Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Three

10.7K 448 78
By JierusuJirin

Banana


Tahimik lamang akong nakahiga dito sa likod ng isang bench. Hindi ko nga alam kung bakit dito ko pa naisipang tumambay o mahiga kahit marumi.

Antok na antok na kasi ako kanina pagkatapos kong takasan ang huling klase.

Ang tahimik dito maliban sa mga dumadaang saakyan pero mukhang may mababasag ata ako ng mukha dahil sa ingay ng lalaki na naririnig ko.

Tanggalan ko kaya ng dila?

Ang pinaka ayoko sa lahat ay naiistorbo ang pananahimik ko pag nagigising ako.

Ang ganda nang pagkakagising ko e. Tapos may maliligaw na kurimaw dito? Tatanggalan ko talaga ng dila 'yan e.

"Sumama ka na sa akin, Miss. Wala ka ng masasakyan pa dito." Dahan-dahan akong tumayo at sinilip ang lalaking kanina ko pa naririnig na salita nang salita. "Ihahatid naman kita sa inyo e."

Paano kasi ay mukhang may pinipilit itong sumama sa kaniya. Eh sa naririnig ko na hindi naman ata siya kilala.

Feeling close ang kurimaw.

Medyo naririndi na rin ako dahil paulit-ulit lang ang sinasabi nito na akala mo hindi marunong makinig.

Para siyang isang sirang plakang hindi maayos-ayos.

"Ano, Miss. Tara na?" Nagtataka ako sa likuran ng babaeng kausap ng pangit na lalaki ng makita ko na ito. Sa nakikita ko kasi kasi ay parang kilala ko kung sino ang babaeng ito.

Nag init ang ulo ko ng makilala at makita ang aking irog na pilit tinatanggal ang braso sa kamay ng pangit na lalaking ito.

Ang irog ko.

"Kuya, anong ginagawa mo?" Tumayo na ako at simpleng lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi at humikab. Tinaasan naman ako ng kilay ng irog ko nang makita ako. Dapat nga ay natutuwa pa siya dahil nandito ako. At least ay may kasama na siya at wala pang mangyayari na masama sa kaniya. "Sinasaktan mo na 'yan e."

Superhero niya ako sa mga oras na 'to. Oh 'di ba, kagandang hero niya ako?

"Ano bang pakialam mo? Kasama ko 'to!" Sumimangot ako. Mukha nga siyang pangit na goons tapos sasabihin pa sa akin na kasama niya ang magandang irog ko? Nagpapatawa ata siya kaso hindi naman ako natatawa. "Umalis ka na Miss at h'wag ka ng mangialam dito."

Ang yabang pa nitong tinanguan ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng irog ko. Ang kapal ng mukha nitong hawakan ang mapapangasawa ko.

"Excuse me? I don't even know you!" Mahina akong natawa dahil sa pagsusungit ni Miss Dela Merced. Kahit sino talaga ay susungitan niya pero syempre, isa itong pangit na goons kaya hindi siya matutuwa. "Don't touch me!"

Tumayo na ako dahil naiinip na ako. Ayaw pa rin kasi niyang bitawan ang irog ko. Ayaw ba naman tantanan.

"Bitawan mo na, Pare." Tumayo ako sa harap niya at mabuti namang binitawan niya ang kamay ng aking sinisinta. Napakagandang pakinggan, aba. "Baka magulpi kita at mawala ang pose ko sa harapan ng Irog ko."

Tsaka dapat ay walang naglalakas loob na hawakan ang kamay niya kung hindi ako lang dapat.

"Pakialamera ka!" Nakataas ang tingin nito sa akin dahil hanggang balikat ko lang naman ang tyanak na ito. Buti pa si Alexandria ay cute na tyanak at nagagawang abutin ako.

