Synopsis🍃

196 14 3
                                    

Isang gabing kabilugan ng buwan, May narinig akong umaawit sa gitna ng kadiliman, Kaylamyos ng tinig kaysarap pakinggan, Tila ako dinuduyan patungong kalangitan

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Isang gabing kabilugan ng buwan,
May narinig akong umaawit sa gitna ng kadiliman,
Kaylamyos ng tinig kaysarap pakinggan,
Tila ako dinuduyan patungong kalangitan.

Pilit kong sinundan ang kanyang himig,
Dahil nais kong makita kong sinong umaawit,
Aking natagpuan isang Diwatang kaakit akit,
Hindi maikakailang isang mahiwagang nilalang ang ngayo'y sakin nakatingin.

Takot at pangamba ang aking nadama,
Ng makita ko sa kanyang likuran ang Leon na tagapagbantay niya,
Gusto kong tumakbo pero lakas ko' y nawala,
Pati boses ko diko mahagilap sa sobrang kaba.

"Huwag kang matakot" ang sabi niya sa akin,
"Isa akong kaibigan na malinis ang hangarin,
Kung natakot man kita ako sanay patawarin,
Ako si Diwatang Ayana naligaw lamang dito sa bulubundukin."

Gusto kong lapitan at hawakan siya,
Pero alam kong hindi maaari dahil isa siyang mahiwagang Diwata,
Pinagmasdan ko na lang hanggang siya'y mawala,
At magmula noon, Mahika ni Ayana yan ang tinawag ko sa kanya.

💃MahikaNiAyana

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt