My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.2K 667 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 23

203 11 0
By jeyninstrous

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Clint ay napabuntong hininga muna ako at lumingon kay Jaxson. Ngumiti lang siya sa akin at nauna ng bumaba ng kotse. Napangiti pa ako ng pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Wow, gentleman ka ngayon ah!" sabi ko pero hindi na siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko at hinila na papasok sa bahay nila Clint.

Pagkapasok pa lang namin sa gate ay marami ng tao. Hindi masyadong malaki ang bahay nila Clint at sakto lang gaya ng bahay namin.

Nakita ko kaagad si Shantal na nakatayo sa may kabaong at umiiyak na naman. Habang si Janica ay nasa likuran niya at hinahaplos ang likod niya.

Agad naman kaming lumapit ni Jaxson sa mga kaibigan niya na nandito na din. Nakita ko pang ngumiti si Zeddie sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik. Kinausap naman ni Jaxson ang parents ni Clint na nakaupo sa may mga upuan at bumati kami sa kanila at nakipagbeso.

Bakas din sa mukha nila ang lungkot.

Napalingon ako kay Shantal na rinig na rinig kong umiiyak kaya agad akong lumapit sa kanya at tinapik ang balikat niya. Lumingon naman silang dalawa ni Janica sa akin.

"Umiiyak ka na naman." sabi ko kay Shantal at yumakap lang siya sa akin at hindi nagsalita.

Napatingin naman ako kay Janica ng magsalita siya.

"Hindi pa yan kumakain simula kanina at iyak lang ng iyak." sabi niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Ng kumalas na si Shantal sa pagkakayakap sa akin ay tinignan ko siya ng diretso sa mga mata. Nagka eyebags na siya sa kakaiyak.

"Hindi ka daw kumain?" tanong ko at hindi pa din siya sumagot.

"Beshywap naman, kailangan mong kumain baka magkasakit ka kapag hindi ka kumain." sabi ko pero umiling lang siya.

Inalalayan namin siya ni Janica paupo sa bakanteng upuan. Umupo naman kami sa magkabilang gilid niya.

"Beshywap, kailangan mong kumain para naman magka laman yang tiyan mo. Sige ka baka magtampo yang mga baby bulate sa loob ng tiyan mo." sabi ko pero hindi pa din siya umimik kaya nagkatinginan kami ni Janica at wala sa sariling napabuntong hininga nalang.

Nagpaalam pa muna si Janica na lalabas lang saglit para sagutin ang tumatawag sa kanya. Napalingon naman ako kay Jaxson na ngayon ay katabi ang mga kaibigan niya at nakikipag-usap sa parents ni Clint.

Nakita kong lumingon sa akin si Zeddie at agad siyang tumayo at lumapit sa amin. Umupo siya sa kinauupuan ni Janica kanina na katabi din ni Shantal.

"Hindi pa din ba siya kumakain?" tanong niya habang nakatingin sa akin at tumango naman ako.

Agad din namang bumalik si Janica at sinenyasan pa niya akong lumapit sa kanya kaya lumingon muna ako saglit kay Shantal.

"Uhmm...beshywap lalabas muna ako saglit ha, babalik din kaagad ako." sabi ko at tanging tango lang ang isinagot niya habang diretso lang na nakatingin sa kabaong ni Clint na nasa harap.

Lumingon naman ako sunod kay Zeddie.

"Zeddie, okay lang ba kong samahan mo muna si Shantal dito?" tanong ko at ngumiti naman siya at tumango.

"Sure, dito lang ako." sabi niya at agad naman akong nagpasalamat sa kanya at tumayo na at nilapitan si Janica na nakatayo ngayon sa tapat ng pinto.

"Bakit?" tanong ko kaagad ng makalapit ako sa kanya.

"Tumawag sa akin si Amari at sabi niya nasa labas siya at gusto niya tayong makausap."

"Sige, puntahan natin siya sa labas pero sasabihin ko muna kay Shantal baka sakaling gusto din niyang sumama sa atin sa labas para makita si Amari." sabi ko at tumango naman siya kaya naglakad ulit ako palapit kay Shantal at huminto sa harap niya.

"Beshywap, nasa labas daw si Amari. Gusto mo bang sumama sa amin ni Janica papunta sa labas para sabay na din natin siyang kamustahin?" sabi ko at bigla nalang siyang tumayo at dire-diretsong naglakad palabas.

Nagkatinginan kami ni Zeddie saglit bago ako tuluyang sumunod kay Shantal. Ganoon din si Janica na nakatayo sa may pintuan.

Ang bilis maglakad ni Shantal at nakakuyom din ang isang kamao niya kaya hindi ko maiwasang magtaka habang nakasunod kami sa kanya palabas.

Galit ba siya?

