siya kung bakit umiiyak si mama at kung bakit ako nasa hospital ngayon. Alam kong marami siyang katanungan. Ngunit bata pa siya, 'di niya kailangang malaman ang dahilan kung bakit ako nasa kalagayang ito.

Pinilit kong ngumiti at ginulo ko yung buhok niya, "Ayos lang ako. 'Wag ka na umiyak, ha?" Pinunasan ko yung luha niya. 

Pinilit ring magmukhang ayos kahit na para akong paulit ulit na sinasaksak sa loob. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako pero pinipilit kong maging matapang.

"Anak . . ." malungkot na tugon ni mama. Nginitian ko lang din siya. Ayokong magmukhang mahina sa harapan nila. Ayokong nakikita nila ako na mahina. Ayokong kinakaawaan nila ako dahil mas lalo lang din ako naaawa sa sarili ko.

Niyakap na lang ako ni mama nang mahigpit. Hindi niya muna ako tinanong dahil alam niyang hindi pa ako handa ngunit alam kong may ideya na siya base sa mga impormasyon galing sa mga pulis na nagligtas sa amin.

Lumipas ang ilang araw at magmula noong araw na nasagip ako ay hindi na ako tinantanan ng mga bangungot. Napanaginipan ko ulit yung babaeng kasama ko sa tabing dagat. Emily. Emily ang pangalan niya kaya't tinanong ko yung mga nurse dito kung may pasyente bang nagngangalang Emily

Ang naalala ko lang nung araw na 'yon ay nakilala ko siya noon at nasa tabing dagat kaming pareho. Isa siya sa mga naging una kong kaibigan. Masaya kaming nagkukwentuhan at hindi namin namalayan na medyo napalayo na kami sa cottage namin nang bigla na lang may mga lalaking sumugod sa amin at sapilitan kaming pinaamoy ng chloroform.

Ngayon ko lang din nakumpirma na isa nga rin siya sa mga biktima ngunit na-transfer na siya sa ibang hospital. 

Hindi ulit ako makatulog at sa totoo lang, ayokong matulog dahil alam kong paulit ulit ko lang mapapanaginipan yung masalimuot na nangyari sa akin. Tumayo ako at maingat akong naglakad papalabas para hindi magising si mama. Kinuha ko yung jacket ko at naglakad lakad sa hallway ng hospital. 

Nakatulala lang akong naglalakad hanggang sa makarating ako sa rooftop ng hospital. Dumiretso ako sa railings at dahan-dahan akong umakyat rito. Humampas agad sa mukha ko ang malamig at malakas na simoy ng hangin. Dumungaw ako sa ibaba at ni kaba ay wala akong maramdaman. 

Makakatulog na ba ako nang payapa kung wawakasan ko ang buhay ko?

Napapikit ako at pinakiramdaman ko ang hangin. Kahit papaano ay nakaramdaman ako nang kakaunting gaan sa loob. Inangat ko yung isa kong paa ngunit naramdaman kong may humila sa braso ko kaya napamulat ako.

"What the hell are you doing?!" 

Napatingin ako sa lalaking nasa ibaba ko. Napalakas yata yung hila niya kaya natumba ako sa ibabaw ng katawan niya. Napadaing siya ng kaunti pero nakatingin siya sa akin na para akong nasisiraan ng bait.

Tumayo ako agad.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin naman niya maiintindihan yung pinagdadaanan ko ngayon. Tumalikod ako at akamang aalis kaso hinawakan niya ulit yung braso ko.

Naiirita akong lumingon pero napatigil ako nang makita ko yung takot sa mukha niya. He looks familiar. Mukhang nakita ko na yata siya ngunit 'di ko alam kung saan.

"You have no idea how many people wish they could live. Don't waste your life like that. Your life is valuable not only to you, but also to everyone around you." Bnitawan niya yung kamay ko at umalis na siya pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon.

Kanina pa ako nakatitig sa kawalan habang naglalaro sa isipan ko yung sinabi niya. Napatingin ulit ako sa railings, napailing ako at tumalikod. 

Who is he?

Naglakad lakad ulit ako at hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito sa ICU area. Napahinto ako at hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o nakikita ko ulit yung lalaki kanina?

Umiiyak siya habang nakahawak sa kamay ng babaeng nakahiga sa hospital bed at maraming nakakabit sa kanya na mga aparatos. 

