『 THAT NERD IS THE VILLAINESS...

By GraDezer0

123K 5.6K 464

❝ Kahit saang lupalop ako mapunta, mapa impyerno man o langit ay wala din namang mababago saakin. Sapagkat na... More

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆
001 - HER DEATH
002 - AMNESIA
003 - THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER
004 - ROYAL POSSESSION ACADEMY
005 - PARTE NG MEMORYA
006 - TALAARAWAN (0.1)
007 - TALAARAWAN (0.2)
008 - MANANG PRINSESA
009 - ASTERIA'S JOURNEY
010 - PAGBABAGO
011 - LARUAN
012 - RENEWAL
013 - FRIENDS?
014 - PAGPAPATIKIM
015 - PALARO
016 - BANDA
017 - PERFORMANCE
018 - CROSSED PATHS
019 - PANAGINIP
020 - WEIRD
021 - LIE DETECTOR (0.1)
022 - LIE DETECTOR (0.2)
024 - HINANAKIT
025 - PAGTINGIN
026 - PAGMAMAHAL?
027 - PAGDUDUDA
028 - DESISYON
029 - PAGUUSAP
030 - THE EYE
031 - THE EVIL QUEEN
032 - HER INSPIRATION
033 - PRACTICE
034 - GIVING UP
035 - THE HOURGLASS
036 - APPROVAL
037 - HIS HOME
038 - ALL ABOUT HER
039 - BALIK ORAS?
040 - ANG GOLDEN CHISMIS
041 - HIS FRIENDS
042 - IN GOOD TERMS
043 - FAILED
044 - NOVEMBER
045 - UNKNOWN PARTNER
046 - HULA
047 - VALUE
048 - UNDER THE SPELL? (1)
049 - UNDER THE SPELL (2)
050 - SUCCESSFUL ATTEMPT
051 - WAKING UP
052 - PANIMULA
𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐍𝐓 𝐍𝐎𝐓𝐄

023 - DALAW

1.1K 53 0
By GraDezer0

Lahat ng estudyante ng Royal Possession Academy ay may kanya-kanyang mundo sapagkat paparating na ang kanilang final test examination. Lahat ngayon ng may klase ay kinansela ang pagtuturo at ang mga guro ay mahigpit na sinusubukan kung ano ang mga natutunan ng mag-aaral sa kanilang tinuro.

Zioquel and Beatrice are exempted dahil silang dalawa ay papasok sa International competition at makikipag kompitensya ng athletic activities sa bansang Russia. Bali ang nasa klase ng matimatika ngayon ay tanging si Purple at Jairuss pati ang ibang mga kinakasama.

Ng natapos na ang dalawa sa pagsusulit, napagdesisyunan nila na tumambay muna sa cafeteria.

"Madali ngayon ang test. Pero bakit ganun? Tuwing sumasabak ang final examination diko mapigilan maging kabado. Parang lahat kasi ng nire-review ko nawawala ng parang bula tuwing tinititgan ko ang papel sa final test." napakamot sa batok si Purple.

Jairuss, was in deep thought but Purple remained talkative. "Kamusta yung bagong Vice President? Pabigat ba?"

"She was actually, reliable. Anna is a fast worker." puri ni Jairuss sa bagong bise-presidente ng RPA. "But she can't talk since she was mute."

"Ahhhh, okay. Ayaw mo nun? Walang iistorbo sayo kapag gumagawa ka? Mabilis ka pa naman ma distract sa mga bagay na maiingay. Teka, sandali. Kuha muna ako ng makakain ko, gusto mo ba ng pagkain?" alok ni Purple.

"Hindi. Tubig na lang ako."

"Sige, sige."

Napahawak sa ulo si Jairuss habang inaalala ang mga memorya sa panaginip niya. Nandoon ang babae na nakausap niya sa music club nung nagpe-perform si Shania. Her face was blurred though.

