Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

584K 22.2K 4.6K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Prologue

36K 606 300
By JierusuJirin

A/N: Banana Crescencio is the third book of mine, characters and scenes are connected to my previous book so I suggest reading the first and second books.

— —

Tulala, nakatanga, laglag ang panga at nanglalaking mata na kulang na lang ay maglaway ako ngunit kadiri iyon.

Iyan lamang ang mailalarawan sa itsura ko ngayon habang nakatingin sa grupo ng apat na kababaihan.

Sino ba namang hindi mabibighani sa gandang babae na nakikita ng mga magaganda kong mata?

Ah, basta. Maganda ang lahat sa akin.

Nandito lamang ako sa loob ng isang Coffee Shop ni Ate Toni. Ano pa nga ba ang ginagawa dito kung hindi ang magkakape, hindi ba? Magtaka ang karamihan kung narito ako para mag aral.

Maraming tao dito na madalas ay tambay lang para sa libreng pa-WiFi. Ang iba ay abala sa pagtatrabaho, ang iba ay ginagawang tagpuan ng mga mag iirog na akala mo ay hindi na maghihiwalay.

Si Ate Toni naman ay ang pinsan ng matalik kong kaibigan na si Alexandria the great.

May kasama kasi si Ate Toni ngayon dito sa Shop niya na hindi ko naman mga kakilala. Ngayon ko lang sila nakita na kasama ni Ate Toni.

Dahil sa masyado akong nabibighani ay hindi ko mapigilan ang sariling hindi matitigan ang isa sa kanila kung saan sila nag uusap ng seryoso ngayon.

Bakit ngayon ko lang nakita ang binibining ito?

Ayaw ba siyang ipakilala ni kupido? Magrereklamo ako 'pag gano'n.

Paano kasi ay isa sa kanila ang siyang nakakuha talaga ng aking atensyon. Mahal ang atensyon ko na hindi basta-basta makukuha ng iba ngunit siya ay basta na lang nakuha ang interest at atensyon ko na akala mo isang bagay na paborito ko sa mundo.

Gano'n kadali? Tunog may mahika.

Mukhang malala na ata ako. Para akong sinaniban bigla ng katangahan sa katawan.

Pero kung susuriin, mahaba ang buhok ng babae at kulay ash gray kung matatawag. Nakasuot pa siya ng simpleng white crop top at lumang pantalon habang nakaboots ito ng flat. Matangkad ito at mapapansin sa galaw niya na mayaman ito ngunit simple.

Ang simple.

Pero gano'n din niya ka-simple nakuha ang mala-ginto kong atensyon.

Kung mayaman ito ay mahihiya ako dahil bente lang ang lagi kong dala.

Ngunit isa lang din ang masasabi ko.

Nakakabihaghani talaga ang presensyang hatid nito sa akin. Lalo na ang mga mata nitong kagulat-gulat sa sobrang pagkinang dahil sa itim na itim nitong mata. Bilog na bilog ang mata nito at nag mamalaking mga panga at mapupulang pisngi at kulay rosas na labi.

Hindi lang naman siya ang nag iisang tao na may gano'ng kulay ng mata pero... pero bakit sobrang ganda ng kaniya?

Bakit mayroong kakaiba sa mata nito. Parang may nakakubling takot sa likod ng pagkaitim ng kaniyang mata.

Kung ano man iyon ay ayoko munang isipin at pansinin.

Oh kupido, siya na ata ang aking iniirog! Tama ka ng pag pana! Tamang sa akin mo siya pinakita.

"Sa tingin ko ay malalaglag na ang mga eyeballs mo sa sobrang pagtitig mo diyan kay Miss Dela Merced." Nagulat man sa presensya ni Patrice ay hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin sa babaeng siguradong magiging aking iniirog sa future.

Ah, napakaganda nga naman sa pandinig.

Irog. Aking iniirog.

Wow, hindi naman siya tunog tanga 'di ba?

"Mukhang siya na ang mapapangasawa at makakasama ko habang buhay." Wala sa sariling bulong ko pero mabilis na napasigaw ng mabatukan ako ni Patrice. Mabilis tuloy akong napasimangot dito. "Mapanira ka ng isang napakagandang moment, Patrice. Gusto mo ba ay sunugin kita ng buo?"