"Alis na, Pre." Sobrang sama ng tingin nito sa akin. Subalit wala akong pakialam. Papadampot ko siya sa mga kilala kong kapre para madala siya sa kalahi niyang tyanak. "Mukha namang hindi ka kailangan dito e."

"Pakialamera. Matangkad ka lang e."

"Duwag ka lang e." Ginaya ko ang boses nito pero may halong pang uuyam ang sa akin.

Tumalikod naman na ito at sumakay sa tricycle niya ng hindi na ako kinikibo pa. Masama pa ang tingin nitong umalis bago ako murahin ng pagkalutong-lutong bigla.

"Aba! Ang tapang namang tyanak no'n. Wala namang nagawa sa tangkad ko." Komento ko. "Takot sa babaeng matangkad?"

Wala pala siya e.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang lalaking iyon at nilingon ang Irog kong hawak ang braso kung saan ay hawak siya kanina ng sobrang higpit.

Mukha naman siyang hindi natatakot. Mukha tuloy na hindi ako kailangan dito, pambihira.

"Ano, mahal? Galing ko 'no?" Nakakatuwang umismid ito sa akin at hindi ako pinansin. "Masakit ba ang braso mo? P'wede ko naman siya ipadampot kung gusto mo e. Tapos babaliin ko ang may virus niyang kamay na humawak sa 'yo. May alcohol ka ba? Mag alcohol ka para mawala ang virus ng siraulong 'yon." Taas baba ang kilay ko sa kaniya.

Nakatingin lang naman ito sa akin at walang sinasabi.

Nagtatanong lang naman ako e. Buti nga at nandito ako e.

"Gabi na, bakit narito ka pa?" Takang tanong ko. "Wala ka bang sasakyan?" Dagdag ko habang nililibot ang madilim na lugar dito sa labas ng eskwelahan.

Umiling lamang ito sa akin na ikinangiti ko.

"Wala din akong sasakyan e." At inirapan na naman ako nito sa pangalawang pagkakataon dahil sa sagot ko.

"I didn't ask." Ay mabuti na lang at sinagot na rin niya ako.

"Ihatid na kita—"

"No." Ang bilis naman tumanggi ng isang ito. Lahat na ata ng sinasabi ko ay tinatanggihan niya. Pati ang alok kong dalhin niya ang apelyido ko ay tinanggihan din niya.

"Okay lang din." Kibit balikat ko sa kaniya. "Pero hindi ako aalis hangga't 'di ka pa nakakaalis o nakakasakay."

"Leave me alone, Crescencio. I don't need you here." Gusto ko sanang magreklamo sa pagpapaalis nito sa akin. Ang kaso masyado akong nahihibang para mas magustuhan siya sa paraan ng pagsusungit niya.

Hibang na nga talaga.

"Paano kung may kidnapper? Rapist? Lasing? O gaya ng isang lalaki kanina na napag-interesan ka?" Pananakot ko dito. Niyakap niya naman ang sariling katawan bago siya umismid sa akin.

Lumakas bigla ang hangin. Malamig at ramdam na ramdam ko 'yon. Kaya siguro napapayakap ang irog ko sa sarili niya dahil nilalamig siya at hindi dahil sa natatakot siya sa mga sinabi ko.

Nagkibit balikat ako bago puntahan ang likod bench. Naalala ko ang bag ko.

"Sandali lang ha."

Inabot ko ang bag ko sa lapag na nandoon. Pinagpag ko ito at nilabas ang jacket na nasa loob.

Inabot ko ito na ikinatitig niya pagkatapos ay tinalikuran ako.

"Nilalamig ka hindi ba? Ayaw mo ba ng jacket ko? Mabango naman ito e at malinis. Amoy Crescencio pa nga e. O baka naman siguro gusto mo ng yakap ko 'no?"

"Shut it." Tamo ito, gusto lang ata ng yakap e. Ayaw pa kasi sabihin. Edi sana niyakap ko na lang siya.

Libre ang mga yakap ko pagdating sa kaniya.

