A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.8K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 1

509 46 217
By omyerika

"Anak! Andito na ang mga kaibigan mo!"


Kinuha ko na yung shoulder bag ko at napatingin ulit sa salamin. Nakasoot lang ako ng white plain t-shirt na nakatuck-in sa ripped jeans ko tapos nagbelt na rin ako na kulay black tsaka kulay puting sapatos.


Nagpowder na ako at nagliptint dahil hindi naman ako ganun kahilig sa mga kolorete na nilalagay sa mukha, ngayon nga lang ako medyo natuto eh.


"Hi, Tita! Musta na po kayo?"


Mula dito sa taas ay naririnig ko na yung ingay ng mga kaibigan ko sa baba. Nakakamiss din yung ganyang ingay na abot hanggang kabilang kanto hahaha.


Halos buong summer kasi kaming hindi nagkita kita eh, dahil may kanya kanyang ginawa nitong bakasyon. Last na pagkikita namin ay noong March pa, after graduation ng highschool at pumunta kami sa isang resort para magdiwang ng graduation namin.


At ngayon, since malapit na pasukan namin ng college ay napagdesisyonan naming gumala muna magbabarkada tsaka dahil na rin baka matanggalan pa bago kami magbobonding dahil iba iba ang program at universidad na pinasukan namin.


"Ayown! Ang lakas po talaga namin sainyo, tita. Salamat po!" Narinig ko pang sigaw ni Kenzo sa baba.


Pagkababa ko nakita ko nalang kung bakit tuwang tuwa sila, pinagluto ba naman sila ng umagahan na spaghetti ng aking nanay. Kaya gustong gusto nila dito kami magkikita kita tuwing may gala eh, para may libreng kain sila. Hays.


"Oh? Ang tagal mo naman bumaba, nak? Kanina pa sila naghihintay oh."


Napatingin silang lahat saakin at napatahimik bigla habang tinitignan ako nang mabuti. Alinlangan naman akong ngumiti sakanila dahil mukhang alam ko kung bakit ganyan yung reaksyon nila.


"Hi," I softly said and tucked a few strands of my hair behind my ear.


"Omg! Nami?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Mackey.


Nagpa-rhinoplasty kasi ako, dahil sawang sawa na akong tawaging bulldog. Matinding kumbinsihan ang nangyari kay papa, kay mama okay lang naman.


Nagparebond na rin ako this summer, for a change naman since college na ako. I tried using beauty products for my face, it's kind a nice, kasi nawala nang konti yung mga pimples ko and hindi na ganun ka-oily yung face ko. Then I started to get used in using contact lens pero ginagamit ko pa rin naman yung luma kong eyeglasses pag nasa bahay. Tapos nagpapayat na rin ako from 56 kg to 50 kg nalang.


Well, that's my little achievement this summer.


"Wahh! Ang ganda ganda mo!" Bigla naman akong nahiya sa sinabi ni Mackey kahit alam kong nambobola lang siya.


"Wala akong pera, Mackey." Tumawa nalang ako nang konti at umupo na sa pagitan nila Kim at Mia.


"Pota. Ikaw ba yan, Naomi?!" Gulat na tanong ni Mia sabay hawak sa magkabilang braso ko, "Ehh! Mamimiss ko yung ilong mong cute!"


"Wow, unat na unat yung buhok teh ah?" Natatawa namang sabi ni Kim at hinawak hawakan pa yung buhok ko, "Grabe, hindi na gutgot!"


Nagsitawanan naman sila pati si mama nakisama na rin sa pagtawa, pabirong tinulak ko naman nang konti si Kim at mas lalo naman siyang natawa.


"Ngayon lang daw kasi talaga siya naligo hahaha." Biro pa ni Mia.


"Hoy, grabe ka!" napapout naman ako sa mga pangaasar nila saakin.


"Joke lang, Nami." Niyakap naman ako ni Mia pero alam kong hindi pa rin sila titigil sa pang-aasar.

Lumapit si mama para ilagay yung ice tea sa habag kainan, "Tamad kasing magsuklay. Hay nako, buti nalang talaga napapayag ko siyang magparebond kundi hindi mo nanaman mawari yung itsura."


"Ma naman!" pabirong sabi ko kaya medyo binatukan pa ako ni mama.


Nagpigil naman nang tawa yung mga kaibigan ko kahit naman kasi medyo at ease na kami pag andyan yung mga magulang ng isa't isa ay hindi pa rin syempre nawawala yung hiya.


