My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 29

188 10 0
By jeyninstrous

"Are you falling for him already?"

Nandito kami ni Cheska ngayon sa terrace. Nakaupo siya sa isang upuan at ako naman sa isa pang upuan katabi niya. Medyo madilim na sa labas dahil malapit ng mag gabi at mukhang uulan din.

"Hindi ko alam." naisagot ko nalang habang nakatingin sa mga dumadaan na kotse sa labas ng bahay nila Clint.

Kitang kita ang labas mula rito sa terrace nila.

"I know it, mahal mo na siya. Kasi kong hindi ay hindi ka iiyak ng ganun." sabi niya at napalingon ako sa kanya pero ngumiti lang siya.

Bakit ba ang bait niya? palagi ko din naririnig sa campus na maraming nagkakagusto sa kanya dahil bukod sa maganda ay ang bait niya.

"Nakikita ko ang sarili ko sayo." sabi niya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa malayo.

"I became Jaxson's shoulder to cry. Yes, he cry a lot of times pero hindi lang halata dahil palagi siyang nakikita ng iba na matatag. We became friends when we were in third year, hindi ko alam kong paano basta biglaan nalang." tumigil pa muna siya sandali bago magpatuloy.

"I saw him crying in one corner at Clint's birthday party back then, and I approached him and gave him my handkerchief." sabi niya habang nakangiti pa din na parang inaalala niya ang nangyari noon.

"Simula noon naging magkaibigan kami. Naging close na din ang mga kaibigan niya sa akin lalo pa at childhood bestfriends kami ni Clint." tumigil siya sandali at bumuntong hininga.

"Palagi akong nasa tabi niya kong may problema siya hanggang sa namalayan ko nalang na gusto ko na siya at nasasaktan ako sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ng babaeng dahilan ng pag iyak niya."

Tumigil na naman siya sa pagsasalita ulit at pinahid ang mga luha na tumulo sa mga mata niya. Hindi kami close pero naaawa ako sa kanya. Makikita mo kasi sa kanya na katulad ko ay minahal din niya si Jaxson.

"He courted me and then I said yes. I said yes because I love him kahit na alam kong masasaktan lang ako. Pinili ko pa din na intindihin siya kahit ang babae pa din na yon ang binabanggit niya tuwing magkasama kami kasi dahil nga mahal ko na siya. Sobrang sakit pero ipinaglaban ko siya dahil nagbabakasakali akong makakalimutan din niya ang babaeng yon...ang babaeng unang minahal niya hanggang ngayon."

"Pero hindi eh, ang babaeng yon pa din talaga kaya mas pinili ko nalang na pakawalan siya, pero kahit ganoon ay nanatili pa din ako sa tabi niya kong kailangan niya ako. That's the least thing I could do for him kasi nga marupok ako pagdating sa kanya. Hindi ko din naman siya masisisi at ang babaeng unang minahal niya dahil ayaw kong manisi."

"Sino ba ang babaeng yon?" wala sa sarili kong tanong.

Gusto ko lang malaman para alam ko. Lumingon siya sa akin.

"I can't tell you for now but let's just say that she's so very important to Jaxson. Sa ngayon, wala tayong magagawa kundi ang intindihin nalang muna si Jaxson dahil madami siyang pinagdadaanan. Sinisisi din niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Clint. Sana lang Solana tulungan mo akong mapabuti ang pakiramdam niya dahil sa ngayon ay kailangan niya tayo."

"Hindi naman niya ako kailangan." nasabi ko at umiling lang siya.

"You're wrong. Iniisip mo na hindi ka na niya kailangan dahil sa sinabi niya kanina sayo pero ang totoo ay kailangan ka niya dahil bestfriend ka niya. Alam naman natin pareho na mainitin ang ulo niya at kong ano ano na lang ang nasasabi niya kaya nakikiusap ako sayo Solana, tulungan mo akong maging okay si Jaxson." sabi niya at tanging tango lang ang naisagot ko.

Talagang kilalang kilala na niya si Jaxson.

"Susubukan ko." sabi ko at tumango lang din siya.

Hindi ko nga alam kong matutulungan ko pa siya dahil baka magalit lang si Jaxson sa akin ulit pero bahala na. Nangako ako sa kanya na hindi ko na siya iiwan ulit at iintindihin ko siya. Ngayon ay panahon na para naman tuparin ko na ang pangako ko.

