I AM NOT ALONE

By echelcy

226 0 0

Life is beautiful. That was not what Ruby believes in. She find it hard to live in this world without those i... More

A/N
Prologue
Chapter 1: Goodbye
Chapter 2: New beginning
Chapter 3: Weird seatmate
Chapter 4: An apple for Snow White
Chapter 5: Taste of home
Chapter 6: A smile
Chapter 8: I want to know
Chapter 9: Night and Fun
Chapter 10: Group study

Chapter 7: Getting closer

18 0 0
By echelcy

Chapter 7: Getting closer

Nakatingin lang ako sa guro na nasa harap habang nagsasalita. Naririnig ko ang teacher namin sa Filipino habang ipinaliliwanag ang mga register words pero lumalabas sa kabilang tainga ang mga sinasabi niya.

Buti nalang, natackle na namin ang register noong junior highschool kami. Hindi naman mahirap ang topic na iyon.

Tumingin ako sa mesa ko. Nasa ibabaw nito ang blankong notebook ko at ang kanang kamay ko naman ay may hawak na black ballpen kahit na wala naman talaga akong balak magsulat.

I looked at the clock on top of the board in front. It’s almost quarter to 12. I’m sleepy and hungry. I looked through the window to hide my lazy eyes. I blinked repeatedly then looked at my empty notebook.

Muli ko sanang itataas ang tingin ko sa guro pero nagtanong siya bigla kaya mas pinili kong panatilihin ang tingin ko sa notebook ko. Ayokong matawag ngayon, lalong-lalo na dahil hindi ako makapag-isip ng matino. Inaantok pa ako.

Epekto siguro ito ng pagsabunot nila sa akin kanina. Kahit papaano naalis na ang sakit nito.

“Okay.”

“Sinong gustong magbigay ng example ng register?”

Ilang sandaling walang umimik o gumawa ng ingay. Alam kong ayaw din ng mga kaklase kong matawag. “Davis, magbigay ka ng isang halimbawa ng register.”


Napahinga na lang ako ng maluwag nang hindi ako ang natawag. Nakapagbigay naman yung Davis ng tamang sagot.

Akala ko, isa lang ang tatanungin ni ma’am pero meron pa pala dahil tumawag pa siya ng ibang mga pangalan.

“Ruby, magbigay ka nga ng halimbawa ng register o rehistro.” Mabilis kong iniangat ang tingin ko sa harap. Nakatingin ang guro sa akin pati na rin ang ilan naming mga kaklase.

“Yes ma’am?” Gusto ko sanang ulitin pa ni ma’am yung tanong para mabigyan ako ng panahon para makapag-isip.

“Magbigay ka ng halimbawa ng register sa larangan ng medisina.”

Hindi naman mahirap ang tanong pero hindi talaga gumagana ang ulo ko ngayon. Pinilit kong maghanap ng kung anong maisip ko hanggang sa may maisip ako.

“Ma’am, operasyon po.” Hindi ko alam kung tama yung sinabi ko.

Ngumiti naman siya saka tumango. “Tama. Ano pa?” Uupo na sana ako pero nakatingin pa rin siya sa akin. Humihingi pa ba siya ng sagot sa akin?

“Yes, Ruby, ano pa? Magbigay ka ng dalawa pa.” Napansin ata niyang hindi ako nakikinig sa lecture niya kaya humihingi pa siya ng sagot sa akin. Nakangiti siya habang hinihintay akong magsalita.

Pinigilan ko ang sarili kong ikunot ang noo ko. Pinaparusahan ba niya ako dahil hindi ako nakikinig?


“Maam, hhmm.  Eksaminasyon po at…”

Wala na talaga akong mapiga sa ulo ko kahit pa napag-aralan na namin ito noon.

Kung saan-saan ako tumingin hanggang sa makarating ang paningin ko mesa ko. Naabutan ko ang isang kamay mula sa likuran na pasimpleng inilalapag ang isang papel na may sulat ng isang salita.

“Ah, examination at dressing po ma’am.”

Tumango-tango naman siya saka niya ikumpas ang kamay niya na para bang pinapaupo ako. Nagsimula muli siyang tumawag ng ibang pangalan.

Nang makaupo ako, tumingi ako sa likurang banda kung saan nagmula ang papel. Sinalubong ng paningin ko ang magkatabing magkaibigan.

Ang isa ay nakangiti sa akin habang itinuturo ang isa na tahimik lang na nakatignin sa harap. Nang mapansin niyang nakatingin ako, saka lang niya ako tinignan pero agad ding ibinalik ang tingin sa harap. Kung hindi ako nagkakamali, sa kanya galing ang papel na iyon.

Ibinalik ko din ang tingin ko sa harap at sinubukang makinig kahit na inaantok.