"Hindi sa pang aano ha." Tumawa ito sa akin. Samantalang ako ay nag hihintay sa susunod niyang sasabihin. Ang bagal niya. "Para ka kasing ewan sa itsura mo e. Sigurado ka bang ayos ka lang o sadyang sabog ka ngayon?"

Sumama ang tingin ko dito. Mapanglait na kaibigan!

"Patrice naman! Syempre ayos lang ako. Mukha akong maganda hindi mukhang ewan. At ano nga ba kasing ginagawa mo dito? Istorbo ka sa pag iisip ko e!" Siya naman ay tumawa lang ulit ng mahina at nailing pa na parang tanga dahil natutuwa pa ata siya sa pinaggagawa pero hindi ko malaman kung saan siya natutuwa.

Basta ay naupo na rin siya sa aking tabi.

Oh, jusko. May nababaliw po dito.

"Napadaan lang naman ako pero nakita kita at tulala ka naman masyado diyan. Sino ba kasi ang tinititigan mo?" Sinundan nito ang tinitignan kong table kung nasaan sila Ate Toni. "Ah, si Miss Dela Merced pala talaga ang tinitignan mo. Kanina pa 'yang titig mo baka matunaw 'yan." Nagtaka naman ako.

Nagtaka ako sa apelyido na binanggit niya.

"Sinong Miss Dela Merced ba yang tinutukoy mo? Pangalawang beses na 'yan a." Kinakain na talaga ako ng pagtataka ko.

Ang babaeng iyon ba?

"Iyang naka puting crop top na kasama nila Ate Toni." Ang babaeng nakapabighani sa aking kagandahang taglay? "'Yang tinititigan mo ay si Miss Dela Merced."

Oh?

Ibig sabihin ay surname pala niya iyong Dela Merced?

Siya ay isang Dela Merced? Saan ko nga ba narinig ang apelyido na 'yon? Masyadong pamilyar sa maganda kong pandinig.

Ang maganda doon ay Miss  pa lang siya gaya ng tinawag ni Patrice.

"Talaga ba? Dela Merced pala ha. Pero sa tingin ko ay mas bagay kung Crescencio ang apelyido niya." Ano nga ba ang buong pangalan niya?

Sigurado ay babagay ang apelyido ko sa pangalan niya.

Nawala ang tingin ko sa aking irog ng mapansing tumayo na si Patrice sa aking tabi.

"Alam mo Saging? Ngayon na nga lang kita makikita ulit e tapos ang weird mo pa. Hay naku! Huwag mong sabihin na crush mo na si Miss Dela Merced kahit ngayon mo pa lang siya nakikita?"

"May masama ba doon?" Walang patumpik-tumpik na tanong ko dito.

Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin.

"Sa isang babae?"

Babae.

Babae ang tinatawag kong irog. Oo nga pala, kailan pa ako nagkaroon ng interest sa isang napakagandang babae?

Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang.

"Pero sa dami ng babaeng nakasalamuha ko ay siya itong nakakuha ng atensyon ko. At kung crush ko na nga ba talaga siya kahit ngayon ko lang siya nakita... ano pa nga bang magiging pakialam ko sa kasarian naming dalawa?"

Sa aking pagkakaalam ay ang pagmamahal ay hindi lang para sa babae at lalaki. Ang puso ang namimili— crush ko lang naman ang babaeng iyon ngunit napunta na dito ang kaisipan ko.

Tama si Patrice, ang weird ko nga ngayon.

"Ang daming sinasabi. Malala ka na. Hindi ba at mag ta-transfer ka naman diyan sa Blackwood?" Tumango ako at siyang pag ngisi naman niya sa akin.

Kung bakit kasi kailangan ko pang lumipat ng eskwelahan.

"Oo e, huling taon na pero lilipat pa." Pagrereklamo ko na nauwi sa ngiwi ng maalala ang dahilan kung bakit ako narito sa Manila ngayon at mag ta-transfer sa isang sikat na Unibersidad.

