Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

586K 22.2K 4.6K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Nine

9.3K 359 29
By JierusuJirin

Banana


"Oh, fuck!"

Pambihira nga naman, oo!

Kapapasok ko pa lang ng bahay ni Alicia ay isang tennis ball na agad ang bumungad sa akin. Kung sino ba naman ang naglalaro ng tennis sa loob ng pamamahay na ito ay p'wede ko na sigurong ilibing ng buhay.

Ang lakas ng trip e!

Kunot noo akong tumigil sa paglalakad at humawak sa cheekbone ko dahil saktong-sakto talaga ang tama ng bola dito.

Ang bumungad pa talaga sa akin ay ang isang masamang tigin pa na galing kay Patrice na may hawak na raketa at panibagong bola ng tennis ball. Damang-dama ko ang lakas ng p'wersa na akala mo punong-puno ng galit na tumama sa mukha ko ang bolang iyon.

Masasapak ko ang isang ito e.

"Tangina, Patrice. Alam kong hindi kita sinipot pero hindi mo dapat binabangasan ang kagandahan ko!" Inis na turan ko dito. Napansin ko ang iba na tahimik lang nanonood. Samantalang nagbabasa naman si Alicia sa sulok. "Huwag ka dito maglaro dahil 'di mo naman babayaran kung may mababasag ka." Dagdag ko pang saad.

Ano na lang bang sasabihin ng anak ko pag nakita niya ang bangas sa kagandang ng mukha ko? Baka magkaroon ako ng pasa at isipin niyang nakipagbasag ulo ako kaya ako umalis sa lunch kanina.

Kung hindi lang talaga ako tinawagan ni Elliot e baka nag e-enjoy pa ako kasama sila Ashlyn ngayon.

Ngunit iba ang sitwasyon ngayon.

Tungkol ito kay Alex na hindi ko naman dapat p'wedeng balewalain.

May tiwala ako sa kaniya pero sa takbo ng isip niya sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko alam.

"Oo, galit ako. Pero hindi ko naman sinasadya 'yon! Kung sasadyain ko ay dapat mas malala pa diyan dahil sa kasalanan mo sa akin!" Tamo ang isang 'to. Sino ba naman kasing matino ang maglalaro ng tennis sa loob ng bahay? Pambihira talaga, oo. "Tsaka nagbabayad ako pag may nasisira ako 'no!"

"Proud ka pa atang may nasisira ka." Tiim bagang na lumapit ako sa kanila habang hinihimas ang cheekbone na medyo mahapdi na talaga.

Baka bigla naman ata akong pumangit nito dahil sa kaniya.

Ang ganda-ganda ng mukha ko tapos mababangasan lang ng bola? Paano na lang pag nag mukha akong pangit sa mata ng irog ko? Baka naman ayawan ako lalo no'n? Ngayon pa lang na ang ganda ko e ayaw na sa akin paano na lang pag wala na ang ganda ko?

Edi kinamuhian na ako? Aba'y hindi ata p'wede 'yon sa akin.

"Hindi gano'n! Tsaka anong ginagawa mo rito? 'Di ka nagsabing pupunta ka." Ni wala nga akong ka-ideya na narito pala sila sa bahay ni Alicia na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Hindi nga sila nagsabi na magkakasama pala sila. "Stock of cigarettes?"

"Sa susunod na. Mga bwisit kayo e. Magkakasama naman pala kayo ngayon. Nasaan ang mga cellphone niyo? Putang ina niyo naman e." Napatingin sila sa akin lahat at kunot noo lang pero hindi ako kinibo. Bwisit talaga. "Titingin lang kayo?"

"Ganda ng ayos mo pre a? Nagpunta ka dito ng nakapulang dress at makeup. Nakaheels ka pa niyan, girl. Kaso bagay mo pala pag may pasa sa cheekbone." Napamura ako agad sa narinig. Mabilis na nahawakan ang pisngi at napangiwi.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi tumingin sa salamin na nakasabit lang sa dingding. Oo nga, mabilis na pumula ang cheekbone ko.

May pasa na nga ito.

Maliit ito pero halata ang pagkaroon ng kulay.

"Bwisit talaga, Pat. Ano na lang sasabihin ng mag ina ko kung makikita ang pasa ko?! Hindi ko iniwan ang magandang tanghalian ko kasama ang mag ina ko para lang magkaroon ng pasa mula sa iyo!"