Lunch time na. Gaya ng dati, ako na naman ang isa sa mga pinakaunang lumabas ng room kahit pa malayo ang kinauupuan ko sa pinto.

“Ruby.” I automatically halted when someone called me, not because I heard my name but because I got startled by her high pitch voice.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Naglalakad palapit sa akin si Kyren habang kumakaway.

“Sabay na tayong maglunch.” Agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa braso ko pero agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Nabigla siya sa ginawa ko pero muling ngumiti. “Pasensya na, medyo touchy kasi ako,” sinabayan pa niya ang pagsasalita niya ng maliit na pagtawa.

“Okay ba ang ulo mo? Hindi ba masakit?” tumingin siya dito at kinilatis.

Tumikhim ako. “It’s fine.” Hindi naman na ito masakit kumpara kanina. Tumango naman siya.

Agad siyang kumaway nang makalabas sa pinto ang dalawa niyang kaibigan. “Si Chris?” tanong agad ni Andrew sa katabi kong babae. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

“Nauna na sa cafeteria. Ang sabi niya, magrereserve agad siya ng mauupuan.” May punto nga naman si Chris, dahil madalas mapuno ang cafeteria kapag lunch, paunahan na lang talaga ng table.

Magdadahilan pa sana ako para humiwalay sa kanila pero wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Kyren sa cafeteria.










“May pagkain na daw sa table.” Imbes na tumungo sa may meal counter, hinila ako ni Kyren diritso sa second floor. Sumunod naman ang dalawang lalaki. May pinag-uusapan sila per hindi ko marinig.


Nang makarating kami doon, may kumaway sa may bandang dulo. Tinignan ko siya ng mabuti, at hindi nga ako nagkamali dahil si Christopher ‘yun.

“Dito!” Naglakad kami patungo sa kinaroroonan niya. Halos puno na rin ang second floor. Buti nalang at nauna talaga siya.

“Hi, Ruby.” Masayang bati ng kanina pa naghihintay na lalaki. Bahagya naman akong ngumiti kahit na may pagka-awkward ito.


Pinaupo agad ako ni Kyren sa tabi niya. Pinili pa ata niyang doon ako sa pinakagilid para hindi ako makaalis agad. Magkatapat kami ni Christopher. Tumabi naman sa kanya si Andrew saka sumunod ng upo si Jared.

“Dinala ni kuya Max kanina.” Turo ni Christopher sa dalawang paperbag habang nakatingin kay Andrew. “Ang sabi niya, saka mo na lang daw bayaran ang delivery fee.”


Natawa naman si Kyren. “May fee pa pala si Kuya Max.” Napaisip ako kung sino ‘yung Max na tinutukoy niya. Kaninong kuya ba iyon? Kay Christopher o Andrew o Kyren.

Inilabas na nila ang mga pagkaing nasa paperbag. Nang makita ko ang logo, naalala ko ang restaurant na pinuntahan namin ni ate noon.

Napatingin ako kay Christopher at Andrew. Naabutan ko pa si Andrew na nakatingin sa akin pero agad namang umiwas ng tingin.

“Oo nga pala, Ruby, iiendorse ko lang itong restaurant na pinagtatrabahuhan namin.”

“Diba, kumain na rin kayo doon noon?” Inilabas niya nag isang flyer mula sa paper bag saka iniabot sa akin. Inabot ko naman ito at tinignan ang mga picture ng pagkain na nandoon.

“Nandyan yung mga menu namin saka yung number kung gusto mong magpadeliver. One call away at idedeliver agad yan ni Mario.” Nagkatinginan sila ni Andrew.

“Christopher, kung ayaw mong tawagin kita sa buong pangalan mo, tawagin mo akong Andrew,” may pagbabanta pero pabirong sabi ni Andrew.

“Tama na nga. Kumain muna tayo,” suway ni Kyren sa kanilang dalawa.

Naalala . Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang kanilang mga alaala. Nanatili akong nakatingin sa pagkain ko at buti nalang dahil hindi nila napansin ang basa kong mga mata.

Habang kumakain, nasesense ko ang awkwardness. Kung wala ako dito sa mesa nila, siguradong nagtatawanan at nagkukuwe ntuhan ‘tong mga ‘to. Iniisip ko na sana hindi nalang ako sumama sa kanila.

Ilang sandali ay bigla uling nagsalita si Kyren.

“Pero kanina, alam niyo ba? Mukhang mga tuta yung dalawang ‘yun nang makita ko sila sa room.” Napatingin kaming lahat sa kanya. Ang tinutukoy siguro niya ay ang dalawang babaeng naencounter namin sa c.r.