"Huwag ka ng magreklamo. Gusto ka rin naming makasama. At oo nga pala, doon nagtuturo 'yang si Miss Dela Merced, Banana." Oo nga, narito sila Alexandria. Mas okay na ako doon. Pero nagulat ako, napasinghap ng slight lang. Isa bang tadhanang makita ko siya? O talagang nakalaan ang babaeng ito para sa akin? "Ipagdasal mong maging Propesor mo siya para malandi mo at pagkagraduate mo, madala na niya 'yang ginto mong apelyido."

"Magandang ideya." Tango ko sa sarili.

Ngunit, isa pala siyang Propesor? Matalino pala, mahirap makipagdiskusyon. Mukhang mas matanda sa akin, magiging under ako. Maraming maisasagot sa bawat rason ko, mahirap makatakas. Pag nag away, ako lagi ang magiging talo.

Pero ano nga ba ang pinagsasabi ko? Ano naman kung Propesor ko siya at kung sakaling mas matanda ito sa akin? Hindi naman iyon halata dahil mukha siyang bata.

Parang maihahanay pa siya sa edad kong bente dos.

"Mauna na nga ako sa 'yo at natutuliro ako sa kaweirduhan mo ngayon. Magkita na lang ulit tayo sa susunod pag matino na ang isip mo." Mabilis na tumakbo itong si Patrice at lumabas ng Coffee Shop habang mahinang natatawa o baka nababaliw na talaga siya tapos hindi lang niya alam?

Hindi man lang nag paalam ng maayos sa akin?

Alam kong weird ako pero mas weird ata ang mga kaibigan ni Alexandria e. Kaibigan ni Alex iyong si Patrice. Pero sabagay, at least matino si Alex, iyon nga lang mahal ata niya ang bala ng baril at sinasalo na lang ito bigla.

At isa pa ay matino naman ang isip ko ngayon.

Nagpasya akong lumapit sa counter at tinanong kung may order ba sila Ate Toni kasi wala akong nakita na iniinom nila.

Mangingialam na lamang ako.

Hindi naman siguro hahayaan ni Ate Toni na narito ang mga kaibigan niya tapos hindi sila kakain o pagkakapehin, hindi ba?

"Meron po Ma'am, ito pa lang po." Sakto ang paglabas ng isang babaeng kulay blue ang buhok. Ang sama ng kulay, hindi nababagay sa kaniyang kulay.

"Ako na lang ang magdala sa kanila." Ngumisi ako ng maliit.

Nag aalangan man siya ay ibinigay pa rin niya sa akin ang order nila. Mabuti naman at hindi ko na siya kailangan pang sakalin para lang pumayag.

Mabilis naman pa lang kausap.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Iyong tipong kunwari ay slow motion, gano'n? Para naman may pa effect kunwari at mapansin ako ng irog ko.

Sayang naman kung hindi ako mapapansin, 'di ba?

"Ehem," Kunwari akong nagseryoso at pilit na hindi tinitignan ang mga kasama ni Ate Toni. Pa mysterious ako kunwari kaya wag kayong magulo.

Kukunin ko lang atensyon ng babaeng kumuha din ng atensyon ko.

Para fair kaming dalawa.

Pero masyado akong marupok.

"Ban? Bakit ikaw ang naghatid?" Buti pa si Ate Toni ay Ban ang tawag sa akin. Hindi gaya nila Alex na Saging at Banana ang tawag. Nakakarindi pa man din sa tainga pero natutuwa naman ako sa pagiging weird at unique ng pangalan ko.

Banana Crescencio. Oh, 'di ba. Ang cool, prutas ang pangalan.

"Isang malaking trip lang, Ate." Binaba ko ang order nila sa harapan at tumingin sa babaeng nakakunot na ang noo pero tila isang anghel pa rin ito sa aking paningin. "Kakaiba."

Sumakto ata sa gitna ng puso ko ang pana ni kupido.

Ngunit... bakit ito nakakunot noo sa akin?

"Siguro kapag ngumiti ka, mas maganda ka 'no?" Tawag pansin ko dito ng mag komento ako sa pagiging kunot noo niya sa akin. Dahil noong una na makita ko siya kanina ay hindi ko pa nakikita ang ngiti niya. Narinig ko naman ang mahinang tawa ng tatlo niyang kasama pero mas kumunot ang noo nitong babaeng hindi inaalis ang tingin sa akin. "May pangalan ka ba?"