Ayaw ko ng maging ma pride ulit. Sawa na akong magalit sa kanya dahil una sa lahat kasalanan ko din naman. Iniwan ko siya noong mga panahon na kailangan niya ako. Choice ko din naman na magkagusto sa kanya kaya ako nasasaktan.

Mabuti na sigurong mahalin ko siya ng patago at hindi niya malaman. Aakalain lang niya na kaibigan lang ang turing ko sa kanya kahit ang totoo ay higit pa sa pagkakaibigan. Itatago ko ang totoong nararamdaman ko hanggang sa kaya ko at kahit ang sakit na.

Matapos naming mag-usap ni Cheska ay nagpaalam na ako sa kanya para puntahan si Shantal sa kwarto ni Clint. Pagdating ko doon ay gising na siya at agad kaming nag-akapan at sabay na bumaba papuntang first floor. Makikita mong hindi pa din siya okay pero ang importante ay nakakausap na namin siya ng maayos at hindi na din siya masyadong umiiyak. Nagpaalam pa muna kami sa parents ni Clint na aalis muna dahil balak namin ni Janica na dalhin si Shantal sa restaurant para doon na kumain.

Si Janica naman ang magbabayad eh at hindi ako. Tahimik lang kaming kumain pagdating sa restaurant. Panay ang sulyap namin ni Janica kay Shantal. Hindi pa din siya umiimik. Hinayaan nalang namin basta ang importante ay kumakain siya. Hindi niya natapos ang pagkain niya kaya pinabalot nalang namin sa isang waiter at tuluyan na kaming bumalik sa bahay nila Clint.

Nagdaan ang mga araw at parang ang bilis lang ng panahon. Nakatingin lang ako sa salamin habang sinusuklayan ang bangs ko. Nakasuot ako ng black dress ngayon at hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil ngayon na ang araw ng libing ni Clint. Panigurado ay iiyak na naman si Shantal.

"Baby, tara na. Naghihintay na ang Daddy mo sa kotse." napalingon ako kay Mommy na biglang pumasok sa kwarto ko at nakabihis na din.

"Sige po Mommy, susunod po ako." sabi ko at tumango naman siya.

Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin at dinampot na ang sling bag ko
at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko at bumaba. Pumunta kaagad ako sa parking lot at diretsong sumakay sa passengers seat sa likuran ng kotse.

"Sila Kuya po Mommy, nauna na ba sila?" tanong ko kay Mommy pero tinignan lang niya ako sa rear view mirror at hindi sinagot.

Galit pa din talaga siya kay Kuya Felix.

"Yes sweetheart, nauna na ang mga Kuya mo sa cemetery." si Daddy na ang sumagot.

Napatango nalang ako. Tuluyan ng pinaandar ni Daddy ang kotse at agad kong dinampot ang luma kong cellphone sa loob ng sling bag ko para mag open ng social medias muna habang nasa byahe pa kami. Una kong binuksan ay ang messenger ko. Nag backread ako ng mga messages galing sa group chat namin. Marami ng messages at puro tungkol sa acads ang topic nila.

Minsan lang ako nagbubukas ng social medias kaya kailangan ko pang mag backread para malaman ko ang mga ganap. May nag pop up na message at pagtingin ko ay bagong groupchat ulit. This time ay puro classmates lang ang members at walang mga teachers. Marami na ding messages. Naisipan kong mag backread. Napatigil ako sa kaka backread ng may mga messages na naka-agaw ng atensyon ko.

Aisah
ILY my boo @Jaxson Jax

JaxsonJax

Dora
Omg! totoo nga kayo na ni Jaxson?!

Alisa
You're so lucky girl! @Aisah

Emily
Huhu sana all!

Monique Irish
So happy for the both of u guys!

Alexis Zaile
Sanaol @Jaxson Jax @Aisah

Arson Alastair
Damn this love birds🙄 akin nlng bro @Jaxson Jax

Jaxson
Stop messing with my girl @Arson Alastair you dickhead

Arson Alastair
😎

Shayne
Omoooooo!!

Clark
Congrats! longlive

Tinker Bell
Sana lahat may lablayp!

