HATE ME NOT (BOLS #1)

Bởi GemaInanna

41.8K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... Xem Thêm

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

28: SVT Performance

411 60 7
Bởi GemaInanna

CHAPTER 28

Svt Performance




JENNY's POV

Nakakahiya talaga kanina.

Lalo na't, pagkababa ko ng kotse, nakita ko agad si Marky at.. nakatingin pa siya sa akin. Pati yung ibang seventeens, hindi makapaniwala sa nakita nila.

Nakakahiya talaga 'yun.

Pero, si Marky... hayst! bumabalik yata yung pag hanga ko sa kanya.

'Ang gwapo niya ngayon..'

Grabe, diko mapigilan ang hindi mapangiti. Baliw na ba ako?

"Ate Jen, may napansin lang ako ah. Bakit kanina parang may something kayo ni Kuya Marky?" tanong ni Lisa sa akin na ikinagulat ko.

"Huh! Naku, ikaw Lisa ah. Mali yang sinasabi mo. Magkaibigan kami ni Marky---"

"Ate Jen, kung makatingin ka kasi kay Kuya Marky kanina para kang---"

"Wag mo nang ituloy yan Lisa. Baka may makarinig sa'yo. Atsaka, yung nakita mo kanina... wala lang yun. Namalik-mata ka lang." giit ko at agad na ngumiti.

"Sabihin mo nga ate... Crush mo si Kuya Marky noh?" ngiting tanong niya sa'kin.

Agad akong napailing. "Hindi ah. Mabait siya sakin dahil kaibigan niya ako. At 'yung tingin ko kanina... as a friend lang. Ganun naman diba?" tugon ko.

Dahan-dahan naman siyang tumango. "Well, you're right naman. So tell me nga kasi ate Jen. Promise, walang makakaalam. Mapagkakatiwalaan mo'ko Ate---"

"Alam ko naman 'yun. Pero wala naman talaga akong dapat sabihin eh" ngiting pagputol ko sa sasabihin niya.

"Ano naman kaya ang sasabihin mo sa babaeng 'yan?" napahinto kami dahil sa nagsalita.

"Na-nathalie" singhal ko.

Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Oh, I know them! Hindi ko alam ang name nila pero natatandaan ko ang mukha nilang tatlo." nabigla ako sa sinabi ni Lisa.

"What? HAHAHA!" bigla namang napatawa sina Annie at Anna.

"Lisa, ano bang sinasabi mo?" bulong kong tanong sa kanya.

"Oo ate. Nakita ko sila. At alam mo ba? Kasalanan nila kung bakit walang tumulong sa'yo kahapon." bulong ni Lisa sa'kin pabalik.

"L-lisa, 'wag kang magsalita ng ganyan. Wala tayong ebidensya atsaka---"

"Hoy Jenny. Kami ba ang pinag-uusapan ninyo?" taas kilay na tanong sakin ni Nathalie.

Umiling ako. "H-hindi. Nathalie, si Mommy---"

"Marami kang kasalanan kay Mommy kaya, humanda ka sa kanya." giit niya habang nakangisi.

"Excuse me, hindi mananagot si Ate Jen sa Mommy niyo dahil---"

"Bata, pwede ba huwag kang sumabat kung hindi ikaw ang kinausap." giit ni Annie kay Lisa.

"Annie, 'wag mo ring pagsalitaan ng ganyan si Lisa." suway ko sa kanya.

"Jenny, saan mo ba napulot ang batang kasama mo? Halatang sawsawera!" sarkistong sabi ni Nathalie kay Lisa.

Agad ko siyang nilapitan. "Nathalie, bawiin mo ang sinabi mo sa kanya. Bata lang siya---"

"Hindi ikaw si Mom kaya wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin." giit niya pa.

Napabuntong hininga na lang ako.

'Hindi ko alam na may ganitong ugali pala si Nathalie...'

Nilapitan ko si Lisa. "Halika na. Baka ma-late ka sa class ninyo---"

"It's okay ate. May meeting naman kaya ayos lang" bulong niya pabalik.

Hinawakan ko ang kamay niya para sabay kaming maglakad paalis. "Halika na---"

"Hep hep! Saan kayo pupunta?" pagharang nila sa dadaanan namin.

"Aalis na kami---"

"Hindi ka aalis hangga't hindi ka nakita ni Mommy. And---"

"Nathalie, nag-volunteer ako para ayusin 'yung gym---"

"Imposible! Alam kong hindi ikaw ang nag-ayos nun. Napaka-imposible na natapos mo 'yun ng mag-isa. Kaya, hindi ikaw ang may gawa---"

"That's not true!" biglang sumigaw si Lisa.

"A-huh. Ikaw'ng bata ka..." lalapitan niya sana si Lisa kaya pumagitna ako.

"Huwag mo siyang awayin o saktan. Dahil kapag ginawa mo 'yun---"

"Kakalabanin mo'ko? Ganyan ka na ba ka-feeling? Tingin mo ba, natatakot ako?" mariing tanong niya sa'kin.

"Nathalie, hindi ko gusto na maging ganito tayo. Magkapatid tayo diba?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Binalewala niya lang ang sinabi ko.

"Anna, please baka kausap ng Mom mo si Mommy. Pakisabi, nandito na ang hinahanap niya." tumingin siya sakin habang nakangiti.

Lalapitan sana siya ni Lisa kaya lang, bigla ko siyang pinigilan. "Hayaan mo na"

"Pero Ate, sobra na 'yang sister mo ah! Naku, kung hindi mo lang yan kapatid talagang... pinatumba ko na 'yan. Kidding."

Alam kong naiinis na si Lisa kay Nathalie. Hindi ko rin naman siya masisi. Nag-iba na talaga ang ugali ng kapatid ko.

Biglang may lumabas sa may pintuan. At dahan-dahan kong nakita si Mommy.

"Hi Mom." diretsong sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ka umuwi ka-gabi!?" galit na tanong nito sa'kin bilang pagsalubong niya.

"Eh kasi po.." hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sa biglaang pagsingit ni Nathalie sa usapan.

"Saan kaya si Jenny natulog kagabi?" sarkistong tanong niya habang nakatingin sa'kin.

"Sa bahay ng kaibigan ko. Mommy, alam po ni Nathalie na nag-volunteer ako para ayusin yung gym. Tapos, wala pong tumulong sa'kin. Buti na lang dahil, may kaibigan akong handa akong tulungan---"

"Hindi ko sinabi na, ipaliwanag mo ang mga nangyari. Sinabi na ni Nathalie sakin na, nag-volunteer ka. Wala ka bang utak? Pinag-aral ka ng Daddy mo dito para magkaroon ka ng magandang isip. Tapos ano? Wala! It's useless. Nag-volunteer ka pa talaga? Ang laki ng gym na 'yun." bakas sa boses ni Mommy ang galit niya sakin. "Then what happened? Sino ang tumulong sa'yo? Ha? Mga lalaki? Binenta mo ba yang---"

"Mommy, hindi ako ganun. Hindi ako ganoong tao." giit ko sa kanya.

"Pft, haha!" rinig ko ang tawa ng tatlo.

"Sige, palilipasin ko muna 'to. Pero, kung malaman ko na sa ibang bahay ka pa ulit matutulog, hindi ka na makaka-apak sa bahay! Do you understand?" mariing tanong niya sakin.

Dahan-dahan akong tumango. "Opo.." napapaos kong sabi.

"Good. Siguraduhin mo lang na, maaalala mo." pagpatuloy nito bago umalis. "Nathalie, sumunod ka agad." rinig kong sabi niya kay Nathalie.

Napayuko ako sa kahihiyan at lungkot.

Hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Bakit? Bakit ganu'n si Mom sakin?

"Ate Jen... ayos ka lang ba?" mahinang tanong sakin ni Lisa.

Tumango ako at ngumiti sa kanya ng bahagya para, iparating na ayos lang ako.