He's not a kind of guy who easily forgot. Parang sinapawan ng mahiko ang ulo niya na tuwing nayayanig ang kanyang utak, lumalabas ang hindi totoong imahinasyon mula sa kanyang panaganip. Napasubsob na lamang ang binata sa sariling palad habang mariin na nakapikit sa kadiliman ng sinara niya ang kanyang mga mata.

"Hmmnnnn, Ano ang ninanais mo tagalupa? Ngayong nadiskubre mo ang paghihirap ni Shania Liebesfreud, ano ang gusto mo?" nababalot ng kadiliman si Jairuss habang nararamdaman niya ang presensya ng isang babae. She's not physically in there to show her face. Napakabigat ng espasyo ng kanilang lugar na parang nasa pinakailaliman ng dagat sila nakatago.

"I love Shania... Please, bring her back."

"Hindi ko kayang buhayin ang patay tagalupa. Hindi ako Diyos. Pero may abilidad akong isalba ang kaluluwa ng iyong minamahal... Ngunit, hindi na siya nakalagay sa oras kung saan naayon ang orihinal niyang buhay."

Jairuss doesn't get that. He was in a desperate situation as he chanted his plea – "T-T-Then, can you turn back the time when we were in highschool? I wanted to pay her, I wanted to make things up. Please don't let me live full of regrets. Maawa ka, gusto ko ulit makasama si Shania."

Napangisi ang babae at parang may lumitaw na kontrata sa harapan niya. The paper is made of gold and the quill's ink looks like a melted finest silver.

"Kaya kong ibalik ang oras. Pero hindi ko sigurado kung ang takbo nito ay magiging balanse katulad ngayon na puno ng pagdudusa. Nakasulat sa kontrata na maaring maabutan mo si Shania pagkatapos niyang maospital mula sa isang aksidente."

"That time... Is too... Masyadong maiksi ang isang taon. Grade 10 kami nun at maaring ilang buwan lang ako makakabawi sa kanya. That's not enough!" Jairuss complained and whined like a kid towards to the woman.

"Take it, or leave it. Mas mabuti nang may magawa ka kaysa sa wala. Prove yourself to her that you can change. Kung mahal mo siya, gawin mo ang iyong ninanais. Kung hindi ka niya pinili, wala kang karapatan na ipagpilitan ang iyong sarili sa babaeng iyong iniibig."

Nagulat na lang si Jairuss ng lumapag ang tray ni Purple. Inabot nito ang tubig sa kanya, saka na lang nahimasmasan ang kanyang pagkahilo dahil sa pagdaloy ng tubig mula sa lalamunan nito.

'Anong kontrata ba iyon? Paulit ulit ko na lang ito napapanaginipan.'

"Mukhang lagi mo na lang sagip ang problema ng iskwelahan. Try mo lang muna mag break Jairuss, walang masama dun." Purple suggested as he continue to eat his food. Mabilis nitong nakain ang pagkain at ang dalawang binata ay sabay nang tinungo ang pangalawang klase nila. Pagkapasok nila sa silid ng Ingles, naabutan ni Jairuss si Shania na tahimik na sinasagutan ang papeles. Napangiti si Jairuss dahil ang pokus nito ay nasa papel lang. Nagiiba ang ekspresyon nito na parang hindi naiintindihan ang ibang tanong at paulit ulit na binabasa ang sasagutan sa pagsusulit.

"Pre, halika na." hinablot ni Purple ang braso nito.

"H-Huh? H-halikan na?"

"Pre, mali ka ng pagkakarinig. Inaaya na kita umupo dahil kailangan na natin mag test." Ano ba ang nagyayari kay Jairuss? Nasasaltikan na naman ba siya ng kalutangan?!

"Sige. Sige." Inabot ni Purple ang test paper nila na kinuha niya mula sa Teacher's table. Minataan sila ng professor nilang iniikutan sila sa bawat seat at sinuway na bilisan ang pagkilos.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━


Walang Zioquel Aldrillante na sumisira sa araw ni Shania. Why does it feel so quiet? Like, everything in their place seemed to be muted. Tapos na siya mag sagot ng kanyang test paper at hinihintay si Sienna na matapos. Habang ginagawa ang paghihintay, itinuon niya na lamang ang kanyang atensyon sa malaking bintana ng nasa silid.