"Feel na feel mo naman. Hindi ka nga gusto ni Miss Victoria e. At talagang magkasama pala kayo kanina." Ismid ni Patrice na tinawanan lamang ni Hera. "Himala na iniwan mo sila."

Kita mo 'tong mga 'to. Wala man lang ka-support-support sa lovelife ko. Dapat maging masaya sila sa akin e. Gano'n dapat 'pag magkakaibigan hindi ba?

"Pahiram nga akong damit, Ali. Magbibihis muna ako."

Wala sa mood na inuna ko munang umakyat ng bahay niya at nagtungo sa k'warto. Hindi ko na kailangan pang hintayin ang sasabihin niya. Basta nagpaalam na ako ay ayos na iyon.

'Di naman magsasalita ang babaeng 'yon. Naglakas loob na nga lang akong naghanap ng mga damit sa closet niya at saktong nakita ko ang naligaw ata na pagmamay ari kong jagger pants at malaking isang T-shit. Siguradong ito din ang nahiram niya sa akin no'ng huling panggugulo nila sa bahay ko.

Mabilis lang akong nagbihis dahil parang nawawalan ako ng pasensya sa inaasal ng mga kaibigan ko sa mga oras na ito.

Hinagis ko din sa ilalim ng kama niya ang suot na heels at kumuha ng isang pares na sapatos niya.

Halata na wala silang alam sa sadya ko ngayon kaya ako narito. Ang sarap nilang sapakin isa-isa ngayon. Kung bakit parang wala silang kaalam-alam e hindi ko din alam.

"Kumusta kayo dito?" Sarkastikong bungad ko pagkababa ko pa lang. "Ang clueless niyo tignan na tipong ang sarap niyong saktan."

"It's actually amazing that you are here, I mean. Aren't you busy?"

"Parang tanga. Gawain ko naman ang biglang lumitaw minsan." Halata naman siguro sa tono ko na hindi maganda ang mood ko. Tinitigan lang ako ni Hera na siyang nagtanong sa akin.

"It's Sunday and dapat nasa Pangasinan ka because your father is there, right?" Napaikot ako ng mata kay Amanda. Gusto kong magtanim bigla ng sama ng loob sa kanila.

"Tangina niyo talaga. Wala ako dapat ngayon kung nandoon ako. Akala ko may nag aalala na sa inyo pag dating ko dito dahil magkakasama pa talaga kayo pero mukha naman kayong at ease. Mga pambihira, halatang wala kayong alam e." Sarkastiko kong saad habang nakatayo sa harapan nila. Umuusbong ang pag aalala ko at sa tingin ko ay napapansin na ni Alicia iyon ngayon. "Nasaan mga walang kwenta ninyong cellphone?"

"Off."

Si Alicia na tahimik lang na nakaupo sa sulok habang nakatitig sa akin. Sarado na rin ang libro nitong kanina lang ay binabasa niya.

Napairap na tuloy ako pati sa kaniya.

"I off my phone bago nagpunta dito. May celebration kasi sa bahay, tinakbuhan ko lang sila. Ang ingay kasi e." Paliwanag naman ni Hera. Tumingin pa ako sa tatlo at naghintay ng kanilang mga sagot.

Talagang mawawala na ata ako sa wisyo.

"Naiwan ko ang phone sa bahay." Kibit balikat ni Patrice. Pagkatapos akong tadtarin ng maraming messages kanina ay talagang naiwan pa niya?

"Wala lang, lowbat ang phone ko." At sinigundahan pa talaga ni Cathrice ang sagot na iyon ni Amanda.

"Mga putang ina niyo! Kaya pala ako ang tinawagan ni Elliot, dahil maski isa sa inyo ay walang matawagan! Kailan niyo pa ba ginawang hindi pinansin ang cellphone niyo?!" Inis at mahabang turan ko sa kanila na ikinalingon na nila ng tuluyan sa akin.

Pagtataka ang mababakas sa mukha nila. Si Alicia naman ay tumayo na at lumapit sa akin. Nakatayo lang siya sa harapan ko.

As in tumayo lang talaga sa harapan at titig na titig na sa akin ng walang sinasabi.

"Spill the bean, Saging. Ano bang prob—"

"Anong anong problema, Hera?!" Nilingon ko siya. "Alex is in Tagaytay again! Her grandmother invites her for a fucking lunch in Lotus Belle Restaurant! You knew guys what will happen if she triggered!"

