Itim at Puting Anghel 🍃

69 13 0
                                    

"Hah

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hah.. Hahh.. Hoohh..! Nyemas.. gabing gabi nagja jogging pa'ko! Takteng langaw na yun kasi! Sobrang maka stress sa'kin huuu..."

Hinihingal akong huminto muna sa pagtakbo, luminga sa kanan, saka sa kaliwa.. sa likuran at napatingala sa madilim na kalangitan.

"Hala! Bakit ganyan naman ang buwan nila dito? Kung maka half moon, wagas! mas maliwanag pang  bituin eh! Huh!" Ng may masulyapan akong kakaiba sa kalangitan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hala! Bakit ganyan naman ang buwan nila dito? Kung maka half moon, wagas! mas maliwanag pang  bituin eh! Huh!" Ng may masulyapan akong kakaiba sa kalangitan.  "Anu yung lumilipad na yun?"

Kahit madilim pilit ko pa ring sinisipat ang mga lumilipad na tila lawin sa himpapawid. 'Kaylalaki namang mga lawin ito, saka grabe! ang kulay itim na itim!'  Nayakap kong aking sarili ng biglang makaramdam ako ng kakaiba.. 'Woohh.. Kinikilabutan naman ako!'

Ang kaninang madilim na kapaligiran ay unti unting nagkukulay pula.. Napabalik ang tingin ko sa buwan.

"Nyay! Bakit kaybilis namang mabuo ng buwan? Hindi na sya half moon, full moon naman?  Saka ang kulay, bakit naiiba naman ngayon?"

Nag umpisang manindig ang aking balahibo sa buong katawan.. Bahagyang nanginig at nangatal rin ang aking labi ng makita kong tila may pulang kulay na nabuo sa loob ng bilog na buwan..  Kinapa kong bulsa ng suot kong pantalon.

'Inaayyy... hindi ko yata nailagay ang karmen karmen nyong ibinigay sakin huhu! Panu na'ko ngayon, Inayyy...? wala na po akong anting anting na panlaban sa mga maligno..'

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka nag umpisang magdasal, isa sa mga itinuro sakin ni Inay, na kapag nakaramdam daw ako ng takot, magdasal lang ako kay Lord at manalig.. Nag sign of the cross muna ako bago pinagsiklop ang aking dalawang kamay saka mariing ipinikit ang aking mga mata.

"I believe in one God..."

Napahinto ako sa pagdarasal ng makarinig ako ng pagaspas ng pakpak sa himpapawid.. Kasunod ang huni ng ibon..

"Kwak.. Kwak...!"

'Naku! Namaann.. bakit pakiramdam ko may nakatingin sakin? Ahuhuuyy... Didilat ba ako o mananatiling nakapikit? Kaya lang baka kapag dumilat ako himatayin na lang ako bigla sa'king makikita? Pero kapag nanatili naman akong nakapikit baka bigla na lang may lumafang sakin? Dyoskolord!.. anu ng gagawin ko ngayon? Helpppp...'

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now