BS #1 Betrayed

By ZariyahDenise

1.2M 21.2K 2.2K

BETRAYAL SERIES #1 COMPLETED Clementine Indra Acker is a simple girl that only wish a good life but what if Z... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter
SIMILAR PICTURES OF ZANE&TWINS
Christmas Special

Prologue

45.6K 787 75
By ZariyahDenise

NAKATINGIN ako sa malaking bahay sa aking harapan, napakalaki nito at hindi ko akalain na ganito ang mga bahay sa maynila.

Sa aming probinsya kasi ay maliliit lang ang bahay, depende sa kung anong uri ng pamumuhay.

Napabuntong hininga ako bago pinindot ang button sa gilid ng gate, Doorbell. Alam ko yun dahil sinabi na sa akin yun ng kapit bahay namin.

Maya maya ay bumukas ang gate at lumabas mula doon ang isang may katandaang babae na nakapangbihis kasambahay.

Based sa itsura nito ay marahil siya ang mayordoma dito.

"Anong maipaglilingkod ko sayo iha?" tanong nito.

"May nakapagsabi po kasi sa akin na naghahanap daw po ng kasambahay ang bahay na ito, pwede pa po bang mag apply?" magalang kong sagot dito.

"Ayy naku! meron nang nakuha nahuli ka ng kaunti kaka apply lang bagong maid dito, pero mukang malayo pa ang iyong binyahe. Pumasok ka muna iha." paanyaya nito.

Nahihiya naman akong pumasok at nakita ko ang malawak na lupain sa loob nito.

"Itatanong ko kay sir kung pwede pa para na din hindi masayang ang pagbyahe mo, oh sya maupo ka muna diyan at tatawagin ko lang si sir Zyair sa taas." sabi nito ay at umakyat na.

Ako naman ay tahimik lang na nagmamasid habang hinihintay ang matanda.

Napakalaki talaga ng bahay at napakalinis pakiramdam ko tuloy ay isa akong dumi sa bahay na ito.

Nagmamasid masid pa ako ng makarinig ako ng mga yabag ng paa sa hagdan kaya naman napatingala ako doon at nakita ko ang isang lalaking kasama ng matanda.

May buhat din itong parang tulog na batang lalaki. Kausap nito ang matanda habang pababa ng hagdan.

Ang bata naman ay nakalagay ang ulo sa balikat kaya hindi ko nakikita ang mukha.

Nang tuluyan ng makababa ng hagdan ang tatlo ay napatingin na sa akin ag lalaking may asul na mga mata.

Wala ding emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Iho, siya ang sinasabi ko sayo alam ko namang nakakuha ka na ng katulong pero malayo layo ang binyahe ng batang ire, baka naman pwede mo pa siyang kunin." sabi ng matanda dito.

"Nay, sinabi mo na nga na nakakuha na tayo ng katulong so bakit gusto mo pang kunin ito?" tanong naman nung lalaki habang nakaturo sa akin. Dahil doon ay nag angat ng tingin ang batang karga nito at tumingin sa akin.

Katulad ng lalaki ay asul din ang mga mata ng bata ngunit di tulad ng lalaki na sa palagay ko ay ama nito ay nakitaan ko ng reaksyon ang maliit na mukha ng bata.

Lungkot. Ayon ang nakikita kong ekspresyon nito pero ng makita niya ako ay biglang nanlaki ang mata nito at agad agad na nagpapaba sa ama nito.

At kinagulat ko ng pumunta ito sa akin at ako'y yinakap.

Tulala pa din ako hanggang sa marinig ko ang munting hikbi nito kaya naman nataranta ako at agad tinignan ang mukha nito.

"Ay hala baby bakit ka umiiyak?" tanong ko dito pagkaangat ko ng kaniyang mukha.

Pero hindi ito sumagot bagkus ay yumakap sa aking leeg at dun umiyak ng umiyak.

Napatingin naman ako sa harapan kung nasaan ang lalaki at nakita kong nakatingin din ito sa akin.

"Zane." baritonong sabi ng lalaki na lalong nagpaiyak sa bata kaya naman inalo ko na ito at bahagya naman itong tumigil.

Napabuntong hininga nalang ang lalaki at lumapit sa bata at pilit na kinukuha ito pero ayaw nitong bumitaw sa akin kaya naman pwersahan na itong kinuha ng lalaki.

Dahil dun ay agad nagpumiglas ang bata pero hindi binitawan ng lalaki ito kaya naman tuluyan na itong nagtantrums.

"No! no! put me down! put me down nooo!" umiiyak na sabi nito medyo bulol din.

Wala naman nang nagawa ang lalaki dahil sinabihan na din ito ng matandang ibaba nalang.

Ibinababa niya na ang bata na agad tumakbo papunta sa akin at nagpakarga.

Kinarga ko nalang ito at inalo humihikbi hikbi pa ito.

Napahilot sa sentido ang lalaki dahil sa inasal ng bata.

"Naku! ang batang ito talaga at nagpakitang gilas agad." natatawang ani ng matanda.

"So, what's your name?" tanong naman ng lalaki habang nakatingin sa akin.

"Clementine Indra Acker po" magalang na sagot ko naman dito.

Napatango tango ang lalaki "let's talk later." maikling sabi nito at umalis na.

Para namang nakahinga ng maluwag ang bata dahil dahan dahan nitong inangat ang ulo at sinilip kung nandun pa ang lalaki.

Nang makita niyang wala na ang lalaki ay napatingin ito sa akin at nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay nahihiyang yumuko ito.

Napangiti nalang ako sa kaniyang inasal, parang kanina lang ay sobra itong magwala upang makapunta sa akin ngayon naman ay nahihiya na.

Maramil ay naghanap lang ito ng kaniyang kakampi.

Binaba ko na din ito at nakayuko pa din ito.

Lumapat naman ang matanda sa bata at hinawakan ang balikat nito at nagpakilala sa akin. Siya pala si Yoli Olindo at tawagin ko nalang daw siyang nay Yoli.

Ang bata naman ay nakayuko pa din kaya sinabihan ako ni nay Yoli na pumunta sa library upang makausap ang ama nito.

Naglakad na ako sa tinurong daan ni nay Yoli ng may pumigil sa aking kamay kaya napatingin ako dito at nakita ko ang batang nakahawak sa aking kamay ani moy pinipigilan ako.

Napatawa naman ang matanda sa inasal ng bata at sinabihan itong kakausapin ko lang ang daddy nito pero ayaw pa din niyang bumitaw sa akin.

Kaya naman lumuhod ako upang magpantay sa kaniya kaya napayuko ito na siyang nagpangiti sa akin.

"Baby Zane kakausapin ko lang ang daddy mo ha, babalik ako promise saglit lang."sabi ko dito,Zane kasi ang narinig ko na pangalan nito.

Dahan dahan namang bumitaw ang bata sa akin kaya napangiti ako at pumunta na sa library upang makausap ang kaniyang ama.

Itutuloy.
❄️
Hope you enjoy Zyair and Clementine story! Comments and votes are highly appreciated:)

Continue Reading

You'll Also Like

579K 21.5K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.4M 94.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 21.2K 53
BETRAYAL SERIES #1 COMPLETED Clementine Indra Acker is a simple girl that only wish a good life but what if Zyair Keanu Huxley ruined everything in h...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...