Dagdag na tanong ko sa kaniya. Gusto at atat kong malaman ang buo niyang pangalan.

Bakit hindi ko tinanong kay Patrice kanina e mukha namang alam niya?

"Toni, paalisin mo na nga 'yan." Saglit akong natahimik ng magsalita na siya. Kumanta ba siya? O sadyang naging musika lamang ang boses nito sa aking pandinig? O baka nababaliw na talaga ako? Sana naman ay hindi pa dahil may balak pa akong ipadala sa kaniya ang gold kong apelyido.

Pero, pinapaalis niya ba ako agad? Masungit pala ang isang ito. Hindi ako na inform. Propesor na Propesor ang dating.

"Huwag mo akong sungitan binibini at baka mas lalo akong mahulog sa iyo." Wala sa sariling bigkas ko at siya namang pagtalim ng tingin nito at pagtawa ng malakas ng isa nilang kasama na may salamin kasabay ni Ate Toni at ang isa pa na nailing na lamang sa narinig mula sa akin.

Seryoso naman ako a. Pero bakit sila natatawa?

Nag uumpisa pa lang ako na maging romantiko pero tinatawanan na agad ako sa ka-sweet'an kong taglay?

Hindi maaari ito. Masisira ang diskarte ko.

"Nababaliw ka na ba?" What a nice question. Pero malapit na.

"Siguro ay nababaliw na sa iyo." Mahina akong natawa ng umiling ito sa akin na parang hindi makapaniwala. Nakuha ko din ang atensyon niya. "Papayag ka ba kung iimbitahan kitang kumain sa labas?"

Pag aalok ko sa kaniya. Narito na ako sa harapan niya ngayon. Ayokong nagpapaligoy-ligoy sa bagay na gusto kong gawin.

"Mainit sa labas." Tuluyan na akong natawa. Isang malakas na tawa na tuwang-tuwa. Pilosopo ang babaeng ito at napakasungit. Mabuti at hindi malamig gaya ng isa kong kaibigan. "Nababaliw ka na." Umiling pa ito sa akin.

Nakaawang ang mapulang labi na mas nagpa akit sa akin.

Ibang klase ang dating nito sa akin.

"Hindi ko alam na nakakatuwa ka pa lang kausapin babae." Umismid ito.

"May pangalan ako at hindi babae lang." Hindi babae lang ha. Mukha naman siyang palaban. Kaya siguro pati ako ay inaaway kahit wala pa akong ginagawa.

Inaano ko nga ba siya?

"Kung gano'n ay sabihin mo para malaman ko."

"Para-paraan ka din, ano?" Ako naman ngayon ang nailing dahil sa mas nagiging masungit ito sa paningin ko ngunit mas naging kabigha-bighani ito.

Gusto ko lang naman malaman.

"Kararating ko lang, binibini. Pero pinapaalis mo na agad ako. Ayaw mo ba sa presensya ko?" Naalala ko kasi ang sinabi nito kanina na paalisin na ako.

"We are talking here and you disturb us." Tumango-tango ako. Natural iyon dahil nasa Coffee Shop sila at natural ding may lalapit para mag bigay ng order nila.

"Nag hatid lang naman ako ng order niyo. Masyadong masungit, mabuti at bagay sa iyo." Ang kasungitan nga naman talaga ay dapat binabagay sa kagandahan.

Bagay nga rin ba sa akin iyon? Maganda ako e.

"Ban, baka bumuga ng apoy 'yang kaibigan ko dahil sa mga sinasabi mo. Umaandar na naman ang kalakasan ng loob mo." Naiiling si Ate Toni sa akin. "Interesado ka sa kaniya?"

"Antonette!" Pigil nito kay Ate Toni.

"Hindi ko alam na may kaibigan ka pa lang katulad niya, Ate Toni. Hindi mo naman sinabi agad." Nagkatinginan sila bago ako tinitigan ng seryoso at may pagtataka. "Kung maaga kong nalaman ay siguradong hawak na niya ang apelyido ko."

"What are you saying?" Umiwas ako ng tingin dito at sandaling sumimangot.