Rinig kong tumawa si Nathalie bago nagsalita. "Huwag mo sanang mamasamain ang sinabi ni Mommy sa'yo. Alam kong, nasasaktan ka na. Pero naman kasi, tama si Mom. Sa susunod kasi, pag-isipan mo muna ng mabuti ang gagawin mo. Para, hindi ka nagmumukhang tanga. Alam mo? Nakakatawa ka. Atsaka, nakakahiya ka rin. Natulog ka sa hindi mo bahay. Hindi porke't may kaibigan ka, mataas na ang tingin mo sa sarili mo. Paano kung, nandiri na pala ang kaibigan mo sayo? Kasi nga diba? Hindi ka naman pang high-class---"

"Hoy! Ikaw.." bigla siyang nilapitan ni Lisa kaya tumigil ito sa pagsasalita. "Kung makapagsalita ka, napaka perfect mong babae. Ikaw, ang masyadong mataas ang tingin sa sarili. Wala kang karapatang sabihan si ate Jen ng masasakit na salita. At sinabi mo pa talaga na hindi siya pang high-class? Bakit, ikaw? Pang high-class ba ang dating mo? Well, hindi. Ang sama-sama ng ugali mo sa kapatid mo. Sa totoo lang? Mas maganda si Ate Jen kumpara sayo, witch!" nabigla ako sa sinabi ni Lisa. Pati sina Nathalie, natahimik narin.

Dali-dali kong inawat si Lisa. Baka kung ano pang gawin ni Nathalie sa kanya. Ang bata niya pa para sa away. Atsaka, gulo ito kapag nalaman ng SVT.

"Lisa... hayaan na natin.." bulong ko sa kanya.

"Ate Jen, sorry hindi ko napigilan---"

"Tara na..." aalis na sana kami ng bigla ulit kaming hinarang ng dalawa.

Naglakad si Nathalie papalapit sa'min.

Mariin niyang tiningnan si Lisa. "At sino ka namang bata ka para pagsalitaan ako ng ganun?!" inis na sigaw niya kay Lisa.

Lisa smirked mischievously kaya nagulat ako.

Parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Nathalie na tila, handa rin siyang lumaban.

'Kapatid nga siya ni Prince...'

"Well, sabi ng teacher namin dapat respetuhin namin ang mga nakakatanda samin.. Pero, kung ikaw ang mae-encounter ko, wag na lang. Dahil 'di ko kayang respetuhin ang taong kagaya mo. Hindi ka karapat-dapat sa respeto namin." sarkistong tugon niya sa sinabi ni Nathalie.

Natahimik si Nathalie at bakas sa mukha ang pagkainis.

Magsasalita na sana siya nang bigla kong inunahan. "Nathalie, pagpasensyahan mo na si Lisa. Nasabi lang niya 'yun dahil mali ang pagtrato mo sa kanya---"

"Hoy Jenny. Huwag kang humarang kung ayaw mong ikaw ang saktan ko." giit niya sakin.

"Saktan mo na ako. Huwag lang siya." nakapikit kong sabi sa kanya.

Rinig ko na lang na biglang tumawa sina Annie at Anna.

"HAHAHA! Nakakatawa ka naman Jenny. Gagawin mo talaga ang lahat para lang sa batang yan?pftt!"

"Excuse me. Huwag kayong magulat kapag malaman ninyo kung sino ako. Baka kasi, may pumasok na langaw diyan sa mga bibig ninyo!" diretsong sabi ni Lisa sa kanila na mas lalo nilang ikinatawa.

"Wow, napaka-funny mo namang bata ka. Ang sarap mong kurutin. Hmpk!" gigil na sabi ni Annie kay Lisa.

"Hahaha!" biglang tumawa si Lisa kaya napatingin ako sa kanya. "Kayo rin naman. Napaka-funny ninyo. Pwede kayo maging clown! tutal, bagay naman sa inyo eh---"

"Hoy, Jenny! Pagsabihan mo yang batang 'yan ha!? Baka kung ano pa ang magawa ko diyan!" galit na pagputol ni Nathalie sa sinabi ni Lisa.

Hinawakan ko ang kamay ni Lisa para ipaalam na kailangan na naming umalis.

"Magkikita pa tayo, dito sa school bata---"

"Talagang magkikita pa tayo." mariing giit naman ni Lisa kay Nathalie.

"Let's go girls!" sabi ni Anna bago sila sabay na umalis.

