Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔...

By mahikaniayana

1K 160 13

Ako nga pala si Jp, isa akong manunulat. Sa totoo lang.. Hindi ko naman pinangarap ang maging writer. Ang hil... More

Synopsis🍃
Alitaptap🍃
Mayumi🍃
Amihan🍃
Mga Bampira🍃
Urduja🍃
Itim at Puting Anghel 🍃
Mga Itim na Anghel🍃
Mga Sirena🍃
Mangkukulam at Dwende🍃
Mga Lambana at Puting Anghel🍃

Final Chapter

69 13 5
By mahikaniayana

Akala ko noon ang mga Engkanto ay mahirap abutin, na mahirap makipag lapit at kaibiganin, pero nagkamali pala ako, ng mapadpad sa mundo ng mga ito... Sila ang bumaba sa kanilang trono, para makipag lapit sa isang Tagalupang katulad ko, mahirap paniwalaan ito, pero nangyari na nga't ito'y totoo...

Lalo na ng makilala ko sila, makadaupang palad at makasama, naging kaibigan at kasangga pa, sa pakikipagsapalaran at paglalakbay ko sa Mundo ng Engkantadya. Iba't ibang Engkanto man ang aming nakaharap at nakasagupa, maging mabubuti man o masasama, hindi ako pinabayaan ng mga bago kong kaibigan sa pakikipag salamuha, nasa tabi ko lang sila nakaagapay, gumagabay, nakaalalay..

Dito ko lubos na nakilala ang totoong pagkatao nila, napakababait at maalalahanin din pala, Natatouch talaga ako sa mga kabutihang kanilang ginagawa, kaya lalo tuloy napalapit ang loob ko sa kanila, na dito saking puso ramdam kong napamahal na sila.

"Kaibigan! Ayos ka lang ba?"

Nagising ang naglalakbay kong diwa ng marinig ko ang boses ni Diwatang Ayana. Oo, sa wakas nagkita na rin ulit kaming dalawa. Mula ng marating namin nila Diwatang Urduja, Howie, Flurrel, Vega at Buggles ang Kaharian ng Umbra at ngayong nakaapak ng aking mga paa sa Palasyo nila, hindi na naging normal ang pakiramdam ko saking sarili. Lalo na ngayong kaharap at ka face to face ko na si Diwatang Alitaptap at kasintahan daw nitong kabalyero na si Onyx.. Si Diwatang Ayana at kabiyak nitong si Dwarf, natatameme pa rin ako sa kanilang presensya.

"M - Mabuti naman ako, P - Prinsesa Ayana." Lentek namang dila 'to! Bakit ba ako nabubulol? Eh! Matagal ko ng pinangarap na makasama ang mahiwagang Diwata na ito? Dahil magmula pa nung makita at makatagpo ko sya sa burol kasama ang dambuhalang Leon, Para sa'kin siya ng Fairy ng buhay ko, kasi binigay niya ang isang wish na matagal ko ng pinapangarap ito, dahil sa kanya nabuhay ulit ang mga pag asa ko, at higit sa lahat bumalik rin ang sariling kumpyansa ko.

"Nasubaybayan ko mula sa mundo mo hanggang dito sa mundo namin, ang masigasig mong hangarin na magkita tayong muli, Jp. Sa paniniwala mo sa'ming mga Engkanto, napatunayan kong isa kang mabuting Tagalupa."

Maluha luhang aking mga mata ng hawakan nya't masuyong pinisil ang aking palad. Ramdam kong init nito na nagdudulot ng kapayapaan at kaligayahan sa'king puso.

"Salamat, Fairy Ayana ng buhay ko,!" Narinig kong mahina nyang pagtawa, marahil dahil yun sa sinabi ko. "Sana po dika magbago, dahil gustong gusto kong ugali mo, napakabait mo't mapag kumbabang Diwata..."

"Aham!" Papansin ng langaw bandang kaliwa ko. Deadma nalang ang drama ko. Tuloy lang ang speech ko, dahil minsan lang sa buhay ko ang pagkakataong ganito, kaya susulitin ko na habang kaharap at kasama ko pang pinapangarap kong Diwata ng buhay ko.

"Diko alam kung bakit ako nagkakaganito? laging nasasabik makita ka, kahit na sa panaginip lang ito, Laging bangag at sabog sa puyat kaiisip lang sayo, ... hay naku! Adik na talaga ko sa'yo my Fairy ko!..."

"Ganun mo talaga ako kagusto, Jp?"

Nangingiting sabi pa nya sakin, na sinagot ko naman ng pagtango at pagpisil sa kanyang kamay na hindi ko talaga binibitawan mula pa kanina.

