HATE ME NOT (BOLS #1)

By GemaInanna

41.9K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... More

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

29: Parent President

365 66 8
By GemaInanna

CHAPTER 29

Parent President





JENNY's POV

Nang matapos na ang performance ng SVT, dumiretso na sila sa meeting.

Ipinakilala na ng emcee ang lahat ng school staffs and teachers. Ang Dean naman, nasa gitna ng mga teachers naka-upo.

Yung ibang students naman, umalis na. Siguro, sinundan na naman nila ang SVT.

Nagsimula na ang botohan ng mga parents para sa magiging Parent President ng Harvend.

Makikinig pa sana ako sa kanila nang bigla na lang nagsalita si Lisa.

"Ate, tingin ka nga doon. Kilala mo ba siya?" nakangiting tanong niya sa'kin.

Napatingin ako sa direksiyong tinuro niya.

Sino ba ang tinutukoy niya? 'Yung babaeng nasa gitna o yung taong nasa gilid nu'ng babae?

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi, hindi ko siya kilala"

"What? Haha!" napatawa siya ng marahan. "Walang hindi nakakakilala sa kanya. Lahat ng students dito, dapat kilala siya." tugon niya naman.

Napaisip ako. "Sino ba siya?"

"Don't worry, makikilala mo rin siya." ngiting sabi niya sakin.

Tumango-tango lang din ako.

"And now, our Parent President is our one and only Miss. Stella Imperial!" bigla na lang pumalakpak ng malakas ang mga tao.

"Wow, sabi ko na nga ba si Tita Stella ang mananalo" ngiting sabi naman ni Lisa.

Napa-angat ang tingin ko sa may stage.

"Grabe, bakit ang dali lang ng pagboto?" tanong ko kay Lisa.

"Well, ang totoo kanina pa talaga nagsimula ang botohan. 'Di mo ba napansin 'yun ate Jen?" tanong niya naman sakin.

Umiling ako. "Hindi eh"

Hindi ko naman talaga napansin na kanina pa pala nagsimula ang botohan.

"Ate, ipakilala kita kay Mommy at Daddy mamaya."

"Sige" ngiting sabi ko.

"Yeii! Excited na akong makilala nila ang mga bago kong kaibigan. Nasaan na kaya sina Ate Missy? Sabi nila, mag-c-cr lang pero bakit ang tagal?"

"Siguro, mamaya nandito na sila"

Simula nung natapos ang SVT sa performance nila, nag paalam naman sina Missy para mag-cr.

'Hayss. Alam ko naman na, sinundan din nila ang SVT...'

"Good morning, everyone!" napukaw ng nagsasalita ang atensyon ko dahil sa boses nito. "Again, thank you so much for voting me as a Parent President of Harvend University." pumalakpak na naman ang mga tao.

"Ate, siya ang tinutukoy ko kanina. Si Miss. Stella Imperial, ang nag-iisang pinakamayamang babae sa buong Pilipinas. At alam mo ba? Siya lang naman ang ina ni Kuya Marky" sa pagkasabi niyang 'yon napa-O na lang ang bibig ko.

"I-ibig mong sabihin, siya ang ina ni Marky?" tumango siya. "Pero, diba mukhang bata pa naman si Miss. Imperial?" tanong ko.

"Well, maganda talaga si Tita Stella. Alam mo ba ate? Magkatulad kayo ng labi at, kilay---"

"Grabe, compliment ba 'yan?" pagputol ko sa sinabi niya.

"Magkapareho eh. Well, diba ang ganda ng Mommy ni Kuya Marky?" ngiting tanong niya sakin.

Walang pag-alinlangan akong tumango. "Oo, sobrang ganda."

"Ayeiii!"

"Oh? Ba't parang kinilig ka diyan?"

"Eh, wala lang naman hihi"

Napailing na lang ako at ngumiti bago itinuon ang atensyon kay Ms. Imperial na nagsasalita sa harap ng lahat.

Habang nagsasalita ito ay, pinapakita niya rin ang kanyang matamis na ngiti sa lahat.

Diko maiwasang hindi rin mapangiti habang pinagmamasdan itong nagsalita.

'Para siyang anghel na nahulog galing sa langit. Ang swerte naman ni Marky sa kanya...'

Kaya pala, may pinagmanahan din si Marky.

Bakas sa mukha ng bagong parent president ang pagiging mabait.

'Siguro, siya ang nagturo kay Marky ng magandang asal...'

Well, siyempre naman. Kasi, siya ang ina ni Marky.

'Hayst. Eh ano naman kung siya ang ina ni Marky? Ano namang pakialam ko?...'

