Sa Hindi Pag-Alala

Galing kay QueyneWrien

693 69 55

Chasing Destiny #1 Minsan may darating na isang taong mag papaniwala sayo na may walang hanggan, taong sasab... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 15

12 1 0
Galing kay QueyneWrien

"I know, love. I know.."



Hindi ko alam pero hindi na ako nagdalawang isip na tawagin siyang love. He deserves to be loved naman.




"Tinatawag mo na akong love ah." I heard him chuckled.




"Matutulog na ako, Jan. You should sleep na rin." Nakangiti kong sabi habang ang tingin ay nasa kisame.




"I will, love. Good night. Mahal kita." I smiled. Jan's the sweetest talaga.




"I...." Napaisip ako bago ituloy ang sasabihin ko. "Love you." Ngumiti ako at inend ang call namin. This time, I made sure na na-end ko talaga.




"Naka smile ka na naman." Biglang sulpot ni Ellie at inihiga ang ulo sa lap ko.




"Anong feeling ma- in love, ate Cedes?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tanong ni Ellie. Hindi ako makapaniwalang itatanong niya sa'kin 'to. I mean, alam ko namang darating yung araw na itatanong niya ang tungkol sa bagay na 'yan, pero I didn't expect na ngayon na pala yung araw na 'yon!




"Bakit mo natanong?" I asked. Syempre,  bago ako sumagot kailangan ko muna tanungin bakit niya natanong.




"Hmm, wala lang. Para maging handa ako kung sakaling dumating man yung araw na ako naman yung magkaka gusto. Napapanood ko kasi sa mga teleserye na umiiyak yung mga girls." Ellie looks innocent. I mean, yes, she's innocent.




"Bakit ba sila pinapaiyak ng mga lalaki, ate? Lagi nalang nila pinapaiyak mga babae." I stiffed. Gusto ko sana tumawa kaso seryoso pala ito!




"Alam mo, Ellie?" Hinarap ko siya sa akin at tinulungang bumangon para makaupo. "Hindi lang naman mga lalaki ang nananakit, lagi mong tatandaan 'yan ah? Hindi purkit lalaki ka, ikaw na yung nananakit. Hindi rin naman purkit babae ka, ikaw na yung sasaktan." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ellie.




"Ang ibig kong sabihin, wala sa kasarian 'yan. May mga babae rin namang sinasaktan yung mga lalaki. May mga lalaki rin naman na sinasaktan yung mga babae. Pwedeng physical, or emotional." Pagpapaliwanag ko. Hindi ako magaling mag-explain, pero sinubukan ko sa paraang maiintindihan ng pinsan ko.




"Sa teleserye, majority nilang ginagamit ang mga lalaki na sinasaktan ang mga babae. Hindi ko rin alam kung bakit, dahil siguro iyon ang common na nangyayari?" I smirked. "Pero lagi mong tatandaan na 'wag mananakit ng damdamin ng iba kung ayaw mong makasakit, Ellie. Watch your words." Tumango ito sa akin dahilan ng pag ngiti ko.





"Ilang taon ka na ba, ate Cedes?" Pinsan ko ba talaga 'to? Bakit hindi alam edad ko?





"Sixteen." Simpleng sagot ko.





"Sabi ng mga matatanda, masyado pang bata ang sixteen para magmahal at malaman ang mga ganiyang bagay. Bakit nagmahal ka kaagad?" Pakiramdam ko tuloy ay napahiya ako sa sinabing iyon ni Ellie.




"Naniniwala kasi ako na..." Tumigil ako at pinakatitigan si Ellie.  "As long as you're matured enough, at kapag alam mo na ang resposibilidad at limitasyon mo, matututo ka. Oo, siguro nga bata pa. Siguro nga sinasabi nung iba na, wala ka pang alam sa ganiyan dahil bata pa. Pero, anong magagawa? Eh, nagkagusto na eh. Tumibok na yung puso eh. Basta ang alam mo lang, ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Tsaka, dapat alam mo sa sarili mo na ready ka na, Ellie. Hindi pwedeng sunggab lang nang sunggab. Tsaka, sabi nga nila 'wag magmamadali, hintayin mo lang na kusang dumating saiyo at kusang maramdaman mo." Sana ay naintindihan ni Ellie yung paliwanag ko. Bakit ba hirap na hirap ako mag explain?





"Tsaka, yung iba na mga mag-asawa na ngayon, highschool sweethearts sila. Nagkakatuluyan yung iba." Nakangiti kong dugtong. Muli namang tumango si Ellie.




"Oh, siya. Matulog na tayo. 'Wag mo muna isipin 'yan, ikaw talaga." I tapped her head. Pinanood ko naman siyang tumalikod sa akin at humiga sa kama namin.




Ang bilis ng panahon. Ilang taon na ba siya? I think she's already fourteen or fifteen. Pero, she's still young pa to have a boyfriend. Alam ko rin namang bata pa ako dahil I'm just sixteen. Pero naniniwala naman ako na I'm matured enough and I know my limitations and responsibilities.




Nagising ako dahil sa ingay at yugyog na nararamdaman ko sa katawan ko. I opened my eyes, it was still blurry. Na- realize ko lang na si Dhienielle ang nang yuyugyog sa akin nang mabusesan ko siya.





"Ang aga mo namang mang-gulo." I said on a sleepy voice. Naupo ako sa kama at kinusot ang mata bago siya pinakatitigan.





Naka suot siya ng shorts at jersey. Naka braid din ang hair niya. Saan naman pupunta 'to?




"Where the hell are you going, Dhiens? Ang aga mo naman yata para sa sportsfest." Napapailing na sabi ko at tinalikuran siya saka pumasok sa banyo para maghilamos. Syempre, sinundan niya ako.





