The Gangsters (Completed)

By Lhoysia

1.2K 343 9

Kung ikaw ang papipiliin. Gusto mo bang ipaglaban ang iyong karapatan? Gusto mo bang ilabas ang katiwalian ng... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE

CHAPTER 3

54 13 0
By Lhoysia


Hanggang sa matapos ang last subject namin. Lutang parin ang isip ko. Gusto kong tumakas para makapunta na ng hideout. Kanina pa kwento nang kwento ang prof. namin kung saan sila nagkakilala ng asawa niya.

"Class dismissed." Yan ang salitang pinakahihintay ko.

Tumakbo na kaming tatlo palabas ng classroom. Inunahan pa namin ang prof.

"Anong sasakyan na'tin?"

"Tsk, uso ang maglakad. Ure." Pambabara ni Gi.

"Magbihis muna kayo baka may makakakilala sa'tin." Sabi ko sa kanila.

"Wow, dalagang-dalaga na si Sammy ah." Pang-aasar ni Ure. T-shirt at leggings lang naman ang suot ko.

"Magbihis ka na nga."

Sumaludo lang ito.

:where are you?

Basa ko sa text ni Prof. T. Minamadali niya ba kami?

:otw

Reply ko sa kanya. Bakit kailangan pang habaan ang message kung pwede namang iklian.

"Bilisan niyo. Nagtext na si prof."

Tumabi sa'kin ang dalawa na nakabihis na.

Nilakad lang namin ang hideout. Hindi naman ito kalayuan sa paaralang pinapasukan naming tatlo. Sa katunayan may shortcut pa nga.

"Hanggang ngayon ang tataas parin ng mga damo rito."

"Wag ka na ngang magreklamo diyan. Bilisan mo na lang."  Nakikinig lang ako sa pagtatalo ng dalawa.

"Baka may ahas dito."

"Ahas mo mukha-"

"Can you please shut up?!"

"Oo na,  tatahimik na nga. Quite ka na diyan, Gi." Inirapan ko lang si Ure. Naiirata na talaga ako sa lakas ng boses nila.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinakbo ang pintuan papasok ng hideout.

Wala ng iba pang nakakaalam kundi kaming tatlo lang.

"Nice to see you again, Sammy." Bungad agad ni Prof. T.

"Wassup, Prof. T." Bati ni Ure sa kanya.

"Hi, prof." Sumunod naman si Gi. Nilagpasan lang ako ng dalawa. Tsk, gusto kong tadyakan 'tong dalawa.

Nilibot ko ang kabuuan ng hideout parang may nagbago. Hindi na ito katulad ng dati.

"Binago mo ba ang hideout?" Tanong ko.

"Not me.” He answered.

"Sino?"

May sumulpot na tatlong  mga lalaki sa likuran ni prof.

"Sino sila?" Bumalik sa tabi ko ang dalawa.

"New member." Not again!

"Kailan pa?" Tanong ni Ure. Umupo kami sa upuan habang nasa tapat namin ang tatlong kalalakihan. Kamalas-malasan lang at sila pa talaga ang nakita ko.

"Noong nawala ako." Oh, great!

"Bakit ka nga pala nawala?" Diretsong tanong ko habang tiningnan ng seryoso ang tatlo. I'm not comfortable with them. Ang daming tanong sa isip nga tanging si tanda lang ang makakasagot. You need to explain everything, Prof. T.

"Ang talim ng tingin, bro."

"May sinasabi ka?" Tanong ko sa lalaking nakasalamin na nasa tapat ni Ure. Mas tumalim ang tingin ko sa kanila.

"Marami lang akong mga kailangan gawin." Nilipat ni prof ang tingin sa tatlo. Who are they?

"They are the new member of Titan."

"The more the merrier." Nakangiting sabi ni Ure. Wala naman kasing inaalala ang babaeng 'to. Puro lang kalokohan.

"Anyway naipaliwanag ko na sa kanila kung ano ang mga kailangan nilang gawin." Sabi ni tanda habang nakangiti. Sila lang ang natutuwa.

"Boys, welcome to the gang."
"Girls, introduce yourself."

Tumayo kaming tatlo sa harap ng mga lalaking 'to. Ito na ang nakasanayan namin pagpapakilala nong bago palang kami sa grupo. At hanggang ngayon ito parin ang ginagawa namin.

