Alitaptap🍃

159 14 3
                                    

Pambihira naman tong si Rosy oo, alas singko ng hapon ang usapan dumating alas syete ng gabi na

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Pambihira naman tong si Rosy oo, alas singko ng hapon ang usapan dumating alas syete ng gabi na. Aba'y pinapak nako ng lamok kakaantay sa babaetang yun ah! Tapos uutangan pako ng kanyang pamasahe pauwi? Sobra sya. kapag nagyaya sya ulit saking lumabas dina talaga ako sasama, bahala syang maghanap ng mauuto nya. Ginabi tuloy ako, mahirap pa naman ang daan pauwi samin, maraming tambay ang nakakalat sa daan, na kahit saang tabi nagkukumpulan lang.

"Psst...!"

'Abah talaga namang mga tambay na'to, walang pinipiling bastusin ah! teka nga muna..'

Yumuko ako't naghagilap ng kahoy na panghampas sa mga lokong tambay.

"Psst!"

'Aba! aba! Inulit pa! Nasan na bang pamalo ko ah!'

Ng may mahawakan akong malambot at mahaba na inakala kong baging dahil nasa mahalaman na daan ako napadpad at napahinto. Kumbaga short cut kasi itong daan pauwi samin. Isa pang pagsitsit ang aking narinig, sa sobrang inis ko, pinwersa kong hatakin ang hawak kong pamalo.

'Teka lang! bakit parang gumagalaw?'

Mabilis kong itinaas ang aking hawak na pamalo at tiningnan, ng maka face to face ko na ito..

"Hissss.,"

"Ay! pucha! Ahasss!!... waaa..."

Sabay hagis ko ng ahas kung saan lang, saka kumaripas ako ng takbo. Walang lingon lingon at walang dereksyon, nabangga, natapilok, nagkandatalisod at nadapa, mabilis akong bumangon at nagpatuloy sa pagtakbo, hanggang sa mapansin kong naliligaw na yata ako.

"Hala! anong lugar 'to? hindi naman 'to ang daan pauwi samin ah? Ay! teka lang! parang ito din ang lugar kung saan ko noon nakita ang diwatang si Ayana ah"

"Zera, kumusta ng pakiramdam mo kaibigan? ayos kana ba ha? Ano makakauwi na ba tayo sa Engkantadya? kaya mo na ba?"

'Tweet.. tweet... 'Maayos ng aking pakiramdam, Kamahalan.'

"Ha!" napalingon ako dun sa pinanggalingan ng malamyos na boses na aking narinig.

"Talaga! kaya mo ng lumipad, Zera? Yeheey.. makakauwi na rin tayo sa wakas! sigurado akong magkakagulo na naman sa palasyo ng Umbra kapag nalaman ni Ina na nawawala tayo."

Isang napakagandang dilag ang aking nakikita sa gitna ng kagubatan, may manipis na pakpak ito sa likod na katulad ng hinuhuli kong tutubi sa hardin ni Inay. Hinahaplos haplos pa nito ang balahibo ng dambuhalang ibon na kulay abuhin na may halong itim. Nakakaaliw silang tingnan, nag uusap na parang nagkakaintindihan, kahit na puro 'tweet.. tweet' lang naman ang lumalabas na salita mula sa tuka ng dambuhalang ibon na Zera ang pangalan, yun ang narinig kong tawag sa kanya ng magandang dilag.

"Hello!" magiliw kong bati ng hindi ko na matiis ang mga lamok na pumapapak sa balat kong napakakinis.. Charot! harharhar naka pants kaya ako.

"Kalaban! Zera, maghanda ka!"

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt