Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔...

By mahikaniayana

1K 160 13

Ako nga pala si Jp, isa akong manunulat. Sa totoo lang.. Hindi ko naman pinangarap ang maging writer. Ang hil... More

Synopsis🍃
Alitaptap🍃
Mayumi🍃
Amihan🍃
Mga Bampira🍃
Urduja🍃
Itim at Puting Anghel 🍃
Mga Itim na Anghel🍃
Mangkukulam at Dwende🍃
Mga Lambana at Puting Anghel🍃
Final Chapter

Mga Sirena🍃

48 12 0
By mahikaniayana

"S - Sirena?"

Kinusot kusot ko pang aking mga mata. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang talaga napatunayan na meron din palang katotohanan ang mga kababalaghang sa panaginip at pangangarap ko lang nakikita at dinarama.

"Nasa Orlin tayo ngayon Jp,  ang Kaharian ng mga  Shokoy at Sirena." 

Malapad ang ngiting bumaling ako ng tingin saglit kay Urduja, na bahagyang kumaway pa. Kaya sinundan ko rin ng tingin kung sino bang kinakawayan nito.

Isang Sirena na nakaupo sa batuhan at may mga Dolphins pang tumatalon sa tabi nito. "Nakakatuwa at nakakaaliw naman silang tingnan."

"Mababait pa!"

"Talaga ba, Howie?" Hindi lumilingong tanong ko sa kanya.

"Ang mga Sirena, ay mga matrons ng kaakit-akit, humihingi ng mga mandaragat gamit ang nakakaakit nilang kagandahan, mala biyaya nilang  mga boses at kaibig ibig nilang himig. Sila ay mapang-akit, lahat ng mga nakikipag-ugnay sa mga Sirena ay napapailalim sa kanilang paghimok at alindog."

Dyata't may katutuhanan din palang pananakot sa'kin ni Lola nung bata pa'ko? kasi, tuwing nagbabakasyon ako sa kanila at nagpa pasaway laging sinasabi nya sa'kin na kukunin daw ako ng mga Sirena at Shokoy, ayaw daw kasi ng mga yun sa mga makukulit at iyaking bata.

"Minsan ang mga bagay na nakakaakit sa atin ay hindi kailangang magkaroon ng katuturan at ayos lang na maakit ng kakaiba, yung ibang mundo ng  musika. Hayaan ang mga Sirena na ligawan ka sa karagatan ng mga pangarap, baka magustuhan mo rin ito."

Ang galing talagang magpaliwanag ni Howie, parang gumaan naman ang pakiramdam ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na wala namang masamang hangarin ang mga Sirena? na gusto lang naman nilang umawit dahil yun ng nakaugalian nila? Gaya nating mga tao na marami ring kaugalian at gustong gawin..

"Jp, gusto mo bang makarinig ng kwento tungkol sa mga Sirena?"

Napasimangot na lang ako ng marinig ang boses ni Buggles. Ewan ko ba kung bakit mabigat ang dugo ko sa langaw na ito? Feeling ko kasi, puro lang kalokohan ang alam nitong gawin eh! Pero, sige na nga pagbigyan ko na din, bakasakaling may sense din naman ang ikukwento nya sakin..

"Sige lang, magkwento ka lang Buggles.. pero kapag yang kwento mo walang kwenta, humanda ka sa'kin, dahil masisipa na naman kita at sisiguraduhin kong sa malayong lugar ka mapapadpad."

Lihim akong natawa ng bahagyang dumistansya sakin palayo si Buggles. 'Aba'y dapat lang, kasi kapag nang asar lang 'to sa'kin ngayon, alam nyang masasaktan na naman sya sa'kin.'

"Itong ikukwento ko sa'yo ay totoo, Jp. Maniwala ka!"

"Oo na nga eh! Magkwento kana! Dami mo pang sinasabi hmp!" Napairap pa'ko sa hangin.

"Sige, Sa malawak na karagatan, may isang mahiwagang nilalang, lumalabas at nagpapakita lang siya pag kabilugan ng buwan, nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan..."

"Hoy! Buggles, ayoko ng nakakatakot na kwento ha!"

"Hindi ito nakakatakot, basta makinig kana lang muna kasi!" Mahabang nguso na sagot nya sakin. Natahimik tuloy ako ng mapasulyap saming mga kasamahan na lahat nakatutok ang tingin kay Buggles.