"Ang kapal ng mukha!" inis na sigaw ni Lisa sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sorry Lisa. Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi niya. Sorry talaga" mahinahong sabi ko sa kanya.

"Alam mo ate, kung hindi mo mamasamain, ang sama ng ugali niya. Magkaibang-magkaiba kayo." tugon niya sa sinabi ko.

"Sensya na talaga---"

"Ate, hindi mo naman kailangang humingi ng pasensya sa'kin. Naiinis lang ako kasi, pinagmukha ka niyang masama. Tapos yung Mommy mo naman, naniwala agad sa sister mo. Alam mo ate? Nakakatakot yung Mom mo. Mas nakakatakot siya Kay Mommy."

"Hays. Ewan ko ba. Minsan, hindi ko rin maintindihan sila. Feeling ko, pinagtutulungan nila ako. Hayss." singhal ko.

"Ate..." hinawakan ni Lisa ang dalawa kong kamay. "Sorry din kasi, nagsalita ako ng ganun sa sister mo... Ate, magiging maayos rin yan" niyakap niya ako.

Bigla na lang may tumulong luha sa pisngi ko.

Naalala ko si Nathalie. Hindi naman siya ganito sa'kin noon. 'Yung mga masasakit na salitang sinabi niya sa'kin, ngayon ko lang narinig ang mga iyon. Pati si Mommy, hindi ko rin maintindihan. Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan?

Naguguluhan ako. Naguguluhan ang isip ko.

'Di naman sila ganoon...dati'

"Ate buti pa, puntahan na lang natin sina Ate Missy! Hindi na muna ako papasok ng classroom. Tutal, malapit na magsimula yung meeting eh. At para narin, maka-attend tayo. hihi!" ngiting sabi niya sakin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit na, wala ako sa mood para ngumiti.. pinapangiti parin ako ng batang 'to.

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Pinuntahan namin sina Missy sa class nila ngayon pero, wala sila kaya hinahanap na lang namin sila sa buong field. At habang naglalakad, diko maiwasang hindi mag-tanong kay Lisa.

"Hm. Lisa bakit ang bait mo? Tapos, yung kuya mo naman, masama." mahinahong sabi ko sa kanya.

"Ah, si Kuya ba? Mabait naman talaga yun ehh...Kaya lang, akala ng mga tao badboy si Kuya. Naku, ate Jen. Kung alam mo lang yung mga kabutihang ginawa niya? Siguro magtataka ka kung bakit niya iyon ginawa. Kapag nakilala mo ng lubos si Kuya, doon mo maintindihan ang lahat tungkol sa kanya." mahinahong tugon niya.

Napatango-tango na lang ako.

'Bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si Prince?..'

"Uy, Ate! Alam mo ba? May performance sila ngayon! Magpe-perform sila bago magsimula ang meeting. Kaya, tara na! Hanapin na natin sina ate Missy!" dali-dali niya akong hinila habang tumatakbo kami.

Magpe-perform pala ang SVT ngayon? Wow ah. Diko pa sila nakitang sumayaw o kumanta. Kasi nga naman, iniiwasan ko sila nung nakaraan.

Sa pagtakbo namin, bigla na lang sumakit ang tyan ko kaya napahinto ako.

"Ate Jen, ayos ka lang?" pag-alalang tanong ni Lisa sa'kin.

"Oo, maglakad na lang tayo" sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko.

"Sorry, tumakbo pa tuloy tayo. Excited lang kasi ako eh. First time ko pang makita si Kuya na kakanta sabay sayaw. Hihi! Ang pogi siguro ni Kuya kapag ginawa niya 'yun!" tuwang sabi niya.

"Hays, tara na nga!" sabi ko.

Hindi naman pogi kuya mo. Pero dahil kasama si Marky sa SVT, excited rin akong makita siyang magpe-perform.

Napahawak ako sa aking dibdib.

"A-aghh!" napadaing ako dahil sa paninikip ng aking puso.

"Ate, Jen!" nilapitan ako ni Lisa.

"Ayos lang 'to. Napagod lang ako sa paglalakad" pagsisinungaling ko.

