It All Started With The Royal...

By CloudMeadows

1.3M 60.2K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... More

intro.
i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.
xi.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xviii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxviii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxviii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

xxxii.

23.5K 1.2K 504
By CloudMeadows

Six months ago


Hindi makapaniwala si mama at yung kapatid ko habang nakatingin sa baby bump ko. Bigla kasing pumasok si mama habang nagpapalit ako at nakita niya yung tiyan ko. Hindi na nagulat si mama dahil alam naman niya na buntis ako bago ako umalis dito sa bahay. Ngunit base sa ekpresyon niya ay mukhang alam ko na kung anong itatanong niya.

"Sino ang ama?" tanong ni mama habang seryosong nakatingin sa akin.

"Ma..." Umiling ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na isang prinsipe ang ama ng dinadala ko. Baka hindi pa siya maniwala sa akin. "...nakakilala ko po sa trabaho," pagsisinungaling ko. 

"Nasaan siya ngayon?"

Alam kong itatanong niya yan kaya umiling ako habang kinakabahan. "Hindi ko po alam," pagsisinungaling ko ulit.

Napahawak siya sa noo niya at huminga nang malalim. Tahimik lang din ako dahil paniguradong kasinungalingan lang ulit ang lalabas sa bibig ko. Sasabihin ko naman sa kanya ang katotohanan at alam kong ilang buwan na akong nagsisinungaling sa kanya pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Bigla na lang umatras yung dila ko.

Alam kong galit siya sa akin o di kaya dismayado. Sino ba namang hindi? 

"Callie, halika rito." Binuksan ni mama yung mga kamay niya at naiiyak na nakatingin sa akin.

Wala akong pinalagpas na oras at yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Naiiyak din ako at hindi ko pinigilan ang sarili ko. I miss my mom. 

"Anong plano mo anak?" bulong niya sa akin habang hinahagod niya yung likod ko. 

"Gusto ko po sanang umuwi sa probinsya," sagot ko sa kanya. Kagabi ko pa ito naisip habang hindi ako makatulog. Hindi kasi ako komportable kung mananatili ako dito sa bahay sa ngayon. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi ni Dylan. Kung totoo man 'yon, paniguradong dito sa bahay sila unang pupunta.

Kumalas si mama sa pagkakayakap sa akin at inayos niya ang buhok ko saka niya ako marahang hinaplos sa pisngi. "Alam kong hindi ka pa handa sabihin sa akin anak at naiintindihan ko 'yon. Pero sana dumating din yung panahon kung kailan handa ka na dahil kailangan kong malaman kung sinong bumuntis sa'yo para alam ko kung anong uunahin kong puputulin sa kanya," pagbibiro niya.

Nakahinga ako nang maluwag dahil iba yung inaasahan kong magiging reaksyon niya. Tumawa na lang ako at sakto namang pumasok yung kapatid ko sa kwarto dala-dala niya yung mga vitamins ko. 

"Hoy pakwan! Ito na vitamins mo." Inabot niya sa akin yung gamot pero nagtaka ako kung bakit may kasamang milktea

"Aww! Love na love mo talaga ate mo!" Pinisil ko yung pisngi niya pero sinapak niya nang mahina yung kamay ko papalayo sa mukha niya.

"Mama oh si ate! Diyan ka na nga! Bayaran mo 'yang milktea, send mo sa gcash ko!"

"Mag impake ka na nga lang diyan! Uuwi na tayo mamaya!" sigaw ko pabalik.

Napailing nalang sa amin si mama. May tiwala si mama sa mga desisyon ko kaya nung sinabi ko na uuwi muna ako ng probinsya, hindi na siya nagtanong pa kung bakit. 

"Tatawagan ko lang yung tita mo sa probinsya para ayusin yung cottage ng lolo mo. Doon muna kayo titira at lagi kayong mag-iingat ng kapatid mo, ha? Lagi niyo akong tawagan araw-araw. Gusto ko man kayong samahan, may trabaho pa ako at nagamit ko na yung vacation leave ko."

"Ma, malaki na kami ng kapatid ko. 'Wag po kayo masyadong mag-aalala. At isa pa po, kung may dumating man dito na mga lalaki na hindi niyo kakilala at hinahanap ako, 'wag niyo pong sasabihin kung nasaan ako. Kayo na po bahala gumawa ng rason."

Tinaasan niya ako bigla ng kilay.

"Sangkot ka ba sa sindikato?"

"Ma!" Sasapakin ko sana siya kaso naalala ko na nanay ko nga pala siya.

"Oo na! Ilang linggo ba kayo magtatagal sa probinsya?" tanong ni mama.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ilang araw ang kailangan ko para makapag-isip. Sa ngayon, gusto ko lang muna magpakalayo. Babalik rin naman ako pero hindi lang ako sigurado kung kailan.

Present

"Ate gising na!"

Bumukas yung pinto sa kwarto ko at pumasok yung hinayupak kong kapatid. Tinatamad akong gumising at pakiramdam ko ang init-init ng katawan ko. Anong oras na ba ako nakatulog kanina? Pakiramdam ko isang oras lang yata ako nakaidlip.

Binuksan niya yung mga kurtina dito sa loob at pumasok yung init ng araw. Napamura ako nang mahina habang pinipilit kong bumangon. Pakiramdam ko rin kasi ang bigat ng katawan ko. 

"Putangina ka." Naiinis kong sabi sa kanya habang nakapikit.

"Gumising ka na! Nagluto ako ng almusal. 'Wag mong sasabihin na aalis ka na naman na hindi kumakain. Susumbong kita kay ma--"

Bigla siyang tumigil kaya iminulat ko yung mga mata ko. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at nakakunot noo siya. Ano na namang problema niya?

"Bakit ang itim ng mga mata mo? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Kakaselpon mo na naman ba 'yan?" tanong niya.

Hinayupak na nilalang. Kinuha ko yung unan ko at akmang ibabato ko 'to sa kanya pero itinaas niya agad yung kamay niya.

"Joke lang!" 

"Nakakatawa 'yon, ha?" 

"Ito naman! Bakit ba kasi mukha kang sinuntok sa mata? Ang itim ng eyebags mo tapos bakit ka pumapayat ha? Ako na naman sisishin ni mama!" Hinila niya yung kamay ko patayo kaso napahawak agad ako sa braso niya dahil bigla akong nahilo. 

"Huy?" tanong niya at bakas sa tono niya ang pag-aalala. "Ayos ka lang?" 

Sinuntok ko siya sa braso. Nawala rin naman yung pagkahilo ko. Siguro wala lang akong tulog tapos binigla niya akong hinila patayo. Pakiramdam ko kapatid ko talaga ang papatay sa akin. Kailangan lang namin mag-unahan.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Kinurot ko siya sa braso at napasigaw naman siya.

Pumunta na kami sa kusina habang hinihimas niya yung braso niya. Napatingin ako sa hinanda niyang almusal pero napakunot noo ako. Alam kong hindi siya ang nagluto nito dahil mukha siyang take out. 

"Nag order ka?"

"Hindi, may nagpadala kanina. Siguro galing 'yon sa manliligaw mo." Nagsalin na siya ng pagkain sa plato niya at sinimulan na niyang lumamon. 

Napatingin ulit ako sa mga pagkain. Bakit ang dami? Hindi sa tinatanggian ko ang grasya pero sino namang magpapadala ng ganito karaming pagkain?

"Sinong manliligaw?" 

"Daniel? Daryll? Dugong? Duterte? Ah ewan basta yung lalaking kasama mo kahapon."

"Tanga. Dave 'yon." Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Bakit nasali yung pangalan ng pangulo?

"Whatever. May note nga palang naka dikit sa isang plastic doon. 'Di ko na tiningnan." Tinuro niya yung isa plastic na may lamang prutas.

Tumayo ako at kinuha ko yung sticky note na nakadikit dito. Kung si Dave man ang nagpadala nito, paniguradong magte-text siya sa akin pero wala naman akong natanggap? Isa pa, paano niya alam na nagcre-crave ako ng strawberries? AT ISA PA, hindi ko alam na may nagtitinda ng strawberries dito sa isla? Binasa ko na lang yung laman ng note.

Napakunot noo ako. Wala namang nakasulat pero may symbol na nakalagay. Weird.

***

Abala ako sa pag-aayos ng mga bulaklak at kahit na presko dito sa isla, ang init init pa rin ng pakiramdam ko. Ilang araw na kasi ako hindi nakakatulog at nakakakain ng maayos. Tumawag si mama kanina at lagi niya akong pinapaalala na uminom ng vitamins.  

