Chapter 1

39 5 3
                                    

"Cedes, cod tayo"

Gusto ko nang maiyak hindi dahil sa niyaya ako ni Camilla, kundi sa hindi pa ako tapos sa project namin at heto s'ya dinedemonyo ako!


"Oo nga, Cedes. One game lang, mp tayo" Singit naman ni Marie. Itong dalawang 'to talaga, mukhang laro!


"Pwede bang 'wag n'yo muna ako yayain? Hindi ko pa tapos itong project natin sa science. Ayaw kong bumagsak" Halos nakayuko na ako habang nagsasalita. Wasted na wasted na ako at hindi ko alam paano tatapusin 'tong bulkan na 'to.


"Mamaya na 'yan. Hindi pa rin naman kami tapos oh" Inirapan ko naman si Marie. Palibhasa'y sanay s'yang naghahabol ng requirements kaya wala s'yang problema sa pag gawa.


"Hayaan mo na kung ayaw n'ya, makikipag laro rin 'yan maya maya" Tumango ako sa sinabi ni Camilla. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko.



"ANO, Cedes? Tapos ka na?" Huli na ng mapansin kong nasa tabi ko si Marie.


"Ah, oo. Laro na tayo" Ngumiti naman siya ng malapad saakin.


In-open ko ang call of duty ko at hinintay ang invite ni Marie.


"Mp rank tayo ah" Tumango nalang ako sa kanila.


"Dalawang laro nalang siguro Master III na ako, hirap na hirap ako" Reklamo ni Camilla.


"Sniper! Get down!" Nanlaki ang mata ko ng mapatay kaming tatlo. Sabay sabay pa nga.


"Ang galing amputa" Si Camilla.


Tuloy tuloy ang pagpindot namin sa mga screens ng mga cellphone.

Kahit na laro lang ito ay nakaka highblood pa rin, ano! Lalo na at hindi na umuusad ang rank namin.

"Marie! Mag smoke ka nga" At gaya nga ng sinabi ni Camilla ay nagsmoke si Marie. Sakto namang napatay ni Camilla yung sniper na kanina pa kaming pinapatay.


"Ah! Tatlo nalang panalo na sila!" Napatingin naman ako sa score. 43-47 ang score. Kami ang 43, at ang ka laban ang 47.


"Tie na!" Halos hindi na kami mapakali dahil tie nang 49 ang score.

Dumapa ako sa gilid ng kotse at inihanda ang sniper ko. Kitang kita ko ngayon ang sniper ng kabilang team.


WIN


"Nice, Cedes!" Nag-apir kaming tatlo at nagtawanan.


"Putangina nung sniper na 'yon. Sarap hambalusin e" Kitang kita sa mukha ni Marie ang pagkainis. Ganiyan s'ya kaseryoso maglaro. Halos cod nalang din ang ginagawa n'ya.


"Oh gumawa na kayo ng project. Maliligo lang ako" Hindi na nila ako pinansin kaya naman tumungo na kaagad ako sa banyo.


Binuksan ko ang shower at hinayaan ang tubig na bumagsak at dumaloy sa katawan ko.


Bakit kaya ganito? Parang blankong-blanko ang isip ko? Parang wala ako naiiisip o gusto isipin. Ang tahimik ko, wala akong masabi kahit gusto ko magsalita.


Naiiyak ako dahil ganito ako. Hindi ko magawang makipag sabayan sa kakulitan ng mga kaibigan ko dahil madalas ay wala ako sa mood, o kaya naman ayaw ko magsalita. Mas gusto ko nalang yata silang panuoring masaya.


Ang sarap isipin na masaya sila, para saakin ay gumiginhawa na ang pakiramdam ko dahil masaya sila, at kasama ko sila.


"Oh, uuwi na kayo?" Pag labas ko ng banyo ay nakita kong naka bag na sila Camilla at Marie.


Sa Hindi Pag-AlalaDär berättelser lever. Upptäck nu