Sinisikap kong ayusin ang sarili at ngumiti sa kanya para hindi siya mag-alala. Ayaw kong mapalitan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Excited siyang makita ang kuya niya kaya dapat, ganyan lang siya.

"Ate Jen, sabihin mo lang kung hindi ka okay. Para naman, may maitulong ako sa'yo" mahinahong sabi niya.

Tumango ako at ngumiti. "Oo, sasabihin ko sayo. Salamat ah" sabi ko. "Tara na" pagpatuloy ko.

Sa paglalakad namin, nakita na namin sila.

"Guys! Ba't ngayon lang kayo? Nagsimula na yung tugtog! Magpe-perform na ang SVT!!!" tuwang salubong ni Pauline sa'min.

Napatingin ako sa aking relo. Magsisimula na nga ngayon.

"Tara na! Yeii! Omyghaddd!" tumalon-talon rin si Lisa.

"Jenny, grabe ka ah! Natapos mo agad yung design ng gym. Ang ganda nung painting" ngiting sabi ni Missy sa'kin.

"Naku, hindi lang ako ang gumawa nun. Tinulungan ako ni Lisa" sabi ko.

"Wow, talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Pauline.

"Kayong dalawa lang?" tanong naman ni Missy.

"No, kasama namin ni Ate Jen ang buong Seventeens---"

"What?!"

"Talaga?!"

"Papaano?!"

Sabay-sabay nilang tanong at bakas sa itsura ang gulat.

Oo nga pala. Hindi pa nila alam na, Kuya ni Lisa si Prince.

"Hello, kuya ko kaya ang leader ng SVT. Kaya dapat lang na, tulungan nila si ate Jen." ngiting sabi ni Lisa sa kanila.

Agad namang napa nga-nga ang dalawa.

Napailing na lang ako. Kagaya nila, nagulat din naman ako.

"Talaga?"

"So, ikaw pala yung nag-iisa niyang kapatid na babae?"

Tanong nilang dalawa kay Lisa.

Tumango naman si Lisa. "Oo? Hindi nasabi ni Kuya noh? Ayaw niya kasi na madamay ako sa buhay niya bilang SVT. Pero ngayon, na nandito na ako.. Ah basta!"

"Omg! Grabe, hindi ako makapaniwala. Buti na lang, naging kaibigan ka namin---"

"Pauline, kahit hindi siya kapatid ni Prince kaibigan parin natin siya---"

"Sabi ko nga. Hihi!"

"So, Lisa... totoo ba na may girlfriend na ang kuya mo?" biglang tanong ni Pauline na ikinabigla ko.

"Lisa, ngayon lang din lumabas ang chismis na 'yan ha? Kasi naman, may nag-post niyan sa internet. Kaya ayun, sumikat na sa school campus. Pero, mas maganda parin kung legit yung balita diba? So, ano... totoo ba na may gf na kuya mo?" biglang tanong naman ni Missy.

Grabe, ganito pala ang dalawa kong kaibigan na 'to. Chismosa rin pala.

Bago pa magsalita si Pauline, nagsalita na ako. "Ano ba naman kayo, 'wag nga kayong magtanong ng ganyan kay Lisa. Diba, fan na kayo ng SVT ngayon? Kaya bilisan na natin dahil magsisimula na ang performance nila" sabi ko sa kanila.

"Eh, mamaya na. Hihintayin muna namin ang sasabihin ni Lisa. Diba, baby?" ngiting tanong nila kay Lisa.

"Hay naku. Lisa, ayos lang kung hindi mo sasagutin tanong nila" giit ko.

"Jenny talaga. Curious lang naman kami. Nagbabago din ang tao noh. Noon, ayaw namin sa kanila pero ngayon.. na-realize namin na, gusto pala namin sila. I mean, si Jhon, bigla siyang bumait sa'kin. Pero, hindi ibig-sabihin nun... gusto ko siya." agad namang giit ni Pauline.

"Tama si Pauline. Nakikita mo talaga na, nagbabago yung isang tao. Noon, akala mo, ang sama-sama niya kasi nga... nakikita mo 'yung mga mali sa kanya. Pero pag alam mo kung ano talaga ang nasa kalooban niya, bigla na lang gagaan pakiramdam mo. At ibig-sabihin lang nun, napatawad mo na siya." mahinahong sabi naman ni Missy na feeling ko, kausap lang ang sarili niya.