"Oh siya, sige na, kayo na bahala dito at may gagawin pa ako sa taas." Sabi ni mama pero bago umakyat may binulong pa siya saakin, "Yung mga pinagkainan niyo ah, baka mamaya magising si Emily at siya pa maghugas."


"Opo." sagot ko naman at tuluyan na siyang umakyat sa taas.


Doon naman nagsimulang tumawa na yung mga kaibigan ko. Mga baliw, anong kayang nakakatawa doon? Kung sabagay mga weirdo 'tong mga toh bigla bigla nalang tumatawa.


"Hindi ba weird?" Tanong ko sakanila dahil baka nahihiya lang sila na magsabi nang totoo dahil andito si mama kanina.


"Nakakapanibago lang pero maganda naman." Nginitian ako ni Mackey.


"You look good but your sense of fashion is still the same." prankang sabi ni Ava, as usual, and continue to eat her spaghetti.


"True, pero style mo yan eh so no judgement." Nagkibit balikat naman si Rach sabay ngiti saaki.


"Bagay naman sayo teh. Ang tindi nga ng ginlow-up mo eh. Nuks!" Sabi ni Mia sabay ayos nang buhok ko na ginulo ni Kim kanina.


"'Wag kang mag-alala hindi naman weird." Tinignan ulit ako ni Kim mula taas hanggang baba, "Weird na weird lang hahaha."


"It's a good weird, though. Diba, babe?" Tanong ni Rachel sa boyfriend niyang si Edwin.


Dalawa nalang pala yung natirang lalaki sa barkada namin, si Kenzo at Edwin. Si Thomas kasi sa U.S. na nang-aral simula nung 3rd year high school kami, hindi na rin kami masyadong nag-uusap kasi busy rin siya sa modelling niya doon tsaka may balak ata siya mag-artista. Habang sila Oliver at Luis naman, uhm, nag-ibang landas na rin.


"Yeah. Bagay sayo, Naomi. Napapanganga nga si Kenzo eh hahaha." Natawa naman si Edwin sabay tingin kay Kenzo na nagulat pa at nadamay siya, "Bibig mo, pre."


"Luh, anong napapanganga ka dyan? Pauso 'toh." sabi ni Kenzo.


"Hala ka! Si Naomi na gusto mo ngayon? Tita oh!!" sigaw naman ni Mia at lahat kami nagsitawanan.


"Wala na, nabuking na ako hahaha." Pabirong sabi ni Kenzo.


"Bakit, sino ba gusto ni Ligaya dati?" Tanong ni Mackey. Hay, wala talagang kaalam alam itong babaeng ito.


"Oo nga, Kenzo. Sino nga ba yung gusto mo dati?" Makabuluhang tanong ni Rachel at tinignan si Kenzo na parang sinasabing umamin na siya.


"Hanggang ngayon din naman eh." Sabi ni Ava. Pinanlakihan naman siya nang mata ni Kenzo kaya mas lalong napa-smirk si Ava, "Bakit, hindi ba?"


Napigil naman kaming lahat nang tawa dahil sa pamumula ni Kenzo at mas lalo dahil sa reaksyon ni Mackey na hindi talaga alam kung anong nangyayari tapos napagitnaan pa siya ni Kenzo at Ava.


Pagkatapos namin kumain ay naghugas na muna ako nang pinggan kahit na sinabi pa ni mama na huwag na dahil may pupuntahan pa kami ng barkada, syempre hindi ko iiwan yung responsibilidad ko noh.


"Alis na po kami."


Nagsi-bless na kami kay mama para magpaalam na at nagpasalamat na rin yung mga kaibigan ko sa masarap na niluto ni mama para sakanila. Sa sasakyan naman ako ni Kim sumakay.


"Nakuha mo na yung driver's license mo diba?" Tanong saakin ni Kim bago kami pumasok nang sasakyan niya.


"Oo, bakit?" Tanong ko sakanya at bigla naman siya napangiti na parang may binabalak, agad ko naman narealize kung ano yun, "No. Baka maaksidente pa tayo."


Hindi pa kasi ako ganun kagaling tsaka nakakakaba kaya lalo na sa highway pa kami dadaan. Kaya lang naman akong pinakuha nila papa ng driver's license para sa emergencies. Eh hindi naman ito emergency, tinatamad lang talaga ang kaibigan kong ito, amp.


She pouted, "Dali na, Naomi. Please? Andito naman ako eh, tsaka practice mo na rin ito."


"Oh sige tapos deretso tayong hospital."Naglakad na ako papunta sa shotgun sit pero humarang pa siya.


"Grabe toh! Kahit pa lilibre kita ng milktea?"


"May pera ako." Pero mas masarap pa rin yung libre huhu.


"Isang linggo! Isang linggo kitang ililibre ng milktea tapos may isa kang favor saakin." Talagang pursigido talaga ako yung magdrive eh noh.


Hays. Napatingin naman ako sa ibang mga kaibigan na takte, nauna na pala. Lumingon ulit ako kay Kim na nasa shotgun sit na, ngumiti naman siya saakin at tinap yung driver's sit. Hayup, bilis niya ah.


"Salamat talaga sa pag-guide, Kim."


I just focused on the road habang itong kasama ko ay ang himbing nang tulog.


Buti nalang talaga walang masyadong sasakyan kaya medyo okay pa ako. Ngayon lang ata ako nagpawis ng kamay ng ganito katindi.


"Wow, congrats! Sabi ko naman sayo kaya mo yan eh hahaha." Sabi ni Kim nung nagising na siya at nasa parking lot na kami ng mall.


Gumilid na ako nung may nakita akong parking space at dahan dahang pinipwesto yung kotse.


"Bwiset ka, tulungan mo kaya ako---- Shit!"


"Putangina!"


Agad naman akong tumapak sa break at bumisina nang biglang may sumulpot na kotse sabay kinuha yung parking space na nakita ko. Nanlalaki pa rin yung mga mata ko at hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Shit! Muntikan na 'yun.


"Gago yun ah." Rinig kong sabi ni Kim at nagulat nalang ng makarinig nang pagbukas ng pintuan.


"Huy, Kim--" Pero bago ko pa siya mapigilan ay nakalabas na siya at derederetsong pumunta doon sa kotseng muntikan na naming mabangga.


Patay, mukhang gulo ito.


Dali-dali na rin akong lumabas at pumunta na sakanila. Nakita ko naman na may lumabas na lalaki na nakablack hoodie and grey sports shorts tapos nakawhite na sapatos. May surfer hairstyle din siya katulad nung kay Damon Salvatore sa Vampire Diaries tsaka medyo matangos rin yung ilong niya.


Aish! Bakit ko pa ba siya tinitignan yung itsura niya kung anytime bubugbugin na siya nang kaibigan ko pag hindi ko pa ito pinigilan.


"HOY! Bulag ka ba?! O sadyang nagpapakamatay ka lang?" sigaw ni Kim pagkakita na niya doon sa lalaki.


"Shit." I hissed and walked fast towards my friend, who's about to have a fight with that guy.


"What the hell, lady?!" sabi nung lalaki nung biglang hinampas ni Kim yung gilid nang sasakyan niya.


"What the hell mo mukha mo! Kung magpapakamatay ka, wag mo kaming idamay! Gago!" Sigaw pa ni Kim.


"Tama na, tama na. Sorry po." Huhu nakakahiya talaga. Hinatak ko na si Kim papalayo pero napumigil siya.


"Bakit ka nagsosorry? Siya dapat yung magsorry noh! Kita na ngang dyan tayo magpapark, bigla bigla siyang sumulpot." Sinamaan naman nang tingin ni Kim yung lalaki, "Ano, hindi ka magsosorry?!"


Napapikit nalang ako nang mairin dahil sa lakas nang pagkakasigaw niya. Kahit ako rin naman galit dito sa lalaki pero kaya ko naman kontrolin yung anger ko, tsaka baka nagmamadali lang talaga siya. Eh kaso, si Kim sadyang pala-away at hot headed kasi eh.


"Look, I'm sorry if your friend was too slow to park that's why I got the parking space, first. Parking area toh ng mall, hindi training area ng mga beginners." Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nang lalaking ito. Hindi talaga basehan yung itsura sa ugali nang isang tao noh? Tss, asshole, "Yun lang ba? Cause I have somewhere to go."


I clenched my fist and I heard Kim scoffed. Unti unti na siyang lumapit doon sa lalaki at mabilis na kinwelyuhan yung lalaki na may pangigigil.


"Kim! Kim! Awat na sabi eh." Pilit ko naman siyang nilayo at bago pa man masuntok ni Kim yung lalaki ay buti nalang dumating na sila Kenzo at Mia tsaka binuhat agad si Kim papalayo.