Naiiling na lang ako sa mga naiisip ko. Inayos ko ang jacket na hawak pagkatapos ay inalagay ito sa likuran niya.

"Malamig."

"Hindi ko kailangan—"

"Kailangan mo. May magsusundo ba sa 'yo? Mayroon akong kaibigan na dadaanan ako dito e. Oh— ayan na pala e. Halika sumabay ka na sa akin." Hindi ko naman hahayaan na iwan siya dito dahil anong oras na. Kung taxi ang hihintayin niya ay maghihintay lang siya sa wala.

Tumigil ang isang sasakyan sa harapan namin kasabay ng pagbaba ng bintana nito.

"Hey, bud! Get in." Nakita ko si Cathrice na inilabas ang ulo sa bintana. Kumaway pa ito at tumingin sa kasama ko na parang nagtataka. "Kasama mo?"

"Hatid natin." Tumango siya at ngumiti bilang nakakaintinding kasama ko nga. "Halika na, Miss."

"No. I can take care of myself." Tanggi pa nito. Napapakamot na lang ako sa ulo. Ang kulit e.

"Gabi na, Miss Dela Merced. Hindi kita p'wedeng iwan dito." Hinawakan ko ang isa nitong kamay na binabawi niya pero hinawakan ko ito ng mahigpit. "Sasabay ka o sasabay ka po?"

"Iwan mo na ako—"

"Sakay na, Miss Dela Merced." Nauubos na ang ginto kong pasensya. Hindi ito kumibo kaya hinila ko na siya papasok sa sasakyan ni Cathrice.

"Good grief! What the heck are you doing?" Tinawanan ko lamang siya na kinairap na naman niya sa pangatlong pagkakataon. Sinenyasan ko si Cathrice na paandarin niya na ang sasakyan.

Dahil baka maisipan ng isang ito na bumaba pa ng sasakyan.

"Ang tagal mo kasing sumakay e. P'wede ka namang sumabay sa akin."

"Hindi naman kailangan." Pagsusungit pa rin niya. Hindi ata siya napapagod magsungit e.

Ang sungit na nilalang.

Nakasakay na nga siya e. Wala na siyang magagawa pa.

"Kailangan lalo na pag sinabi ko. Ang dilim na kaya at wala ng dadaan na taxi."

"I don't care." Napapakunot ako ng noo at napapasimangot dahil sa ugali ng binibining ito sa akin.

Tumingin na lang ako sa harap at napapaisip. Napapaisip kung paanong ang sungit nito sa akin?

"Mukha naman akong driver ninyo, Banana e." Natatawang komento ng kaibigan ko. Sumisilip ito sa salamin sa taas niya. "Dadaanan pa natin si Amanda ha?"

Tumango ako at nilingon ang babaeng nakahalukipkip lamang sa tabi ng bintana. Hindi tumitingin sa akin at hindi man lang magawang lingunin ako.

Ang sungit, ang ganda ko tapos 'di ako nililingon.

"P'wede ko bang makita si Ashlyn?" Tanong ko rito, para naman magsalita at hindi mapanis ang kaniyang laway. "Miss ko na 'yong bata e."

Umismid na naman ito sa akin. Pangalawang beses na 'yan a.

"Ayoko."

Sumimangot ako sa sagot nito. Miss ko na ang anak kong iyon e. Saglit lang naman tapos ayaw pa niya.

"Saging, 'di ba sa school ka galing bakit madumi ata ang damit mo?" Takang tanong ni Cathrice ng lingunin ako dahil saglit niyang tinigil ang sasakyan sa tapat ng isang 7 eleven.

Nandito siguro ang kutong lupa na si Amanda.

"Nakatulog ako sa likod ng bench e." Sagot ko na iknatawa niya. "Oo nga pala kaibigan, ito si Miss Victoria Dela Merced. Siya ang aking sinisinta."

Pagpapakilala ko sa Irog kong mas masungit pa sa mga masusungit.