"Okay, fine. Sasabihin ko na mga ate, ha?" huminga muna ng malalim si Lisa bago nagsalita.

Alam kong, hindi gustong ipaalam ni Lisa ang tungkol sa kuya niya kasi naman, private life 'yun ng kuya niya. Ano ba naman kasi ang pakialam namin sa girlfriend ng prince na 'yun?!

"Yeah, may girlfriend si Kuya pero, noon lang 'yun. Tapos na at wala na sila ng Kuya ko. To be honest, ayaw ko din naman sa babaeng 'yun. Kasi, ang sama ng ugali eh. Tsk tsk!"

"Lisa, baka magalit ang Kuya mo dahil sinabi mo yan sa'min---"

"Don't worry Ate Jen, wala namang makakaalam eh" paninigurado niya.

Napailing ulit ako. Naging kagaya na rin siya nina Pauline.

"Kitams? Jenny, wag kang mag-aalala. Hindi naman malalaman ng Prince na 'yun na, may alam na tayo." ngising sabi pa ni Pauline.

"Basta mga Ate, wag niyong ipaalam sa iba, okay? Baka kasi, pagalitan ako ni Kuya" sabi naman ni Lisa.

"Hindi mamin ipagsasabi. By the way, alam mo ba yung name ng girl?" tanong ulit ni Pauline sa kanya.

"I don't remember her name ehh, matagal na kasi 'yun" tugon naman ni Lisa.

Magtatanong pa sana si Pauline ng bigla kong pinigilan.

"Guys, tama na ang tanungan. May meeting pa tayong kailangan puntahan." diretsong sabi ko sa kanila.

"Oo nga pala! Tara na!!" sabay-sabay nilang sabi.

Nagmamadali silang tumakbo papuntang gym. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila. Tumakbo narin ako kahit na, medyo sumisikip pa ang puso ko.

Nang makarating na kami sa loob ng malaking gym, naghiwayan naman ang buong students ng Harvend.

"Padaan!"

"Excuse me."

Sumiksik kami sa mga estudyante kahit na, medyo masikip na yung daanan para lang makita namin ang buong performance ng SVT.

"Ate Jen, dito ka!" hinila ako ni Lisa papunta sa may harapan kaya ngayon, kitang-kita ko na ang SVT.

"Ayan na, si Kuya!" tuwang sabi ni Lisa sa'kin.

"Ang gwapo talaga ni... ano" rinig kong bulong ni Pauline na nasa may gilid ko.

"We love you, SVT!!!"

Sigaw ng mga babae na may dala pang tarpaulin at nandun ang mga mukha ng buong SVT.

"SEVENTEENS!!"

"PRINCEEEE!"

"MARKYYY!"

"JHONNN!"

"JACKKK!"

"LANCEEE!"

"LIAMMM!!"

"KAYZERRRR!"

Ini-isa-isa nilang tinawag ang buong SVT members.

'Grabe, ang sakit nila sa tenga...'

Now playing:
Steal My Girl // By:One Direction

Nagsimula na nga 'yung tugtog at dahan-dahan nang gumalaw yung mga paa nila.

'Steal my girl ang kakantahin nila. Isa sa mga paborito kong kanta ng O.D..'

♬♩♪She's be my queen
Since we were sixteen
We want the same things
We dream the same dreams
Alright, alright ♪♩♬

Si Marky ang unang kumanta kaya napangiti ako. Kasabay ng pagkanta niya ay ang pagpakita ng galaw niya. Yung iba rin, sumayaw.

What the fudge. Sumayaw rin si Prince.

'Kung maka-sayaw naman, masyadong seryoso...'

Wow ah. Talented pala talaga ang SVT. Ngayon ko lang sila nakita na sumayaw at kumanta. Oo, kasali ako sa club kung nasaan sila pero hindi ako pumasok dun kasi nga, iniiwasan ko sila.

Biglang sumigaw yung mga grade 10 students dahil sa pagkanta ni Kaizer.
"But I know, I know, I know for sure♪..."

