HATE ME NOT (BOLS #1)

By GemaInanna

42K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... More

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

21: Volunteer

377 59 7
By GemaInanna

CHAPTER 21

Volunteer


JENNY's POV



Nagsimula na ang klase. Himala, wala ang lahat ng miyembro ng Seventeens ngayon. Si Mr. Vegas ang teacher namin sa subject na 'to.

Wala pa si Mr. Vegas kaya medyo maingay ngayon.

"Jenny!" tinawag ako ni Nathalie kaya nilingon ko siya.

Lahat ng ABM students ay nasa subject na 'to. Kaya, magkaklase kami ni Nathalie.

"Bakit, Nathalie?" tanong ko sa kanya habang papalapit ito sakin.

"Well, wala lang. Gusto ko lang naman kasi sabihin na, I really hate you." giit nito bago pumunta sa kinauupuan niya.

"Hayst grabe, iba talaga ang ugali ng kapatid mong 'yun." mariing singhal ni Pauline na nasa tabi ko.

Napabuntunghininga na lang ako. "Hayaan na natin. Ang mahalaga, wala siyang inaagrabyadong iba--"

"Pero, ikaw? Jenny, hindi mo ba siya papatulan?" tanong niya ulit sakin.

Napailing ako. "Mahal ko si Nathalie. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya, hindi ko kaya na masaktan siya" mahinahong sabi ko.

"You know what? Kung ako ikaw, pinatulan ko na siya." sabi niya pa.

"Pauline, hayaan mo na si Jenny. Kapatid niya naman si Nathalie eh. Atsaka, mabuting tao yang si Jenny" sabi naman ni Missy sa kanya.

"Kahit na. Sobra na kasi yang kapatid niya eh. Nung nakaraan, ipinahiya niya si Jenny sa harap ng teacher, kahapon naman, iniinsulto niya si Jenny---"

"Pauline, ayos lang ako. Sanay naman na ako eh. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit siya ganun sakin? Eh, nung kasama namin si Dad, ang bait niya pa sa'kin" malungkot kong sabi. "Pero, ayos lang. Kasi, kapatid ko naman siya" mahinahong pagpatuloy ko.

"Wala na kaming magagawa. Basta kapag inaway ka nun, kami ang makakalaban niya." paninigurado ni Pauline.

Nathalie is a good person. And she's a good sister to me but then, she changed-a lot.

"Jenny, catch!" biglang may sumigaw sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino yun.

"Aww! HAHAHAHAH!"

Tawa nilang lahat dahil paglingon ko, isang bolang papel ang ibinato nila sa akin kaya natamaan ako sa may likod.

"Ano ba naman kayo!?" sigaw ni Pauline sa kanila.

"Jenny, are you okay?" tumango ako sa tanong ni Missy sa'kin.

"Wala talaga kayong modo!" sigaw pa ni Pauline sa kanila.

"Pauline, ayos lang" mahinahong sabi ko sa kanya.

"HAHAHA!" tawang sabi pa ng iba kong kaklase.

Nilayuan ko na nga yung Seventeens, hindi parin nila ako tinitigilan.

Tumayo ako at tiningnan silang lahat. "Sana, masaya kayo sa ginawa niyo sa'kin. At nagpapasalamat ako dahil, ako yung naging kasiyahan ninyo. Hindi ako magagalit. Pero sana, bago niyo ginawa 'yon isipin niyo rin ang nararamdaman ng iba. Sa tingin niyo ba, ang pagiging bully niyo dito sa paaralan ay makakatulong sa inyo para umangat kayo? Kung mayaman kayo, bakit hindi niyo kayang bumili ng bagay na makapagpapasaya sa inyo? Bakit kailangan niyo pang saktan ang isang tao para lang sumaya kayo?"

Habang sinasabi ko 'yon, natahimik silang lahat. Dahan-dahan akong umupo dahil ayaw kong isipin na naman nila na, gusto ko lang magpasikat. Sinabi ko 'yun dahil iyon ang totoo.

"Jenny, napatahimik mo sila" bulong sakin ni Pauline.

"Ang galing mo Jenny" bulong din sakin ni Missy.

Hindi ako nagsalita. Inisip ko na sana, nakatulong ako sa mga kaklase kong bully. At mailagay sa utak nila na, mali ang pagiging bully.

"Wow! Ang tahimik niyo yata ngayon!" biglang dumating si Mr. Vegas. "Well, mabuti naman." pagpatuloy niya pa bago umupo sa mesa niya.

"Good afternoon sir!" sabay-sabay naming sabi sa kanya.