Hindi ko na napigilan na sumigaw. Alam kong sila ang unang naging kaibigan pero alam nila kung gaano kahalaga si Alex sa akin. Sa amin ng pamilya ko at sa kanila rin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito sila na parang walang kapaki-pakialam!

Hindi naman ganito dati kaya ewan ko na lang sa mga trip nila ngayong araw.

"I'm sorry. I didn't know." Pinagmasdan ko si Alicia. Nakatayo lang talaga siya sa harapan ko at parang malalalim na naman ang iniisip. Parang nagkaroon na naman siya ng sariling mundo habang nakatungo.

Si Amanda naman ay naglalakad na paroon at parito. Hindi na nga siya mapakali.

"Sorry. I forgot to check her. I called her last night before sleeping. She doesn't say anything about the lunch." Napakagat pa ito sa kuko niya. "I must check her whether I'm busy or not. Gosh, why did I forget it? Why now?"

She's now frustrated I know and I can feel it. Lahat naman kami panigurado. Nag iisip sa kung anong ginagawa ng kaibigan namin sa loob ng bahay niya sa Tagaytay.

We knew.

Kung ano na naman ang mangyayari pag sakaling tumapak na naman si Alex sa mga lugar na may alala siya ng Mama niya. At alam din namin kung ano na naman ang mangyayari sa loob ng bahay niya sa Tagaytay.

Ang tatlo ay tahimik lang. Tila nag aalala at hindi na rin makapaniwala at mapakali. They should have known.

"Ikaw ang madalas na tinatawagan ni Elliot, Ali." Wika ko kay Alicia na nasa harapan ko pa rin na mas ikinatungo niya. Alam ko, kung gaano kahirap. "Why did you off your phone?"

"I'm sorry." Ang isa sa iniingatan namin ay iyong hindi mawalan ng kaibigan. Alex is the vulnerable one. She's a fighter pero there's a big chance na mawala siya sa amin dahil sa mga ginagawa niya sa sarili niya.

Iyon ang kinakatakutan namin.

Si Alex ay hindi basta pangkaraniwan. She may be soft inside but she's too hard on herself. She's caught up with a past. Kung p'wede lang sanang tuktukan ang ulo ng tatay niya ay nagawa ko na. Kaso hahayaan ko si Alex na gumawa no'n para sa sarili niya.

Ang gusto na lang namin ay makalaya siya sa nakaraan na kahit kami ay natatakot doon. Ang makita si Alex na nagwawala at iyak nang iyak sa kawalan tuwing death anniversary ng Mama niya ay ang parang kalungkutan na rin naming magkakaibigan. Kung si Alex ay tinulungan ako, nailigtas ako sa taong balak akong patayin ay gano'n din ang iba.

Malaki ang naitulong sa amin ni Alex. She even risks her life just to save most of us.

Nawala ang tumatakbo sa isipan ko at siya ring bumasag ng sandaling katahimikan ng narinig naming tumunog ang cellphone ko kaya sinilip ko ito. Isang text at picture na galing kay Elliot kaya mabilis ko itong tinignan.

'Pasensya na sa pagpuslit ng CCTV camera sa loob ng bahay ni Alex.'

Gano'n na lamang ang pagguho ng mundo ko ng makita ang larawan na kasabay na mensahe ni Elliot.

Napahigpit ang hawak ko dito at halos dumugo na ang labi sa sobrang diin ng pagkakakagat ko dito.

Ang laman ng litrato ay si Alex habang nakahiga sa sahig, suot ang puting roba na hindi ko alam kung puti pa ba dahil maraming patak ng dugo doon maski sa lapag. Ang kamay niyang nagdudugo na din na parang hindi man lang niya nararamdaman iyong hapdi doon. Hindi siya nakapikit, mulat na mulat ang mata niya pero walang kabuhay-buhay 'yon.

Mabilis kong nabitawan ang cellphone at naupo na lang sa lapag dahil sa sama ng loob. Kahit minsan hindi namin tinangka na pumasok sa loob ng bahay na iyon pag naroon siya. Hindi ko alam na gano'n pala kalala.

"Banana? Anong nangyari?" Nag aalalang si Amanda ang lumapit sa akin. Umupo ito para mapantayan ako.

Napakuyom ako ng kamao at yumuko.

Alam namin na nasasaktan niya ang sarili niya but seeing her in that state want me to kill someone.

Ang sakit.

Nakita kong pinulot ni Alicia ang cellphone ko. Rinig ko ang bawat pangsinghap niya.

