Our Strings (Strings Series 3...

By SweeTTabooH

134K 3.6K 660

"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I... More

... Our Strings...
OS- Simula
OS- kabanata 1
OS - Kabanata 2
OS -kabanata 3
OS- Kabanata 4
OS- Kabanata 5
OS-kabanata 6
OS- Kabanata 7
OS- Kabanata 8
OS-Kabanata 9
OS- Kabanata 10
OS- Kabanata 11
OS- kabanata 12
OS- kabanata 13
OS- Kabanata 14
OS- Kabanata 15
OS- Kabanata 16
OS- Kabanata 17
OS- Kabanata 18
OS- Kabanata 19
OS- Kabanata 20
OS- kabanata 21
OS- kabanata 22
OS- Kabanata 23
OS- Kabanata 24
OS- Kabanta 25
OS- Kabanata 26
OS- Kabanata 27
OS- kabanata 28
OS- Kabanata 29
OS- kabanata 30
OS- Kabanata 31
OS-kabanata 32
OS- Kabanata 33
OS- Kabanata 34
OS- kabanata 35
OS -kabanata 37
OS- Kabanata 38
OS- kabanata 39
OS- kabanata 40
OS- kabanata 41
OS-Kabanata 42
OS-Kabanata 43
OS- kabanata 44
OS- kabanata 45
OS- Kabanata 46
OS- Kabanata 47
OS- Kabanata 48
OS- kabanata 49
OS- kabanata 50
OS- kabanata 51
OS- kabanata 52
OS- kabanata 53
OS kabanata 54
OS kabanata 55
OS kabanata 56
OS EPILOGUE- 1
OS Epilogue 2
OS Epilogue 3
OS Epilogue-4
Finale

OS-Kabanata 36

1.1K 27 1
By SweeTTabooH


Nakanguso ako habang nakatingin kay sir Brent na nakangiti at nakikinig sa mga kwento ni Lakan.

I really don't know the real score with both of them pero alam kong masaya sila sa isa't isa.

"You liar!" Natatawang sabi ni Lakan sabay inom ng kape sa harap niya.

Umiiling lang si sir Brent habang nakangiti sa kanya. His eyes is full of love and passion. Makikita mo na masaya siya at sobrang interesado sa lahat ng lumalabas sa bibig ni Lakan.

Nakwento na din sa akin ni Lakan ang pahapyaw ng storya nila ni sir Brent who supposedly his ex fiance'. Ang dami nila pinag daanan but looking at them now, you can say that they are genuinely happy.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag uusap kaya inayos at inasako ko nalang ang mga dapat kong gawin. Ang sabi sa akin ni sir Brent kanina ay posible na dumating ngaun si sir Anton at maam Bree.

Raj also message me na kasama na niya si Riley at nandun na sila sa company niya.

"He loves pancake." Kwento ni Raj na bigla nalang tumawag ngaun. Ngumiti ako at tumango kahit hindi naman niya nakikita. I heard Riley's disagreement with what Raj said. Umiling nalang ako dahil alam kong nagsasabi ng totoo si Raj.

"You should learn how to prepare it then." Sagot ko. Kinuha ko ang kape sa harap ko at ininom. Ang daming kwento ni Raj about sa ginagawa nila ni Riley at mahahalata mo na pareho naman sila nag eenjoy at masaya.

Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. " You wanna try my pancake? Masyado mo naman yata ako minamaliit, Gotica." Seryosong sabi niya kaya bahagya akong natawa.

Nang matapos ang tawag niya ay tinuloy ko ang ginagawa. Nag order pa ako ng food dahil dadating na daw sila sir Anton and maam Bree any time soon.

Bahagya din ako nagligpit ng opisina para maging kumportable sila pagdating nila.

"What are you doing?" Halos mapasinghap ako ng bigla nalang lumabas si sir Brent sa harap ko habang nakatingin sa vaccum na hawak ko. Medyo nagulat talaga ako kaya nabitawan ko ang vaccum.

"Uh," kinagat ko ang labi ko ng walang lumabas na salita mula sa bibig ko.

Yumuko si sir Brent sabay tayo ng vaccum na nabitawan ko.

"This isn't your job, Gotica. Bumalik ka sa table mo and do your real job." He said authoritively.

"Pero sir-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makitaan ko ng iritasyon ang mga mata niya. Para akong bata na tumango at bumalik na lang sa lamesa ko.

Tinapos ko ang ibang report at natapos ko na din ang ibang task ko para sa school. Wala na talaga akong magawa. Napansin ko na mag aala una na ng tanghali pero wala pa ang inorder kong pagkain para sa amin lahat.

Ang sabi din ni sir Brent ay nasa lobby na sila sir Anton. Nakatanggap ako ng tawag mula sa food delivery na nasiraan daw sila ng motor kaya hindi agad makakarating.

"Sir, uhh.. I will just order food sa baba. Mukang matatagalan daw ang food delivery." Salita ko. Nag aalangan pa nga ang itsura ni sir Brent kung papayagan ba ako o ano. Sa huli tumango nalang siya at inabot sa akin ang credit card niya.

"Ano sayo Lakan?" Tanong ko. Malaki ang ngiti ni Lakan na bumaling sa akin.

"Same thing." Sagot niya kaya tumangk nalang ako. Hindi kaya nag sasawa si Lakan sa gulay at damo damo na kinakain niya? She petite and slim pero ang hina hina niyang kumain.

Mabilis akong sumakay sa lift at mabilis lang din akong nakababa sa lobby. Wala masyadong tao ang lobby dahil siguro lunch break din.