Ngayon ko lang alam na siya pala ang teacher namin sa entrepreneurship. Kasali sa naging speech niya kasi. Well, business woman pala siya. Ngayon alam ko na kung sino ang idol ko.

Balang araw, magiging katulad niya rin ako.

Kahit alam kong hindi dapat ako mag-isip ng ganito, nadadala ako sa speech niya kaya kung saan-saan na napunta ang isip ko.

Napahawak ako sa leeg ko.

'Teyka, hindi ko pala naisuot 'yung kwintas na binigay ni Dad sa'kin. Hayss. Bakit parang napabayaan ko na 'yun?...'

Tumayo ako. "Lisa, dito ka muna ha? Babalik din ako mamaya. May pupuntahan lang ako" mahinahong paalam ko sa kanya.

"Sige, ate"

Hindi ko nakita si Mommy dito. Bakit wala siya?

Nagsimula na akong hanapin si Mommy nang bigla na lang may narinig akong nagsasalita.

"Mommy pala ni Marky si Miss. Stella. I think, magkakasundo kami ng Mommy niya!" tuwang sabi ni Nathalie sa mga kaibigan niya.

Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi nila ako nakita o napansin. Huminto muna ako para pakinggan sila.

"Oo naman magkakasundo talaga kayo. And don't worry, kaibigan ng family namin ang mga mayayaman na katulad nila kaya, matutulungan ka namin" rinig kong sabi naman ni Annie sa kanya.

"Omg, thank you guys! Buti pa kayo, nandiyan para tulungan ako." rinig ko namang sabi niya.

"Nathalie, nasaan na pala si Tita Veronica? Bakit hindi siya uma-tend ng meeting?"

"Si Mommy? Well, busy kasi siya ngayon eh. Nandito siya kanina kaya lang, may tumawag sa kanya kaya nagmamadali siyang umalis. Alam naman natin na, magiging busy ang isang tao kapag may importante silang ginagawa. Mga professional kasi, diba?" rinig ko namang sabi niya kay Anna.

"Eh yung Dad mo? Nasaan siya? Bakit hindi siya uma-tend ng meeting?" tanong ulit ni Annie sa kanya.

Kita ko sa mukha ni Nathalie na lumawak ang ngiti niya. "May inaasikasong business trip si Dad sa states. Tumawag nga siya sa'kin eh, at ang sabi niya pagbalik niya... gagawin niya akong tagapagmana" taas noong sabi niya sa kanila.

Pa'no niya nagawang magsinungaling? Sa pagkasabi niyang 'yon parang sinasabi niya rin na, mayaman kami. Eh hindi naman. May malaking problema si Dad kaya hindi siya maka-uwi. Ni hindi pa nga siya tumawag.

"Wow! Dahil kakampi tayong tatlo, ipapakilala kita sa mga magulang namin. At para alam mo na? Maging mapalapit ka kay Marky I mean, sa Mommy niya." rinig kong sabi ni Annie sa kanya.

Napa-buntong-hininga na lang ako at bumalik sa paglalakad.

Bumalik ako sa kinaroroonan ko kanina.

Habang naglalakad, napaisip ako.

'Naging masamang kapatid ba ako kay Nathalie?...'

Bakit naniniwala siya sa dalawang 'yon?

Napahawak ako sa aking ulo. Medyo sumakit ang ulo ko ngayon.

*BOGSH!*

"Sorry" paumanhin ko sa nabangga ko.

"Jenny, ayos ka lang?" napahinto ako sa nagsalita.

Si Marky lang pala.

Tumango ako. "Oo" napatingin ako sa mga kasama niya.

"Jenny, ayos ba ang performance namin kanina?" tanong ni Liam sa'kin.

I smiled and nodded. "Oo, ang gagaling---"

"Let's go. Para maabutan pa natin ang meeting." malamig na sabi ni Prince sa kanila.

"Jenny, sumama ka na sa amin. Tutal, papunta ka naman yata doon---"

"Ah, hindi na. Salamat na lang. Mauna na ako sa inyo" dali-dali kong sabi bago naglakad palayo sa kanila.

Pasensya na Marky, ayaw ko lang ng gulo.





Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 287 11
From loner to Campus Crush She paved her path to fame But it seems her BF also paved a path but instead to fame it was to being a gangster
13.1M 435K 40
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
4.9K 75 9
Valerie is a woman full of determination in everything. She always puts her best in everything but making decisions was her weakness all the time. H...
7.7K 182 27
Ma. Zerriana Talieghna has a happy and contented family until a tragedy happen that turn her life into a nightmare. Despite if that she will pursue h...