Kita ko rin ang paglapit ng iba sa kaniya maski ang pagtayo ni Amanda hanggang sa marinig ang biglang pag iyak niya.

Napapikit ako ng mariin at pinakiramdam ang sakit na ngayon ay visible na sa akin.

Alexandria is a precious one, walang may gusto sa amin na mawala siya sa amin. Pero alam din namin na malaki ang tyansa na maaari siyang mawala kaya't gano'n na lang ang pag iingat sa kaniya.

Kaya laging nariyan si Amanda to check her. Si Elliot na nagbabantay sa kaniya at taga bigay ng impormasyon sa amin.

"I never imagined what she can do behind those closed doors, Banana. Ang alam ko lang ay nasasaktan niya ang sarili niya but hindi ganito!" Nahihintakutang komento ni Hera habang naiyak na rin.

Mabilis kong inagaw ang cellphone sa mga kamay ni Alicia ng ma-realized ko ang ginawa ni Elliot.

Nanginginig pa ako bago tumayo at tinawagan si Elliot na sinagot din niya agad.

"Kitain mo akong walang hiya ka, Elliot! Alam mo kung saan!" Sigaw ko sa kaniya bago ito binabaan ng tawag.

Mabilis na kumalat ang galit sa buong pagkatao ko sa mga oras na ito.

"Banana! What do you think are you doing?!"

"Eh, gago siya e!" Galit na galit akong lumabas ng bahay.

"Banana! Baka mapatay mo siya—"

"Wala akong pakialam!"

Walang pakialam na tumakbo ako palabas at sumakay ng sasakyan ko bago ito pinaandar ng mabilis kahit na tinatawag ako ng mga kasama ko.

Sinabi sa amin ni Alex na walang mangingialam sa privacy niya sa loob ng lugar na iyon. Labag man sa loob ay 'yon lang ang hiling niya sa amin. Kung si Alicia ay galit pag may masamang nangyayari kay Alex, ako naman ay nagagalit pag pinapakialaman ang privacy niya.

Mabilis ang takbo ng sasakyan ko hanggang sa marating ang lugar kung saan ang tinutukoy ko sa kaniya.

Mabilis akong bumaba pagdating ko pa lang at nang mapansin ko siya ay mabilis ko na ring tinakbo ang espasyo na meron kaming dalawa bago siya suntukin sa panga na ikinatumba niya. Pumatong ako para magkaroon ako ng access na tamaan at bangasan ang mukha ng gunggong na ito.

Tinaggap niya lang ang bawat suntok na iyon. Wala siyang ibang sinabi kaya mas lalo lang akong nagagalit sa kaniya.

"Banana!"

Kinuha ko ang baril na nakatago sa likuran ko at nanggigigil na tinutok ito sa kaniya. Masama na rin ang tingin ko dito.

Nakaupo ako sa tiyan nito habang nakatutok sa noo niya ang baril na hawak.

"Anong ginawa mo, Elliot?" Nagtitimpi kong tanong.

"Banana, stop it!" Sila Alicia. Sino nagbigay ng permiso sa kanila na pakialam ako? Dapat ay hindi na sila sumunod pa.

"Huwag kayong mangialam!" Inis na inis na ako sa kanila.

"Tangina mo Elliot! Sinabihan na tayo ni Alex e! Sana naman naisip mo 'yon bago ka nagpasa ng litrato at panoorin siya. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon ha?!"

Naramdaman ko ang paghawak ni Amanda at Cathrice sa likuran ko.

"Get off him, Banana!"

"Shut up, Amanda! Bitawan niyo ako!"

"Balak mo talagang patayin si Elliot ha?!" Galit na sigaw rin ni Amanda pabalik sa akin. Inirapan pa ako nito kahit ang sama na ng tingin ko sa kaniya.

Sa ginawa nito ay hindi ko napansin na nakuha na ni Hera ang baril ko.

"Iyang baril— aray! Pambihira, Cathrice!" Pagrereklamo ko ng kaladkarin nila akong dalawan ni Amanda paalis sa ibabaw ni Elliot. "Aray! Sandali! Kayo ang malalagot sa akin 'pag hindi niyo ako binitawan— anak ng putcha!"

Muntik na akong ma-out of balance sa biglaan nilang pagbitaw sa akin ng wala man lang pasabi.

"Ops." Ngisi ni Amanda habang nagtataas ng dalawang kamay. "Sabi mo bitawan ka e."