Totoo nga, totoo nga talagang may girlfriend na siya at kaklase pa namin. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang. Ano bang aasahan ko? na magkakagusto at manliligaw siya sa akin? Ang labong mangyari yon dahil una sa lahat hindi niya ako gusto at pangalawa ay galit na naman siya sa akin...ulit.

Nagseselos ako at gusto kong malaman niya pero sabagay ano ba namang karapatan kong magselos? hindi kami at galit siya sa akin. Itinago ko na ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko at ang isa ko namang cellphone ang nilabas ko ng nag vibrate ito. Nagtext si Zeddie at agad ko namang binasa.

Zeddie:
Where are you? malapit na ba kayo?

Agad naman akong nag reply.

Me:
Oo zed, lapit na kmi.

Napangiti pa ako sa sunod niyang reply.

Zeddie:
Damn, can you call me zed, again?

Me:
Zed

Zeddie:
Kinilig ako

Natawa ako sa reply niya at napangiti.

Me:
Kalma ako lang to

Matapos kong mag reply ay agad ko ng ibinalik ulit sa loob ng sling bag ko ang cellphone ko. Sakto namang huminto na ang kotse at nakarating na kami sa cemetery. Sabay pa kaming lumabas ni Mommy ng kotse.

Sabay kaming tatlong naglakad palapit sa kong saan ang bahagi ng cemetery na paglilibingan ni Clint, madami ng tao. Bumati kaagad kami sa parents ni Clint. Kitang kita ko na ang higpit ng yakap ng Mommy ni Clint sa picture niya.

Naupo kami sa likuran kong saan nakaupo ang parents ni Clint. Napaiwas kaagad ako ng tingin ng magtama ang mga paningin namin ni Jaxson na ngayon ay nasa likuran ng uupuan namin siya nakaupo kasama ang parents, mga kaibigan, at ang... girlfriend niya.

Ibinaling ko nalang ang paningin ko kay Zeddie na katabi din nila. Nakita ko siyang ngumiti sa akin kaya nginitian ko din siya at tuluyan na akong tumalikod at umupo sa upuan namin. Katabi ko sila Mommy, Daddy, ang dalawa kong Kuya at si Janica. Wala si Kuya Felix.

Sa unahan naman ay ang parents ni Clint, parents ni Shantal at si Shantal na ngayon ay siya ng nakahawak ng picture ni Clint. Sa ibang upuan naman ay ang mga relatives at mga friends na nakiramay. Nandito din ang ilan sa mga teachers sa school namin pati mga schoolmates at classmates namin.

Ng magsimula ang misa ay lahat kami nakinig sa pari na nagsasalita sa gitna. Halos kalahating oras din siyang nagsasalita. Ang sumunod ay ang pagbibigay ng mensahe ng mga mahal sa buhay ni Clint. Unang nagsalita ay ang Daddy niya.

Hindi na maiwasang maging emosyonal ng iba lalo pa ng tuluyan ng maiyak si Tito habang nagsasalita at nakatingin sa kabaong ni Clint na nasa tabi niya sa gitna. Pati ang Mommy ni Clint ay ganoon din. Mula sa mga memories ni Clint noong bata pa siya hanggang sa lumaki.

Ng matapos siyang magsalita ay sumunod naman si Shantal. Hirap pang humakbang si Shantal papunta sa gitna. Naka suot siya ng sunglasses ngayon kaya hindi namin makita ang mga mata niya. Lumingon pa muna siya sa kabaong ni Clint bago itinapat ang microphone sa bibig niya at nagsalita.

Ibinahagi niya sa amin ang mga memories nila ni Clint, kong gaano sila kasaya noon at kong paano siya mahalin at alagaan ni Clint. Nakangiti lang siya habang nagsasalita na para bang inaalala ang mga masayang nangyari noon sa kanila hanggang sa hindi na niya maiwasan pang maiyak. Hindi ko na din maiwasan pang maging emosyonal lalo pa ng humagulgol na siya sa pag-iyak at agad na dinaluhan ng Mommy ni Clint at ng Mommy niya.

Sa mga oras na to ay gustong gusto ko siyang yakapin dahil alam ko ang pakiramdam kong gaano kasakit na mawalan ng mahal sa buhay. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi na naituloy ni Shantal ang pagsasalita dahil tuluyan na siyang naiyak at pinaupo nalang siya pabalik sa upuan niya. Sunod naman na nagsalita ay si Cheska. Ibinahagi niya ang memories nila ni Clint noong mga bata pa sila.