At mas lalong umingay ang buong paligid dahil sa pagkanta ni Prince sa chorus. "Everybody wanna steal my girl... Everybody wanna take her heart away♪..." kumakanta siya habang sumasayaw.

Para akong na-estatwa sa nakita ko. Sa tuwing kumakanta siya, para siyang anghel.

Napailing ako. "Demonyo naman ang ugali." hindi ko namalayang nagsalita na pala ako kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig ko.

'Buti na lang, hindi narinig ni Lisa dahil sa ingay ng mga estudyante...'

Sumayaw na naman sila.

"WHOHOOOO!"

"S.V.T!"

"ACKKKK!"

Wala na akong iba narinig kundi ang pangalan nila. SVT, Seventeens, Prince, Marky, Jack, Lance, Liam, Jhon, Kayzer-nang paulit-ulit na lang.

Si Lisa naman, kinuhaan ng video ang SVT.

'Siguro, ipapakita niya sa kuya niya...'

♪♪Na na na na na na (she belongs to me, yeah) (oh yeah)
Na na na na na na (alright)
Na na na na na na ♪♪

Nasa huling parte na sila ng kanta. At agad na namang umingay dahil sa malamig na boses ni Prince sa pagkanta niya sa huling parte.

"She belongs to me..." pagkatapos niyang kinanta 'yun nagulat ako dahil tumingin siya banda sa pwesto namin. At, bigla siyang kumindat na tila ba ang gwapo niya pag ginawa niya 'yun.

"Omyghaddd! Kumindat siya sa'kin!!" agad namang napasigaw 'yung babae sa may likuran namin.

Paglingon ko, si Queen Faye lang pala.

'Gustong-gusto niya talaga si Prince...'

"Thank you, SVT Supreme!" sigaw ni Prince sa lahat dahilan ng kanilang pagtili.

'Wow, SVT SUPREME pala ang tawag sa mga fans nila...'

Ibang klase din talaga.

"We love you SVT!"

"WHOHOOOO!"

"SEVENTEENS!"

Sigaw na naman nila.

"Proud sister, here!" sigaw ni Lisa.

Kita ko naman na napatingin sa kanya ang buong SVT at ningitian siya.

'Alam ko na kung sino ang kindatan ni Prince. Ang kapatid niya...'

"Sister? May kapatid ka sa SVT?" napatingin kami sa nagtanong.

Sina Queen Faye lang naman.

"Ah, wala. Joke lang" pagsisinungaling ni Lisa.

"Well, that's good. Dahil kung may kapatid ka sa SVT, isasali kita sa grupo namin. At para hindi ka na rin sumasama sa mga losers na nasa tabi mo." sarkistong sabi pa ni Queen samin.

"Losers pala ah..." pinigilan ko si Pauline.

"Excuse me, hindi sila losers. At kung may kapatid man ako sa SVT hindi ko gu-gustohing sumama sa inyo. At wala kayong pakialam kung saan 'ko gustong sumama." ngiting sabi ni Lisa sa kanila sabay talikod.

Tinalikuran ko na rin sila. Akala siguro nila, uto-uto si Lisa.

"Good yang ginawa mo, Lisa baby" ngiting bulong ni Pauline sa kanya.

"Hindi ko kayo iiwan noh. Ano sila, sinuwerte?" ngiting bulong naman ni Lisa sa'min.

I smiled.

"Uy, magsisimula na pala ang meeting!" sabi ni Missy kaya napatingin ako sa may stage.

Kaka-alis lang nang SVT. Hindi ko man lang naabutan.

Well, aaminin ko ang ganda ng performance nila. Ang galing. Maraming sumaya dahil sa pinakita nila.

'Ngayon, alam ko na kung bakit maraming humahanga sa kanila...'

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.1M 62.5K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
21.6K 287 11
From loner to Campus Crush She paved her path to fame But it seems her BF also paved a path but instead to fame it was to being a gangster
8K 297 38
There was a girl named Crystal who's a secret agent and had a secret mission on one of her enemy. Ayaw niya sanang tanggapin iyon ngunit wala naman s...
748K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!