"Dati isa ka lang tala sa langit na kinakausap ko, hinihiling na sana mahulog ka't masalo ng mga palad ko, isipin ko pa lang na nandito ka sa tabi ko, parang naabot ko na rin ang langit kapag nangyari nga ito. Sa madilim kong mundo dumating ka, binigyan mo ng liwanag ang buhay kong walang sigla, bumalik ang mga pangarap ko't pag asa, dahil mula noong makita kita, ikaw nang naging inspirasyon ko sa tuwina. At ngayong kausap na kita, nagkukulay rainbow lahat ng aking makita, ang gaan gaan ng pakiramdam ko't ang saya saya, di mawala wala ang ngiti ko sa labi kapag naiisip na kita."

"Now I know, kung bakit naririto ka ngayon sa aming mundo.. Hmm.. dina masama para sa isang tagahanga ang iyong dedekasyon para lang makita at makasama ang aming Prinsesa Ayana."

Sabay pa kaming napabaling ni Ayana kay Arkin na bigla na lang lumitaw, may hawak hawak itong libro na kusang nagpapalit palit ang bawat pahina, kapag ang tingin ni Arkin napapadaku na sa kailaliman ng nakabukas na libro. Nasulyapan ko pa kung anong libro ang kanyang hawak. Ngayon alam ko na kung saan sya natutung magsalita ng English.

"Arkin!" Tawag ko, sabay turo sa libro nyang hawak.

"At your service... Madam Jp!" Nakangiting yumukod pa sya sakin.

'Abah! Parang tao na rin magsalita at umasta ang Dwendeng ito ah!' Natutuwa talaga ako sa kanya kapag nagsasalita sya, kasi sumasabay ang kanyang katawan sa bawat pagbigkas nya ng mga salitang bago lang sa kanya.

"Galing sa mundo nyo ang librong ito.. Regalo sa'kin ni Eruto, ang Tagalupang kabiyak ng aming Heneral Ixeo. Dito ako natutu magsalita ng lenggwahe nyu.." Ngumiti saka kumindat pang loko. "Ang galing ko nuh? Bilis kong matutu.. Hehe"

'Abah! Parang si Buggles lang din ang Arkin na'to ah! Parang pinagbiyak na bunga.. magkasing ugali, Mahangin.. huhh!'

Biglang nagkatawanan ang lahat maliban kay Buggles at Arkin na ipinagtaka ko. Kaya bumaling ako ng tingin kay Ayana.

"Nababasa't naririnig namin ang nasa isipan mo Jp."

"Ganun!" 'Oo nga naman.. mga Engkanto sila, bakit ba palagi ko yun nakakalimutan? Haayy...'

"Kamahalan, mag uumpisa ng pagdiriwang para sa inyong panauhin."

"Maraming salamat, Manta! Maaari mo bang sunduin sila Tata Gardo at Nana Selya sa kanilang tahanan?."

"Ngayon din po, Kamahalan.. Tutungo na po akong Silangan para sunduin ang 'yong mga magulang."

"Mga magulang? Sina Mang Gardo at Aleng Selya?"

Gulat na gulat kong tanong kay Ayana, na ang ngiti sa labi ay hindi man lang nawawala.

"Tamang narinig mo Jp! Ang mag asawang 'yun ang umaruga at nagpalaki sa'kin."

"Hah! Kaya pala palaging nasa inyo ang mga alaga naming aso, dahil yun sa'yo?"

Natatawa na lang ako ng maalala kong ilang araw naming paghahanap kila Barbie, Julie at Boogie. Ang mga alaga naming aso na ayaw ng umalis sa bahay ng mag asawang Gardo at Selya.

"Isa sa mga taglay na kapangyarihan ng Prinsesa Ayana ay Mahika ng pagkaamo.. Bawat hayop, insekto, halaman o bulaklak, mga ibon.. Mapa lupa, karagatan o himpapawid ay sumusunod, kapag nasasamyo ang kanyang mahalimuyak na bango."

Kaya pala.. Halos lahat ng mga nakasalamuha at nakaharap ko dito ay kilalang kilala sya, at karamihan sa kanila ay mga kaibigan nya. Napabalik ang pansin ko kay Manta ng muli itong magsalita.

"Maaliwalas na araw, Prinsesa Ayana!" Yumokod muna ito sa harapan nila Alitaptap at Ayana bago pinalibot ang tingin saming lahat na naroon. "Maaliwalas na araw sa inyong lahat! Paalam!" Saka ito lumipad palayo.

'Ang ganda naman nya..' Humahangang napasunod ang tingin ko kay Manta na may dilaw na pakpak, di'ko matiyak kung isa ba syang Lambana o Paroparo gaya ni Vega, mas na focus kasing attention ko sa aura nyang kumikinang sa liwanag ng kanyang mga pakpak.

"Ayana, dumating na ang Hari at Reyna.. baka gusto mong sabayan ako sa pagsalubong sa kanila.."

"Mauna kana muna Alitaptap, susunod na lang ako. Sige na!"

Sumulyap muna sa akin si Alitaptap saka kumaway, bago hinila yung Onyx. At sa pagkisap mata ko lang naglaho na yung dalawa.

'Ayana, papasok na sa Palasyo sina Amihan at Mayumi.. Sinalubong na sila ni Urduja...'