“Ni hindi nga sila makatingin sa akin ng diritso eh. Akala talaga nila na ako ang nagsumbong sa teacher na nagcheat sila,” pagmamalaki pa niya.

“Eh, baka naman, ikaw talaga ang nagsumbong,” banat ni Christopher habang may pagkain pa sa kanyang bibig. Napailing naman si Andrew habang nakangiti. May kunting ngiti rin ang sumilay sa labi ni Jared.

Agad namang sumabat si Kyren. “Hindi ah. Bakit ko naman sila isusumbong…”

Mas hininaan niya ang pagsasalita niya bago niya ituloy ang dugtong ng sinabi niya kanina. “…eh, minsan, nagchecheat din ako.” Ngumiti siya sa sinabi niya.

Bago pa man makapagsalita ang mga kasama niya ay agad siyang nagsalita. “Wag niyo akong pagsasalitaan. Mas malala pa kayo kaysa sa akin ah.”

“’Wag mo namang pahalata,” sabi ni Andrew.

“Oy, ibahin mo si Jared. Hindi yan nangungupya,” pagtatanggol ni Christopher kay Jared sabay tapik sa balikat nito.

Dahil sa sinabi niya, awtomatikong napatingin ako kay Jared. Nakatingin din siya sa akin pero agad ding umiwas ng tingin. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkabahala.

Naguluhan ako sa sinabi ni Christopher. Ang tingin ng kaibigan ni Jared sa kanya ay hindi siya nagchecheat, pero iba naman ang nakita ko noong nakaraan.

“Kung magaling din sana ako gaya ni Jared, baka ako na ang habulin ng mga lalaki ngayon,” natatawang sabi ni Kyren. Halos mabulunan naman si Jared dahil sa sinabi ni Kyren kaya agad na iniabot ni Andrew ang baso ng tubig sa kanya.

“Kaya ang daming nagkakagusto sa’yo eh,” sabi ni Kayren habang nakatingin kay Jared. “Magaling ka, gwapo pa. Medyo cold pero mabait naman at gentleman. Bonus na lang yung pagiging mayaman ninyo.”


Feeling ko talaga, na-oout of place ako dito. Pero mas mabuti naman yun kaysa sa ako ang tinatanong nila ng kung ano-ano. Sa paraang ito, mas makikilala ko pa sila.

Itinaas ko ang paningin ko nang tawagin ako ni Christopher. “Eh ikaw Ruby?”

“Hmmm?” Ano kaya ang gusto niyang tanungin sa akin?

Tumingin siya kay Jared saka kay Andrew habang nakangiti ng malawak. “Anong tingin mo kay Jared?” naguluhan ako sa tanong niya. Ano ang gusto niyang iparating?

Ikinunot ko ang noo ko. Napansin ko naman ang malakas na pagtapik ni Jared kay Christopher. Imbes na tumahimik na ito, ipinatuloy pa niya ang sinasabi niya.

“Dahil halos meron na kay Jared ang lahat, gaya ng sabi ni Kyren, anong masasabi kay Jared.” Natawa siya sa paliwanag niya. Anong masasabi ko kay Jared? As a person?

“Ang ibig kong sabihin, may gusto ka ba kay Jared?” Nabulunan ako sa tanong ni Christopher. Hindi ko inexpect ang tanong niyang iyon. Pati ang tatlo ay halatang gulat din sa sinabi ni Christopher.

Agad na marahan na tinapik ni Kyren ang likuran ko habang mabilis naman na iniabot ni Andrew ang isang tasa ng tubig.

“Chris, ano bang klaseng tanong ‘yun.” Tumaas ang tuno niya habang sinasabihan ang kasama niya.

“That was nonsense, Chris,” sabi naman ni Jared. Ngayon ko lang siya marinig magsalita nang makarating kami dito sa cafeteria.

Kinuha ko yung baso ng tubig para uminom pero inubo uli ako kaya mabilis ko itong ibinaba.

“Uhm, sorry,” sabi ko sa kanila nang maayos na ang pakiramdam ko. Natigilan naman silang apat na para bang may sinabi akong masama.

“May nasabi ba akong mali?” agad namang tumawa sina Christopher at Kyren sa sinabi ko. Napangiti naman din ang dalawa.

“Pasensya na, Ruby. Ang cute ng expression mo kanina,” natatawa pa ring sabi ni Kyren.

“Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil sa tanong na iyon,” sabi ni Christopher na may ngiti pa rin sa kanyang labi.

“Naoffend pa ata si Jared sa reaction mo eh,” dugtong pa niya.

“Hindi ah,” mabilis na sabat ni Jared.

Siniko naman siya ni Andrew. “Oy defensive.”

Lumapit si Christopher kay Andrew at bumulong. Hindi ko narinig ang ibinulong niya pero parang nagulat si Andrew doon.