Mabilis naman akong napahawak sa braso ng paluin ako ng irog ko. Ang sarap naman niyang maging binibini. Mapanakit.

"What a shame, Banana. Mukhang ayaw sa 'yo. Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, Miss. Ganiyan talaga siya at matigas ang ulo."

Kung makalaglag naman ang isang ito sa akin ay akala mo hindi kaibigan e.

Bumukas naman ang pinto sa passenger seat ng sasakyan at pumasok si Amanda na nakasimangot.

"Ang pangit ng itsura mo, Amanda." Komento ko dito. Umirap ito sa akin pero hindi nakakatuwa dahil hindi kasing hot gaya ng irog ko. "Saan ka galing?"

"Ikaw nga mukhang pulubi sa dungis mo e. Galing akong impyerno, wala ka ata do'n ngayon?" Natawa ako sa pagiging sarkastiko nito. Hindi pa ata siya nasanay sa kung saan-saan ako nakakatulog na minsan ay nagagawi ako sa kanila ng madungis ang itsura. "Sure akong nakatulog ka na naman sa  kung saan." Siya naman ngayon ang natawa sa akin. Bago lumingon na naman sa akin at kunot noong tinignan ang kasama kong maganda. "May kasama pala tayo. Sino siya?"

Muling nagdrive si Cathrice at tumawa sa tanong ni Amanda.

"Huwag mong titigan, akin 'yan." Binato ko ng unan na nasa gilid ko si Amanda. Laging may unan sa mga sasakyan nila dahil panay ang reklamo ko na hindi ako makatulog ng maayos lalo na pag malayo ang byahe at hindi naman ako ang mag da-drive pero nakakatulog naman ako kung saan ko man gustuhin.

"Edi sayo lang. Paki ko?" Deretso nitong sagot bago lingunin si Miss Dela Merced. "Hi, I'm Amanda. Pasensya na sa kabastusan nitong kaibigan namin hindi man lang kami ipakilala sa iyo."

Ako naman ngayon ang humalukipkip dahil sa sinabi ni Amanda.

Kutong lupa talaga.

"I'm Victoria." Amanda nodded.

"Ako nga pala si Cathrice, Victoria! 'Yang si Banana e pinakilala ka sa akin but she don't even introduce me to you." Naiiling na saad ni Cathrice habang mabilis na nagda-drive. "Pangit talaga ng ugali niyan."

"Hoy, Cathrice! Huwag mo naman ipangalandakan!" Sa tigas ng ulo ko ay hindi ako basta nasasabihan ng kahit sino.

"Sa totoo naman din e, but I suggest Miss Victoria. Pakisuot ng maayos 'yong jacket na nasa likod mo kasi malamig." Tumango-tango ako sa Irog ko. Mukhang ayaw pa nitong gawin pero sa huli ay wala siyang nagawa. "Anyway, saan ba kayo?"

"Sa bahay ng irog ko. Doon mo na lang kami ihatid." Masama ang tingin sa akin ni Miss Dela Merced na nilingon ako at sinabi ang address niya kay Cathrice.

"Bababa ka na rin sa kanila?" Si Amanda.

"Oo, makikitulog ako." Ngumisi ako ng hindi nililingon ang irog ko dahil paniguradong masama na naman ang tingin nito sa akin.

At sa maganda nga namang pagkakataon, naalala ko ang address na sinabi ng irog ko. Wow, parehas lang pala sila ni Cathrice na nasa residential. Mukhang magiging tambay na ako sa bahay niya para madali ko na lamang siya puntahan.

Ang kaso lagi namang wala si Cathrice sa bahay niya. Paano laging nasa ibang bahay. Edi ang useless din pala ng naisip ko.

"Hayaan mo 'yang si Banana at mukhang lumalandi na, Cath. Pakibaba mo na lang ako sa Condo ni Alex. I'm going to check her." Tumango si Cathrice dito.