Boses ni Alitaptap na sumabay sa pag ihip ng hangin, mula sa bintanang bukas na nasulyapan ko di kalayuan sa'king kinatatayuan.

"Salamat Alitaptap, papunta na kami sa hardin." Nakangiting sagot ni Prinsesa Ayana sa kapatid, saka bumaling sa'kin at hinawakan ang aking kamay.

"Halika na kaibigan, sulitin natin ang pagdiriwang na aming inihanda para sa'yo." Napasunod na lang ako sa paglalakad ni Ayana palabas ng bulwagan.

Sa pagmamasid ko sa kapaligiran, sa masasayang mukha ng mga Engkanto kahit saan ko man ibaling ang paningin ko.. Walang pinagkaiba ang pagdiriwang nila dito sa pagdiriwang naming mga tao. Mula sa mga paputok na nagkikislapan sa kalangitan.. na si Howie ang nangungunang nag papaulan. Sa mga sari saring pagkain na nilalantakan ni Buggles.. Sa bumabahang mga inumin na nakahilera lang sa isang tabi... Sa may katamtamang tunog ng musika na nakakahalina... Sa mga dekorasyon at palamuting nakasabit sa mga puno at halaman, parang nasa amin lang din ako..

"Masaya kaba Jp, ngayong nakita at nakasama mo na ang Diwata na pinapangarap mo?"

Nakangiting mukha nila Vega at Flurrel ang nalingunan ko. Malaki ang utang na loob ko sa dalawang ito, maging kay Howie at Buggles.. Kung hindi kasi dahil sa kanilang apat hindi ko mararating ang Kaharian ng Umbra at hindi ko makikita si Diwatang Ayana.

"Maraming salamat sa lahat ng naitulong nyo sakin mga Bff!" Mahigpit kong niyakap ang dalawa, siguradong mamimiss kong mga ito kapag nakauwi na ako sa'ming bahay.. Nang may maalala akong bigla.. 'Hala! Lagot ako nito kay Inay!'

"Gaano na ako katagal dito?" Kinakabahang tanong ko sa dalawang may mababakas na pagtataka sa kanilang mukha.

"Dalawang araw dito sa Engkantadya, dalawang taon sa mundo nyo."

"Anooo?" Napalakas tuloy ang boses ko pagkarinig sa sinabi ng isang Diwatang kulay abo ang buhok. Naman!... maganda sya! kaya lang tadtad ng tattoo ang balat nitong nakalitaw sa suot na damit mangkukulam.

"Maaliwalas na araw! Ako si Candy Mur, sa inyong mundo, Heneral Ixeo sa mundong ito."

"Ha?"

"Sya ang isa sa mga kalahi naming nakapag asawa ng Tagalupa, Jp. Sya si Heneral Ixeo na asawa ni Eruto, ang nagbigay sa'kin nitong libro."

Palipat lipat ang tingin ko kay Arkin at dun sa Heneral Ixeo na nagsabing dalawang taon na daw ako dito. Nangangatal ang labi kong nagtanong kay Flurrel, nagbabakasakali kasi akong namali lang ang pagkakarinig ko o baka jinu joke lang ako ng dalawang ito.

"F - Flurrel, totoo bang sinasabi ng dalawang yan, ha? Kasi kung di sila nagbibiro... Faktay! ako nito sa Inay ko pag uwi ko samin.. Waaaa..."

Misteryosog ngiti lang ang sagot ni Flurrel sa'kin. Umikot ang tingin ko sa buong hardin.. Kung saan nagkakasayahan ang lahat, napakapalad ko, dahil nabigyan ako ng pagkakataong makarating at makasalamuha ang mga Engkantong ito. Namulat ang aking isipan sa malawak nilang kaalaman, kapangyarihan, pamumuhay, paniniwala at higit sa lahat sa tunay nilang katauhan.. Napatunayan kong hindi naman pala sila dapat na katakutan, oo may masasama ring mga Engkanto, pero mas lamang pa rin ang mabubuti, kagaya ng mga nakakasalamuha ko ngayon.

Tumigil ang mga mata ko sa apat na Diwatang masayang nagkukwentuhan, halatang malapit sa isa't isa ang mga ito. Napangiti na lang ako ng makita kung pumitik ang daliri ni Amihan, sigurado akong may ibig sabihin ang ginawa nito. Kung hindi ko lang sya nakasama iisipin kong masama syang Diwata.

Kasi, si Diwatang Amihan.. kahit na ang kanyang pagkatao ay isang itim na Diwata, may kabutihan pa rin syang taglay na itinatago nya lang, siguro paraan nya lang yun para protektahan ang kanyang sarili.

Si Diwatang Mayumi naman, na kahit may kalambutan at sensitibo, hindi madaling maloko at matalo.. May lungkot at siphayo mang mababanaag sa kanyang mukha, kabaliktaran naman nun ang malakas at makapangyarihang aura na nakapalibot sa buong katauhan nya.