Sunod na nagsalita ay ang bunsong kapatid ni Clint. Ganoon pa din ang nangyari at halos lahat ng mga nakikinig ay naiyak. Lalo pa ng sinabi niyang "Kuya babalik ka naman diba? Nalulungkot na si Mommy tsaka Daddy. Balik ka ah, mahal kita sobra." Niyakap pa niya ang kabaong ng Kuya niya. Naaawa ako sa kanya. Six years old lang siya at wala pang kamuwang muwang.

Hindi ko maiwasan na mapatakip nalang ng panyo na bitbit ko sa bibig ko at pinunasan ang mga luha ko. Pati si Mommy at Janica ay naiyak na din. Nagsuot nalang ako ng sunglasses.

Matapos ang ginawang misa ay mas lalo lang naiyak ang ilan kasabay ng pinatugtog na kanta na sobrang lungkot sa pandinig at pakiramdam. Sinimulan na ng iba na maglagay ng bulaklak at wala akong nagawa kundi ang mapayuko lalo pa ng marinig ko ang iyak ni Shantal na halos maupo na siya sa kakaiyak. Lumapit ako sa kanya na ngayon ay inaalalayan ng Mommy niya at ni Janica. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos haplos ang likod niya habang nakatingin pa din siya sa kabaong ni Clint na unti unting bumababa pailalim ng lupa.

Binitawan ko muna siya para maglagay din ng bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni Clint. May nakaalalay naman sa kanya kaya okay lang. Hindi pa ako masyadong makatingin ng maayos sa kabaong dahil bukod sa naka sunglasses ako ay kumikirot ang dibdib ko at hindi ko maiwasang maiyak din ng tahimik.

Alam kong mabait na tao si Clint. Ni hindi man lang ako nakahingi ng sorry sa kanya dahil sa ginawa kong pagsigaw sigaw at pag sampal sa kanya. Kaya ngayon ako humihingi ng tawad.

"Clint, patawad sa lahat ng nagawa ko sayo...sana mapatawad mo ako. Wag kang mag-alala hindi namin pababayaan si Shantal." mahinang sabi ko at tuluyan ng bumalik ulit sa tabi ni Shantal na ngayon ay walang tigil pa din sa pag iyak.

Ganoon din ang Mommy ni Clint na hindi na naiwasang mapaupo. Nakaalalay naman ang Daddy at isang babae na sa tingin ko ay pinsan ni Clint. Wala sa sariling napalingon ako kay Jaxson na ngayon ay kasama ang girlfriend niya at may ihinulog na bulaklak sa kabaong ni Clint. Naka sunglasses din siya katulad ko.

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil mas kumikirot ang dibdib ko tuwing nakikita kong magkasama sila ng girlfriend niya. Ng matapos ang libing ay unti unti ng nagsi-uwian lahat. Si Shantal ay sumabay na sa parents niya at parents ni Clint.

Habang si Janica naman ay sinundo ng driver niya. Ako naman ay sumabay kay Mommy at Daddy. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe kami. Nakasuot pa din ako ng sunglasses at agad ko naman itong tinanggal at isinilid sa loob ng sling bag ko. Dinampot ko naman palabas ang lumang cellphone ko ng mag vibrate ito. May new message at galing ito kay Your Last Fall na naman.

From: Fall
I hope you're here.

Hindi maiwasang mapakunot ng noo ko. Sino ka ba talagang Fall ka? Ibinalik ko nalang ulit ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko. Ng makadaan kami sa mall ay ipinahinto ko muna kay Daddy ang kotse.

"Daddy, Mommy, may bibilhin lang po ako sa mall. Mauna nalang po kayo at sasakay nalang po ako ng taxi pauwi." sabi ko at tumango naman si Daddy.

"Mag iingat ka, baby. Umuwi ka kaagad." sabi ni Mommy at tumango naman ako at humalik sa pisngi niya at sunod ay sa pisngi ni Daddy at tuluyan ng lumabas ng kotse.