So is this what he meant?

Muli kong naalala yung umiiyak na lalaki nung araw na nasagip ako. Nanlaki yung mga mata ko nang maalala ko na siya pala 'yon. 

"Stephanie, I'm sorry. Kung mas mabilis lang sana ako, hindi ka nakahiga ngayon dito," malungkot niyang saad at base sa boses niya ay kakatapos niya lang umiyak.

He really looks sad. Sino kaya yung babae?

Magmula nung gabing 'yon ay lagi na akong napapadpad sa ICU area at tahimik lang akong nakatingin sa kanila, lalo na doon sa lalaki. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi pa rin maalis sa isipan ko yung sinabi niya.

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko at muli kong nasilayan yung mga mata niya. Ngayon ko lang napansin kung gaano ito kaganda. His eyes are hazel brown but it almost looks like gold.

Hindi siya nagsalita at ganoon rin ako. Lumipas pa ang ilang araw at napag-alaman ko na ni-transfer na nila yung pasyente mula sa ICU. Hindi ko alam pero nung gabing 'yon, nakaramdam ako ng kakaibang lungkot lalo na't di ko na siya makikita tuwing maglalakad ako sa ICU area.

Lumipas pa ang ilang buwan at na-discharge na rin ako sa hospital. Unti-unti ko ring nakalimutan yung lalaki na nagligtas sa akin mula sa rooftop. Sa totoo lang, gusto ko ng makalimutan lahat ng nangyari. Gusto kong magsimula ng bagong buhay paglabas ko sa hospital na 'to.

End of flashback

Ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. May naririnig ako ngayon na nag uusap ngunit 'di ako sigurado kung kaninong boses ang mga ito. 

"She's not in great condition. She lacks nutrition and she's sleep-deprived, and I believe she has been stressed these recent months, which is why she collapsed. She really needs to be careful lalo na't maselan ang kanyang pagbubuntis."

"Thank you, Doc. We'll take care of her." 

Narinig kong nagbukas sara ang pinto kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi na ito panaginip 'di ba? Napahawak ako sa tiyan ko at muling naglaro sa utak ko yung sinabi ng doctor kanina.

"Callie?"

Napatigil ako sa kakaisip at napakunot noo. Is that Drake's voice?

"She's awake?"

Huh? Derick? Nananaginip pa ba ako? Bakit naririnig ko yung mga boses nila?

"Hey brat, buti naisipan mo pang bumangon." 

Devyn the devil? I know it's been six months at hindi ako makapaniwala na nami-miss ko yung boses ng demonyong lalaking 'to. 

Nakumpirma na hindi ako nananaginip dahil nakita ko yung mukha ni Devyn sa tabi ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. He looks worried. Wait, worried? This guy?

"Long time no see, Cal." 

Napatingin ako kay Damien na nasa tabi ni Devyn. He looks worried too. Teka kagigising ko lang pero masyado akong nasisilaw sa mga mukha nila. Sinubukan kong umupo at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko silang lima na nakapaligid sa hospital bed na kinahihigaan ko.

"BABE? BABY? YOU'RE AWAKE!" 

This is . . . Dallas' voice. Hindi pa ako nakakalingon sa kanya pero naramdaman ko agad yung kamay niya na pumulupot sa katawan ko.

"Bakit 'di ka tumawag?! 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na tawagan mo ako?! Bakit━" 

Bigla siyang nahila papalayo sa akin at nakita ko na walong kamay ang humila sa kanya at nakatingin sa kanya nang masama. Sakto namang pumasok si Dylan at napatingin siya sa akin at sa mga kapatid niya.

"Ah, so ikaw pala yung tumulong sa kanya tumakas noon? Tapos hindi mo sinabi sa amin? Kaya pala kumakain ka lang ng pop corn sa sofa habang natataranta kaming hayop ka!" Nakangiting sabi ni Derick kaso yung kamay niya nasa leeg na ni Dallas.

"Wait! I can explain! Don't do this brothers!"

"Explain mo mukha mo! 6 months na saka ka lang mage-explain ngayon?!"

"Teka lang! Babe, help! Sisirain nila yung napakagwapo kong mukha━"

"Ulol! Manahimik ka." 

Hinila nung apat si Dallas palabas kaya kami na lang ni Dylan ang naiwan dito sa kwarto. Hindi niya pinansin yung lima at mabilis siyang lumapit sa tabi ko. Hinila niya agad yung katawan ko at maingat niya akong niyakap.

"Dylan?" Ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya. Hindi siya nagsalita at tahimik lang siya habang nakayakap sa akin.

Nanatili kami sa ganitong posisyon hanggang sa medyo nangalay ako kaya dahan-dahan ko siyang itinulak papalayo.

"Dy━" 

Kinuha niya yung kamay ko at saka niya ito hinalikan. "Callie . . . I was scared," he mumbled.

Napansin ko na nanginginig yung kamay niya habang nakahawak sa kamay ko. Oh my god, Dylan . . .

Hinawakan ko siya sa pisngi at inangat ko yung mukha niya. Doon ko lang nakita yung takot sa kanyang mga mata. His cold hazel eyes is replaced with fear and worry while looking at me. 

"When your brother called me using your phone . . . I━I  . . . " His voice is trembling. Ipinatong niya yung kamay niya sa kamay ko na nakadantay sa pisngi niya. "I thought I was gonna lose you and our baby." Napapikit siya at napayuko. "I'm sorry. Dapat hindi ako umalis. I should've stayed with you."

"No. Stop it, Dylan." Ipinulupot ko yung mga braso ko sa leeg niya at hinila siya papalapit sa akin. Seeing him like this makes my heart ache. 

"I'm sorry, Callie. I'm really sorry." Paulit ulit niyang bulong sa tainga ko.

I hug him tighter. "Shh. It's not your fault, Dylan. S-Stop." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kumalas siya at mabilis niyang pinunasan yung mga luha ko. Hinaplos niya yung tiyan ko at marahan niya itong hinalikan.

"I'm sorry," he said once again.

"Shut up. Stop saying sorry," naiinis kong sabi. 

Tumawa siya nang mahina habang pinupunasan niya yung mga luha ko.

"Fine, fine. Sorry." He grins.

Natawa ako saka ko siya inirapan. Naalala ko na naman yung panaginip ko kanina. It wasn't clear but I remembered our short encounter. Alam kong si Dylan yung lalaki noon sa hospital. I still remember his eyes but I never knew I'll meet him again like this.

Kinapa ko yung pisngi niya saka ko idinikit ang labi ko sa pisngi niya. "Thank you," I whispered.

Nanlaki yung mga mata niyang nakatingin sa akin. He wasn't expecting that. "For?" tanong niya.

"Everything." But I'm grateful for what he did back then. Kung hindi niya siguro ako pinigilan, siguro hindi ko siya kaharap ngayon.

"If you're that grateful, then you should've kissed me here." He points at his lips playfully.

Such a tempting offer. Hinila ko yung kwelyo ng damit niya saka ko ipinagdikit ang mga labi namin. Nanlaki ulit yung mga mata niya. Akala ba niya hindi ko seseryosohin yung sinabi niya? I bit his lips and kissed him hard. 

"Callie━"

"Shut up." Itinulak ko siya papahiga at bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko ulit siya. Nakapatong ako ngayon sa kanya habang abala ako sa paghalik sa kanya. Lumipat ang labi ko sa leeg niya at saka ito hinalikan. He smells nice.

"Callie," he groans. Napahawak siya sa balikat ko pero hindi ko siya pinansin. 

I kissed him on the lips again while my hands are busy roaming under his shirt. Nakapa ko agad yung matitigas niyang pandesal. I can tell he works out well. He let out another soft groan. I smiled against his lips and stop what I'm doing. 

Tumayo ako at umalis sa ibabaw niya na parang walang nangyari. Wow, I love teasing him now.

"What the hell?" He pants. Napatingin ako sa leeg niya na namumula. I did that. I gave him a hickey. I'm so proud of myself. 

"What?" inosente kong tanong.

"Saan ka pupunta?" Hinila niya yung kamay ko kaya napaupo ako sa pagitan ng hita niya. 

"Away from you," I teased him again. Sinamaan niya lang ako ng tingin. He's so cute.

"Where are we, by the way?" tanong ko.

"St. Lukes, we transferred you here with your brother's consent," sabi niya sabay halik sa batok ko. "Your family is on their way here."

Lumingon ako sa kanya, "Thank you, Dylan."

"Anything for you," he whispered and gently kissed my lips. 