Grabe naman sa lumalandi na. Konti lang naman e.

"Pangit mo talaga." Komento ko. "Message me later if how is she." Dagdag ko dito. Gusto kong kamustahin si Alex dahil matagal ko na itong hindi nakikita at nakakausap.

Tumango si Amanda sa akin at itinigil ang sasakyan sa tabi ng malaking building.

Dito ang condo ni Alexandria the great.

"Makikitulog din muna ako sa kaniya." Sumimangot ako ng mabilis itong lumabas at sinara ang pinto. Tumakbo pa ito palabas bago kumaway sa amin.

Akala ko ay i-check lang niya, tapos makikitulog pala.

"Ang daya ng babaeng iyon. Gusto ko din makita si Alex." Umismid na naman ang katabi kong tahimik lang mula kanina.

Nilingon ko ito ng may pagtataka.

"P'wede ka naman ng lumabas at sumunod sa kaniya." Natawa ako. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Gusto ko ring mapuntahan ang bahay niya. Talagang palalabasin niya ako ano?

"Pasensya ka na mahal, hindi ko balak na sayangin ang gabing ito. Gusto kong makita ang anak ko."

"She's my daughter, not yours." I giggled.

"Dalhin mo na kasi ang apelyido ko para maging legal na anak ko na siya. Madali lang naman iyon."

"Hoy, Saging. Ano ba 'yang pinagsasabi mo diyan kay Miss Victoria? Gusto mo siya 'no?" Pang aasar naman ng isa sa aming dalawa.

"P'wede bang bitbitin mo na lang pauwi 'tong kaibigan mo, Cathrice? Perwisyo e." Napahawak ako sa dibdib ko at napaaray.

Perwisyo talaga?

"Ang sakit mo naman magsalita, Irog." Pagrereklamo ko. Wala naman akong ginagawa sa kaniya para maging perwisyo ako e.

"Nandito na tayo, Ban. Bumaba na nga kayo. Ang corny mo pala, Saging. Ang cringe pakinggan e." Talaga nga naman ang isang ito. Ang sasama ng pag uugali pagdating sa akin.

Nagpasalamat na lang ako dito bago bumaba at humabol sa irog kong nauna na pa lang bumaba pagkatapos magpasalamat kay Cathrice at iniwan ang bag ko sa sasakyan niya.

"Wait up!" Sigaw ko. Pero hindi ako nito pinakinggan. "Irog!"

Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya. Sinubukan kong makapasok sa gate ng muntik na niya itong isara. Nagmamadali pa nga pero dahil sa mabilis at maganda ako ay nakapasok ako.

Pagkatapos kasi magpasalamat kay Cath e halos takbuhin na ang bahay maiwan lang ako. Gano'n niya kaayaw sa akin?

Ibang klase.

"Good grief! Ano ba kasing ginagawa mo? I didn't invite you to come!" I smile at her at inagaw ang ilang folders na hawak niya bago bitbitin iyon. Masama ang tingin nito sa akin. "Go home, Crescencio!"

"Ayoko nga! Inimbitahan ko kaya ang sarili ko."

"Miss Crescencio!"

"Yes, Mrs. Crescencio?" Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniya. Natigilan ito sandali bago sumama lalo ang tingin bago muli ako tinalikuran at naglakad.

Iniwan na naman po talaga ako.

Buti nga at hindi na siya nakipag-argue pa e. Hindi na ako ulit nito pinansin pa dahil alam niyang hindi siya mananalo sa kagandahang taglay ko.

Sumunod na lang ako dito hanggang sa makapasok siya ng bahay nila. Napansin ko naman ang harap at malinis naman. Kung titignan ay halata namang may kaya ang mga nakatira sa bahay na 'to.

"Mommy!" Hindi ko mapigilang ngumiti ng malawak ng makita ang anak ko na niyakap at hinalikan sa labi ang irog ko. Buti pa siya ay nahahalikan ang mapulang labi nito.