Si Diwatang Urduja, na kayang basahin ang tunay mong katauhan, maging ang kaliit liitang detalye na pinakakatago mo sa'yong sarili ay kanyang nalalaman.. medyo may kapilyahan lang pero madaling makagaanan ng loob, masayang kasama, limot mong iyong problema kapag sya ng umeksina.

At higit sa lahat.. ang aking hinahangaan na si Diwatang Ayana, kahit na ngayon lang ako nakalapit ng tuluyan sa kanya.. ramdam na ramdam ko ang kanyang Mahikang taglay... Mahirap ipaliwanag pero iyong mararamdaman kapag kasama mo na sya. Kumbaga puso't damdamin mo ang nakakaalam ng taglay nyang kapangyarihan.

Sa dami ng nakasalamuha kong Engkanto sa mundong ito, bukod tangi ang apat na mga Diwatang ito. Malinaw na ngayon sa'kin kung bakit halos lahat nakikilala silang apat.

"Panahon na para bumalik kana sa'yong mundo, Jp."

Aliw na aliw ako sa pagmamasid na di'ko man lang napansin ang paglitaw ng isang mahiwagang Diwata na kumikinang, kumikislap ang kanyang kulay gintong aura.

"Ha! Mawalanggalang na po sa inyo, sino po kayo?"

"Ako si Enolla, ang Inang tagapangalaga ng buong Engkantadya. Ang nakakaalam ng nakaraan.. Nakakapagpabago ng kasalukuyan at nakakakita ng kinabukasan... Ako ang nagsaayos ng landas na tatahakin mo, mula sa iyong mundo patungo dito sa mundo ng Engkantadya. Sa paglalakbay na iyong haharapin, sa panganib na iyong susuungin, alam kong hindi mo ito kakayaning mag isa, kaya nagtalaga ako ng iyong makakasama. Sa pinakita mong determinasyon, sa lakas ng loob mong makipaglaban, sa pakikisama at pagtitiwala mo sa mga Engkanto na ngayon mo lang nakasalamuha, sa iyong katapatan, katapangan, katatagan marapat lang na ikaw ay gantimpalaan. At yun ay ang iyong kahilingan na makita at makasama si Diwatang Ayana."

Nasapo kong aking ulo ng mahilo hilo ako kakaisip sa kanyang mga sinabi.. At ng maunawaan kong lahat, nanlalaking aking mga matang napakurap kurap pang napatitig sa seryoso ang mukha na si Enolla. Dyata't sya ang may kagagawan ng lahat kung bakit ako napadpad sa mundong ito? 'My gosh!'

"Sa pahintulot ni Diwatang Mayumi, ako ang naatasang gumabay sa'yo, Jp!"

Mula kay Mother Golden Fairy, napalipat ang tingin ko kay Flurrel na yumokod at nakatapat sa kaliwang dibdib ang isang kamay. Ganun din ang ginawa ni Howie na katabi nito.

"Ako naman ang inatasan ni Diwatang Amihan, para may makasama kayo."

"Kung ganun, bago pa pala ako makarating dito ay alam na ng mga Diwatang pinaglilingkuran nyo ang aking pakay dito?"

Namamanghang tanong ko sa kanilang lahat.

"Palagi kang humihiling sa hangin at iyun ay nakakarating sa'kin, Jp. Kaya kinausap kong apat na Diwatang bagong tagapangalaga ng mga Brilyante, para subukin ang 'yung katatagan, katapangan at katapatan. Binigyan ko rin ng misyon si Buggles, ang aking Heneral sa Fairyland, para hindi lang makatulong kundi makaaliw din sa inyong paglalakbay.. At ang mahiwagang paroparo ko na si Vega, para ikubli ang yung tunay na pagkatao sa mga masasamang Engkanto. At ngayong naibigay ko na sa'yo ang katuparan ng iyong kahilingan... Oras na para bumalik ka sa'yong pinanggalingan."

'Ha! Agad agad? Wala bang extension ang bakasyon ko dito?'

Bigla naman akong nalumbay ng lubos kong maintindihan ang lahat. Para lang akong si Cinderella na pagsapit ng hatinggabi ay magbabago ng lahat sa kanya, na babalik na sa dating buhay nya, dahil ang mahikang nakabalot sa kanya ay maglalaho na lang basta.

Napasulyap ako kay Diwatang Ayana, hindi ko alam kung magkikita pa kaming muli, kaya pagsasawain ko ng aking mga mata sa pagtingin sa kanya, dahil baka ito ng huling pagkakataon na sya'y aking makita at makasama. Siguro naramdaman nyang aking tingin kaya sya napabaling sa'kin, nakangiti syang kumaway sa'kin, na sinagot ko naman ng pagyukod at flying kiss na ikinatawa nya ng malakas. Nagalak ako ng maglakad sya patungo sa'kin, at ng magkaharap na kaming dalawa masuyo nyang hinaplos ang aking pisngi.