"Ayokong ulitin ang sinasabi ko." Mas lalo atang hindi maipinta ang mukha nitong nakatingin sa akin.

Nauubusan ito ng pasensyang sumandal sa kinauupuan. Napansin ko pa ang dalawa pa nilang kasama ni Ate Toni.

Hm. Amoy kakaiba ang isa kanila. Magkakaibigan sila, hindi ba?

"Ban?" Lumingon ako kay Ate Toni ng tawagin niya ang pangalan ko pero siya ay hawak lamang ang cellphone at mukhang may binabasa.

"Tinatanong ni Alex kung nandito ka. Sinabi kong oo." May kailangan ba ang Alexandria na iyon sa akin ngayon? "P'wede ka naman niyang tawagan hindi ba? Does Patrice tell her that you're here?"

Nagkibit balikat ako. Sumandal ako sa kinauupuan nito.

"Ano pang sabi?" Kunot noong tanong ko. Maaari naman niya akong tawagan ng deretso kaya't bakit kailangang ipadaan pa sa pinsan niya?

"Ang sabi niya ay "Wala pero ipaalala mo ang box na hinihingi ko sa kaniya."" At saka siya nailing. Tinotopak ba ang babaeng 'yon? At si Ate Toni ang naisipang i-message?  "Anong box? Tsaka, tumutunog ata ang cellphone mo?" Nagtatakang tumingin ito sa bulsa ng suot kong pantalon.

Tumutunog nga naman talaga ang cellphone ko. Nakakatamad sumagot ngunit walang tatawag sa akin na hindi naman importante.

Nilabas ko ang cellphone at nakitang kakilala ang tumatawag. Hindi ko ito pinansin at pinatay lamang ang cellphone.

Nakakatamad.

"Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ni Ate Toni.

"Hindi 'yon importante, Ate Toni. Kung si Alexandria iyon baka sinagot ko na ngunit hindi naman siya."

Sabi ko kanina ay walang tatawag sa akin na hindi naman importante. Kaya ang sinabi ko kay Ate ay kasinungalingan. Ayoko lang ng problema ngayong araw.

Lumingon ulit ako sa babaeng may pagtataka at kunot pa rin ang noo. Hindi na nabago ang ekspresyon nito sa mukha. Ang hilig pa naman niya sa pagkakakunot ng noo.

"Maaga kang tatanda kung laging nakakunot ang noo mo." Wika ko pa bago sila tinalikuran. Pero bago umalis ay humarap ako ulit sa kanila.

"Pag nagkita ulit tayo sa susunod, binibini. Dadalhin mo ang apelyido ko ha?" Napasinghap silang apat at tuluyan na akong lumabas ng Coffee Shop na iyon.

Bakit kaya ako hinahanap ni Alex? At iyong box, kailangan na niya? At bakit ako tinatawagan ng lalaking iyon gayong sinabi kong huwag ako tatawagan ng hindi ko naman sinasabi.

Panira ng napakagandang araw.

Nilingon ko ang Coffee Shop. Kita sa glass wall sila Ate Toni maski ang mga kasama nito.

Unti-unting kumurba ang isang matamis na ngisi sa aking labi ng maalala ang gulat sa mga mata ng babaeng iyon. Kung totoo mang nagtuturo siya sa Blackwood ay wala siyang magiging kawala sa akin.

Maganda naman ako at may konting pagkapasaway lang. Sexy at hindi na siya lugi pa doon. Lagi naman akong may bente pesos sa bulsa na p'wede ko na sigurong ipanglibre sa kaniya. Mukha siyang maarte, masungit din siya, lagi pang kunot ang noo. Babaeng babae, isang babae na talaga nga namang karapat dapat sa akin.

Bagay naman siya sa akin.

Dela Merced ha.

Unang araw na makita, makilala, at makausap siya pero handa na ang apelyido ko sa pangalan niya.

I will find you the next day and you'll see, my surname will be your surname too.

Continue Reading

You'll Also Like

25M 625K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
74.2K 509 3
"Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live." Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magag...
195K 8.5K 43
In this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of re...
703K 20.1K 46
Masyado siyang mataas para maabot, masyadong straight para mabaluktot, at masyadong maganda para mapunta sa isang katulad ko.- Lhyn Masyado siyang ta...