"Gotica!" Sigaw ng receptionist. Ngaun, alam ko na ang pangalan niya. Si Mika. Patakbo siyang lumapit sa akin kaya bahagya siyang hiningal pa.

"San ka punta?" She asked. Tumitig ako sa kanya. Mukha naman siya friendly at mabait pero may something na hindi ko maipaliwanag kapag kausap ko siya.

"Bibili ng food." Nevertheless, sinagot ko pa din siya.

"How about food grab?" She asked again. Nagsimula akong maglakad ng sundan niya ako.

"Nasiraan e." Sagot ko. Tumango tango pa siya at nakangiti.

"Samahan na kita." She offered. Tinignan ko ulit siya kaya napahagigikgik siya ng ka- onti.

"Lunch break ko ngaun so no worries. Tsaka, nagsasawa na ako dun sa pwesto ko." Paliwanang niya. Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siyang sumunod sa akin.

Panay ang daldal niya. Sumasagot lang ako kapag dapat at nakikinig sa mga kwento niya ng tahimik.

Pag tapat namin sa door ay halos manigas ako ng makasalubong namin ang mommy ni Raj. She is epitome of beauty. Makikita mo na nag ka-edad siya pero nandun pa din yung maganda talaga siya. She's very confident and proud.

Her presence is showing elegance and riches. Sa di kalayuan ay nakita ko naman si mommy na nakasunod sa kanya. Kumunot ang noo ko at halos magwala ang puso ko sa kaba.

What are they now? Friends?

"Huy, kilala mo?" Usisa ni Mika. Tinignan ko lang siya pero hindk akk nagsalita. Parang punyal ang mga mata ng mommy ni Raj ng magtama ang mga mata namin. Bahagya siyang umismid at dumiretso pa din ng lakad patungo sa akin.

"I didn't know that this company is accepting something cheap." Bungad niya sa akin. Si Mika sa tabi ko ay bigla nalang napakapit sa akin.

"Ano po ang kailangan niyo?" Sagot ko. Nakita ko si mommy na malapit na at halos makatabi na ang mommy ni Raj. She is also walking with elegance. The only difference is mas malakas ang aura ng mommy ni Raj at mas mukang walang awa.

"Ako ba may kailangan o ikaw? Your mom is annoying me for the funds you inherited from your dad." Ngumiwi pa siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa." Ano? Atat na atat kana na makuha ang pera na pinaghirapan palaguin ni Raj?" Sagot niya ulit. Pinisil ni Mika ang braso ko. Tumingin lang ako sa kanya at tumango saying na ayos lang ako.

Umiling ako ng umiling sa mommy ni Raj. "Ginagamit mo pa ang sarili mong anak para sa pera?" Umiling siya na parang dismayang dismaya. Umiling lang din ako ng pa ulit ulit.

"Hindi po totoo yan!" Sumagot pa din ako. Eto Ang kinakatakot ko. Ang madamay si Riley na wala Naman muwang sa mundo.Lalong nanlisik ang mga mata niya.

"Kung-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng dumating si mommy.

"Kung atat na atat siya. What is it to you? It's her money anyway." Sagot ni mommy.

Humalakhak ang mommy ni Raj at umiligng. Nabaling ang mga mata niya sa daliri ko kung saan nakasuot ang sing sing na bigay ni Raj. Mabilis nawala ang ngiti niya.

"At talagang nangarap kapa na papakasalan ka ng anak ko?" She said with disgust. Dumadami na ang tao sa paligid at nagsimula na kaming palibutan. Para silang nanunuod ng teleserye at walang hiyang nagbulungan.

"Stop the drama, just give what's for her." Si mommy. Bumaling sa kanya ang mommy ni Raj. "Stop acting like a saint. Hindi ka naging mabuting magulang sa kanya. Your just here for the money right? So stop your drama." Salita niya kay mommy. Nakita kung paano nanlake ang mga mata ni mommy at paano nalaglag ang panga niya.

Gusto kong umiyak. May parte pa din sa akin ang nasasaktan dahil alam kong totoo ang sinasabi ng mommy ni Raj. I've researched, bankcrupt si mommy at inabanduna siya ng mga kapatid ko. Out of pride, umuwi siya dito to claim what my dad left for me to sustain her lifestyle and caprices.

Bumuka ang bibig ni mommy at hindi nakapagsalita. Kahit alam ko na yon ang totoong dahilan ay sobra pa din akong nadidismaya.

Umikot ang mata ng mommy ni Raj sa paligid. Napansin niya siguro ang mga taong nanunuod kaya siya napabuntong hininga at umiling.

"I will let you get the money in one condition." Salita ng mommy ni Raj. Titig na titig siya sa akin kaya kinunot ko ang noo ko.

"Ano naman yun?" Sagot ni mommy.

"I will give it to you kapalit ni Raj. You're not gonna marry my son." Salita niya. Nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat.

"No worries, I don't like your son for my daughter either. If I know kaya lang niya papakasalan si Gotica because of her money." Sagot ni mommy. Napapikit ako ng mariin.

Tumaas ang kilay ng mommy ni Raj at humakahak. Hindi na siya nagsalita pero patuloy ang sarkastikong paghalakhak niya. I don't want to believe them but Raj mom's sarcastic laugh says it all.

Continue Reading

You'll Also Like

134K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
45.4K 618 42
Best Friends Series 2 ⚠️ Warning. There are scenes not suitable for ages 16 and below. She's the campus beauty, and the campus cheerleader. Everyone...
257K 2.1K 14
Lucia just wanted a simple and quiet life, but because of her mother's decision everything changed. Will her mother be able to control her when the p...
540K 16.7K 49
Moon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa k...