"Kaibigang Jp! Wag kang malumbay at mangamba, dahil hindi ito ang huli nating pagkikita.."

Biglang nabuhay ang nalumbay kong pakiramdam kanina, sa narinig kong sinabi ni Diwatang Ayana.

"Magkaiba man ang mga mundo nating ginagalawan" itinuro nyang aking nuo at kaliwang dibdib. "Sa isip at puso mo, Ako'y mananahan!"

Unti unting namasa ang aking mga mata, touch na touch ako sa kanyang mga sinabi. At ng mag umpisang pumatak ang aking mga luha kaagad ko itong pinahid ng aking palad, saka matamis na ngumiti kay Ayana.

"Salamat sa lahat lahat my Fairy ko, di'mo lang alam ang kaligayahang saki'y naidulot mo, sa lahat ng mga ginagawa mong ito, lagi ng masaya at may ngiti sa labi ko."

Niyakap ko sya ng mahigpit, nakaramdam ako ng kaginhawahan at kapanatagan ng loob ng aking maramdaman ang masuyo nyang pagyakap sa'king katawan. Ang kaligayahang bumabalot sa'kin ngayon ay umaapaw, na kahit ako mismo ay nahihirapang ipaliwanag kung bakit sa simpleng pagkakayakap lang sa'kin ni Diwatang Ayana nakokontento na ako. Umaawit ang aking puso sa tuwa't galak! Marahil isa ito sa mga taglay nyang Mahika! Ang misteryosong Mahika ni Ayana.

Ilang minuto rin kaming magkayap, ako na ang unang bumitaw sa kanya. Alam kong nagniningning ang aking mga mata ng muling tumingin sa maamo at magandang mukha ni Diwatang Ayana.

"Mag iingat ka palagi, at alagaang mabuti ang yong beauty at sarili, nandito lang si adik na makulit lalagi sa'yong tabi, dika iiwanan kahit na anupang mangyari.. Lab na lab kita Diwatang Ayana.. Fighting!!"

Nagtawanan naman ang mga nakakaintindi sa'king sinabi na 'Fighting!'.. Nahinto lang ang aming pagsasaya ng muling magsalita si Inang Arinola.. este! Enolla pala hahaha..

"Handa kana bang bumalik sa mundo nyo, Jp?"

"Ready na po ako Inang Fairy, pede nyu na po akong tsugiin.. este! dis aperin pala hehe.."

"Paalam!.. Kaibigang Jp!!..." Sigaw ng lahat sa'kin, mga nakangiti at kumakaway pa.

"Paalam...!" Balik kong sigaw sa kanila. Ng mahulog na ako sa malalim na karimlan na diko alam kung saan at ano ang aking lalabasan, basta nakapikit lang ako.. Hanggang sa... Naramdaman kong umaalog ang balikat ko, kasabay ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa'kin...

"Hoy! Jp, gumising kana! Aba'y! wala ka bang pasok ngayon sa trabaho at tanghali na'y nakahilata kapa rin dyan.. ha?"

Dahan dahan kong iminulat ang namimigat pang talukap ng aking mga mata.

"I - Inay?" Kinusot kusot kong mga mata para luminaw ang aking paningin.

"Bumangon kana dyan at kanina pa naghihintay ang sundo mo. Aba'y mahiya ka naman kay Onyok, araw araw kana lang nagpapahintay dun sa tao.. Papanu kikita sa pamamasada yun kung sa'yo pa lang eh nauubos ng oras nya ha? Dyaskeng damulag ka! Dika na nagbago napakahirap mo pa ring gisingin."

Nakasunod lang ang mga mata ko kay Inay na abalang pinagdadampot ang mga gamit kong nakakalat sa sahig. Kala ko ba dalawang taon akong nawala, eh! bakit parang di naman nag aalala ang Inay? Gaya pa rin sya ng dati kapag tinatanghali ako ng gising?

"Ikaw Jp ha! Ke dalaga mong tao napakaburara mo! Aba'y magligpit ligpit ka rin ng kwarto mo uy! Hindi yung ako pang pinapahirapan mong mamulot nitong mga basura mo! Makukurot na naman kita sa singit dahil dyan sa katamaran mo. Lentek ka!"

"I - Inay.." Umikot ang aking tingin sa buong kwarto ko. 'Anuba yung mga nangyari sa'kin? Panaginip lang bang lahat ng yun? Ohh.. Hindiiii..'

"Dika pa ba babangon dyan ha? Gusto mo diligan pa kita? Saglit nga't makuha sa labas yung pangdilig ko ng magising yang naglalakbay mo na namang diwa!"

'Anu raw? Naglalakbay kong diwa? Si Nanay talaga! Napaka joker... Hindi yun panaginiiippp... Totoo yung naglakbay ako sa Mundo ng Engkantadyaaa.. huhu... '

"Oh ayan! maghilamos ka't ng mahimasmasan ka naman!"

Napahilamos nga akong bigla ng aking mukha ng sunod sunod ang pagtama ng tubig mula sa spray na hawak ni Inay. Ginawa na naman akong halaman, ahuhuuyy...

"Hatsingg...! Naayyy... Tama na po yang kakaspray nyu sa face ko! wahhh.."

Nagtatatakbo akong napalabas ng aking kwarto deretso sa banyo para matakasan si Inay.

"Hoy! Jp! Baka dyan kana naman mangarap sa banyo ha! Malilintikan kana sa'kin.. Bilisan mo ng kumilos at dalawang oras ng naghihintay si Onyok sa labas! Abay, mahiya ka naman dun sa tao.. Kebait bait.. wag kang abuso!"

"Opo!" Lab talaga ako ni Inay eh! Panu, di matapos tapos ang kanyang sermon sa'kin huuuuu...

Mabilisang ligo na lang ang aking ginawa para kumalma na si Inay, mahirap ng ma high blood sya't baka mamaga na naman ang tenga ko kakapingot nito, ahuhuyy

"Agahan mong uwi, 'wag ka ng dumaan kung saan saan."

"Opo, Inay!" Matapos ko syang halikan sa pisngi tumakbo na'ko palabas ng bahay namin. "Naayy... alis na pa akooo.. Babye na poo!"

Di'ko na naintindihan pang sagot ni Inay. Deretso lang akong sumakay ng wonder tricycle ni Mr. Peniero pagkalabas ko ng gate namin.

"Dude! Kanina kapa ba?" Alam ko namang mahigit dalawang oras na syang naghihintay sa'kin, pero nagtanong pa rin ako.

"Ito na yatang pinakamatagal kong paghihintay dito sa labas ng bahay nyo.. Tagal mo ah! Sigurado napasarap na naman yang tulog mo at dinig ko pang boses ng Inay mo hanggang dito."

Inayos ko munang mga gamit ko, bago ko sya sinagot.

"Pasensya na! malayo kasing nilakbay ko't napagod, kaya napasarap ang tulog ko! Haha.."

"Sa Engkantadya na naman ba, Ne?"

Napatuwid biglang aking pagkakaupo ng marinig kong sinabi ni Mr. Peniero.

"Ha! Ano yung sinabi mo Dude? Pakiulit nga!"

Dina ako sinagot ni Dude kaya sinilip ko na lang sya habang nagmamaneho ng kanyang Tricycle. Deretso lang ang tingin nito sa daan, tumutulo ang pawis sa kanyang pisngi. Nagtataka akong napatingin sa makulimlim na kalangitan.. Hindi naman mainit gawa ng makakapal na ulap ang nakatabing sa araw, pero bakit pawis na pawis itong si Mr. Peniero. Naramdaman kong bumagal ang pagkakatakbo ng kanyang tricycle hanggang sa tuluyan na itong huminto.

"Dude?"

Walang sagot

"Hoy! Dude!"

Sabay kalabit sa kanyang braso, pero di man lang ito lumingon sa'kin. Nakatingin lang ito bandang kakahuyan.

'Dito na naman?'

Napababa na'ko ng tricycle saka lumapit kay Dude. Sinundan ko ng tingin ang kanina nya pa tinitingnan.

"B - Buggles! Anong ginagawa mo dito?" Kandasamid kong tanong sa nakangiting Engkanto na kumakaway pa samin.

"Maaliwalas na araw, Jp! Handa kana ba?"

"Handa naman saan?" Natataranta kong tanong kay Buggles.

"Sa muling paglalakbay mo sa aming mundo."

Ni hindi man lang nawala ang ngiti ni Buggles, na tila ba masayang masaya sya habang nakamasid sa bawat reaksyon ng aking mukha.

"Sa Engkantadya?" Nanlalaking aking mga mata ng mapagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari sa'kin.. Na hindi ko lang ilusyon yun... Na hindi panaginip lang ang muling pagkikita namin ni Diwatang Ayana. Patunay na itong si Buggles, na kaylapad ng pagkakangiti sa'kin.

'Wow! Amazing!...' Isang tapik sa'king balikat ang nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. Napabaling ang tingin ko kay Dude.

"Anupang tinutunganga mo dyan! Late kana naman, Time is gold, Ne!"

Napakurap kurap pang aking mga mata habang inikot ko ng tingin ang paligid. Napapailing na lang akong inabutan ng 500 pesos si Mr. Peniero, saka mabilisang naglakad palayo sa kanyang tricycle.

"Salamat, Dude! Keep the change na lang yan.. Bigay mo kay Nayon, baka swertehin sya sa pagma mahjong."

"Uy! Maraming salamat, Ne!" Kaylapad ng pagkakangiti ni Dude, habang kumakaway pa sa'kin na pinatakbo ng kanyang tricycle.

Wala sa sariling binuksan kong aking bag para sana kunin ang aking cellphone ng may makapa akong parang basag na bagay sa loob nito. Kinakabahan kasabay ng panginginig ng aking kamay, sumalampak ako ng upo sa semento saka lakas loob kong binuhos ang laman ng aking bag.