Ng tuluyan na kaming nakalabas ng bahay ay nakita kaagad namin ang isang kotse na nakaparada sa medyo malayo sa bahay nila Clint. Naaninag ko kaagad ang taong nakatayo doon at nakasuot ng jacket.

Ng tinanggal niya ang hood ng jacket na suot niya ay nakita kaagad namin si Amari dahil sa street lights na nasa labas na nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi. 

Dire-diretso lang na naglakad si Shantal papunta sa kinatatayuan ni Amari at agad naman kaming sumunod sa kanya. Ng tuluyan na siyang nakalapit kay Amari ay akala namin yayakapin niya ito pero nagulat nalang kaming dalawa ni Janica sa ginawa niya.

Sinampal niya si Amari.

Agad na lumapit ang dalawang  bodyguard ni Amari sa kanya pero sinenyasan niya itong huwag lumapit at sumunod naman ang mga ito. Ng akmang sasampalin ulit ni Shantal si Amari ay mabilis na kaming umawat ni Janica sa kanya.

"Beshywap!" sigaw ko sa kanya at hinawakan ang isang kamay niya na handa na sanang sumampal kay Amari.

Kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin kay Amari.

"Beshywap, bakit mo sinampal si Amari?" tanong ko sa kanya habang nasa gilid niya.

Si Janica naman ay nasa kabila.

"Kasalanan niya ang lahat!"

Nagulat kami sa biglaang pagsigaw niya.

"Beshywap, ano bang sinasabi mo?" tanong ko ulit at bigla nalang siyang umiyak.

"Kasalanan niya ang lahat kasi ng dahil sa kanya nabaril si Clint! diba siya lang naman ang dapat na puntirya ng mga kidnappers na yon pero nadamay tayo! nadamay si Clint!" umiiyak niyang sabi habang sumisigaw.

"Beshywap, aksidente ang nangyari at hindi yon kasalanan ni Amari." sabi ko.

"Kasalanan niya! siguro masama siyang tao kaya gusto siyang kidnappen ng mga lalaking yon! masama siyang tao at sana hindi na lang natin siya naging kaibigan!" galit na galit niyang sabi.

Sinubukan siyang hawakan ni Amari pero mabilis siyang umatras.

"Beshywap Shan, I'm sorry." sabi pa ni Amari at kitang kita ko ang luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"Sorry? aanhin ko ang sorry mo?! wala na si Clint at hindi maibabalik ang buhay niya ng sorry mo! at huwag mo akong matawag tawag na beshywap dahil hindi kita kaibigan! masama kang tao! ang sama sama mo!"

Bigla nalang humagulgol sa pag-iyak si Shantal at napaupo sa kinatatayuan niya. Mabilis naman namin siyang dinaluhan ni Janica.

"I'm sorry Shan...I'm so sorry. Sorry kong nadamay pa kayo, sorry..." hindi na din naiwasan ni Amari na mapahagulgol.

Agad namang tumayo si Shantal habang umiiyak pa din.

"Tang*na yang kaka sorry mo! wala na si Clint! hindi siya mabubuhay ng sorry mo Amari! namatay siya ng dahil sayo!"

Mas lalo lang na naiyak si Amari. Napatakip nalang ako sa bibig ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ni Shantal. Agad namang lumapit ang dalawang bodyguard niya para tulungan siyang tumayo pero sinabihan lang niya itong manatili sa mga pwesto nila at huwag makialam.

"I know that I can't bring back Clint's life but please forgive me...please. I didn't like what happen and I can't let the three of you hate me. Kayo lang ang kaibigan ko at ayaw ko na mawala kayo sa akin. I'm begging Shan...I'm so sorry..."

Hindi ko na din maiwasang mapaiyak habang nakikita si Amari ngayon na nakaluhod at nagmamakaawa kay Shantal. Alam kong hindi niya kasalanan at hindi niya ginusto ang nangyari. Ayaw ko na nag-aaway kami ng ganito. Ayaw kong nakikita na nag-aaway ang mga kaibigan ko.

Agad akong lumapit kay Amari at hinawakan ang isang kamay niya para patayuin siya.

"Amari, tumayo ka." sabi ko habang umiiyak na din pero umiling lang siya habang umiiyak din at nakayuko.

"I'm so sorry to the three of you. I'm sorry if I didn't tell you guys of who really I am. I'm just scared that if the three of you find out, the three of you might hate me. I can't let that happen... ayaw kong mawala kayo sa akin dahil... kayo ang mga kaibigan ko." sabi niya at walang sino man ang nagsalita sa amin at tanging ang mga iyak lang namin ang maririnig.

Hawak ko pa din ang isang kamay ni Amari habang parehas kaming umiiyak. Si Janica naman ay nasa tabi ni Shantal at hinahaplos ang likod niya para patahanin siya.

"Amari, tumayo ka na naman diyan oh. Please naman huwag naman ganito...huwag naman tayong mag away-away." sabi ko at tinignan silang dalawa at pinatayo si Amari.