'Asherah' ang tawag sa kanya, isang Shokoy ang Ama at isang Diwata naman ang kanyang Ina. Perlas ang paborito niyang kinukuha, dahil kapag ito'y nahahawakan at nahahaplos na, kaginhawahan at kapayapaan ang dulot nito sa kanya ... Mailap siya sa mga kauri niya, mas gusto niyang kasama ang mga isda, dahil ito ang mga karamay niya kapag nalulungkot at siya'y nangungulila. Mahal niyang mga halamang dagat, mga kabebe iniipon niya't kinakalat, sa kuwebang tinuturing niyang tahanan, kung saan sila nagtitipong mag kakaibigan..."

'Abah! Parang maganda ang kwento ng langaw na ito ah!' Sinulyapan ko si Buggles na nakatutok ang mga mata sa karagatan. Sinundan ko rin ang kanyang tinitingnan habang patuloy na nakikinig sa kanyang kwento.

"Minsan na silang nagtagpo ng mga Diwata, na sina Mayumi, Amihan, Urduja at Ayana, naging magkakaibigan sila na nagdadamayan nagtutulungan kapag nagkakagipitan at nagkakaproblema, mapa lupa man o karagatan, sama sama silang nakikipag laban. Ilang henerasyon man ang dumaan nananatili silang tapat na mag kakaibigan."

Napabaling ang tingin ko kay Urduja na napatango kaagad ng magtagpo ang aming mga mata. Ngumiti sya at may itinuro sa kanang bahagi ng malawak na karagan, kung saan may isang kweba na malinaw kong nakikita ang isang nilalang na hindi ko matukoy ang tunay na katauhan, dahil ang kanyang anyo ay magandang Diwata, mahaba ang pulang buhok na may nakadikit pang starfish sa buhok nito na tila ipit lang nya yun, may paa at kamay pero nangingintab naman sa kaliskis ang ibang parte ng katawan nito na kagaya ng sa isda, may palikpik sa kanyang likuran at mga binti. Nakaupo sya sa isang malaking kabebe na pinapalibutan ng iba't ibang uri ng isda. May hawak syang malaking perlas at tila aliw na aliw ito sa paghimas nun.

"Hala! Totoo pala talaga sya at hindi lang isang kwento?"

Natatawang tinapik tapik naman ni Vega ang aking pisngi.

"Tumingin ka sa'yong likuran, Jp!"

Sinunod ko naman kaagad ang sabi ni Flurrel, dahan dahan akong lumingon saking likuran para lang magulat ng makita ko ang isang Sirena na kulay pula ang buntot, kulay red orange pang mahabang buhok nito. At take note! Nakatingin sya sa amin.

"Waaahh.. Tatlo na silaaa.." Nasambit ko na lang bigla ng maisip kong parami sila ng parami habang patuloy kaming naglalakad sa dalampasigan.

"Siya si 'Nixie', ang pulang Sirena na di mapakali, laging nakaabang at nagkukubli sa paglabas ni 'Asherah' tuwing gabi... Hilig niyang umawit, ang sino mang makarinig sa kanya'y napapahanga't bumibilib, Yan ang mahika niyang taglay, ang boses niyang malamyos na kaibig-ibig."

"Kaygandang pangalan, bagay sa kanya!" Sabi ko, habang ang tingin ay sa pula pa ring Sirena.

"Gustong gusto niyang maging kaibigan ang may lahing Shokoy at Diwata na kanyang hinahangaan, Subalit sadyang mailap sa kanya ang kapalaran na kahit anong gawin niyang paraan nauuwi lang sa pagkabigo at pang hihinayang. Hanggang pangarap na nga lang ba siya? Hanggang pagtanaw na lang bang magagawa niya? Paano ba niya mapapaamo ang mailap na si Ashera? Paano ba mapapalapit ang loob nito sa kanya?"

Bigla naman akong napaisip sa narinig kong tanong ni Flurrel. Pero blangko ang aking utak, okopado kasi ng mga Sirena na aking nakikita ngayon.

"Sa tulong ng mga kalapati niyang kaibigan, lahat ng hilig at gusto ni Asherah kanyang nalaman, natuklasan niya ring mga Diwata'y matalik nitong kaibigan, nahiling niya na sana balang araw siya naman. Hindi niya rin mawari't maintindihan kung bakit ba gustong gusto niya itong maging kaibigan? Siguro dahil itinatangi niya ang kapatid nitong si Eihran, ang makisig at matapang na kawal ng karagatan..."