"Hala! Ang itlog nabasag na!" Dali dali kong dinampot ang itlog ng may lumabas duong isang maliit na Dragon, umuusok pang bibig nito na tila kabubuga lang ng apoy. Natataranta kong tinakpan kaagad ito ng aking bag at nagpalinga linga muna ako sa paligid. Wala namang masyadong tao, yung si kuyang Guard lang ng pinapasukan kong building ang nakaupo sa kanyang pwesto. Dahan dahan kong tinanggal ang aking bag saka sinilip ang nakita kong baby Dragon kanina.

'Diba sabi ni Prinsesa Alitaptap, alagaan mo ako? hindi pabayan, iiwan at sasaktan?'

"Ngee... Nagsasalita ka rin?" Kinurot kurot ko pang aking sarili, para makasiguradong hindi ito isang ilusyon ko na naman.

'Hello! Engkantadya ang pinanggalingan ko! Of course nagsasalita ako.'

"Ganun! Eh! wala ka naman sa Engkantadya ah? Nandito ka kaya sa mundo ko, diba dapat hindi ka nagsasalita? Saka sosyal mo ha! Pa English kapa dyan."

'FYI, kung sinuman ang tagapangalaga ko, repleka ng katauhan nya ang makukuha ko, at dahil sa itinago mo lang ako sa loob ng bag mong mabantot at gulo gulo, may kaparusahan kang matatanggap mula sa'kin.'

Napa arkong bigla ang aking kilay.

'Abah! Echoserang Dragon na'to ah! Ke liit liit napakasungit! Gusgusin naman hmp!'

'Naririnig kita, Jp! Gusgusin ako, dahil pinabayaan mo'ko!'

Nanlalaking mga mata kong napatingin sa maliit na Dragon sa'king harapan. Kung gaano ako ka maldita, abay ganun din sya. Nakikipagtitigan pa nga sakin eh! At mas matalim pang kanyang mga tingin kesa sa'kin.

"Pstt..."

Leche! sinu namang storbo kaya itong sumisitsit?.. Di ako pedeng magpatalo sa bulinggit na ka eye to eye ko!..

"Pstt.."

Umulit pa! Bahala ka sa buhay mong storbo ka!

"Pstt!"

"Anubaaa!! Nakaka - " Sa biglang paglingon ko sa'king likuran, tumambad ang mga Insekto kong kaibigan. Si Howie, Vega, Flurrel at Buggles. Kinakabahang napalinga linga na naman ako sa paligid, baka kasi maraming tao at may makakita sa mga ito.

"Kumusta kana Bff, Jp? Wag kang mag alala, tanging ikaw lang ang nakakakita at nakakarinig samin."

Aligaga akong napatayo mula sa pagkakasalampak ko sa semento, nawala na sa isip ko ang echoserang Dragon na kani kanina lang ay katunggali ko sa titigan.

"Bakit kayo nandito? Anong sadya nyo sa aming mundo?"

Excited kong nilapitan isa isa sila Howie, Vega at Flurrel, saka niyakap ng mahigpit.

"Sila lang bang yayakapin mo Jp? Panu naman ako ha?"

Nakangisi akong bumaling kay Buggles saka inabot kong kanyang kamay.

"Tama na sa'yong shake hand, dina kelangang yakapin kapa, kasi nakita na kita kanina, kaya dina ako nasurpresa sa'yong presensya."

Humabang nguso nito saka tinapik ang aking kamay na nakahawak pa rin sa kanyang kanang kamay.

"Ang sama mo talaga sa'kin! Samantalang  nung sa Engkantadya kapa ako ang palagi mong kasama. Saka, hiniling ko pa naman kay Mother Golden Fairy Enolla na pagbalik mo dito sa mundo nyo eh! bumalik sa dati ang buhay mo, para hindi na magalit ang Inay mo sa'yo, tapos ganito lang pala ang mapapala ko!"

'Aysus! Napaka maalalahanin talaga ng langaw na ito! Nakakatuwang pagmamalasakit nya sa'kin!'

Natatawang hinila ko sya palapit sa'kin saka niyakap ng mahigpit.

"Ayan ha! Niyakap na rin kita! Kaya tama ng drama. Saka salamat sa tulong mo, hindi nakurot ni Inay ang singit ko."

"Basta't para sa'yo, malakas ka sa'kin eh!"

Akma ng yayakap pabalik sa'kin si Buggles ng higitin ako palayo ni Howie sa kanya.

"Tama ng lambingan nyong dalawa kung ayaw nyung matusta!"

"Anu yun Howie?" Bago pa ako makaharap kay Howie, may bolang apoy ng papunta sa dereksyon ni Buggles. Na mabilis namang nakailag kaya hindi ito tinamaan.

"Ano! maglalandian paba kayo o maglalakbay na tayo pabalik ng Engkantadya?"

Umuusok pang bibig ng bulinggit na Dragon habang panay ang kampay sa mga pakpak nito. Maldita pa sa'kin.. Sobra.