"Putangina! Hindi pa tayo tapos, napakagago!" Sigaw pa ni Kim habang nagpupumilit na pumiglas kay Kenzo. Buti nalang din dumating na sila Edwin at tinulungan na sila Kenzo sa paglayo kay Kim.


Aish, dapat kasi hindi na nagsalita yung lalaki eh. Hay, nakakastress talaga pag natrigger yung babaeng iyon, kung ano ano nalang biglang nangyayari.


Nagbow pa ako nang konti at mabilis doon sa lalaki bilang sorry na rin at papasok na sana sa loob ng kotse dahil ipapark ko pa iyon, nang biglang nagsalita siya ulit.


"Crazy bitch."


Nilingunan ko ulit siya at nakitang naglalakad na siya papalayo.


"Hoy, kuya! Anong sabi mo?" Nilaliman ko naman yung boses ko para magmukhang maangas pero takte, parang pumiyok pa ata ako.


Nilingunan ulit ako nung lalaki habang nakataas yung kilay na may pagtataka sa sinabi ko. Bumaba siya nang konti para mailevel niya yung mukha niya sa mukha ko.


"I said, Crazy bitch--- Ahh! What the fuck?!"


Nagulat nalang din ako nung bigla kong sinalpok yung ulo ko sa ulo niya. Alam kong mali yun pero sumusobra na siya. At alam ko rin crazy bitch yung kaibigan ko pero wala siyang karapatang sabihin yun sakanya! Lalo na't may kasalanan din naman siya.


"S-sorry pero sana hindi mo na po 'yun sinabi. Hindi naman mahirap ang magsorry diba?"


Tinalikuran ko na siya at mabilis na tumakbo papunta sa kotse. Inabante ko na iyon at nag-drive na papaalis, naghanap na rin ako nang parking sa ibang floor.


Nakakahiya kasi! Tsaka, bakit nga pala ako yung nagsosorry kung siya naman yung may kasalanan? Baliw ka ba, Naomi? Argh, eh mukha kasing napasakit yung tama ng ulo ko sakanya eh, hanggang ngayon nga masakit pa rin yung akin eh.


Dito rin sa 3rd floor nagpark sila Ava. Tinext na rin namin yung iba kung nasaan sila, sabi nila nasa may National Bookstore daw sila dahil may bibilhin daw silang mga school materials.


"Punta lang akong music store ah." Paalam ko sa barkada dahil wala naman akong bibilhin na dito.


"Sama ako!" sigaw ni Kim at sinundan na ako.


Pagkapasok namin sa music store ay agad bumungad saamin ang isang hit na rock&roll music. I really like listening to music and sometimes, playing one. Hindi nga lang ako masyadong kumakanta dahil wala akong confidence, feeling ko kasi off-tune ako pero sabi naman nila hindi naman raw.


"Oh," nagulat naman ako nung biglang may lumitaw na paper bag at isang milktea sa harap ko, "Peace offering ko na sayo."


Napangiti naman ako dahil sa mukha niyang nahihiya pa, "Tss, wag na. Okay na yun."


"Dali na! Tsaka para complete na yang glow-up mo."


Napakunot naman ako nang noo tsaka kinuha yung paper bag para tignan, nagulat naman ako nung nakita yung laman na may ang iba't ibang klase ng cosmetics.


"Hoy, ang mahal nito!"


"Oo nga! Kaya dapat gamitin mo." Sabi ni Kim tsaka humalukipkip, "May tanong nga pala ako."


"Ano yun?" Ininom ko yung milktea na binigay niya saakin. Yay, wintermelon!


"Okay naman yung dati mong itsura ah tsaka sabi mo kontento ka na kung anong itsura mo dati kahit pa inaasar ka nilang bulldog. So why the sudden change?"


Ngumiti naman ako nang konti tsaka nagpatuloy na tumingin sa mga guitarang nakasabit habang siya sinusundan lang ako, "Bakit? Masama bang magbago?"


"Hindi naman sa ganun! Alam ko naman na ikaw pa rin si Naomi. Pero gusto ko lang malaman kung bakit? Like, okay ka lang ba? May nambubully nanaman ba sayo? Heart broken ka ba?"


Napatingin naman ako sakanya at medyo natawa sa pinagsasabi niya, "Hindi ah. Siguro narealize ko lang na sa mundong ito hindi sapat na maganda lang yung personalidad mo, dapat maganda ka rin sa panlabas o kahit may itsura man lang para ituring kang tao ng iba."


