Coldest War (War Series #2)

De overthinkingpen

255K 12.3K 3.5K

War Series #2: Hiel Sebastian Lara Cervantes Pretty, kind, and friendly, Rinnah Selene Jimenez is always love... Mais

Coldest War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
Coldest War

Chapter 15

5.1K 264 71
De overthinkingpen

#war2wp

Chapter 15

Destiny

Minsan, napapa-isip ako kung paano ba gumagana ang tadhana. Dumadating ba ang isang tao sa buhay natin dahil wala lang o dahil may dahilan? 

Ah. . .that question is easy. Of course, people come into our lives for a reason.

Pero ang hindi ko lubusang maintindihan, paanong nasulat ng tadhana ang lahat ng kaugnayan natin sa mga tao sa buhay natin? How did destiny think of giving Dad my mother and of giving me to both of them as their daughter? May dahilan ba at may naging resulta ba sa kung sino ako ngayon ang hindi ko pagkakaroon ng kapatid? Kung may dahilan ang pagiging iisa kong anak, ano ang dahilan?

It made me think of Hiel. Was I an only child because destiny wanted me to get close to Hiel? Dahil nag-iisa akong anak, gugustuhin ko ng kapatid. Dahil sa kagustuhan kong magkaro'n ng kapatid, gugustuhin kong mapalapit kay Hiel. 'Yon ba ang dahilan?

Paanong naisip ng tadhana na ibigay si Tita Stella sa asawa n'ya at ibigay si Hiel bilang anak nila? Paanong naisulat na magiging magkaibigan sina Mommy at Tita Stella sa lahat ng taong nabuhay sa mundo na puwede nilang maging kaibigan?

Bakit ibinibigay sa atin ang mga kaibigan natin? Paanong naisulat na ang mga kaibigang mayro'n ako, makakahubog sa kung ano ang magiging ugali at personalidad ko?

"You ever wondered all of that?" I asked Jourdaine and she looked at me like I looked hideous to her.

I know that it's too complicated to think of but I can't help but wonder sometimes. Parang alam ko ang sagot para sa mga tanong na 'yon pero hindi rin. At kapag nalaman ko nga ang sagot, hindi ko rin naman magagamit 'yon kaya wala ring kuwenta.

But sometimes, I love thinking of things like these because, after all the unanswered questions, everything will end with me feeling grateful.  

"Don't think about such complicated things!" Reklamo ni Jourdaine bago sinapo ang noo at napatawa ako. "It's not the alcohol that's going to give me a headache. It's you."

Napangiti ako at napatingin sa kopitang hawak bago bumuntong-hininga at uminom doon.

Sa sumunod na taon matapos ang pagbisita ni Hiel sa Massachusetts, kami naman ni Mommy ang umuwi ng Pilipinas para ro'n gastahin ang school break ko bago mag-Grade 11. I was 16 at that time and I was a part-time model. Hindi pa ako sikat noon at hindi rin masyadong abala.

It was June and the heat in the Philippines was much scorching than I remembered it to be. Pababa pa lang ng eroplano, damang-dama ko na ang init ng panahon at ang lagkit na dala ng hangin.

Isinoot ko ang gladiators habang inaalalayan si Mommy sa pagbaba. Mommy immediately had phone calls the moment we landed and I assumed that they are her friends in the Philippines.

Agad akong kumuha ng litrato na agad kong pinost sa social media.  Agad akong nakatanggap ng medyo maraming likes and comments doon. My followers liked the black midriff shirt with short sleeves I paired with the high-waisted blue jeans I wore and how I styled my outfit with my gold accessories, especially the necklaces I layered with style. 

I was smiling as I read and replied to the comments when a message that popped up caught my attention. 

Hiel Sebastian Lara Cervantes:
Welcome back. 

Napangiti ako lalo na sa smiley face na idinagdag n'ya sa chat at agad na nag-reply.

Rinnah Selene Jimenez:
Miss you!
So excited to see you. 
 