"Likewise. By the way, sorry kung natagalan ako. May meeting kami kanina kaya, medyo late na akong dumating." tumayo ito. "Everyone, gusto kong malaman ninyo na sa darating na Huwebes may meeting lahat ng parents ng senior high school. This is a very important meeting dahil mag-a-asign ng Parent President ang ating school Dean. It's been a long day na nandito kayo sa school kaya siguro naman, makapunta lahat ng parents ninyo." mahinahong sabi nito sa aming lahat.

"Yes, sir!" sabay naming sabi.

"At dahil, yung gym natin ay medyo hindi maganda yung ayos, kailangan ko ng volunteer para doon." pagpatuloy pa nito.

"Sir!" nagtaas ng kamay si Nathalie at nagtanong. "You mean, only 1 volunteer lang ang kailangan?"

"Well, yes. At ang volunteer na 'yon ang maghahanap ng tutulong sa kanya." tugon naman ni Mr. Vegas sa tanong ni Nathalie.

"Sir!" nagtaas rin ng kamay si Joven at nagtanong. "As a President ng Supreme Student Government, bakit wala pong nagsabi sa akin tungkol diyan? Para naman po, kami na lang ang maghahanap ng volunteer" mahinahong sabi niya kay Mr. Vegas.

"Well, Joven ngayon lang ito ipinaalam ng Dean natin. At, hindi muna kasali ang SSG para dito dahil alam ng lahat na maraming activities na dapat paghandaan ang SSG lalo na't magkakaroon ng bagong Parent President." paliwanag naman ni Mr. Vegas sa kanya.

Tumango si Joven. "Okay sir. Kung sino man ang magvo-volunteer, may nakahandang gamit ang ating paaralan para sa gagawing pagsasa-ayos." sabi naman ni Joven bago umupo.

"Thank you Joven. So, guys sino sa inyo ang gustong mag-volunteer?" tanong ni Mr. Vegas sa aming lahat.

Walang nagtaas ng kamay kaya medyo natagalan sa pagdedesisyon si Mr. Vegas.

Ako, gusto kong tumulong. Oo, malaki yung gym ng Harvend pero siguro naman, makakaya ko 'yun dahil may makakasama naman ako.

Itataas ko sana yung kamay ko ng bigla akong pinigilan ni Pauline.

"Nababaliw ka na ba? Ang laki ng gym na 'yun hindi mo yon kaya---"

"Maghahanap naman ako ng makakasama eh--"

"Jenny, naman... mapapagod ka lang"

"Ayos lang. Gusto ko kasing tumulong eh" ngiting sabi ko. "Sir!" walang pag-alinlangan kong itinaas ang kamay ko. "Gusto ko pong mag-volunteer" ngiting sabi ko na ikinabigla ng lahat.

"Oh, really? Pero babae ka. Dapat lalaki ang---"

"Sir, it's okay. Kaya ko naman gawin yung pag-aayos eh. Atsaka, maghahanap po ako ng makakasama" ngiting sabi ko.

"Talaga bang, kaya mo hija?" tanong nito sa'kin.

I nodded.

"Kung ganoon, sige. Maraming salamat. Sigurado akong matutuwa ang Dean sa pagiging mabait mo, Ms. Kim" ngiting sabi sakin ni Mr. Vegas.

Napayuko ako bilang pasasalamat bago umupo.

"Jenny naman eh..."

"Ayos nga lang. Malay mo, may tutulong sa'kin." sabi ko naman.

Hayst. Ewan ko lang ah kung makakaya ko. Basta, malakas ang kutob ko na may tutulong sakin.






NATHALIE's POV

"Pabida talaga!" I sighed frustratedly.

I really hate that girl. She's so pasikat.

Natahimik silang lahat kanina dahil lang sa sinabi ng Jenny na 'yun. Arghhh!

At balak niya pa talagang mag-volunteer? Tsk. Hindi niya lang alam na walang tutulong sa kanya at sisiguraduhin ko 'yon.

"Nathalie, look at your sister she's so pathetic. Hindi niya alam na mahihirapan lang siya" ngiting sabi sakin ni Annie.

"Annie, please stop call her my sister. I don't like her to be my sister. And gusto ko siyang nahihirapan." sabay ikot ng mata.

Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung marinig ko ang salitang 'sister'.

"Fine! So, ano na gagawin natin? Tutal, basketball time naman diba? What if---"

"Omyghaddd, si Marky!" hindi ko na siya pinatapos magsalita. Pinuntahan ko agad si Marky na kasama ang Seventeens.

'Ngayon lang ako baliw sa isang lalaki. At gagawin ko ang lahat para maging akin si Marky..'

Ngumiti ako habang lumapit sa kanya.

"Hi, Marky" ngiting bati ko.

"Excuse me---" aalis sana siya ng bigla kong pinigilan.

"Sino ba hinahanap mo?" ngiting tanong ko sa kanya.

