I AM NOT ALONE

Da echelcy

226 0 0

Life is beautiful. That was not what Ruby believes in. She find it hard to live in this world without those i... Altro

A/N
Prologue
Chapter 1: Goodbye
Chapter 2: New beginning
Chapter 3: Weird seatmate
Chapter 4: An apple for Snow White
Chapter 5: Taste of home
Chapter 6: A smile
Chapter 7: Getting closer
Chapter 9: Night and Fun
Chapter 10: Group study

Chapter 8: I want to know

15 0 0
Da echelcy

Chapter 8: I want to know

Imbes na tumingin sa harap habang nagtuturo ang guro, tumingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan ngayon. Kanina lang, napakaliwanag ng kalangitan pero nagsisiunahan ang mga malalaking butil ng mga ulan.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Kahit pa nakasara ang lahat ng bintana, hindi ko pa rin maiwasang manlamig. Hindi ako nagsuot ng jacket o cardigan man lang dahil mainit kaninang umaga. Tanging ang plain white blouse lang ang suot ko.

Napatingin ako sa ilan naming kaklase. Ang ilan ay komportable dahil nakajacket o sweater sila. Ang ilan naman ay gaya kong iniinda ang lamig.

Parang humaba ang isang oras dahil sa malamig na panahon. Nagpaalam na ang guro pero wala ni isang lesson ang nainitindihan ko mula sa mga sinabi niya.

Tumingin ako sa pinto. Huling subject na lang at dismiss na kami pero hanggang ngayon, wala pa ang guro.

Halos manginig na ako sa lamig nang biglang may maramdaman ako sa likuran ko. Agad akong napatingin doon at naabutang inilalagay ni Andrew ang jacket niya sa balikat ko.

"Pagtyagaan mo muna 'to, hindi gaanong mabango 'tong jacket ko." Ngumiti siya saka tumingin sa akin.

Aalisin ko na sana ang damit na nakapatong sa balikat ko pero hinawakan niya ang kamay ko bago pa man umabot ito sa jacket.

"Suotin mo, baka magkasa---."

Napa-aye ang ilan sa mga kaklase namin nang makita kaming dalawa. Mas lalong lumawak naman ang ngiti ng lalaking ito.

"Tama na ang biro," pagpigil niya sa mga kaklase naming habang pinipigil ang pagtaas ng labi niya. Humina naman ang tukso ng mga kaklase namin.

Bago siya bumalik sa kinauupuan niya, muli niya akong kinausap. "Saka mo nalang ibalik sa susunod na araw." Nandoon pa rin ang ngiti niya sa labi niya.

Marahan akong tumango bilang tugon sa sinabi niya.

Kahit nahihiya at naaawkwardan, pinili kong suotin ang jacket dahil sa sobrang lamig. Hindi ko maiwasang maamoy ang jacket niya. Hindi naman ito mabaho o amoy pawis, sadyang amoy lalaki lang talaga at may kunting amoy ng fabric conditioner.

Noong mga nakaraang araw, madalas na din akong makisalo sa table nila. Minsan, sila ang pumupunta sa table ko. Medyo nagiging komportable na rin ako kahit papaano.

And that's what worries me. Natatakot ako na baka mamaya maiiwan akong mag-isa. Na baka hindi nila ako magugustuhan kapag makikilala na talaga nila ako.

I'm afraid they'll leave once they lose interest in me. I'm afraid of being too comfortable and dependent. I don't want to get hurt just in case they'll leave me hanging alone.

















Dahil hindi ako nagdadala ng payong, naiwan ako kasama ng ilang mga estudyante sa harap ng entrance ng school building.

Pinapanood ko lang ang mga estudyanteng naglalakad paalis habang nakapayong. Ang iba naman ay nagsisitakbuhan sa ilalim ng ulan makaalis lang sa campus. Habang ang ilan ay nakikisiksik sa kakilala nilang may payong.

"Oh, Ruby. Wala kang payong?"

Lumingo ako sa bandang gilid. Nakatingin sila sa akin. Napansin ko agad ang hawak nilang payong.

Aalisin ko sana ang jacket para ibalik sa kanya pero pinigilan niya ako. "Huwag na. Saka mo nalang ibalik sa susunod na araw yang jacket."

Hindi ko na ito itinuloy na hubarin dahil naisip kong labhan muna bago ibalik.

"Saka ko nalang ibalik bukas," sagot ko naman. "Sige."

Naigla naman ako nang may iniabot siyang payong sa akin. "Gamitin mo nalang ito." Mas inilapit pa niya sa akin ang itim na payong para maabot ko.

I hesitated for a while but I accepted it eventually. "T-thanks."

Tinignan ni Andrew ang hawak kong payong at saka ang hawak ni Jared. Nagkatinginan naman silang dalawa at parang nagpapalitang ng salita gamit ng kanilang mata.

Tumango si Jared saka iniabot ang payong niya sa akin.

Anong gagawin ko sa dalawang payong?

Hinawakan niya ang kabila kong wrist at saka ibinigay ang payong niya bago kunin ang payong na binigay ni Andrew kanina.

Tinapik naman ni Andrew ang kaibigan sabay ngiti. Muli siyang tumingin sa akin. "Mauna na kami." Bahagyang tumango si Jared bilang pagpaalam.

Ngumiti at tumango din ako bilang tugon sa paalam nila.

Pinagmasdan ko silang dalawa habang naglalakad paalis. Bahagya akong napangiti dahil halos mag-agawan sila sa payong na hawak ni Jared, nag-aagawan kung saan ipoposisyon ang payong. Medyo nababasa tuloy ang balikat nila sa ginagawa nila.

Napatingin ako sa payong na hawak ko. Mas malaki ito kumpara sa payong na gamit nila. Napangiti na lang ako bigla.

Pero agad ding napawi ang mga ito nang may naisip ako bigla. I can't help myself from thinking such negativity.

Binuksan ko na ang payong at dumiritso sa kalsada upang maghintay ng sasakyan. Naabutan kong papasok na si Jared sa sasakyan habang pinapayungan naman siya ni Andrew.

Umalis na ang sasakyan kaya bahagyang umatras si Andrew.

Saktong nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya sa gawi ko. Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Ang lakas pa rin ng ulan, baka gusto mong magmerienda muna tayo doon." Itinuro niya ang isang convenient store sa may bandang gilid. "Punuan na rin ang mga sasakyan ngayon."

Tatanggihan ko na sana pero pinili kong sumunod nalang sa kanya. May mga bagay din akong gustong itanong sa kanya.

Bumili siya ng cup noodles at pumuwesto kami sa may eating area sa stall. Nagpresenta ako na ako na lang ang magbabayad pero nagpumilit siya kaya wala na akong magawa kundi hayaan na lang siya ang manlibre.

Tahimik kaming kumakain ng noodles na siyang nagpapaawkward ng atmosphere. Maging siya ay hindi rin ata alam ang sasabihin o kung paano sisimulan ang usapan.

"Anong paborito mong ulam?" bigla na lang niyang tanong sa akin na para bang normal lang iyon na tinatanong. Napahawak siya sa batok niya at agad na nag-iwas ng tingin na para bang hindi niya inaasahang iyon ang lalabas sa bibig niya.

Bakit ulam ang tinatanong niya?

Tumingin ako sa cup ko. Halos nakakalahati na ito. "Kahit ano. Hindi ako mapili sa pagkain."

Napansin ko naman ang pagtango niya ng ilang beses. Mula noon, wala nang nagsalita sa amin.

Nang halos maubos ko ang cup of noodles, nilakasan ko ang loob ko para tanungin siya.

Tumingin ako sa kanya. Pangalawang cup na niya iyon ng noodles pero halos maubos na niya iyon. Ang bilis talaga niyang kumain. O mabagal lang talaga ako?

Napansin niya iyon at agad na ibinaba ang cup saka tumingin sa akin. Kumurap-kurap pa ng ilang beses ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim. "Andrew, bakit ba lagi kang namamansin kahit na hindi naman kita pinapansin?"

"Bakit ba ng kulit mo? Bakit ba ang bait mo?"

Napaawang ang bibig niya. Buti nalang at nalunok na niya ang kanina niya nginunguyang noodles.

"Bakit mo ba ako ginugulo?"

"Ano bang kailangan mo sa akin? Ninyo?" Halos tumaas na ang boses ko sa katatanong. Sunod-sunod na ang mga tanong ko sa kanya.

Kumurap siya ng dalawang beses saka nag-iwas ng tingin. Nabigla ata siya sa mga tanong ko.

Was I too harsh? Was I a bit insensitive with my words?

Hindi siya nagsalita. Tumingin ako sa labas at tinagnan ang mga sasakyang dumadaan. Hindi pa rin tumitila ang ulan.

"Ano bang ginawa ko para tratuhin niyo ako ng ganyan?"