Hiel Sebastian Lara Cervantes:
Likewise.
Where will you and Tita Lina be staying?

Naging abala ako sa pagre-reply sa mga chats ni Hiel at ng ilang mga kaibigang nangangamusta habang papunta kami ni Mommy sa isang restaurant para kumain. We'll go straight to our house in the city to rest. Kinabukasan, mukhang magiging abala kaagad si Mommy sa mga kaibigan n'ya.

Nothing has changed with my Mom. She frequently visits a lot of friends and they do the same to her so I was sure that we will be busy during our stay in the Philippines. Balita ko nga ay may naka-schedule kaagad na El Nido trip si Mommy na hindi ko na sasamahan dahil marami rin akong kaibigan na pinangakuan kong kikitain habang nasa Pilipinas pa ako.

Pero ang plano kong unang kitain ay si Hiel at balak ko ngang pumunta sa bahay nila bukas para roon. Like planned, Mom and I rested on our first day home and went to see our friends the next day.

Because it was hot, I wore a beige halter top and a pair of high-waisted short jeans when I went to Hiel's house. I expected to lounge at their house so I wore something that I can be comfortable in.

It was a Saturday. Dahil weekend, akala ko ay ang mga kaibigan ni Hiel ang sasamahan n'ya pero pumayag s'yang makipagkita sa'kin. 

Pagdating ko sa bahay nila, the first thing I noticed was how the aesthetic of the house changed. The house looked like a bachelor's house which was totally understandable. Si Hiel na lang kasi at ang Papa n'ya ang nakatira ro'n.

When Tita Stella, Hiel's mom, was still alive, their house has always been warm and welcoming. Pero ngayon, malinis man ang paligid, halata nang may kulang doon at iba na kaysa noon. I grew up here. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot habang iniisip ang dating dating ng bahay.

Ang hirap na makitang ang mga bagay na nakasanayan ko noon ay nagbabago sa paglipas ng panahon. I should used to it by now. Ang mga lugar, bagay, at panahon ay nagbabago. And so do people.

I was told by one of their housemaids that Hiel was still in the shower. Kaya naman para hintayin s'ya, naupo na muna ako sa sofa ng living room nila na unang sumalubong sa akin pagpasok ng bahay.

Ang kulay ng mga gamit sa bahay nila ay madalas na kulay abo, puti, o itim na. Karamihan din ng gamit ay kuwadrado. The house feels unfamiliar now and a little bit colder than how I remember it to be. Parang dati, ito na halos ang maging pangalawang bahay ko. Ngayon, ni hindi ko magawang umalis sa sofang kinauupuan ko dahil pakiramdam ko, hindi dapat ako nangingialam o naglilibot nang walang paalam sa bahay ng iba---because the house feels unfamiliar now.

Napanguso ako. Gaano katagal na ba akong hindi nakabalik dito? Mukhang inayos ang halos lahat at marami na ang nabago.

"Kanina ka pa?"

Agad akong napalingon sa kadarating lang na si Hiel, nakahawak sa buhok n'yang basa pa at nakasuot ng salamin habang nag-aalalang nakatingin sa'kin. He's wearing a black round neck shirt and a pair of white shorts. 

Mas mahaba ang buhok n'ya kaysa sa naaalala ko no'ng nakaraang taon. O baka dahil basa pa galing sa pagligo ang buhok n'ya kaya mukhang mas mahaba. 

"Sorry," he pursed his lips.

Agad akong tumayo at napangiti nang makita s'ya. Lumapit ako kay Hiel at hindi n'ya inalis ang tingin sa akin habang papalapit ako. 

"Ang tangkad mo!" I happily said before I went closer for a hug. "I miss you!"

He's leaner than before. Cute! He's growing so well.

Agad akong kumalas sa yakap at tiningnan ulit s'ya. I caught Hiel looking away and I noticed a slight flush on his cheeks. 

"I was so excited to come here! Ang dami na palang nagbago rito," I said before I roamed my eyes around their house again.

"We had a couple of renovations," Hiel mumbled. 

