Chapter 32

7 0 0
                                    

"Anong nangyari?" Salubong sa'kin ni Camilla pagpasok ko ng room. Kaagad naman akong umupo sa upuan ko at isinubsob ang ulo bago umiyak nang umiyak.

Paano niya nagawang sabihin iyon sa'kin? Na.. Mahirap akong mahalin? Paano ako naging mahirap mahalin? Dahil ba, sa kundisyon ko? Hindi ko siya maintindihan.. Hindi ko siya maintindihan.

"Ako na." Rinig kong sabi ni Cassandra. Naramdaman ko naman ang pag tabi niya sa'kin.

"Cedes..." Pag tawag ni Cas sa pangalan ko.

"Hindi ko na tatanungin kung anong nangyari. Narinig ko lahat." Pagpapatuloy niya.

"Alam mo? Hindi ka naman mahirap mahalin. May mga tao lang talaga na nasanay sa madaliang pagmamahal. Katulad nga nang sinabi niya sa'yo, nasanay siya sa so-called-perfect-relationship. Hindi mo maaalis sa kaniyang.. alam mo na. Hindi mo maaalis na manibago siya sa sitwasyon ninyo." Pagpapaliwanag niya.

Hindi ko naman naiwasang makaramdam ng inggit. Alam niya lahat nang nangyayari sa'min ni Jan. Hindi nakakalimutan ni Jan na mag kwento sa kaniya.


"Kung nahihirapan ka na? Bakit hindi ka nalang sumuko?" Tanong niya. Bakit nga ba Ayaw ko pang sumuko?

Dahil nangako ako.

"May paglaya sa pagsuko, Mercedes." Pagpapatuloy ni Cassandra.


"Huwag mong isipin yung pangakong binitawan mo. Isipin mo kung hanggang saan at hanggang kailan aabot 'yang pangako mo. Kung hanggang kailan mo paninindigan, at kung hanggang kailan mo kayang tuparin."

Gusto kong sumuko dahil hindi na kinakaya ng kundisyon ko. Pero ayaw kong sumuko dahil sa binitawan kong pangako.

"Katulad nang Sinabi ko sa'yo noon, Cedes. Huwag kang mangangako kapag masaya ka, malungkot ka, o galit ka. Dahil hindi mo alam kung kaya mo ba talagang tuparin 'yon." Tama si Cas. Isa sa trait na hindi ko maaalis sa'kin ay ang mangako basta Basta.


"Alam mo, ayaw mong bumitaw dahil mahal mo siya. Pero, 'yang pagmamahal na 'yan ang sisira sainyo." Umupo naman ako nang maayos at humarap sa kaniya.

"Paano mo naman nasabing yung pagmamahal ang sisira sa'min?" Tanong ko.


"Alam mo? Naniniwala kasi ako na, love isn't enough. Dahil kung enough na ang pag-ibig ninyo para sa isa't isa, bakit may thoughts kayo na gusto n'yo nang sumuko o kaya naman sabihing ang hirap mong mahalin?" Bumagsak ang balikat ko sa sagot ni Cassandra.


"Gusto mo pa bang sumugal?" Tanong ni Cassandra. Gusto ko pa nga ba?


"Maraming dahilan para sumugal ulit ako, Cas..." Nakangiti kong sagot sa kaniya.


"Ngunit, may sapat ding dahilan para sumuko at bumitaw ako.." Dagdag ko. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa mga kamay ko.


"Basta, whatever happens? Remember that I'm always here to support and guide you, okay? Don't pressure your self. Mag-isip ka kung anong dapat gawin, Mercedes. Isipin mo na para rin naman sa'yo 'yang gagawin mo." Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot.

Lumipas ang oras na tulala lang ako sa klase. Iniisip kung anong dapat gawin. Hindi ko na alam ang Tama sa mali. Ang dapat gawin sa Hindi dapat gawin.

"Christmas break na next week." Excited na sabi ni Marie. "Makakapag codm malala na ako."

"Ito naman puro si codm." Natatawang Reklamo ni Cassandra.

"Balitaan mo kami kapag nasa Baguio ka na, May. Sinabi ko na kay Jihan na may kaibigan siyang pupunta sa Baguio." Tumango naman si May sa sinabi ni Cassandra.


Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now