Kakaunti lang naman na orders ang natanggap namin kaya hindi kami ganoong kaabala ngayon ni Aling Nelia.

"Hija, ayos ka lang ba? Ba't para kang namumutla?" tanong ni Aling Nelia habang inaayos niya yung order na i-pipick up mamaya ng client.

"Ayos lang po ako, 'wag po kayong mag-alala." Nilapag ko sa lamesa yung spray bottle dahil sakto may pumasok na customer. Napatingin ako doon sa babae na pareho ko ay buntis rin kaso mukhang nasa first trimester pa lang siya. Nakalingkis ang kanyang mga kamay sa braso ng kanyang asawa habang nagtitingin-tingin sila ng halaman dito sa shop. Nilapitan ko sila at ngumiti.

"Hi, good afternoon! Are you looking for anything in particular?"

Not gonna lie, they look good together. Ngumiti sa akin yung babae at tumango. She's really glowing. Anyare sa akin? Buntis din naman ako pero hindi ako ganyang ka-glowing. Mukha akong panda na stressed.

"Mayroon po ba kayong azaleas?" tanong niya.

Tumango ako at iginaya ko sila sa kabilang aisle. "Kaka-deliver lang nila kanina kaya sariwa pa sila." Itinuro ko yung azalea na nakapatong sa pangatlong row. 

"This flower suits your wife," sabi ko doon sa asawa. 

"I agree. Ang gaganda," sabi niya pero nakatingin siya doon sa babae. He looks so whipped.

Namula naman yung babae. "He's my boyfriend po," sabi niya at napatingin siya bigla sa tiyan ko. Ngumiti siya at napatakip sa bibig niya. "Oh my god! We're both pregnant!" Tuwang-tuwang sabi niya.

Siguro kung ako yung babae noong hindi pa ako buntis, baka binara ko na 'tong babaeng 'to. Ngayon ko lang napagtanto na medyo nagbago na yung ugali ko. 

"Yup. Nasa last trimester na ako," sabi ko at ngumiti. See? Hindi rin ako palangiti noon. Iba ata ang hangin dito sa isla.

"Oh wow! That's great! I wish you a safe delivery and I also just want to say na you're so pretty, ang swerte siguro ng asawa mo," she complimented.

Nawala agad yung ngiti ko pagkabanggit niya sa salitang asawa pero agad ko naman 'yon binalik. Kung alam niya lang. "I'm a single mom," sabi ko na lang. 

"Oh." Hindi niya siguro inaasahan yung lumabas sa bibig ko. "I'm sorry." She looks guilty at akala niya siguro mao-offend ako pero nginitian ko lang ulit siya. 

"That's fine, so azaleas?" Ni-assist ko na lang sila pero hindi pa rin nawawala yung salitang asawa sa utak ko. What if? Sinubukan kong isipin kung paano kaya kami ni Dylan ang ikinasal pero agad din akong napailing. That's impossible. He's probably married with Stephanie now. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay binalot ko na rin yung bulaklak at nilagyan ito ng kaunting design. Para pala ito sa lola nung babae na bibisitahin nila dahil birthday niya. Nagpasalamat  sila ulit at umalis na. 

"You looks so pale. Are you okay?" May nagsalita bigla sa tabi ko kaya napalingon ako rito. 

Dave looks at me worriedly. 

"Okay lang ako, ano ba." I mean, medyo masama lang pakiramdam ko pero hindi naman yung puntong mamamatay ako. Tiningnan ko yung kamay niya at napansin kong wala siyang dala ngayon. "Where's my food?" pagbibiro ko.

Ngumiti siya, "Aayain sana kita kumain sa labas. Baka kasi nakakalimutan mo na tangahali na ngayon at baka 'di ka pa kumakain."

Anong oras na ba? Narinig ata ni Aling Nelia yung sinabi ni Dave at bigla rin siyang sumulpot sa tabi ko. 

"Maaari ko po bang ilabas muna saglit si Callie, Aling Nel--"

"Ay jusko! Gora na! Ayos lang sa akin kung ilang oras kayong kumain sa labas," sabi ni Aling Nelia at palihim na kumindat kay Dave pero napansin ko naman. Grabe 'tong matandang 'to. Tinulak-tulak pa niya kami papalabas ng shop niya eh hindi pa naman ako pumapayag.