Tumango ako at ngumiti sa kan'ya, suddenly missing Tita Stella. Because their house sure is different without her. 

"Dad and I," Hiel started to mumble again, "wanted to finally move on so..."

I bit my lip a little. Parang bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. I don't want to go to that topic because I know that it's sensitive for him. Pati na sa akin. Ilang taon na rin pero masakit pa ring alalahanin ang nangyari kay Tita Stella.

"That's what Dad's therapist said."

Tumango ako at pinilit na hindi ipakita ang gulat ko. 

"It's pretty," tukoy ko sa bagong aesthetic ng bahay. "Do you bring your friends here?"

Naglakad kaming dalawa ni Hiel pabalik sa sofa para ro'n umupo. Dumating ang isa sa mga kasambahay nina Hiel at naglagay ng juice at snacks sa coffee table ng living room.

"Sometimes. Sometimes, we'd go to Hanani's house."

Tumango-tango ako at kumuha ng baso ng juice at uminom doon.

"Sana makasama ko ulit sila! They're so fun to be with," I told Hiel then I suddenly remembered my friends in the US.

I've made a bunch of friends there. Agad kong ikinuwento kay Hiel ang mga na-experience ko kasama ang mga kaibigan ko sa ibang bansa at ang mga parati kong ginagawa ro'n kasama sila. Natatawa nang kaunti si Hiel sa mga kuwento ko tungkol sa mga kaibigan lalo na kapag tungkol kay Jourdaine na naging isa sa mga malalapit kong kaibigan at paminsan ay nagkukuwento rin si Hiel tungkol sa mga kaibigan n'ya sa tuwing nagtatanong ko.

"What?" Gulat na tanong ko kay Hiel bago pa man ako maka-kagat sa cupcake na dinampot kanina. "I assumed that you're closest to Ida Mishal because she's quiet and aloof like you but it's Hanani and Adonijah you're closest to?"

Napangiti si Hiel at tumango bago tiningnan kung paano ko kinagatan ang cupcake na kinuha.

"Lagi nila akong sinasamahan at kinaka-usap," Hiel said.

Tumango ako at pinunasan nang kaunti ang labi matapos kumagat sa cupcake. Hiel hesitantly tried to raise his hand to help me wipe my cheek pero hindi n'ya maituloy. Dahil do'n, lumapit ako nang kaunti sa kan'ya para hayaan s'yang tulungan ako.

Hiel took some tissue and helped me wipe my lips. Napangiti ako nang kaunti nang makitang seryoso si Hiel sa pagpupunas ng gilid ng labi ko. Nang matapos s'ya I smiled at him.

"Thanks!" I said before I took a bite again. 

Pumunta kami ni Hiel sa kung nasaan ang garden nila noon pagkatapos naming magpalipas ng oras sa sala ng bahay nila. The garden doesn't look the same as before. Hindi na gaanong kasing dami ng mga bulaklak noon ang mga bulaklak doon ngayon. Pina-upo ako ni Hiel sa outdoor living area.

Ang sofa sa sala nilang nasa labas ng bahay ay gawa sa bakal at may malalambot na mga kulay abong cusions. Bakal din at babasaging glass naman ang materyales ng coffee table na nasa gitna ng mga sofa. May nakahanda na rin doong meryenda.

The weather is nice. Maliwanag pero balot ng ulap ang langit. Amoy na amoy ko ang kapeng nakalagay sa coffee table at mas malamig at presko kaysa kahapon, nang dumating kami ni Mommy sa bansa, ang ihip ng hangin.

"Do you like reading?" Hiel asked.

"Yeah," sagot ko agad nang halos lumubog ako nang umupo sa malambot na cusion ng sofa.

Hindi ako kasing hilig ni Hiel sa mga libro pero gusto ko ring nagbabasa ng mga libro na binabasa n'ya. Siguro, gusto n'yang magbasa ngayon kasama ko. Reading date?