"Galing kay Prinsesa Alitaptap ang matapang na Dragong ito! Nakakatuwa naman.. Magkasing ugali kayo Jp!"

Lumipad ang Dragon saka dumapo sa balikat ni Vega. Parang alam ko ng kasunod nitong gagawin o sasabihin.

"Gusto na kita! Salamat sa papuri mo sakin, Vega."

Kitam! Kedale lang pala nyang paamuhin, ngayon alam ko na kung anong style ang aking gagamitin sa kanya. Sus! Yun lang pala ang kahinaan nya, ang purihin sya..

"Gusto rin kita! Mapalad ka't kay Jp ka pinagkatiwala ni Prinsesa Alitaptap.. Isang mabuting Tagalupa ang tagapangalaga mo, kaya dapat alagaan mo rin sya, wag kang pasaway sa kanya."

"Isang karangalan ang paglingkuran ko si Jp! Ngayon pa lang marami na akong natuklasan at natutunan sa kanya.. "

Weh! Ang bilis namang bumait ng Dragon na'to sa'kin. Takot lang yata 'tong malaman ni Alitaptap na nagmamaldita sya sa'kin eh! Haha.

"Tayo na! Bago pa magsara ang lagusan!"

Taranta naman akong lumapit kay Howie na panay ng senyas samin.

"Teka lang Howie! Bakit sinasama nyo ako sa Engkantadya? Anubang meron dun?"

"Gaganapin na ang pagsasalin ng korona ni Reyna Amethyst kay Prinsesa Ayana, magiging ganap na syang Reyna ng Kahariang Umbra."

"Talaga!" Na excited naman akong bigla sa'king nalaman, pero saglit lang ang nadama kong kasiyahan, dahil gustuhin ko mang sumama sa kanila, panu naman ang buhay ko dito? Saka siguradong magagalit na naman si Inay kapag hindi ako nakauwi ng maaga sa bahay.

"Kung inaalala mong iyong Inay, ako na ulit ang bahala sa bagay na yan, Jp! Kaya wag ka ng mag alala pa."

Pampakalmang sabi ni Buggles, ngumiti pa nga ito ng bumaling ako ng tingin sa kanya.

"Maayos ng lahat! Kaya tayo na!" Yaya ni Vega.

"Basta magsaya ka lang at wag ng mag alala pa, Jp! Dahil ang pagdiriwang na gaganapin sa kaharian ng Umbra ay isang pangyayari sa buhay mo na hinding hindi mo makakalimutan." Ani Flurrel.

"Sa wakas makakauwi na ako sa Engkantadya!" Palipad lipad namang sabi nung malditang Dragon, saka dumapo sa'king balikat.

"So... Friends na tayo ngayon kasi dumapo kana sa balikat ko? Dimu na ako aawayin?"

"Jp! Mula ng mapunta ako sa mga kamay mo nung itlog pa lang ako. Ramdam ko ng mabuti kang tao.. Hindi ako ipagkakatiwala sa'yo ni Prinsesa Alitaptap kung wala syang nakitang kakaiba sa pagkatao mo.. May kakaibang mahika ang bumabalot sa katauhan mo.. Kakaibang mahika na tanging kami lang na mga Engkanto ang nakakakita at nakakadama.. Kaya mula ngayon, ako ng magpo protekta sa'yo dahil yun ang pangunahing tungkulin ko sa buhay mo."

Ang lalim ng hugot! Halos di naabsurb lahat ng tuliro kong utak at bilis ng kaba ng aking dibdib ang lahat ng kanyang sinabi. Napipi tuloy ako, umurong biglang dila ko.. Walang sali salitang hinablot kong Dragon sa'king balikat saka pinaghahalikan. Diko na ininda pang kanyang pakpak na humahampas saking mukha. Basta ang alam ko ngayon ay ang saya saya ko. Na halos wala na akong mapaglagyan sa kaligayahang aking nararamdaman. Napakapalad ko talagaa..!

"Thank you Lord! Amen.."

- THE END -

Ang pagkakaibigan na nagsimula lang sa isang misyon, diko akalain na maging maganda ang kahahantungan ng pagsasama naming iyon, dalawang araw lang ang pinagsamahan namin sa mundo ng Engkantadya, pero malaki ang naidulot na kasiyahan at kaligayahan sa'kin ng mga karanasan ko doon.

Para sa'kin di sukatan ang tagal ng pagsasama, ang mahalaga masaya't nagkakaintindihan ang bawat isa, magkaiba man ang mundong ginagalawan namin at malayo sa isa't isa, basta't may alaalang nakapagitan sa aming lahat, ang pagkakaibigan ay dina mawawala at mabubura...

SA ISIP...
SA PUSO...
ANG KAIBIGANG TUNAY,
DIYAN INIINGATAN AT
NAKATAGO...


💃MahikaNiAyana

Continue Reading

You'll Also Like

17.2K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
44K 1.7K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
10.5M 481K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...