Kung ganito lang din pala kasaya na may anak na sasalubong sayo pag uwi ng bahay ay siguradong gugustuhin kong maging parte ng buhay nila.

Lalo na sa mag ina.

"Hi, Baby." At sana sa susunod ay ako naman ang tawagin ni Miss Dela Merced na Baby. Bakit pag si Ashlyn ang kausap niya ay sobrang lambot ng boses?

Ako nga ay hindi nakatulog noong gabing nakita ko sila Ashlyn sa isang restaurant kasama sila Alicia. Unang beses na makita at marinig siyang tumawa dahil sa ka cute-an ng anak naming dalawa.

Kaya nga nagtataka ako kung bakit parang kulong-kulo ang dugo sa akin nitong Binibini ko.

"Mama? You are here!" Napangiti ako ng maliit dahil sa wakas ay napansin na rin ako ng bata. Tumakbo ito palapit sa akin kaya umupo ako para makapantay ko siya. "You are really here!"

Nagdiwang naman ako ng halikan ako nito bigla sa labi ko. Kaya syempre, masamang tingin na naman ang natanggap ko mula sa Mommy niyang dyosa.

Wala siyang magagawa niyan. Mama na rin ako ng anak niya e. Share the blessings dapat.

Pag ako talaga ay hindi nakatiis sa pag susungit niya sa akin ngayon ay baka magamit ko na ang posas na lagi kong dala na nasa bag ko lang. Pero ang bag ko ay nasa sasakyan ni Cathrice.

"Mama, do you miss me?" Tumango ako kay Ashlyn ng hindi na bumitaw sa akin kaya binuhat ko na ito. Walang problema ang bigat nito sa akin dahil kahit ang Mommy niyang sexy ay kaya kong buhatin.

"Yes, Baby. Miss ko din ang Mommy mo kaya makikitulog ako dito ha?" Bigla na lamang pumasok ang magandang ideya na 'yon sa isipan ko.

Natawa pa ako ng batuhin ako ng Mommy niya ng remote. Nagulat pa nga dahil hindi niya napansin na buhat ko ang anak niya.

Mabuti na lang at mabilis ako kaya nakuha ko ang remote na pinulot pa niya mabato lang ako. Muntik na sana si Ashlyn kung 'di ko agad napansin ang binato nito sa akin.

Binati ko naman ang Mommy at Daddy niyang natutuwang makita ako. Nasa sala kasi sila na kasama pala si Ashlyn. Hindi na ako nahiyang pumasok habang karga ang anak ko.

"Magandang gabi po, Tito at Tita. Maaari ba ako ditong makitulog?" Napansin ko ang tingin ni Tito sa akin na nagtataka. Siguro dahil sa suot kung ang dungis kasi doon naman siya nakatingin.

"Good evening, Banana. Sure, you are welcome here. Hinatid mo ba si Victoria?" Tumango ako dito. "Thank you."

"Para sa anak niyo po." Nakarinig na naman ako ng isang masungit na pagrereklamo mula sa Irog ko kaya natawa na lamang ako.

Inimbitahan naman ako ng mag asawa na ikinatuwa ko.

Isang Banana Crescencio ba naman ay hindi nila magagawang tanggihan.

Ang isang Victoria Dela Merced lang ata ang magkakaroon ng lakas ng loob para tanggihan ako. Pero hindi ako papayag.

Nasa akin ang alas dahil gusto ako ng anak niya at parents niya. Ha! Sabi ko na nga ba at maganda ako.

Wala pa akong ginagawa niyan ha.

Purong karisma at kagandahan lang ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 4.5K 34
Laureen Gabrielle Dominguez.
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
302K 11.5K 38
Mizzelle Carmilla Velasco - She is rich, privileged, and contented with her life. She's friends with benefits to a girl that she treated badly but sh...
376K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...