Mga Lambana at Puting Anghel🍃

49 12 0
                                    

Halos dina ako makagalaw sa'king kinatatayuan habang nakatanaw sa lagusan, kung saan maraming mga Lambana ang nagkakasayahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Halos dina ako makagalaw sa'king kinatatayuan habang nakatanaw sa lagusan, kung saan maraming mga Lambana ang nagkakasayahan.

'Wow!..'

Sa lahat ng pinagdaanan ko.. mga naranasang hirap, takot, pangamba habang naglalakbay ako sa mahiwagang mundong ito, ngayon lang ako nakadama ng lubos na kasiyahan at kapanatagan ng loob. Dito sa lugar na ito kung saan maliliit na Lambana lang ang nakikita ko. Parang saglit akong nakalimot sa tunay na pakay ko dito.. na kahit ang mga kasamahan kong insekto na naging kaibigan ko na, nawala na lang bigla sa'king isipan.

"Jp!" Ramdam kong pag alog ng aking katawan sa sunod sunod na pagyugyog ng kung sino mang katabi ko ngayon. "Hoy! Jp! ayos ka lang ba ha?" Isa pang tampal sa'king pisngi at dun na'ko bumalik sa kasalukuyan.

"Ha? Bakit?" Tulirong napabaling ako ng tingin saking katabi. "Buggles?"

"Ako nga! Wala ng iba!" Napakamot pa ito ng kanyang batok, bago sinuklay suklay ng kanyang daliri ang nakalugay kong buhok na nililipad lipad ng hangin. 'Ang sweet talaga ng langaw na'to! Haayy..'

"Napapansin ko lang ha! Bakit kaba laging lutang Jp? Ano bang nangyayari sa'yo ha?" Halatang pag aalala sa boses ni Flurrel ng lumapit sakin.

"May dinaramdam kaba? magsabi ka lang samin, para matulungan ka naming gumaan ang yong pakiramdam." Nalipat ang tingin ko kay Vega na hinaplos ang aking pisngi.

"Baka naman napapagod kana, hindi lang sa kahanginan ni Buggles kundi lalo na sa bunganga nito? Ipaalam mo lang sa'kin at ng maisara ko ng bunganga ng langaw na yan."

Natawa naman ako sa sinabing yun ni Howie. Hindi ko tuloy malaman kung magkaibigan ngang dalawang ito o hindi eh!

"Siguro naninibago at namamangha lang si Jp sa'ting mundo, kaya sya nagkakaganyan."

Sa lahat ng aking narinig, tanging yung sinabi lang ni Urduja ang toroo, kasi sa dalawang araw kong pananatili sa mundo nila, mahirap pa ring maniwala at tanggapin ang lahat, na hindi ito isang panaginip lang, kundi nangyayari nga ito saking buhay ngayon.

"Pumasok na tayo sa lagusan, habang may pahintulot pa ng kataas taasang Lambana. Tayo na!"

Likod na lang ni Howie ang aking nakita ng mapasulyap akong muli sa lagusan. Dali dali akong sumabay kila Vega at Flurrel ng maglakad sila patungong lagusan.

"Aba't kita mong Tagalupang 'to! Matapos akong pakinabangan.. iiwan na lang akong parang basahan! Hoy, Jp! Teka lang naman... Hoy! hintayin mo naman ako!.."

Natatawang nilingon ko si Buggles. Nagkanda talisod pa ito kakamadaling humabol sa paglalakad namin.. Kahit si Urduja na kasunod lang nitong naglalakad ay tawa ng tawa, maging ang dalawa pang kasabay ko na sila Vega at Flurrel malakas din ang tawanan habang tinutukso si Buggles.

"Sa mga kalahi mo lang yata tumatalab yang karisma mo Heneral, hahaha."

"May punto ka Vega, kasi kahit saming angkan walang kadating dating ang maalamat na Heneral Buggles ng Fairyland na yan."

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now