"Ure."

"Gi."

"Sammy."  Walang emosyon kong sabi.

"Boys." Tumayo rin ang mga lalaki sa tapat namin.

"Roy."

"Greek."

"Wave."

Umupo kami ulit sa inuupuan namin kanina.

Ano bang nakita ni prof sa mga 'to? At pinasali pa niya sa grupo. And worst sila pa ang nakalaban ko sa canteen kanina. Tsk, buti na lang talaga hindi ko nasapak ang mga 'yun kanina. Nangangati narin kasi itong kamao ko.

Matagal ng hindi nagagamit.

Hindi ko naman pinagbabawalan si prof pero natatakot lang ako na baka matulad ito sa una naming grupo. May nagtraydor at may tumiwalag. Kami na lang tatlo nina Ure at Gi ang naiwan.

Nangakong walang mang-iiwan. But I guess promises are meant to be broken. Wala namang permanent sa mundo.

Sana lang, mali ako. Na hindi sila katulad sa mga nagtraydor sa grupo.

"Sana nga." Wala sa sariling sambit ko.

"Hoy, Sammy. Anong sana nga?"

“Anong sana nga?” Gusto kong batukan 'tong dalawa.

"Uuwi na ako." Paalam ko sa kanila.

"Sammy." Tawag ni Prof. T sa'kin.

Lumapit muna ako sa kanya. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko. Tsk, hindi parin nagbabago ang matandang 'to. Ang hilig pa rin manggulo ng buhok.

"Bakit?"

"Don't worry. Mapagkakatiwalaan sila."

"I know." Sagot ko sa kanya.

"Tara na." Sabi ko sa dalawa.

"Huh?"

"Mamaya na, Sammy. Naglalaro pa kami." Tiningnan ko silang dalawa na nakikipaglaro ng chess sa dalawang lalaki. Sa pagkakaalala ko Greek at Roy ang pangalan.

Bahala kayo sa buhay niyo!

Roy- ayon kay Prof. T, matalino raw ang lalaking ito. Sa pananamit nga niya halatang nerd. Magaling sa hacking, kailangan siya sa grupo. And I think, malaki ang maitutulong niya.

Greek- maabilidad sa pagresolba ng mga kahinahinalang problema. Kumbaga detective conan ang peg.

Wave-  leader din siya dati sa isang gang. Wala sa itsura niya. Tahimik lang ito, ayaw makisalamuha sa iba. Hmm. Interesting. May mga bagay na magkatulad kami. Pero hindi sa lahat.

In fact, mapakikinabangan pa nga itong mga lalaki kesa sa kasama ko.

"Mauna na ako." Lumabas na ako ng hideout namin.  Hindi ko napansin na sumunod ang dalawa sa tabi ko. I thought na nakikipaglaro pa'to ng chess kina Roy at Greek.

"Astig yung mga bagong member na'tin a." Humahangang sabi ni Gi sa tabi ko. Para ring bata na pumapalakpak si Ure sa gilid.

"May gumugulo ba sa'yo?" Tanong niya at huminto sa harapan ko.  Gano'n din ang ginawa ni Ure. Ano bang problema ng dalawang 'to.

"Tumabi nga kayo." Saway ko sa kanilang dalawa.

"May bumabagabag ba sayo, Sammy?" Nag-alala ba ang dalawang 'to. Hindi halata ah.

"Wala." Sabi ko at nilagpasan sila.

Pero humarang parin ito sa dinadaanan ko. Oh, god.

Ano ba naman yan?!

"Sige na sasabihin ko na sa inyo. Para makaalis na ako." Huminga muna ako ng maluwag.
"Umalis nga muna kayo sa dinadaanan ko." Utos ko sa kanila. Sumunod naman ito.

Dahil sa katalinuhan ko. Tumakbo na ako palayo.

"Sammy, ang daya mo!" Sigaw ni Ure. I know

"Hintayin mo naman kami!"

Continue Reading

You'll Also Like

355K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
38.1K 717 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
65.8K 1.8K 41
Hindi ko na makita ang lugar ko kasama nang mga kaibigan ko dito sa Pilipinas. Napagdesisyonan ko na umalis na nang bansa para hanapin ang sarili ko...
137K 2.9K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...