'Haha! Kaya naman pala gustong gusto nyang maging friend si Asherah, kasi may hidden agenda pala sya.. Gusto ko yan! Bet na kita mula ngayon Nixie... sa matyaga at katatagan mo bilib ako sa'yo.'

"Sana darating din ang araw na pagpapalain siya, na matutupad na rin sa wakas ang mga hiling niya, sa tamang panahon sasaya siya't liligaya, kasamang mga minamahal niyang kaibigan at kapamilya."

Natampal ko si Buggles sa braso, dahil in fairness may sense din ang kanyang sinabi ngayon ha! Di'ko akalain na may soft spot din pala ang langaw na'to! Kala ko puro lang kalokohan ang alam eh!

"Aray! Para saan naman ang hampas na yun?" Nakakunot nuong tanong nito sakin.

"Wala lang.. gusto ko lang gawin sa'yo! Bakit may reklamo ka ba?" Galit galitan kong sagot sa kanya.

"Bakit masama bang magtanong? Ikaw ha! Abuso kana sa'kin, kala mo diko nahahalata ang palagi mong pananakit sa'kin ha? Nagbibilang ako, at kapag somobra kana sa kota ko.. Humanda ka sa paniningil ko sa'yo!"

'Hala! Mukhang nakahalata na yata sa'kin ang langaw na'to ah!'

"Kayong dalawa, tumigil na nga kayo sa lambingan nyong yan! Nang iinggit lang kayo samin eh!"

Nanlalaking mga mata kong napabaling kay Vega. 'Ano raw? Lambingan? Maryosep! sa langaw na'to? Wag na uyy... nakakadirs naman yun.. huuhh.. Over my coca cola body... No way!'

"Oh! Anong klaseng tingin naman yan, Jp? Basi sa hitsura mo eh! Parang diring diri ka sa'kin ah? Anubang problema dun sa sinabi ni Vega? Eh, anu naman ngayon kung naglalambingan nga tayo, ha?"

Nakangisi ang langaw na may pakindat kindat pa sakin..

"Yakkk! Kung ikaw lang din naman.. mas mabuti pang maging single ako habang buhay!"

Malakas na tumawa si Urduja na ikinatingin ng lahat sa kanya. Dyata't naiintindihan nyang 'single' na sinabi ko?

"Matalik akong kaibigan ni Ayana.. Kaya nauunawaan kong lahat ng  'yong salita, Jp!"

Ahh.. Kaya naman pala! Bukod tanging sya lang ang natawa sa kanilang lahat.

"Nandito na tayo!"

Napahinto kaming lahat at napabaling ng tingin kay Howie na nakataas na sa ere ang hawak nitong stick at ikinumpas nito ng tatlong beses.

"Odessa!"

Namangha ako sa'king nakita, tila umurong ang aking dila at hindi na'ko nakapagsalita pa, para sana magtanong kay Flurrel na syang kumakausap sa isang Diwata na seryosong nakatingin saming lahat. Nakalubog ang kalahati nitong katawan sa dagat, kaya mula dibdib nya lang pataas ang aming nakikita. Kulay pula ang mahaba nitong buhok na nililipad lipad ng hangin. May nakalutang na mga puting bulaklak sa paligid nito, na parang may mga buhay din at nagpoprotekta sa kanya.. Dagdagan pa ng mga kalapating paikot ikot na lumilipad sa kanyang paligid.

"Odessa, maaari mo ba kaming padaanin sa'yong lagusan na pag aari?"

"Saan kayo patutungo Flurrel at bakit kinailangan nyo pang dumaan sa binabantayan kong lagusan?"

Walang kangiti ngiti nitong sagot kay Flurrel na may inilabas namang mga perlas na nakatali ng isa isa. Ibinigay nito kay Odessa, na ng makita nitong perlas ay saka lang ngumiti.

"Isang regalo mula sa'king Prinsesa Mayumi, pinapasabi nya ring paki alagaan mo raw muna ang kanyang mga kaibigan, hanggang sa siya ay makabalik mula sa malayong paglalakbay."

Ipinalibot muna ni Odessa ang nakataling mga perlas sa kanyang bewang bago itinaas ang kaliwang kamay at ipinatong sa kanyang ulo, at ang kanang kamay naman nito ay nakasapo sa kanyang baba. Sa isang kisapmata ko lang ay bigla syang naglaho.

"Tayo na!"