"Lagi kong natatanong kung bakit ka ganyan ka sa akin pero wala akong maisip."

I just can't stop myself from wondering why they're so nice and friendly to me.

Why?

Muli akong tumingin sa kanya. Nakaiwas pa rin ang tingin niya pero halata namang nakikinig siya dahil sa expression niya.

"Dahil ba walang ibang lumalapit sa akin? Dahil ba nag-iisa ako? Dahil ba naaawa ka sa akin?" Mabilis siyang napatingin sa akin nang marinig ang mga huling linya ko.

"Hindi," halos pabulong na may pagtaas ng boses niyang pagkontra sa sinabi ko. Iba ang kinang ng kanyang mga mata ngayon na para bang nangungusap na mali ako ng iniisip.

Bumuntong hininga ako. "Then why?"

Kinagat niya ang labi niya bago magsalita. "Ruby, hindi kailangang may dahilan para lapitan ang isang tao." Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon na may lumalapit sa iyo ay dahil may kailangan sila o gustong makuha sa iyo, minsan, ito'y dahil gusto ka lang nilang mas makilala at makasama. Minsan gusto nilang, makita ang mga mata mong ngumiti at maging masaya."

Napakurap ako sa mga sinabi niya. Hindi ko mainitindihan kung ano ang nararamdaman ko. Parang bumigat pero gumaan ang dibdib ko.

I feel bad for thinking so negative about his intentions. It opened a new realization that I had been thinking one-sidedly. And for some reason, I feel relieved.

Muli siyang humigop sa natitirang sabaw sa cup niya.

Dahil hindi ko alam ang gagawin ko o kung paano siya kakausapin, mabilis akong tumayo. "Mauna na ako." Kumuha ako ng bill sa bulsa ko at inilapag sa mesa niya. "Para sa noodles."

Nakakunot-noo siyang tumingin sa akin pero agad akong nag-iwas ng tingin. Kinuha ko ang payong at lumabas ng convenient store.

Hindi na ako lumingon pa at nagpara ng taxi. Buti na lang at bakante ito kaya nakasakay na ako agad.

Hanggang makarating ng bahay, hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko maiwaksi sa isipan ko ang mga sinabi niya. It keeps on replaying nonstop.

I must have been really protective of myself that I push away people who tries to enter in my life. And that must be one of the reason why I only have counted people who are around my circle. I have been so afraid to be abandoned, that I stop people from entering my life because I think that hurts less. It hurts less when a random person turns their back on you. I don't want to feel that same pain of being left alone by a person I relied on so much.


















Sabado. Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi lang ito pangkaraniwang sabado. Sa mga buwang nagdaan, hindi ko nagawang pumunta doon. Hindi kaya ng mga paa kong maglakad patungo sa kanila.

"Ruby, nakahanda ka na ba?" Nasabi na ni ate kagabi na bibisitahin namin sina mama. May pasok siya ngayon pero ang sabi niya, dadaan daw muna kami. Sinubukan niya daw magpaalam ng day-off pero hindi pinayagan dahil, tuwing Sunday ang day off niya.

Binuksan ko ang pinto. Tinignan ako ni ate mula ulo hanggang paa. "Hindi ka pa nagpapalit."

I took a deep breath and put a smile. I was contemplating whether I should go or not. Hindi ko alam kung kaya kong harapin sila.

Makalipas ng ilang segundo pagtititigan namain, nakapagdesisyon na ako. "Magpapalit lang ako saglit." Isinara ko ang pinto at dumiritso sa closet ko.
















Pinagsama ko ang aking kamay para pigilan ito sa panginginig. Nakikita ko na ang malawak na plain field. Bumibigat na rin ang dibdib ko at lumalalim ang aking hininga.

Pumikit ako para pigilan ang aking mga luha. Bumabalik lahat ng mga alala at mga pangyayaring hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tuluyang pahilumin.

Ilang segundo ay naramdaman ko na lang ang mainit na kamay ni ate na nakapatong sa nanginginig kong kamay.

Panandalian niya akong tinginan sabay ngiti. "It's okay."

"Ate---I think I can't---." Tinginan niya ako na para bang pati ang loob ko ang sinusuri niya.

Ngumiti siya at saka tumango. "It's okay. You can stay here." Marahan na tinapik niya ang balikat ko.