Hirap din kayang maging panget. Kundi ka nila lalait-laitin, hindi ka naman nila kakausapin. Pag panget o kakaiba ka, the world will somehow make you feel that you're not belong.


And I want to change that. I want to somehow experience a normal teenage life.


Hindi ko yun direktang masabi sa barkada dahil baka sabihin nila na hindi ko nararamdaman na kaibigan nila ako, eh sa totoo nga lang sila lang yung dahilan kung bakit ako nagkaroon ng magandang experience sa highschool life ko. The rest ay gusto ko ng kalimutan.


Sila yung dahilan kung bakit naging normal ng konti yung highschool life ko pero pag hindi ko sila kasama ay wala na, napapagtripan na ako. Hirap din kayang makulong sa auditorium ng school dahil napagtripan ka nanaman ng mga kaklase mo tapos paglabas mo ikaw pa yung papagalitan at mapupunta sa guidance.


Napakunot naman yung noo ni Kim, "Bakit? Sino ba yung hindi tumuturing na tao sayo ah?"


Medyo nakakahiya na nga rin sakanila eh, halos lagi nalang silang napaaway nang dahil saakin.


"Wala nga. Ito, laging naghahanap ng away." Tumawa naman ako nang peke at uminom pa sa milktea ko.


"Aba, syempre kung sino man mangaway sa mga kaibigan ko lagot talaga saakin."


Napailing nalang ako at naglakad na papalayo sakanya. Ganun talaga si Kim, imbis na idaan sa mahinahong usapan, suntukan agad ang alam niyang solusyon.


Nagbago naman yung music from rock&roll to pop music, I think the song is 'Just the way you are' by Bruno Mars. Sinabayan ko naman yung kanta nang mahina lang.


"Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin'."


Pumunta naman ako doon kung nasaan yung mga guitar picks, naaalala ko kasing bibili pala ako nun. Nakita ko naman na may iba ibang design and ang cute dahil may panecklace pa yung iba. May nakita rin ako doong cringe lines katulad nung 'I pick you', medyo natawa naman ako doon at namili pa nang iba.


I was about to grab the guitar pick necklace that says 'You're the music in me' when someone grabbed it also.


"When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are
Yeah."


Nawala naman yung ngiti sa mga labi ko at nakaramdam nang kung ano nung nagkadikit yung kamay namin kaya agad akong napalayo ng konti at napahawak sa kamay ko.


Agad naman nanlaki yung mga mata ko nung nakilala ko yung lalaki.


"Ikaw?!" Sabay pa naming sinigaw kaya lahat ng tao rito ay napatingin saamin, napayuko naman ako nang konti dahil sa kahihiyan.


Nagulat lang naman kasi ako dahil yung lalaki ulit kanina sa parking lot yung andito! At talagang nagkita ulit kami na nagaagawan ah.


"What the fuck?! Sinusundan mo ba kami?" Biglang lapit ni Kim. Hinawakan ko naman agad yung braso niya.


"Tama na, tara na." Hinatak ko na siya papalayo bago pa lumala at buti nalang nagpahatak siya.


"Aish! Isa pang kita ko doon sa lalaking iyon, masasapak ko na siya." Sabi ni Kim habang nakatingin pa rin nang masama doon sa loob ng music store, "Nakakapang-init nang dugo yung itsura."


Kumapit naman ako sa braso niya at hinatak na siya papaalis, "Hayaan mo na siya."


Naglakad na kami pabalik sa National Bookstore kung nasaan yung iba pa naming mga kaibigan. Pagkatapos nun ay nanood na kami nang movie at kumain na nang dinner bago magsiuwian.


"Goodevening po, mama."


Pagkauwi ko ay nagbless muna ako kay mama at agad akong dumeretso sa kwarto para napahiga sa kama dahil sa pagod. Ilang minuto lang ay tumayo na ulit ako para tanggalin yung contact lenses ko at maghilamos na. Sinoot ko na agad yung salamin ko, after nun at nagskin-care routine na.


Pagkatapos kong maghilamos ay napatingin naman ako sa mga pinamili ko at napakamot nalang nang batok nung nakita ko yung binili ni Kim saakin.


Umupo na ako sa harap ng study table ko at tinignan yung mga pinamili nang kaibigan ko para saakin.


"Saan ko naman ito gagamitin? Tss."