"Maligo ka na. May pupuntahan tayo." Sabi nito at kumindat pa. Tatalikod na sana siya nang bigla siyang humarap at pinisil ang mga braso ko.





"Suotin mo yung jersey na ibinigay sa'yo ah? Para matchy tayo." Tuwang-tuwa nitong sabi. Nangunot naman ang noo ko.





"Saan naman tayo pupunta?" Hindi niya ako sinagot at tumalikod na palabas ng banyo.






Mabilis ang naging kilos ko dahil sa pagmamadali ni Dhienielle. I wore the jersey that Jan gave me. I paired it with my white shoes, high-waisted black shorts, I also tucked in my jersey. Nag-tube ako para sa panloob kong suot. Dhienielle also braided my hair and put a ribbon on it. She also told me to put a light make up. Buti nalang at nanood ako ng mga make up tutorials sa youtube noon.





"Grabe, ganda mo talaga!" Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Dhienielle. Ang weird naman nito.





"Saan ba kasi tayo pupunta?" Taka kong tanong.





"Mamaya ka na magtanong." Akma niya na akong hihilahin pero umatras ako.  Binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin.






"Wait, yung belt bag ko." Mabilis kong kinuha ang belt bag ko saka inilagay doon ang cellphone at wallet ko.






"Oh, aalis na kayo?" Nakangiting tanong ni mama. "You look pretty, anak." I gave mama a smile.  Wait, she knows?






"Yes, tita. Napaka bagal nitong anak mo, Tita. Buti nalang mahaba patience ko." Nagtawanan naman sila ni mama.




Inihatid kami ni mama sa waiting shed. Wait, hindi ito yung waiting she--




"Nasa kabilang bayan tayo." Nakangiting sabi ni Dhienielle sa akin. Nag wave siya kay mama bago kami tuluyang iniwan ni mama at nagmaneho na pauwi. Anong nangyayari? Oh, wait...





"I think I know what's happening." Hindi makapaniwalang sabi ko.





"Tara, malapit lang yung court dito."





Inabot kami ng thirty minutes sa paglalakad. Halos bungangaan ko si Dhienielle sa buong oras na naglakad kami dahil sabi niya ay malapit lang!





"We're here." Dhienielle sounds exhausted. Who wouldn't? Nakakapagod naman kasi talaga!





Inilibot ko ang mata ko sa court, napakaraming tao na palang nakaupo sa bleachers. May mga tao rin na nakatayo dito sa labas ng court. Hindi ako sanay na ganito karami yung mga tao, pero dahil kasama ko naman si Dhiens, hindi naman siguro ako mamamatay ng maaga!





(now playing... Your Love)





Hinila ako ni Dhienielle paakyat sa bleachers. Sa pinaka taas! Kitang-kita ko ngayon ang kabuoan ng court at ang mga tao. Pakiramdam ko ay kitang-kita ko rin pati mga mukha nila.





"JAN!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Dhienielle. Pakiramdam ko ay matatanggal ang kaluluwa ko sa sinigaw niyang pangalan. Pinakatitigan ko naman si Dhinielle na kumakaway at napakalapad ng ngiti habang tinuturo ako.





Konti-konti akong tumingin sa direksyon kung saan siya nakatingin. Pakiramdam ko ay biglang nag slow motion ang paligid ko. Wala akong marinig na ingay, at parang may naririnig akong kanta. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?




"Ay wala na, Cedes. Natakpan na siya ng mga ka-team niya. Ang bagal mo kasi tumingin!" Reklamo ni Dhienielle at muling tumingin sa court.





Muli kong pinakatitigan yung mga naka jersey sa baba ng bleachers. Kaparehas ko sila ng Jersey. Malamang, ka-team nila nagbigay sa'kin!





Pa-simple kong hinanap si Jan gamit ang mga mata ko.





"Ano ba, Cedes? Ang layo naman kasi ng tingin mo, ayun siya oh! Nakatitig sa'yo! Nakanganga pa!" Kaagad kong natanaw ang lalaking nakanganga nga!






Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko nang tuluyang maaninag ang kabuoan at mukha niya. Wala akong makitang iba, kung hindi siya lang. Yung ingay na kanina ko pa naririnig, napalitan nang kung anong kanta. Hindi ko alam kung nagplay ba ng kanta yung dj sa court na 'to, o coincidence lang.





Ramdam na ramdam at dinig na dinig ko ang pag tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako. Ito na, nakikita ko na siya nang personal. Ilang metro ang layo, pero parang napaka lapit niya lang sa akin.





Ibang-iba ang features niya compared sa mga photos niya na nakikita ko sa social media. He's more... He's more handsome in person. Matangkad siya, at singkit nga talaga. Napangiti ako sa hindi inaasahan.





"Ano pang hinihintay mo? Dalian mo! Bumaba ka na at lapitan siya!"





May sariling isip ang mga paa ko at sinunod ang sinabi ni Dhienielle. Mabilis ang takbo ko pababa ng bleachers. At, heto na siya... Sa harapan ko.





Nakatingala ako at pinakatititigan siya. Hindi mawala ang ngiti niya, samantalang ako ay hindi alam kung maiiyak ba. Pero isa lang ang nararamdaman ko. Masaya ako ngayon.





"H-hi." Gusto kong matawa dahil sa pag piyok at pagka utal ni Jan. Mas malalim at malinaw ang boses niya sa personal. Ngumiti ako nang napaka lapad sa kaniya.



"Hi.. Jan. Nakita rin kita." I gave him the sweetest smile that I can give.




"Finally, Cedes. Finally....




"... Love"


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...