My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 30

194 11 0
By jeyninstrous

Dumating ang lunes at pagdating ko sa classroom ay sobrang ingay na naman. Halos silang lahat ay nag-uusap. May narinig pa akong nag-uusap na mga kaklase ko sa labas at binanggit nila ang pangalan ni Jaxson at Zeddie.

Dahil sa na curious ako ay bahagya akong lumapit sa kanila para makinig.
Narinig ko na  excited silang lahat sa band competition na mangyayari daw sa auditorium dito sa school mamayang gabi. Akala ko ba sa isang sikat na band auditorium gaganapin ang banda? Siguro inilipat at dito nalang sa auditorium sa school namin dahil estudyante lang din naman ang mga kasali.

Gusto kong pumunta mamaya pero plano kong puntahan si Kuya Felix sa condo na tinitirhan niya. Hindi din ako nakapagpaalam kila Mommy at Daddy na gagabihin ako ng uwi. Tuluyan na akong pumasok sa classroom at una kaagad na nahagip ng mata ko ay si Shantal. Pumasok na siya.

Napalingon din ako sa likurang bahagi. Wala pa si Jaxson. Nakita kong ngumiti si Zeddie sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik at agad na akong umupo sa upuan ko at nginitian si Shantal ng lumingon siya sa akin.

"Hi beshywaps." bati ko sa kanilang dalawa ni Janica.

Ngumiti naman si Janica at ganoon din ang ginawa ni Shantal. Ngumiti siya pero hindi labas ang ngipin di tulad ng nakaugalian niya kapag binabati niya kami. Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko pero napatigil ako ng lahat ng kaklase ko ay tumahimik at lahat kami ay napalingon sa pinto.

May dumating at walang iba kundi si Amari. Nakasuot siya ng hoodie at nakayuko kaya hindi namin masyadong makita ang mukha niya. May dalawang bodyguards na nakasunod sa kanya. Tumigil pa muna siya saglit at hinarap ang dalawang bodyguards at nay sinabi siya sa mga ito.

Tumango naman ang dalawang bodyguards at tuluyan ng pumasok si Amari at umupo sa upuan niya. Ang dalawang bodyguards ay nanatili lang sa labas at nakabantay. Gusto ko sana siyang lapitan pero mukhang wala siyang balak na kumausap ng iba dahil pagkatapos niyang hubarin ang hood niya ay nagsuot kaagad siya ng headphones sa tenga niya.

Dumating na din ang teacher namin kaya umayos na ang lahat. Ang mga nakaupo sa ibang upuan at nagsisipag ingay ay tahimik at maayos na.

"Goodmorning class." bati ni Ma'am Amiza sa amin.

"Goodmorning ma'am!" sabay sabay din naming lahat na bati sa kanya.

"So, I know that all of you are wondering why is that Ms. Windson has her bodyguards with her right?" sabi ni Ma'am at tumango naman kami lahat.

"Ms. Windson is a Princess in other country." sabi ni Ma'am at nakita kong nagulat ang lahat.

Maliban sa akin at kay Janica pati ang mga tukmol squad dahil alam na nila. Si Shantal ay wala pa ding reaksyon. Nakatingin lang siya kay Ma'am Amiza na nagsasalita sa gitna.

"Yes that's right class, she's a royalty. She is needed to be protected for her own safe. Our dean wanted her to transfer to section A which is the first section but it's Ms. Windson's decision if she wanted to transfer to section one."

Biglang may pumasok sa pinto kaya ang atensyon ko na nakay Ma'am ay napunta sa pumasok at walang iba kundi si Jaxson. Napalingon na din si Ma'am sa kanya pati ang mga kaklase namin. Napakunot ang noo ko dahil mukha siyang galing nag jogging dahil ang gulo ng itsura niya.

Kasunod niyang pumasok ay si Aisah.
Medyo magulo din ang palda niya pati buhok na akala mo hindi nagsuklay ng maayos. Di siguro uso ang suklay sa kanya.

"Mr. Zigfred and Ms. Alarmino, the two of you are late. Saan ba kayo nanggaling?" tanong ni Ma'am sa kanila pero hindi sila sumagot at dire diretso lang na umupo sa mga upuan nila.

Hindi na din umangal pa si Ma'am at nagsimula ng mag discuss. Hindi ko maiwasang mapailing. Di kaya may ginawa silang kababalaghan? Napailing nalang ako ulit dahil sa naisip ko at nagfocus na sa pakikinig kay Ma'am Amiza.

Ng matapos ang morning class ay sa classroom lang kami kumain ng snacks pati lunch. Si Amari ay hindi sumabay sa amin at kahit nga pansinin kami ay hindi niya ginawa. Bigla nalang siyang lumabas ng classroom at agad namang sumunod ang mga bodyguards niya sa kanya. Si Shantal naman ay ganoon pa din, hindi umiimik.