Nauunang naglakad patungo sa dagat si Howie, kasunod nito si Vega, Urduja at Flurrel.

"Hoy! Jp!"

"Ha?"

Napakurap pako ng aking mga mata ng ipinitik pitik ni Buggles ang kanyang daliri sa harap ng aking mukha.

"Bilisan mo na! Baka magsara ang lagusan.. Dika pa naman marunong lumangoy. Halika na!.."

Basta na lang akong kinaladkad ni Buggles patungong karagatan.

"Teka lang Buggles! baka lumubog ako sa tubiiigg...!"

Panay ang atras ko palayo sa dagat, nagka phobia kasi ako nung malunod ako sa batis nung 3 years old pa lang ako.. Buti nga nabuhay pa ako eh! kumbaga 2nd life ko na ito, kaya ayokong masayang, dahil gusto ko pang humaba ang aking buhay, para makasama ko pang aking pamilya.

"Tingnan mo silang lahat Jp! Payapa silang naglalakad sa ibabaw ng tubig, kung kaya nila.. kaya mo rin! Magtiwala ka lang sa'yong sarili at magtiwala ka sa'kin, hinding hindi kita pababayaan, pangako ko yan!"

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Buggles at sa kamay nitong nakalahad saking harapan. Napakagat labi na lang ako, may pag aalinlangan at pangamba akong nararamdaman, pero ng magdaop ang mga palad namin ni Buggles, lahat ng alinlangan at pangambang aking nararamdaman ay naglaho na parang bula. Hindi ko namamalayang humahakbang na pala ang aking mga paa, sumasabay sa bawat paghakbang ng mga paa ni Buggles sa ibabaw ng tubig  sa malawak na karagatan. Ipinikit kong aking mga mata, dinama kong kaiga igayang pakiramdam na ngayon ko lang nararanasan. Para lang akong lumulutang sa hangin, tinatangay sa dako pa roon...

"Jp! Hoy, Jp!"

Mahinang tapik saking pisngi ang nagpagising sa lumulutang kong diwa. Sa pagdilat ng aking mga mata, nag aalalang mukha ni Buggles ang aking unang nakita.

"B - Buggles?"

"Hay, salamat naman at dumilat kana."

Dahan dahan kong inikot ng tingin ang buong paligid. Wala na kami sa karagatan kundi nasa kakahuyan na. Nakita kong aking mga kasamahan  na nakikipag usap sa isang Diwatang nakatayo sa isang pabilog na fountain na may mga isdang lumalangoy, nakataas ang kanang kamay nito na may hawak na isang red yellow na isda, tila nga kinakausap nya pa ito. Manipis ang suot nyang damit kaya nababanaag kong wala syang suot na mga underwear, Ay teka! Nag a underwear din bang mga Diwata? Pwedeng oo at pwede ring hindi. Kulay golden yellow ang kanyang medyo kulot na buhok na may nakaipit pang kulay pink na rosas sa kanyang kanang tenga. Napalipat ang tingin ko sa mga rosas na kulay pink na nakakalat sa kanyang paanan. Malamang dun nya nakuha ang rosas na nakaipit sa tenga nito.

"Sya si Akesha, ang tagapagbantay ng lagusan patungo sa hangganan ng kahariang Getah."

Hinila hila kong laylayan ng damit ni Buggles para makuha ang kanyang pansin. Ng tumingin sya sakin, saka ko itinuro ang isa ko pang nakitang Diwatang may hawak na isang kwentas.

"Picipine!"

"Ano yun?" Nakatangang tanong ko kay Buggles.

"Mangkukulam" Nanunuri ang kanyang mga matang nakatutok sa Diwatang seryosong nakatingin din sa amin.

"Good or bad na mangkukulam?"

Napabaling ang kunot noong si Buggles sakin.. "Ano yun?"

"Wala! Halika na sa mga kaibigan natin, bago pa tayo tsugiin ng mangkukulam na yan."

"Ano naman yung tsugiin?"

Hinila ko na lang si Buggles papunta sa ibang kasamahan namin. Kapag kasama ko sila ligtas ang pakiramdam ko sa kahit na anumang panganib na humaharang saming paglalakbay, patungo sa Kaharian ng Umbra, kung saan naninirahan ang Diwatang pinaka aasam kong makita at makasama..

'Diwatang Ayana, ilang kembot na lang at makikita na rin kitang muli...'

💃MahikaNiAyana

Continue Reading

You'll Also Like

507K 35.6K 55
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
17.3K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...