Nagbukas bigla yung pinto at may narinig kaming sigaw, "Hoy! Social distancing! Callie lumayo ka diyan kay Dylan baka may virus━"

"Tang*na itapon niyo nga yan sa labas," naiinis na sabi ni Dylan.

"Sige," sagot nung apat.

"Anong sige?! Kapatid ko ba kayo, ha?!"

"Sana nga naging ampon ka na lang, Dallas. Ang ingay mo. Saan ka ba ipinaglihi ni mommy."

***

Pagkatapos nilang magbangayan, naiwan ako saglit mag isa dito sa kwarto. Sa wakas, tahimik na rin dahil halos mabingi ako kanina kasi pinagkaisahan nila si Dallas. May pinuntahan si Dallas at Damien habang si Devyn at Derick naman ay bumili ng pagkain. Si Drake ang nag prisinta na sumundo sa pamilya ko habang si Dylan naman ay inutusan kong bumili ng mangga na maasim. Ayaw niya sana akong iwan dahil walang magbabantay pero gusto ko muna mapag-isa kaya nag iwan siya ng mga guard niya sa labas. 

Napahaplos ako sa tiyan ko. 

"I'm sorry, baby." Napakagat ako sa labi ko. I've been reckless for these past months. Naging pabaya ako sa sarili ko at pati yung anak ko nadamay. 

"Please forgive me, I promise babawi ako sa'yo so hang in there okay? Mama will protect you." Kapag naaalala ko yung nangyari sa akin noon, hindi ko lubos aakalain na mararansan ko 'to. Hindi ko alam na posible pa pala na may tatanggap sa akin sa kabila ng nakaraan ko. I can't believe that I'm officially going to be a mother after 1 month.

I smiled at that thought. I'm really glad Dylan came into my life. 

Gabe was wrong, I deserve to be loved.

Dylan was the only one who touched me after that tragedy. I almost trusted Gabe, I gave him my heart and I opened up about my past, but he only mocked me in the end. Since then, I acted all tough and crazy to protect myself. Ayoko ulit kaawaan ng mga tao.  After that, I've been with countless guys. They're just flings, nothing more. Pero hindi ko alam kung bakit ko ibinigay kay Dylan yung katawan ko no'ng gabing 'yon. I've lowered my guards and everything just for that one night.

Just with him. I felt so comfortable and safe that night for the first time in years. Is it because of the way he respected my body throughout the night? And I remembered, I gave him my necklace. I was too drunk to know what I was doing. That necklace was the source of my comfort. But I just noticed that his presence alone brings comfort to me. Kaya ba hindi ko na masyadong hinahanap yung kwintas ko?

Napatigil ako sa kakaisip nang makarinig ako ng katok mula sa pinto.

Is he here already? Ang bilis naman.

Tumayo ako at lumapit sa pinto at saktong pagbukas ko ay natumba yung katawan ng guard na nagbabantay sa labas ng kwarto ko. Naguguluhan ako sa nangyayari pero mabilis din itong nawala at napalitan ng takot nang mapagtanto ko kung anong nangyayari. 

Mabilis akong tumakbo at kinuha yung phone ko kaso biglang nagsara yung pinto at may taong nakasuot ng lab gown ang naglakad papalapit sa akin.

I can sense it already that he's disguising himself as a worker here.

I dialed Dylan's phone pero mabilis niya akong pinigilan at tinakpan niya yung ilong at bibig ko ng panyo. Naamoy ko na naman yung pamilyar na amoy ng chloroform. Pinilit kong manlaban pero mas malakas siya kaysa sa akin. Napatingin ako sa kamay niya at nakita ko yung pamilyar na relo. Wait, don't tell me . . .

Siniko ko siya pero parang wala lang ito sa kanya.  Unti-unting nanlabo yung paningin ko at bago ako mawalan ng malay ay nagawa kong tanggalin yung mask ng lalaking nasa harapan ko at nagulat ako sa nakita ko.

Why is he doing this?




Continue Reading

You'll Also Like

17.2K 1.2K 48
Vlogger Series #2 : The Sculpritz organization aims to help the youth, individuals from the town of Quaranton. They once helped in solving the issue...
90.5K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
271K 7.3K 53
"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp
1.7K 511 53
Seasons Birth: Season's Series #1 (Book 1) Para sa pag-ibig, kaya mo bang inuwis ang iyong kaligayahan maprotektahan lang ang iyong bayan? Kaya mo ba...