Hinintay ko pa munang umandar ulit ang kotse bago ako tuluyang pumasok sa loob ng mall. Pagkapasok ko sa mall ay dumiretso ako sa bilihan ng sim. Balak ko kasing bumili ng bagong sim para hindi na ulit makapag text ang  Fall na yon kong sino man siya. Hindi ko pa naman siya kilala kaya mas mabuti ng mag change ako ng sim para sa safety ko. Baka mapahamak pa ako pag nagkataon kong hahayaan ko lang.

Matapos kong bumili ng bagong sim ay pumunta naman ako sa food court para bumili ng milktea. Napatigil ako saglit sa counter matapos kong bumili ng makita ko ang bagong girlfriend ni Jaxson. Nakaupo siya sa isang table at may kausap na isang babae na sa tingin ko ay kilala ko base sa likod niya.

Mukhang napansin niyang nakatitig ako sa kanya dahil lumingon siya. Napalingon din ang kasama niya na nakatalikod at hindi nga ako nagkakamali dahil siya nga. Si Jerld ang kausap ni Aisah.

Agad akong napaiwas ng tingin at naglakad na paalis ng food court matapos kong magbayad. Magkaibigan pala sila ng impaktang Jerld na yon?Sabagay girlfriend naman ni Jaxson si Aisah at pinsan din niya si Jerld kaya posibleng magkaibigan na din ang dalawang yon. Sana lang hindi din impakta ang ugali ng Aisah na yon.

Ng makalabas ako sa mall ay dumaan muna ako sa park. Malapit lang ang park sa mall at nalalakad lang. Naupo ako sa isang swing at pinanood ang mga batang naglalaro. Hapon na at makulimlim ang langit. Masarap din ang simoy ng hangin.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga habang pinapanood ang mga batang naglalaro. Naaalala ko na naman siya. Dito kami madalas maglaro noong mga bata pa kami. Ang hinding hindi ko makakalimutan ay ang pagtulak niya sa akin dahil inagaw ko ang toy car niya.

Iyak ako ng iyak non at sinabihan pa niya ako ng pangit. Hindi pa kami friends non hanggang sa isang araw namalayan ko nalang na palagi na kaming magkalaro dalawa at hanggang sa naging bestfriends kami.

Sobrang sarap balikan ng nakaraan pero alam kong kahit kailan ay hindi na yon maibabalik. Siguro oo, pero hanggang sa alaala nalang. Nami-miss ko na ang batang Jaxson. Ang batang Jaxson na kahit mainitin ang ulo at masungit ay palagi akong ipinagtatanggol tuwing may nang-aaway sa akin at pinapagalitan ako sa tuwing nasusugatan ako o nadadapa. Ang Jaxson na pinupunasan ang mga luha ko tuwing umiiyak ako at ang Jaxson na... boybestfriend ko.

Habang umiinom ng milktea ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya mabilis kong dinampot ang payong na nasa loob ng sling bag ko. Buti nalang talaga may dala akong payong. Agad kong binuksan ang payong at pinagpatuloy ang pag inom ko ng milktea ko habang nakatayo na.

Ng maubos ko ang milktea ay agad akong naglakad palapit sa isang trash bin at itinapon ito. Napalingon pa ako sa paligid at wala ng katao-tao. Umuwi na ang mga batang naglalaro dahil sa ulan.

Napagdesisyunan kong umuwi nalang din. Habang naglalakad ay narinig kong tumunog ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko. Hindi na ako nag abala pang kunin ito sa loob at hinayaan ko nalang dahil baka mabasa pa ng ulan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Napatigil ako ng may nakita akong isang lalaki na nakayuko at nakaupo sa isang bench. Sobrang basa na niya pero mukhang wala siyang pakialam. Hinayaan ko nalang siya at naglakad na palagpas sa kanya pero napatigil ulit ako ng marinig ko siyang umiiyak. Wala sa sariling napalingon ako sa lalaki.

Nakayuko pa din siya. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kanya dahil basang basa na siya ng ulan at mukhang may problema si Kuya, umiiyak eh. Bakit ba kasi mas gusto pa niyang magpaulan? pwede naman siyang maligo sa bathroom ng bahay nila ah! Sabagay, baka gusto talaga niyang maligo ng ulan.

Infairness lang ah! pwede na siyang mag artista galing niyang um-acting sa gitna ng ulan eh charot! Dahil sa naaawa ako sa kanya ay nilapitan ko siya at pinayungan.