Mahina lang ang pagambon at ang makulimlim na langit ay kumukulog. Nakapako lang ang atensyon ni Shania mula sa labas habang unti-unting nandidilim ang kanyang paningin dala ng panghihilo. Ng kumidlat ang kalangitan ng tatlong beses, napahawak si Shania sa kanyang sintido at mahina itong hinihilot.

"Shania? Tapos na ako. Ipasa ko na yung papel natin sa professor ah."

Tumango na lang si Shania bilang pag sang ayon at ibigay ang papel kay Sienna. Nagbubulungan ang ibang kaklase nila kaya napikot ang guro nila dahilan ng pagsigaw nitong – "BE QUIET. THIS IS A TEST, FINISH YOUR TASK NG MAAGA KAYONG MAKALABAS. PAG NAG TIME NA, TAPOS O HINDI TAPOS IPAPASA NIYO PAPEL NINYO SAAKIN."

Bumalik si Sienna kay Shania at napansin nito ang pamumutla ng kaibigan. Alam ni Sienna na hindi  okay ang kaibigan kaya tumunggo si Sienna sa kanilang professor upang magpaalam na manghiram ng kaklase para buhatin si Shania patungo sa kanilang klinika. The professor take a glance at Shania to see if Sienna is telling the truth.

"Alukin mo si Jairuss saka Purple. Mukhang papatapos na iyang dalawa na iyan." Sienna obeyed her teacher's command at tahimik na hinarap sina Purple at Jairuss.

"May kailangan ka? Wala akong correction tape." Depensa ni Purple dahil ayaw na ayaw nitong magpahiram ng gamit sa kaklase dahil agad din itong nawawala pagkalipas ng ilang minuto. Kung hindi nawawala ay nasisira naman.

"Patapos na kayo sa test niyo diba? Pwedeng makahingi ng pabor?" Sienna fixed her shades so it won't fall off to her face.

"Medyo. Pakopya ako, mabilis lang ako matatapos." Biro ni Purple.

"Bawal. Cheating is a mortal sin. God is watching you pero nagpapakademonyo ka naman." Sienna mumbled.

"Edi hindi. Pwedeng pahingi na lang ng inspiration? Hindi ko kokopyahin."

"Wala nang laman utak ko. Nakalimutan ko na lahat ng lesson."

Sumimangot na lang si Purple at pailing iling na kumuris ng mabilisang letra sa bawat tanong ng test. Parang nasa harapan nito ang key to correction at mala speed na tinapos ang pagsasagot.

'He's an ACE and Jairuss is a Genius. It's impossible for them to reach the lowest grades.' bulong ni Sienna sa likod ng kanyang utak. She's talking to her inner self like it's a normal thing.

"Anong favor yan? Make sure yung kakayanin –"

"Shania looks ill. Hindi ko siya kayang buhatin papunta sa clinic. Ayoko magkaroon ng chismis sa loob ng room dahil magkakaissue na naman ang kaibigan ko."

Tumingin si Purple sa direksyon ni Shania na agresibong hinahabol ang hininga mula sa upuan. Naka supporta ang braso sa ibabaw ng table at nakapatong ang ulo sa maliliit nitong mga palad.

"I'll carry her."

"Ako na." Purple insisted.

"Hindi. Ako na." Hindi nagpatalo si Jairuss.

"Ako ang hiningan ng tulong. Hindi ikaw."

"Hays, pabigat." Sienna stomped her feet aggressively on their tiled floor.

"SHHH, Ang ingay!" angal ng kaklase nila kaya huminhin na si Sienna sa paglalakad. When she attempts to lift her friend's body, Asteria placed her left hand on top of her shoulder as she looked at Sienna with a shocked face.

"Ano ginagawa mo?"

"Bubuhatin ka."