Napangiti si Hiel nang marinig ang sagot ko bago s'ya nagpaalam na kukuha ng libro sa kuwarto n'ya. I watched him as he walked back inside their house. Nang mawala s'ya sa paningin ko, t'saka ko inilibot ang mga mata ko sa bakuran ng bahay nila. 

Hindi pa man nagtatagal, nakabalik na si Hiel dala ang dalawang libro na mukhang magkapareho. Nagtataka ko s'yang tiningnan at inabot n'ya sa'kin ang isa.

"Bakit dalawa ang kopya mo n'yan?" Nagtatakang tanong ko bago ko kinuha ang isa sa mga libro na inabot n'ya sa'kin.

"I saw. . .from the social media that you like this author. Before you came back, I thought of reading this with you," aniya.

Mangha akong tumango at agad na nakaramdam ng tuwa. He's that excited to see me again? 

I sat comfortably on the sofa and Hiel sat two feet away from me. Nasa dulo s'ya ng sofa, nakatukod ang siko sa armrest sa dulo at nakasandal nang kumportable sa sandalan. Agad akong lumapit sa kan'ya bago ko s'ya tinalikuran at isinandal ang likod sa balikat n'ya. Napangiti ako bago ko binuklat ang libro.

"Are you comfortable?" I chuckled.

Hiel adjusted a little. 

"Yeah," he said and I laughed.

Hinubad ko ang sapatos na soot at inangat ang paa sa sofa. Ipinatong ko ang libro sa tuhod ko at inipit ko ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.

Nagsimula na kaming magbasa ni Hiel. Kapag may parte sa libro na nagustuhan ko, agad akong nagre-react at sinasabi 'yon kay Hiel. Makikinig s'ya sa'kin at sasabihin sa'kin ang opinyon n'ya tungkol doon, pagkatapos, itutuloy namin ang pagbabasa.

Sa kada kabanata na matatapos namin, humihinto kami para hintayin ang isa't isa. Pagkatapos, babasahin namin ulit nang sabay ang susunod na kabanata. 

I was so used to hanging out with my friends abroad. Laging party o 'di kaya ay pagpunta sa kung saan-saan. All my friends were outgoing and no one really asked me to have a reading friendly date.

Si Hiel lang.

And I didn't know that I'd enjoy it. 

"I like this part." Umahon ako mula sa pagkaka-upo at pagkakasandal kay Hiel bago ako umayos nang upo sa tabi n'ya. 

"Which one?" He asked, putting his book down to look at mine.

He stiffened when I suddenly leaned my head on his shoulder as I showed him the line I was talking about. I read the line out loud and after I did, I sighed and brought the book down, glancing up at Hiel who was staring down at the book he was holding lazily on top of his lap as he listened to me. 

The line was from the leading man confessing how harder it was for him to grasp the idea of meeting the woman he loves more than the existence of a higher being. What are the odds of him meeting the woman he loves in that exact spot, at that exact time, and at that exact moment?

Napangiti ako nang malawak habang iniisip 'yon.

"It's amazing how destiny works. Kahit sa pamilya o sa magkaibigan. Ikaw. Paano nangyaring sa dami ng panahon, mundo, oras, at pagkakataon, naging magkakilala pa rin tayo?" Tanong ko kay Hiel at umahon ako mula sa pagkakasandal para tingnan s'ya nang mabuti. Hiel looked at me too with his solemn eyes. "I can't grasp it fully. It really makes me wonder too! Na bakit ako at ikaw ang nagtagpo? Bakit tayo ang naging magkaibigan? Bakit ikaw sa lahat ng puwede kong makilala?"

Napatingin ako sa librong hawak ko at napangiti. 

"Why would destiny let us meet? Was it planned beforehand? Was it written before we ever existed?" I wondered. "Why did destiny give me you and not anyone else? Why did destiny let you have me instead of someone else? Isn't amazing?" Manghang tanong ko kay Hiel.