"Uhmm kuya, okay ka lang?" tanong ko.

Nakayuko pa din siya at umiiyak. Naka hoodie siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Baka multo to chos!

"Kuya, may problema ka ba?" tanong ko ulit.

Hindi pa din siya sumasagot. Snob lang ang peg? Problemado din naman ako ngayon pero hindi naman yong ganito na mag-eemote ako sa gitna ng malakas na ulan. Ng hindi pa din siya lumingon sa akin ay tinapik ko ang isang balikat niya. Bigla siyang nag- angat ng tingin at hindi ko maiwasang magulat.

"J-jaxson?" wala sa sarili kong nasambit ang pangalan niya.

Bakit siya nandito? bakit siya umiiyak?

Hindi siya nagsalita at titig na titig lang kami sa isa't isa hanggang sa bigla nalang siyang tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero mas lalo lang akong nagulat sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong niyakap. Ramdam ko ang lamig dahil basa ang suot niya at nakayakap siya sa akin. Hindi ko alam pero ng niyakap niya ako ay nakaramdam ako ng saya. Gusto kong umiyak ng dahil sa ginawa niya.

"S-solana..." rinig kong pagtawag niya sa akin.

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit at yakapin din siya pabalik.

"Solana..."

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mapigilang maiyak ng tahimik habang magkayakap kami. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na miss na miss ko na din siya pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay manatili kaming ganito, magkayakap.

Gusto ko lang maramdaman ang yakap niya kahit ang sakit sa tuwing naiisip ko na may girlfriend na siya at may mahal siyang iba. Gusto kong sabihin na gusto ko na siya...hindi lang gusto kundi mahal. Mahal ko na siya.

Pero natatakot ako...natatakot ako na umasa at masaktan dahil alam kong kaibigan lang ang magiging papel ko sa buhay niya...hanggang kaibigan lang at wala ng iba. Hindi niya ako mahal sa paraan na alam at gusto ko. Oo siguro mahal niya ako pero bilang kaibigan lang...hanggang doon lang.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin kaya mabilis kong pinahid ang mga luha na naglandas sa pisngi ko gamit ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nakahawak sa payong. Kitang kita ko ang mga luha niya at pakiramdam ko nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya.

"Solana sorry..." pagbanggit niya ulit sa pangalan ko.

Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya. Lasing siya.

"J-jaxson anong ginagawa mo dito? bakit ka umiiyak at nagpabasa ng ulan?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin ang mga mata niyang kahit kailan ay hindi ako magsasawang titigan.

"I need you..."

Naitikom ko nalang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin lalo pa ng hinawakan niya ang kamay ko.

"I need you... bestfriend."

Nahihirapan man ay nagawa ko pa ding pigilan ang mga luha ko na gusto na namang tumulo. Oo ang hina ko pagdating sa kanya. Sobrang hina ko dahil nasasaktan ako ng ganito ng dahil sa kanya.

"N-nandito ako Jaxson, nandito na ako." sabi ko at bigla nalang niyang hinalikan ang noo ko.

Hindi ko alam pero ng matapos niyang halikan ang noo ko ay kusang pumikit ang mga mata ko ng makita kong tumingin siya sa labi ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hindi nga ako nagkamali sa iniisip kong mangyari. Hindi ako nagkamali dahil naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa labi ko.

Gusto kong halikan siya pabalik pero ang tanging nagawa ko lang ay ang magpaubaya. Hinayaan ko siyang halikan ako at hindi ako nagprotesta. Gustong gusto ko siyang halikan pabalik at gusto kong maging masaya pero pakiramdam ko sobrang sakit ng mga halik niya kahit hindi naman. Mas lalo lang akong nasasaktan dahil alam ko na pagkatapos nito ay baka pagsisihan lang niya.

Nasasaktan ako sa posibilidad na hanggang magkaibigan lang talaga kami at ito ako... nahuhulog na sa kanya at mas lalong...

mahuhulog pa.

Continue Reading

You'll Also Like

732 138 26
Nagtagpo, nagmahalan, ngunit kailan man hindi pwedeng magkatuluyan. In the name of love they are willing to sacrifice everything, maging malaya, masa...
9.5K 67 62
I shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for y...
82.1K 2K 45
I noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's clear...
3.3K 242 6
Yaha kuchh nhi hai Jake story padho