"Sienna, ako na." Sabay na saad ni Purple at Jairuss. Diin na napapikit si Sienna dahil ito ay isa sa mga pangyayari na namali siya ng desisyong humingi ng tulong mula sa iba.

"Sige. Lakasan niyo pa po. Lakasan niyo pa. Ng makahakot tayo ng atensyon." she sarcastically hissed.

"Hindi... Hindi maayos pakiramdam ko." nawalan ng malay si Shania at sumalampak ang katawan nito mula kay Sienna. The three if of them gasped but Sienna covered their mouths.

"Jairuss. Buhatin mo si Shania."

Binuhat ni Jairuss si Shania at sumunod naman ang dalawa sa likuran nila. Nakalabas sila ng silid at may iilan na taong nakapukaw ng kanilang atensyon pero agad na itinuon ang mga mata sa pagsusulit.

When the four of them arrived, nangamusta ang school's doctor kung ano ang nangayri sa pasyente.

"Ano po, hindi din po namin alam kung ano ang kanyang kalagayan. Nadatnan ko na lang po yung kaibigan ko na hinihingal na parang kakapusin na sa hangin. Wala naman pong history ng hika si Shania at hindi din nasabi saakin kung meron man siya."

"Sige, sige. Ilagay niyo lang siya sa bakanteng higaan."

Maingat na ibinaba ni Jairuss si Shania sa Hospital Bed Pedia with Foam. Binigyan din sila ng kumot at unan ng nurse dahil malamig din sa looban ng clinic. Ng hinawi nito ang kurtina sa kabilang side nila, nagulat si Jairuss na nandoon si Beatrice Gillian at nakaupo sa side ang bagong Vice President ng RPA na si Anna.

"Anna? Anong nangyari kay Beatrice?" lumipat si Jairuss ng puwesto at agad na tinungo ang direksyon ng kanyang itinuturing na kapatid na si Bea. Anna is mute so she communicated through her cellphone. She typed her words in her notepad at binasa iyon ni Jairuss.

'Bea didn't attend the international competition. The doctor said that her body is over fatigue. Kailangan niya daw ng mahabang pahinga.'

"Bumalik ka na sa klase mo. Ako na magbabantay sa kanya." napangisi si Anna at tumango ito dahil hindi nito aakalain na ang Presidente ng RPA ay pinapahalagahan si Beatrice. Taas kilay lang si Sienna habang tinititigan si Jairuss.

"Ex girlfriend? Binabalikan?"

"Sushhh, sushh." tinakpan ni Purple ang bunganga nito. "Ang ingay mong babae ka. Shaddap ka na." Itinulak ni Sienna ang braso nito para maalis ang kamay ng binata sa kanyang labi.

"It's a long story. Hintayin na lang natin ang doktor." suway ni Jairuss.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

Pagkadilat ng mata ni Shania ay may hawak itong kutsilyo na nagliliyab ng apoy. Lumitaw ang babae sa una niyang panaginip at binulungan siya ng nakakapangilabot na boses.

"Patayin mo si Beatrice. Ito ang kanyang kaluluwa." lumitaw si Beatrice Gillian na nakakulong sa hawlang gawa sa pilak. Her cage was designed like a bird's cage. Her body was covered in scars and deep cuts. There are also fresh wounds from her body as she was completely tied up in chains like a trapped animal.

Nawala ng parang abo ang hawla ni Beatrice, tumakbo ito papalapit sa kanilang direksyon at hinawakan ni Bea ang kamay ni Asteria. Umiiyak ito ng dugo at nanginginig ang katawan na lumuhod.

"I'm s-s-so sorry for my p-past. Ka–Kasalanan ko, kasalanan ko na sinisisi ko lahat s-s-sayo kahit hindi naman ikaw ang ma-may kagagawan. I'm so sorry for accusing you." napako sa kinatatayuan si Asteria habang tinitingnan pababa ang likuran ni Bea na puno ng sugat.