"Wala." walang ganang sabi niya.

"Bro, sumunod ka na lang dun" paalam ng mga kaibigan niya.

"Bye, Miss Salvador" ngiting paalam sakin ni Lance.

I just smiled at him.

"Ano kailangan mo?" tanong ni Marky sa'kin.

"You. I mean, yeah ikaw ang kailangan ko." walang pag-alinlangang sabi ko.

I heard him chuckled. "Sorry, busy ako ngayon---"

"Paano kaya kung sasabihin ko sayo ang dahilan kung bakit ka iniiwasan ni Jenny? Makikinig ka ba sakin?" sarkistong sabi ko sa kanya.

Biglang naman nagkaroon siya ng interes sa sinabi ko.

'Si Jenny lang pala ang kailangan ko para mapalapit sa'kin si Marky'

I smiled. "Well, sasabihin ko sa'yo ang dahilan pagkatapos niyo mag-usap ng mga kaibigan mo. Maghihintay ako sa'yo dito, Marky." ngiting sabi ko sa kanya.

"Sige, basta sabihin mo sa'kin." sabi niya bago pumunta sa mga kasama.

Hindi ko lubos maisip kung anong meron kay Jenny na wala sakin. Nasa akin naman ang lahat.

"Nathalie! May kailangan kang malaman!" biglang dumating sina Annie.

"Ano?"

"Well, yung ibang boys... gustong tulungan si Jenny" diretsong sabi ni Anna na ikinainis ko.

"Do something. Hindi ako papayag na may tutulong sa kanya. Gosh! Here..." inabot ko sa kanila yung pera na binigay sakin ni Mommy. "Bayaran niyo silang lahat. Alam ko naman na mas lamang ang pera. Sige na, ibigay niyo na yan sa kanila. Siguraduhin lang din natin na hindi malalaman ng Seventeens ang tungkol kay Jenny" diretsong sabi ko.

"Pasalamat tayo dahil, pumunta sa may faculty room si Jenny kasama si Joven para kumuha ng gamit HAHA." ngiting sabi ni Annie.

"How about yung mga kaibigan niya?"

"Don't worry about them, umuwi na sila. Dahil alam mo naman, si Jenny lang ang mahirap sa kanila---"

"Hey, don't call Jenny 'Mahirap'. Sa bahay siya nakatira kaya, madadamay ako sa pagiging 'mahirap' na yan." giit ko kay Anna.

"Fine, sorry."

"Tsk. Hindi din naman ako makapaghintay na mawala na si Jenny sa buhay namin ni Mom. Balang araw, aalis siya sa bahay" ngiting giit ko.

"Wews~ suspense ah!. Well, ibibigay ko lang itong money." paalam ni Annie sa'kin.

"Sumabay ka na Anna. Dahil dito muna ako. Hihintayin ko pa si Marky" ngiting sabi ko sa kaniya.

"Okay. Babalitaan ka na lang namin." ngiting palaam nila sa'kin.

Kung saan ako pumupunta, marami akong makikilalang tao na tutulong sakin sa lahat-lahat. Kagaya na lang ng dalawang 'yon.

'Mabuti pa sila, pinapasaya ako at ginagawa ang gusto ko.'

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa lumapit nga sakin si Marky. Inayos ko ang aking sarili at naglagay ng lipstick sa labi. Dali-dali kong inilagay yung make-up kit sa bag ko.

"Hi---"

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong inunahan. "Hey, mukha yatang hindi kita makausap ngayon. Pwede ba, bukas na lang? Pagod kasi ako ngayon eh. Atsaka, yung tungkol kay Jenny, gusto ko talaga malaman kung bakit niya ako iniiwasan---"

"Yan naman pala eh. Eh di, mag-uusap tayo." diretsong sabi ko.

"May bukas pa naman diba? Sige, bye." diretsong paalam niya sakin.

Nang nasa malayo na sila, napasigaw ako dahil sa galit. "ARGHHHHH!!"

'Ilang beses mo man akong babalewalain, hindi ako susuko. Magiging tayo rin sa huli, Marky. Tandaan mo 'yan....'

Pero siyempre, sisiguraduhin ko ring mahihirapan ang Jenny na 'yan sa desisyon niya. Alam kong, magiging sagabal si Jenny sa pagkuha ko kay Marky.











Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 476 47
Maurie Hevrea Zolina views herself as someone who does not act decently. Hevrea sleeps at her classes, laughs hysterically, and is never determined t...
8.1K 309 38
There was a girl named Crystal who's a secret agent and had a secret mission on one of her enemy. Ayaw niya sanang tanggapin iyon ngunit wala naman s...
83.3K 2K 45
I noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's clear...
1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...