"Pakainin mo 'yang si Callie na 'yan at huwag mo siyang ibabalik kapag hindi siya nabubusog. Sige na! Alis na!" Isinara niya yung pinto ng shop at naiwan akong nakanganga. 

"So, saan mo gusto kumain? Don't worry, it's my treat." 

I guess I have no choice. At isa pa, sabi niya libre niya so mag-iinarte pa ba ako? 

"Surprise me, Dave." Siniko ko siya at nauna na sa sasakyan niya. Narinig ko siyang tumawa nang mahina sa likuran ko habang nakasunod siya sa akin. 

Pagkalipas ng ilang minuto, huminto kami sa isang kubo at may nakita agad kaming nag iihaw ng mga pagkaing dagat at karne. Nagtubig agad yung bibig ko at nauna akong lumabas sa sasakyan at naghanap agad ako ng mauupuan sa labas. Nakangiting lumapit si Dave pagkatapos niyang umorder. 

Ngayon ko lang naalala na allergic ako sa mga ibang seafood kaya grabe yung tuwa ko nung nakita kong nag order din siya ng mga karne. Sa totoo lang, mukhang in-order niya lahat ng nasa menu sa sobrang daming pagkain.

"Kailangan mong kumain ng marami, Callie. Alam kong abala sa trabaho  pero kailangan mo ring alagaan ang sarili mo lalo na't buntis ka." Kinuha niya yung buko at nilapag ito sa tabi ko. Kumain na ako habang abala siya sa pag-slice ng meat at pagbalat ng shrimps.

"Thank you but I'm really okay, Dave. Salamat sa pagkain," sabi ko sabay subo ng kanin. 

May dumaan sa gilid namin na mga babae at napapasilip sila kay Dave at napapahagikgik. May humihinto rin sa table namin para magpa-picture sa kanya dahil ang gwapo niya raw. I can't really blame them. He's really attractive and cute at the same time. Lalo na't nakasuot siya ngayon ng puting polo at hindi naka butones yung tatlong button ng kanyang polo. Hinayaan ko na lang sila at tahimik akong kumain. Pagkalipas ng ilang minuto, mukhang nakalinya na yata yung magpapa-picture sa kanya at hindi na niya nagagalaw yung pagkain niya.

"I'm sorry ladies, pwede ba akong kumain muna?" tanong niya.  He's too sweet. Ayaw niyang ma-offend yung mga nagpapa-picture sa kanya pero halatang gutom na rin siya.

Pero mukhang walang pakealam 'tong mga babaeng 'to at sige pa rin sa pag picture. Pati ako hindi na rin nakakakain nang maayos dahil sa pagtitili nila. Medyo ang bastos na, ha? Hindi yata nila napapansin na ang sama na ng tingin ko sa kanila lalo na't natabig nila yung iniinom kong tubig at nahulog ito sa sahig.

"Excuse me?" sabi ko ngunit di ata nila ako naririnig. Punyeta ubos ko na yung mga karne na hinati ni Dave.

"Honey, ang bastos oh natapon nila yung tubig ko." Nilakasan ko yung boses ko at napatigil naman sila. Napatingin naman si Dave sa tubig kong natapon sa sahig at bigla nag-iba yung timpla ng mukha niya at tumingin sa mga babaeng putok na putok sa liptint ang mga labi.

"Leave," mariin niyang sabi. Umalis naman yung mga babae at humingi sila ng pasensya sa akin pero inirapan ko lang sila.

"So..honey?" sabi niya pagkaalis nila at nakangiti na ulit siya sa akin.

"Sinabi ko lang 'yon para umalis na sila." Kinuha ko yung buko at uminom. Ang lawak ng ngiti niya kaya inirapan ko rin siya.

"Pasalamat ka nga tinulungan kita." 

"Thank you?"

"You're welcome."

"You know what? You remind me of Annie," sabi niya habang nakatingin sa dagat. 

"Who's Annie?" tanong ko. Medyo nagulat ako dahil sa pag-iiba niya ng topic.

"My girlfriend."

"Loko ka! Sabi mo wala kang jowa! Niloloko mo ba ako?" 