Mabuti nalang agad din siyang tumayo.

"Alam mo Amari? hindi ko alam kong kaya pa kitang patawarin. Ang sakit lang kasi eh...alam mo yon? namatayan ako Amari...namatay si Clint..."

Kumikirot ang puso ko habang nakikita ko ang dalawang kaibigan ko na umiiyak at nag-aaway. Hindi ako sanay na may nag-aaway sa aming mga magkakaibigan.

Kong kailan pa na nadagdagan kami ay tsaka naman magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Hindi ko gusto na baka umabot pa sa pagkakawatak- watak naming apat. Hindi ko kayang may mawala o magkaaway sa kahit sino man sa mga kaibigan ko dahil importante sila sa akin.

"Guys sorry...sorry if I didn't tell you all immediately about my true identity."

"Beshywap Amari naman, ano bang ibig mong sabihin? hindi ka naman masamang tao diba?" sabi ko pero lalo lang siyang umiyak.

"No." sabi niya at bumuntong hininga at pinahid ang mga luha niya.

"I'm not. May tungkulin lang akong dapat gampanan."

"Anong tungkulin ang sinasabi mo?" nagtataka kong tanong.

"I'm..." tumigil siya at bumuntong hininga ulit.

"I'm a p-princess and the heir of my mother's throne as a...Queen." sabi niya kaya nagulat ako pati si Janica at Shantal.

"Those kidnappers who kidnapped us are our enemies. They wanted to get me at ipakasal ako sa ibang prinsipe dahil kong hindi...they will kill me like what they did to L-lukariah..."

Hindi ko na alam pa kong ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Amari. Alam kong hindi siya nagsisinungaling at nagsasabi siya ng totoo dahil seryoso ang mukha niya ng sinabi niya yon.

Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala ayaw niyang sabihin sa amin ang ilan sa tungkol sa kanya ay dahil isa siyang prinsesa at maraming nagkakainteres sa buhay niya. Baka kapag sabihin niya sa amin ay mapahamak pa siya kaya mas pinili niyang hindi sabihin dahil nga bago pa naman niya kami nakilala.

"What the heck?"

Napalingon kaming apat sa likuran ng may nagsalita. Nakita namin si Jaxson at ang mga kaibigan niya na nakatayo sa may likuran naming apat at ang nagsalita ay si Arson.

"You're a princess?" tanong ni Arson at parang gulat din sila dahil mukhang narinig nila ang sinabi ni Amari.

Kanina pa ba sila nandiyan at nakikinig sa amin?

"Y-yes...I am." sabi ni Amari at bigla nalang lumapit sa kanya ang dalawang bodyguards niya.

May sinabi ang isa sa kanila kay Amari na hindi namin naintindihan dahil ibang lenggwahe at agad namang tumingin ulit si Amari sa amin.

"Sorry but I have to go. Shan...I'm so sorry for your lost." sabi niya at agad ng tumalikod.

Napabitaw na din ako sa pagkakahawak sa kanya at tuluyan na siyang sumakay sa kotse matapos siyang pagbuksan ng isang bodyguard niya. Ng tuluyan ng isinara ng bodyguard ang pinto ng kotse at tuluyan ng umandar ito paalis ay napabuntong hininga nalang ako at lumingon kila Janica at Shantal. Pati kila Jaxson at sa mga ka grupo niya.

"Alam kong narinig niyong lahat ang sinabi ni Amari kaya gusto ko sanang humingi ng favor sa inyo." sabi ko at walang sinuman ang nagsalita sa kanila.

Nanatili lang na nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako ulit bago tuluyang magsalita.

"Sana huwag niyong ipagsabi kahit kanino ang narinig niyo para sa kaligtasan ni...Amari." sabi ko at tumango naman silang lahat maliban kay Shantal at Arson.

Nakita ko si Jaxson na papalapit sa akin. Bahagya akong nagulat ng bigla nalang niyang hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mga luha na naglandas sa pisngi ko gamit ang kamay niya.

Doon ko lang din napansin na may nakasuot ng singsing sa kamay niya na kahawig ng singsing na suot ko...ng engagement ring na ibinigay niya sa akin.

"Stop crying. I don't want to see you crying."

Continue Reading

You'll Also Like

484 59 34
(based on not true story) TW: DRAMA ANTHOLOGY!! This the first chapter of Local of Lipa before Hazel and Gerald's coming. Agatha is a smartest studen...
2.2K 762 10
" යා යුතු මග කුමක්දැයි නොඅසන්න කළ යුතු දේ කුමක්දැයි නොඅසන්න නුඹ නුඹටම සවන් දුන්විට එය නුඹටම වැටහී යනු ඇත "
3.3M 207K 90
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.8K 60 27
Anything can happen, but when the destiny does its works everything will be better.