“Ako. Hindi ‘no,” depensa niya nang matapos ang sinabi ni Christopher.

“Oyyy, defensive,” panggagaya ni Christopher sa sinabi niya kanina.

“Pero sa susunod, Kyren, iwasan mong makipag-away,” pag-iiba ni Andrew ng usapan.

Tumango-tango naman din si Christopher. “Lalo na’t may mayamans sina Margaret, baka matawag ka pa sa office.”

Umismid naman si Kyren. “Don’t ya worry. Sila naman ang nagsimula, hindi ako.”

Nagpatuloy pa sila sa kuwentuhan. Paminsan-minsan tinatanong nila ako at maikli ko naman itong sinasagot.














Imbes na maghintay ng sasakyan pauwi, pinili kong maglakad-lakad na lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Halos iisa na rin ang routine ko. Bahay, school, bahay. Gusto kong subukang gumawa ng bagay na hindi ko madalas gawin.

Natoon ang tingin ko sa shoe shop na may glass wall. Napatingin ako sa isang pares ng sapatos na nakadisplay doon. Kulay black ito na may 3 inches na takong kung hindi ako nagkakamali. Hindi ko alam ang tawag sa sapatos na iyon. Ang alam ko lang, ito ang madalas gamitin ng mga nangungupisina.

Naalala kong walang binili si ate na sapatos noong namili kami noong nakaraang linggo.

Pumasok ako doon at tumingin-tingin sa mga nakadisplay na sapatos. May mga sneakers, boots, corporate shoes at mga heels.

Tumigil ako sa tapat ng isang black corporate shoes na nasa 3 inches ang haba ng takong. Tinignan ko ang size nito at price nito. 1,995 pesos. Gaya nito ‘yung nakadisplay.

Tinignan ko muna ang wallet ko kung may laman ito. May 2,500 at ilang coins. Hindi ako magastos kaya may naipon din akong pera mula sa mga allowance ko at sa pagpapart-time job noon. Palagi ding nagbibigay si ate ng allowance kahit na palagi kong tinatanggihan.

“Excuse me, may size 37 o 8 po ba kayo nito?” tanong ko sa saleslady habang ipinapakita ang sapatos. Kinuha naman niya ito at sinabing hintayin ko siya.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang saleslady na may dalang bagong box. Chineck ko ng mabuti ang sapatos. Sa huli ay binili ko ito.

“Thank you po maam.” Ngumiti ang cashier at iniabot sa akin ang isang bag. Tinanguan ko siya at bahagyang ngumiti.















It was almost 7 pm when my sister got home. It was a bit unusual for her to get home this early.

“Good evening,” bungad niyang bati sa akin nang makapasok siya sa kusina. Inihanda ko na ang pinggan at mga pagkain.

Imbes na bumati pabalik. Tinanong ko nalang siya. “Na-fire ka ba kaya maaga ka ngayon?”

Natawa naman siya sa tanong ko. “No. Medyo maluwag lang schedule namin at nabawasan ang trabaho dahil natapos na ang crucial time noong nakaraang buwan.” Siguro tinutukoy niya ang pagla-launch ng bagong products. ‘Yun din ang panahon kung saan hindi siya pumasok.

Inilapag niya ang bag niya sa bakanteng upuan saka umupo sa tabi nito. Pumuwesto naman ako sa tapat niya.

Nagluto ako ng tinola na may halong sayote. Buti na lang at wala kaming assignment kaya nagawa kong magluto ng matinong ulam.

Madalas kasi, mga prito or mga delata ang inihahanda kong ulam kapag busy ako. Minsan naman, nag-oorder nalang ako o si ate na ang bumibili ng ulam.

Matapos naming ayusin ang mga pinagkainan namin, mabilis akong naglakad paakyat nang maalala ko yung sapatos na binili ko para kay ate.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto at inilagay sa harapan ng kwarto ni ate ang paper bag. Ayokong maabutan niya ako.

Agad kong kinlose ang pinto ng room ko at pinatay ang ilaw saka dumiritso sa kama. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yapak ni ate.

Tatayo sana ako para tignan kong nakita niya yung bag dahil wala akong ingay o kaluskos na naririnig ng ilang minuto pero agad din naman akong tumakbo sa kama ko nang marinig ang mga yapak niyang papalapit sa room ko.

Kumatok siya ng dalawang beses pero hindi ako kumibo.

“Ruby. Thank you. I appreciate it.” Halata sa tono ng boses niya na nakangiti siya. Ilang sandali ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto niya.

Napangiti ako at tuluyang ipinikit ang aking mga mata. “Salamat din,” pabulong na sabi ko.




Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
1.1M 51.3K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
44K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...