Tumango s'ya at tiningnan ang libro. Natahimik kaming dalawa ni Hiel. Sa bawat tanong na nabubuo sa isipan ko, nadadagdagan 'yon ng panibago at hindi matapos-tapos. Hindi ko masagot ang lahat ng tanong. Parati pa rin akong napapa-isip.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang lingunin ako ni Hiel. I looked at him and I noticed the small smile on his lips. 

"Whatever the reason may be, I am just thankful that it's you and not anyone else," ani Hiel at napangiti ako lalo. 

Yes. Sa lahat ng tanong na nabuo at hindi nasagot, kahit na wala akong nayakap na ideya, naiwan akong nakakaramdam ng pagpapasalamat. Because I love that destiny let me meet the people I met. I am thankful that out of all the odds, destiny gave me Hiel.

"Me too!" Sabi ko bago ako sumandal ulit sa balikat n'ya. "I am thankful that destiny gave me you."

Muli kong inangat ang libro para ituloy sana ang pagbabasa nang may biglang maisip ulit. Nilingon ko si Hiel at naabutan ko s'yang nagpapatuloy sa binabasa.

"Hiel," tawag ko at napalingon s'ya sa'kin. "Destiny will give you more people in the future. Marami kang makikilala, maraming dadating, puwedeng may umalis, but remember that I will want to still be here for you."

Ngumiti ako kay Hiel. He looks like he was happy to hear that from me. Pero kita ko rin sa mga mata n'ya na mayro'n pa s'yang gustong sabihin pero hindi n'ya masabi. Instead, he smiled at me and nodded.

"Likewise," he smiled.

Napatawa ako at lalong lumawak ang ngiti ni Hiel. Muli kong isinandal ang ulo ko sa balikat n'ya at nagpatuloy sa pagbabasa. 

That was one of my favorite memories with Hiel. Isa sa mga bagay na inaalala ko sa mga panahong gusto kong mapangiti. Who would've thought that reading with someone would be so wonderful and enjoyable? Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto kong ulitin 'yon kasama si Hiel.

"I am wondering, Rinnah," Jourdaine said even before I completed reminiscing about the time I had with Hiel.

I raised my eyebrows at Jourdaine.

"What is it?" Tanong ko. 

"What did you feel about Hiel that time? You were 16 and he was, I figure, 14. Did you like him then?"

"He was like a brother to me," I said. "He was family. I loved being with him because he makes me feel like I have a brother and a friend."

Tumango si Jourdaine. She knows it. I never thought of Hiel more than that. Laging kapag naaalala ko noon si Hiel, ang naiisip ko ay kaibigan at kapatid. He was that to me. 

"During that time. . .do you think he already had feelings for you?"

Natahimik ako, remembering a pair of sad---full-of-pain eyes staring at me. Parang kahapon lang nang marinig ko ang sakit sa boses n'ya. Lagi ko 'yong naaalala---sa gabi---sa mga panahong nababakante ang isipan ko. And my heart would always be troubled. My mind would always become restless.

Hindi ako sumagot.

"Are you sure you didn't like him then?" Jourdaine asked and I looked at her, wondering what the truth is.

Did I like Hiel, then? If I'd ask the 16-year-old Rinnah, did she like Hiel then?

No. Hindi nagustuhan ng 16 years old na si Rinnah si Hiel noon nang higit pa sa isang kaibigan. 16 years old Rinnah only viewed Hiel as a brother and friend.

Pero ang Rinnah ngayon, habang inaalala ko ang nakaraan, ang noon, ngayon, at bukas na si Hiel, 'yon ang hindi ko masagot. 

Because whenever I remember him, everything about him---ang dating s'ya, ang ngayon, o ang bukas, parang may bumubukal sa puso ko na hindi ko maintindihan pero gustong-gusto ko.

Continue lendo

Você também vai gostar

2.2M 98K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
rock with you | ✓ De ely

Ficção Adolescente

11.1K 245 128
an epistolary collaboration. to rock with him is her dream. to perform on the stage with their favorite songs, and to let the world see them perform...
848K 19.6K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...
1.2M 36.6K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...