Kakainis, bakit ko ba kasi ito tinanggap? Nakakahiya tuloy. Wala naman okasyon eh. Ibalik ko kaya? Aish, baka magalit o sumama pa loob nun saakin.


Nagpatugtog nalang ako ng music ng isang hindi gaano sikat na singer na nagcocover ng mga songs sa Youtube. Wala pa atang 1k lang yung subscibers niya pero ang gaganda ng mga covers nita. Hindi ko alam kung anong itsura niya kasi sa lahat ng videos niya ay nakatakip lang mukha niya, pa-mysterious hahaha.


Basta ang alam ko lang ay ang calming and soothing ng voice niya, yung tipong boses palang nakakainlove na. As in, kahit anong kantahin niya, nakakarelax and ang ganda ng kinakalabasan.


Also, I only know his channel name which is Supremo.


Sinabayan ko naman siya sa pagkanta nang bigla kong maalala yung nangyari kanina sa music store at napatingin sa kamay ko dahil doon sa parang kuryenteng naramdaman ko kanina nung nagdikit yung mga kamay namin.


"When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are
Yeah."


Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok at bigla ko yun naalala. Tss, papatayin ako ni Kim pag pinagiisip ko pa yung gagong yun.


"Ate, busy ka ba--- HAHAHAHA putek, anong itsura yan?"


Binatuhan ko naman ng unan si Emily, nakakabata kong kapatid. Bwiset eh! Hindi na nga marunong kumatok, nanlait pa!


"Tumahimik ka! Hindi pa kasi tapos!" Depensa ko kahit alam ko sa sarili kong parang may mali sa ginagawa ko.


Sinundan ko naman yung mga steps sa makeup tutorial eh, pero bakit iba yung kinalabasan saakin?


"Kahit wag mo na tapusin HAHAHAHA. Saan ka ba kasi nanonood ng makeup tutorial? Sa clown academy? HAHAHA." Tawang tawa pang sabi ni Emily


Napairap naman ako at kinuha na yung makeup remover. Tinulungan na rin ako ni Emily since mas may alam siya sa makeup kesa saakin, maarte kasi itong babaeng ito eh. May kapalit ito syempre, hay, kapatid ko nga naman.


After a few days, pagkatapos namin magsimba ng pamilya ko ay dumeretso na kami dito sa Greenbelt para kumain at gumala na rin.


Bumili lang kami ng ice cream ng kapatid ko, yung usong ngayong ice cream na nakacone tapos may iba't ibang toppings tapoa may minispoon pa haha, ang sarap!


Naglakad na kami pabalik kung nasaan sila mama at papa habang nagkwekwentuhan.


"Patikim nga nung sayo, ate." Sabi nung kapatid ko at bago pa man siya kumuha nung akin ay inilayo ko na agad.


"Meron ka dyan, Emily oh."


"Ehhh. Ibang flavor yung iyo eh, patikim lang." Pangungulit pa ni Emily kay mas lalo kong nilalayo sakanya yung ice cream ko.


Nagtatawanan pa kami hanggang sa naramdaman ko nalang na tumama yung ice cream ko sa kung saan. Parehas kaming napatigil doon at kitang kita ko sa mukha ni Emily ang pagkagulat.


"Patay."


Unti unti na akong tumingin sa kung saan tumama at hindi pala saan kundi kanino!


Shit!


"Sorry po. Sorry po!" Agad kong kinuha yung panyo ko at pinunasan yung mukha niyang puno ng strawberry ice cream.


Wala naman siyang sinabi pero ramdam ko yung galit at irita niya. Sino ba naman kasing matutuwa na bigla nalang may dadapong ice cream sa mukha mo?!


Nagulat nalang ako nung bigla niyang hinawakan yung palapulsuhan ko at nung napatingin ako sakanya ay sobrang lapit nanamin sa isa't isa!


Gagi! Hindi lang yun, namilog talaga yung mga mata ko nung nakilala ko siya, "Ikaw nanaman?!"



-----------------<3-----------------

This chapter is dedicated to my dear friend @Eri_Padilla. Hi to you! Thank you for the continuous support. Enjoy reading, lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

79.9K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
139K 2.1K 47
Everything turned the way she does not want it to be. Life became tougher than what she experienced before. Her soul was torn. It was ravished and vi...
26.1K 896 44
S SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known a...
81.5K 2K 44
Royal Society #1 Elizabeth Serene Sierra, a princess, and a royalty. Born and raised in South Clan. By the time she reached the age of eighteen, she...