Pagkatapos naman niyang kumain ng lunch ay pinatawag siya ni Ma'am Amiza para papuntahin sa opisina nito para makapag take na siya ng quizzes. Naiwan naman kami ni Janica sa loob ng classroom.

Nagce-cellphone lang si Janica kaya nagpaalam muna ako sa kanya para pumunta ng canteen at bumili ng tubig dahil ubos na ang tubig sa tumbler ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay napatigil ako ng makita ko si Jaxson at Aisah na naghahalikan. Talagang sa hagdan pa sila naghalikan! mga walangya!

Hindi ko alam pero bigla akong nainis at tatalikod na sana para bumalik sa classroom ng tinawag ako ni Jaxson.  Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko pa ang inis sa mukha ni Aisah habang nakatingin sa akin. Tangna kong makatingin naman to sa akin, nabitin ka sa halikan niyo gurl?

"Ano?" medyo irita kong tanong kay Jaxson na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Si Aisah naman ay naririnig ko pang nagmamaktol pero hindi ko na masyadong pinapansin. Ang landi ng punyeta!

"Can I talk to you?" sabi niya at parang gusto ko siyang irapan.

Ewan pero bumalik na naman ang inis ko sa kanya. Nakakainis na naman siya sa paningin ko.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon? edi nag-uusap." sabi ko at tumalikod na ulit.

Nagulat pa ako ng bahagya ng mabilis siyang nakalapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Ano ba?! bitawan mo nga ako." sabi ko at mabilis na inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"We need to talk."

"Nag-uusap na tayo tsaka pwede ba wag ka ngang nanghahawak baka magselos pa yang 'girlfriend' mo."

Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Aisah na para bang sinasabi niya na mas maganda siya sa akin. Punyeta! oo na mas maganda na siya sa akin!

"Aisah, leave." biglang sabi ni Jaxson kay Aisah habang ang paningin niya ay nasa akin pa din.

"Bakit mo pinapalayas jowa mo? kayo nalang mag-usap." sabi ko at akmang tatalikod na ulit ng hinawakan na naman niya ako sa braso.

Inis ko ulit siyang nilingon.

"I said we need to talk." sabi niya at nilingon si Aisah na ang sama pa din ng tingin sa akin.

Sure ako pinapatay na niya ako sa isip niya. Inis well bitch, die later!

"Okay fine!" maarte pang sabi ni Aisah at inirapan ako at agad ng tumalikod paalis.

Padabog pa siyang naglakad na parang bata. Sabagay mukha naman siyang chanak. Ng makaalis na si Aisah ay hinarap ulit ako ni Jaxson. Ayan na naman ang mga titig niya na akala mo ang laki ng galit sa mundo pero puta! ang gwapo pa din!

"Ano ba kasing pag-uusapan natin?"  may inis pa din sa boses kong tanong.

"About yesterday."

Wala sa sariling nasamid ako ng sarili kong laway sa sinabi niya. Ang una kaagad na pumasok sa isip ko ay ang halik. Tangna naman! bakit kailangan pang pag-usapan yon?!

"A-anong kahapon? n-nagkita ba tayo kahapon?" nauutal kong tanong at napahawak ng mariin sa tumbler ko.

"About the---"

"Hindi! Hindi tayo nagkita kahapon! guni guni mo lang yon!" sabi ko at agad na tumakbo pero ang punyetang tukmol ay ang bilis ng kamay at agad na nahawakan ang dalawang braso ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng hinila niya ako papasok sa isang CR na malapit sa hagdan at isinandal niya ako sa pinto matapos itong maisara. Napalingon pa ako sa loob at mabuti nalang walang tao.

"Patapusin mo muna kasi ako sa pagsasalita." irita na din niyang sabi.

Halatang naiinis na sa akin.

"Ayaw ko nga tsaka diba galit ka sakin at sabi mo pa nga kalimutan ko na na naging magkaibigan tayo. Bakit nakikipag-usap ka sakin ngayon?" sabi ko at bigla naman siyang natahimik.

Napahilot siya sa sentido niya at napabuga ng hangin. Ako naman ay parang tangang nakahawak pa din sa tumbler ko na akala mo aagawin ito ng iba sa akin sa higpit kong makahawak.

"I'm sorry okay? I didn't mean it. Talagang mainit lang ang ulo ko non." sabi niya at ginulo ang buhok niya.

"Ganyan ka naman palagi eh, mainit ang ulo kaya kong ano ano nalang ang mga masasakit na nasasabi mo." sabi ko pa at masama niya akong tinignan.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? kala mo naman hindi mo ako pinaiyak." pagmamaktol ko pa.

"Sorry na nga eh." sabi niya at parang gusto kong matawa dahil ang cute ng boses niya ng sinabi niya yon.

Para siyang bata.

"Ikaw din naman kapag nagagalit ka kong ano ano nalang ang sinasabi ng bunganga mo, kala mo naman ang bango ng bunganga." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at dahil sa inis ay agad ko siyang nilapitan at inambahan ng suntok.

Mabilis naman siyang umilag.

"Alam mo? tangna ka! kahit kailan ka talagang lalaki ka napaka bwiset mo!" inis kong sabi at sinabunutan siya.

Imbes na umaray ang loko ay bigla nalang tumawa. May saltik na yata sa utak tong isang to. Sinasabunutan na nga siya pa ang masaya. Agad naman akong tumigil ng makita kong ang gulo na ng buhok niya pero shemayyy gwapo pa din eh! messy hair ganern!

"Sorry na nga kasi, ang kulit mo pakipot ka pa." sabi pa niya kaya napapikit nalang ako saglit pero agad ding nagmulat.

"Alam mo? pangit mong ka bonding!" sigaw ko sa kanya at pinakyuhan siya pero tawa lang siya ng tawa at nag finger heart.

"Sorry na." sabi niya at dahil sa inis ko ay ihinagis ko sa kanya ang tumbler ko pero ang loko di man lang natinag sa pagtawa.

"Ang saya natin eh no?" sabi ko at inirapan siya.

Ang saya saya ng tukmol palibhasa may jowa na tangna! maghihiwalay din kayo!

"Pero ito na seryoso." sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Ano?" nakapameywang kong tanong.

"Let's be bestfriends again, binabawi ko na ang sinabi ko noong nakaraang araw." sabi niya pero inirapan ko lang siya ulit.

"Bestfriends ulit at kapag nag-away na naman tayo sasabihin mo na naman na kalimutan ko na naging bestfriend kita? ang gulo mo talagang tukmol ka! ewan ko sayo akala mo naman cute ka. " sabi ko pero ngumiti lang siya.

"Cute naman talaga ako." sabi pa niya at kinindatan ako.

Ako namang si tanga at marupok ay napangiti. Pati mga organs sa loob ng katawan ko ay kinilig din.

"Tukmol." sabi ko at mas lumapit pa siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"You know what? mas gusto kong naririnig ang ingay ng bunganga mo kaysa sa ingay ng bunganga ni Mommy." sabi niya kaya hindi ko maiwasang matawa ng bahagya.

"Tse! buti nga sayo pinapagalitan ka ni Tita Sab, ang bwiset mo kasi." sabi ko at ngiti lang ulit ang isinukli niya sa akin.

"Manood ka mamaya ah." sabi niya habang nakangiti.

Hindi ko maiwasan na mas lalo siyang titigan at agad na napaiwas ng tingin. Kahit kailan talaga ang gwapo niyang ngumiti. Kong pwede lang sana ay palagi nalang siyang nakangiti pero alam ko namang imposible na mangyari yon. Alam ko namang hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niya palagi. Oo napapangiti at napapatawa ko siya pero hindi naman ako ang gusto at mahal niya.

"Titignan ko kong makakapanood ako, kailangan ko pa kasing puntahan si Kuya Felix." sabi ko at bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

Paniguradong alam na din niya na nabuntis ni Kuya Felix si Ate Czarina. Halerrr! magkapatid kaya sila! haynaku di talaga ako nag-iisip ng maayos.

"No need, he's with Ate Cza now." sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

Magkasama sila? ibig sabihin hindi pumasok si Kuya Felix?

"Ako na ang bahalang maghatid sayo pagkatapos ng band competition basta manood ka."

"Hindi pa ako nakapagpaalam kila Mommy at Daddy."

"Ako na ang bahalang magpaalam."

"Okay." sabi ko at walang nagawa kundi ang mapatango.

"Uhmm...alis na ako." sabi ko at agad ng binuksan ang pinto.

Bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay tinawag niya ako ulit kaya napalingom ulit ako sa kanya.

"Bakit?"

"Na miss kita... sobra."

Continue Reading

You'll Also Like

732 138 26
Nagtagpo, nagmahalan, ngunit kailan man hindi pwedeng magkatuluyan. In the name of love they are willing to sacrifice everything, maging malaya, masa...
3.8K 127 35
Ang Storyang ito ay Tungkol sa Mag Asawang Sweet sa Una Pagkatapos nang kasal sweet and After How many Years Lagi nalang Silang NagAaway Just Because...
2.9M 54.4K 17
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
17.6K 660 25
Will you gonna take risk on loving someone again, after all the traumas that you've been through from your past? If you're giving one more chance in...