"Hintayin mo na lang ako dito sa kotse. Take your time." Lumabas siya saka binuksan ang pinto ng back seat para kunin ang dalawang bouquet ng bulaklak na roses na para kay mama at tulips naman para kay Alexa. Paborito nila iyon.

Ilang beses akong huminga ng malalim at pinag-isipang mabuti kung lalabas ako. Pumikit ako, huminga ng malalim, iminulat ang mga mata saka tuluyang lumabas sa sasakyan.


Sinubukan kong humakbang para sabayan si ate pero parang may malaking bato na nakatali dito.

Hindi ko magawang lapitan siya. I'm not ready yet.

Instead of following my sister, I went to the nearest bench. Beside it is a big tree that I can't name.

Tahimik kong tinanaw si ate hanggang sa makarating siya sa dalawang lapida na laman ang mga apelyido namin.

Pumikit nalang ako nang magsimulang tumulo ang aking mga luha.

Hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko maiwasang masaktan.

Muli kong iminulat ang aking mga mata at linagmasdan ang buong sementeryo. May mga ilang mga bulaklak sa mga puntod. Ang iba naman ay parang hindi na napupuntahan.

I wonder what their stories are. I wonder what their love ones feel. But for sure, their pain is beyond measurable. Just as how I'm feeling right now.

"Shall we?" Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala si ate. Ni hindi ko napansing nakalapit na pala siya. Nag-niningning ang kanyang mga mata at namumula din ang mga ito.

Bahagya ko siyang nginitian. "Ate, dito muna ako." Tumango naman siya at saka himinas ang likod ko. "Mag-ingat ka pag-uwi, Ruby."

Tumango ako at bahagyang ngumiti.

Sinundan ko ng tingin si ate hanggang sa paandarin na niya ang sasakyan.

Nang makaalis siy, muli kong ibinalik ang tingin ko sa malawak na kapatagan sa harapan ko.

Sa mga buwang nagdaan, hindi ako pumunta dito dahil wala akong mukhang maihaharap. Nahihiya ako at naguiguilty.

"Sorry."

Ang dami-dami kong gusto sabihin pero yun lang ang lumabas sa bibig ko. Nangingig ang labi ko. Hindi ko rin maiwasang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

I have a lot of things to say. But I just can't put them into words. I must have disappointed them a lot but I'm trying to bounce back even they're not here anymore. I'm trying. And I'll keep on trying. I'll live just how they wanted me to. And that's to live to the fullest. I'll try. That's a promise I will hold on to and keep no matter what.

Sa ngayon, kinakaya ko na. Sa ngayon, sinusubukan ko na.

Napatingin ako sa kalangitan. Umaga pa at hindi pa gaanong nasa taas ang araw. Napakaasul ng kalangitan at may mga ibong nagliliparan doon.

Gumaan ng kaunti ang dibdib ko habang pinamamasdan ang mga ito. Napangiti ako bigla.

Pumikit ako at dinama ang hangin habang pinapakinggan ang mga ibon. Napakasariwa at mas nadadama ko ang pagdampi ng hangin.

Muli akong tumingin sa dalawang lapida at pingmasdan ang mga ito kahit na malayo ako. Unti-unting nangiligid ang mga luha sa aking mata pero agad ko itong pinunasan bago pa ito dumaloy sa pisngi ko.

"I'll come back," mahinahon kong sabi. Ngumiti ako kasabay ng pangingiligid ng mga luha ko. Gustuhin ko mang umalis nang may ngiti, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng bigat ng aking dibdib. Hindi ko kayang pigilan ang mga nagsisiunahang mga butil ng tubig mula sa aking mga mata.

Nagsimula akong maglakad habang nakatingin sa baba at pinunasan ang mga mata ko. Itinaas ko ang paningin ko. Natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa harapan ko. Gaya ko, mukhang hindi rin niya ako inaasahang makita dito.

Nakasuot siya ng light blue at navy jeans. May hawak din siyang bouquet ng putting bulaklak na hindi ko alam ang pangalan.

Bahagya akong ngumiti na siya ding ginawa niya pabalik. Nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niya. Ramdam ko ang lungkot sa mga matang iyon. Halos sabay din kaming nag-iwas ng tingin saka ko siya mabilis na linampasan.

Nagmadali akong lumayo, pero bago pa man ako tuluyang makaalis, muli akong tumingin sa kanya. Nakatayo na siya sa harap ng lapida na hindi gaanong malayo kung nasaan nakatayo si ate kanina.


I wonder what's the story behind those eyes.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.1M 86K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
54.2K 886 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...