"Oh, I mean she was my girlfriend." He smiled sadly.

Napakunot noo ako, "What do you mean was?"

"She's gone. Dito sana sa isla na 'to ako mag pro-propose sa kanya."

Woah, wait.

Muntik na akong mabilaukan at agad naman niya akong inabutan ng tissue. I did not expect that. At hindi ko rin inaasahan na bigla siyang mago-open up tungkol sa nakaraan niya.

"She's a strong woman like you and she's quite mischievous too," he inhaled deeply while looking at his hands. He looks sad. "That's why I'm happy that I met you but please don't take this weirdly. You're unique on your own, Callie. Hindi ko lang maiwasan na makita si Annie sa'yo. Sorry if I made you feel uncomfortable."

"No, no, that's fine." Ngumiti ako at hinawakan yung kamay niya na ikinagulat niya. Mukhang ako pa yata yung weirdo dito.

"Wherever she is, I'm sure she wishes you all the happiness in this world. You're a good man, Dave. I hope one day you're fully healed." I really mean it. We all deserve to be happy. I really consider him as my friend kahit na ilang buwan lang kami magkakilala and I can say that he's a good person. He deserves happiness.

"Thank you, Callie." Tumayo siya saglit at inalis niya yung buhok na nakaharang sa mukha ko. "Sorry, I had to do that." 

"It's fi-"

May napadaan ulit sa table namin at natabig niya yung bag ko na nakasabit sa likod ng upuan ko. Pinulot niya naman ito at inabot sa akin at humingi ng tawad. 

"Pasensya po, hindi ko sinasadya," sabi niya pagkaabot niya sa bag ko. Medyo lumapit siya sa akin at huminto sa tabi ng tenga ko. "Lady Callisia."

Napakunot noo ako at tumingin ako sa kanya pero mabilis ko lang naaninag yung mukha niya bago siya tumalikod at naglakad papalayo. Una kong napansin yung scar sa mukha niya at mga ilang minuto ang nagdaan bago ko napagtanto kung sino siya.

Shit. No way.

Napalingon-lingon ako sa paligid pero wala akong makita na pamilyar na mukha. 

"Are you okay?" tanong ni Dave at lumingon-lingon din siya para tingnan kung anong hinahanap ko.

Shit.

Nawalan  ako bigla ng ganang kumain at medyo nanginginig yung kamay ko dahil sa kaba pero hindi ko ito ipinahalata kay Dave. Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumigil  sa kakalingon. It can't be. No one knows my location.

"I'm okay. May nakita kasi akong pamilyar na mukha pero baka nagkakamali lang ako." I play it off kahit na ang lakas ng tibok ng puso ko. 

That face. Naalala ko siya kasi siya rin yung nagkulong sa akin noon sa basement at siya yung personal bodyguard ni Dylan. Kung nandito siya, ibig bang sabihin nandito rin si Dylan? Fuck. 

Kinalma ko ulit yung sarili ko at ngayon ko lang napansin na parang may nakabantay sa bawat kilos ko. Palihim akong napatingin sa paligid pero hindi ko na ulit nakita yung lalaki kanina. I forgot his name. 

But if he's here and Dylan is here, what am I going to do?

Anim na buwan na nung huli ko siya nakita pero hanggang ngayon hindi pa rin ako handa na makita siya muli. Tumingin ako kay Dave na tapos ng kumain at nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Gusto mo na bang umalis?" tanong niya.

Tumango ako at kinuha ko yung bag ko. Tumayo ako at humawak sa braso ni Dave dahil baka mapaupo ako bigla sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Nagulat si Dave sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako at inalalayan niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Hanggang ngayon ramdam ko na may nakatingin sa likod ko. Napalingon ako saglit at nakita ko ulit yung personal bodyguard ni Dylan. Nagtama ang aming tingin bago isinara ni Dave ang pinto ng sasakyan.





Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
57.3K 2.9K 65
Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy, sumunod siya ng walang pag-aalinlangan...
628 168 30
Sa dinami-rami nang p'wedeng bumalik, bakit ikaw pa? ••• They said, "first love never dies". But for Pauline "Pokw...
509K 1.7K 6
You cannot be happy if you cannot accept reality that pain and problems are part of us, part of who we are and part of what we become.