It reminds her about her suffering inside the cell. Nung mga panahon na nagmamakaawa siya sa gwardya at sa hari na maging bukas ang isip na pakinggan siya.

"Huwag kang makinig sa kanya. Dahil ito ang misyon mo diba? gusto mo ng paghihiganti?"

Her heart... Is having a lot of doubts now. She became soft because of Bea's wounds. Hinawakan ni Asteria ang kanyang kaliwang pisngi at naramdaman ang pagkapaso ng magsimulang umapoy ang kanyang mata hanggang sa lamunin na siya ng apoy. Sa loob ng apoy, nakita niya ulit ang ibang senaryo ni Beatrice Gillan kung paano niya tratuhin si Shania.

Sinasabunutan nito ang dilag na mukhang mahina at ang salamin nitong mamahalin ay nabali din. Todo ang pagwagwag ni Bea sa gintong buhok ni Shania at sabay sabing – "Napakawalang hiya mo! Dahil sayo!! Dahil sayo nasisisra repyutasyon ko. Grabe ka!! I HATE YOU SO MUCH."

"Stop it!! I ALREADY REGRETTED MY MISTAKES BACK THEN!! BRING ME BACK TO REALITY WHERE PEACE EXIST!!!" Malakas na sigaw ni Bea at tuluyan na nawala ang apoy sa kanilang paligid.

Sabay na nagkamalay ang dalawang babae. Napahagulgol sa iyak si Beatrice dala ng takot. Pakiramdam niya nakipagsapalaran siya sa loob ng impyerno kasama ang demonyo. She feels scared that the girl with white hair and golden eyes might stab her with a knife. Her soul could feel like that dangerous thing could transform her into ashes.

"B-Bea." tawag ni Asteria sa babae pero hindi siya pinansin ni Bea.

"If I did something wrong. Look, I'm sorry."

Nangunot ang noo nila Sienna, Purple at Jairuss dahil hindi alam kung anong meron sa dalawa. Mukhang may alitan si Shania at Bea pero hindi naman nila napaghahalataan iyon dahil madalas nang kasama ni Shania si Sienna. And Bea was more focused in her own life too.

"I'm having nightmares right now. Sinapawan din ako ng insomnia ngayon kaya stress na stress ako. Hindi muna ako aatin ng competition."

Nakatalikod si Bea sa isang side ng bed habang kaharap nito si Jairuss. Asteria was facing her back, wondering that underneath of Bea's uniform could hide a thousand scars on her body.

Pero... She's a model. She looks way healthier than the Bea she witnesses from before.

Parang may pumitik sa looban ng utak ni Asteria ng maalala ang huling sinabi ng babae galing sa kanyang panaginip...

'Dadalawin kita sa panaginip. Asteria Avalanche. Tinatawag ko itong ikalawang buhay ninyo dahil gusto kong may magsisi at may maturan ng leksyon.'

"I feel relieved... That I am alive. Akala ko mamatay nako." seryosong saad ni Bea. Pinitik naman ni Jairuss ang noo nito dahil hindi maganda ang kanyang sinasabi.

"Huwag kang mag biro. Baka mamaya magkatotoo. Sana huwag naman, bata ka pa Bea." saad ni Jairuss.

'Te-Teka... Ibig sabihin... Ang Bea na nakita niya sa kanyang panaginip ay maaring ang Bea mula sa ikaunang buhay nito?' kabadong kausap ni Asteria sa sarili.

Pakiramdam niya, dinadalaw na siya ng mga nakaraan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 56 10
Anya Sandria Levesque's life is like a fairytale character she was fond of reading. Living in a mansion but being abused by her evil step mother and...
3.3K 121 20
‿︵‿︵‿୨ ୧‿︵‿︵‿ Being reincarnated as Mirri Vanah Altheira De Goldleif, a bratty and villainous young lady, Yvanah vows to make things right and correc...
197K 2.7K 25
Azalea Tiffany Aqua the youngest daughter of King Emmanuel and the first daughter of Queen Margaret. Azalea is the most hated ang weakess princess of...
570K 21K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.