Inirapan ko ito at tumayo ng maayos. Hinarap si Elliot na nakaupo na.

Pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na tinadyakan ko ito sa pagitan ng dalawa nitong binti na ikinadaing niya at paghiga habang hawak niya ito.

"Stop it now, Banana—"

"Elliot! Magsalita kang hinayupak ka!" Sigaw ko dito ng hindi pinapansin si Alicia.

"I-I know! A-Alam ko kung gaano kasakit, Banana. Iyong makita siyang nagdudusa sa loob ng bahay na iyon habang walang kasama. Ang sakit m-makita na masaktan siya at mawala sa sarili habang tayo— habang tayo ay walang magawa kung hindi ang hintayin lang siya na makalabas doon. M-Masakit sa akin 'yon." Nagulat ako sa nasaksihan ko.

Ang makitang umiiyak si Elliot habang nakaluhod na sa harapan ko na akala ko ay walang iniindang masakit sa kaniya. Parang hindi lalaki ang gunggong na ito sa pagiging iyakin niya bigla.

"Alam mo naman pala e." Pinilit ko ang sarili kong kumalma. "Pero bakit pinili mo pa rin na gawin iyon, Ell? Bakit ka pa rin naglagay ng CCTV? Paano pag nalaman niya? Sinabihan na niya tayo at ako ang may hawak sa privacy niya at ikaw sa pagprotekta sa kaniya!"

"I agree with her. Ayoko pang mamatay ka Elliot pero totoo naman ang punto ni Banana." Buntong hininga ni Amanda sa likuran ko.

"Kaya ko pinasa ang litrato sa inyo para maparusahan mo ako sa kapangahasang ginagawa ko, Banana." Kukunin ko sana ang baril na hawak ni Hera pero nilayo niya ito.

"Baka mapatay mo!" Takot na komento nito sa akin.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin lang kay Elliot na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.

"Paglabas niya sa lugar na iyon, tanggalin mo ang nilagay mo, Ell."

"Pangako."

"Huwag kang gagawa ng kapangahasang labag sa kagustuhan ko o natin kung hindi ako mismo ang papatay sayo Elliot. Hindi lang tayo magkakaibigan dito. Isa tayong pamilya! Pero kahit gano'n pa man ay kaya kitang patayin."

"Oo, alam ko naman na kaya mo. Masakit ka pa rin sumuntok, Banana. Pero mas bagay mo pala ang may pasa sa mukha. Hindi naman kita nasuntok pero bakit mayroon ka niyan." Pambihira.

Pagkatapos niya akong galitin at pagkatapos ko siyang sapakin at tutukan ng baril ay aasarin pa niya ako.

E kung tuluyan ko kaya ang gunggong na ito para wala na siyang magawa pa?

"Umalis ka na nga sa harapan ko gunggong. Para kang hindi lalaki. Napakaiyakin mo." Ismid ko na ikinatawa nito ng mahina.

"Pasensya na talaga."

"Fix what you did, Elliot." Si Alicia na namumula ang mukha. Kung bakit ay hindi ko alam.

Tumango na lang si Elliot at tumayo.

Imbes rin na siya ang umalis sa harapan ko ay ako naman itong tinalikuran sila.

"Huwag ka munang papakita sa akin. Bahala muna kayo. Aalis na ako." Muntik pa akong matumba ngunit napahawak ako kay Cathrice.

"Ayos ka lang?" Tuamango ako at hindi na sila pinansin pa at nagpunta na lang sa sasakyan.

Mas maganda kung uuwi na lang ako at magpapalamig ng ulo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pag aalala at sakit na dumaloy sa puso ko ng makita ang ganong itsura ni Alexandria.

Ayaw mawala ng larawan na iyon sa isipan ko.

Masyado man kaming overprotective at sobrang over reacting pagdating kay Alex ay hindi niyo kami masisisi doon.

Wala kami dito ng hindi rin dahil sa kaniya.

Kung hindi dahil sa kaniya ay baka matagal na akong napaglamayan.

Continue Reading

You'll Also Like

441K 16.4K 49
[WEEKLY UPDATES] Amber is a well-known Professor at Crimson University. She is a Pretty-Hot professor who loves to play with her students. A pervert...
318K 9.8K 40
ProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : June 23, 2022 Completed : December 5, 2022
768K 24.7K 52
Professorxstudent university series GXG#1 [Complete chapter] Update: The story is Under revision
599K 26.3K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...