PORTAL

By WackyMervin

10.9K 787 66

PORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: Wacky... More

PROLOGUE
PORTAL 1
PORTAL 2
PORTAL 3
PORTAL 4
PORTAL 5
PORTAL 6
PORTAL 7
PORTAL 8
PORTAL 9
PORTAL 10
PORTAL 11
PORTAL 12
PORTAL 13
PORTAL 14
PORTAL 15
PORTAL 16
PORTAL 17
PORTAL 18
PORTAL 20
PORTAL 21
PORTAL 22
PORTAL 23
PORTAL 24
PORTAL 25
PORTAL 26
PORTAL 27
PORTAL 28
PORTAL 29
EPILOGUE

PORTAL 19

248 25 0
By WackyMervin

********

PORTAL 19

********

                “Bakit parang kanina ka pa di nagsasalita?” kaagad na napansin ni Anna ang pagiging tahimik ko pagkatapos nang pag-uusap namin sa loob ng kwarto ni Ivy. Lumabas ako para makalanghap ng sariwang hangin.

                “Wala to. Wag mo nalang akong pansinin.” Tugon ko sa kanya.

                “Alam mo po, kahit na di ko naiintindihan ang mga nangyayari. Alam kong may problema kang dinadala… at alam ko sa sarili ko na may kailangan akong gawin para mawala yun sakit na nararamdaman mo.” Kaagad akong napatingin sa kanya sa sinabi niyang iyon. At saka ako tumawa ng malakas. Kaso siya naman itong sumimangot.

                “Oh? Bakit ka sumimangot?” tanong ko.

                “Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso ako!” ginulo ko ang ayos ng buhok niya na siyang kinairita niya ng minutong iyon at kaagad ko naming tinigilan.

                “Napaka-bata mo pa para maging seryoso. Ang dapat na ginagawa mo e magsaya at maglaro sa labas.”

                “Kaso… wala pong gustong makipag-laro sa akin.” Doon na siya nagkwento. Simula noong bata pa siya, wala siyang tinuturing niyang kaibigan. Di kasi niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga bata sa kanya ang makipagkaibigan. At lagi raw siyang tinatawag na malas. Noong una di niya ito maintindihan. Hanggang sa parang siya itong pinagbintangan na dahilan kung bakit namatay yung kaibigan nitong babae noon. Nasagasaan ng isang truck yung kaibigan niya dahil sa iniligtas siya nito. Natrauma si Anna noon dahil kinder palang raw siya nito. Pero… napatuloy ang pangyayaring yon hanggang sa ngayon ay ganun parin ang tingin sa kanyan ng mga tao. Lalong lalo na ang mga kapitbahay nila, maski ang mga kamag-anak nila ay siya ang sinisisi. Sa pagkamatay ng kanilang padre de pamilya. Ngunit ayaw naman itong paniwalaan at ayaw talaga ng kanyang ina na sa kanya isisi ang lahat dahil nga di pa nito gaano na iintindihan ang lahat.

                “Di ka malas,” ani ko pa sa kanya.

                “Alam ko. Ang laging sinasabi sa akin ni Inay. Na isa akong blessing. Blessing ako na galing kay God.” Giit pa niya na para bang pinipilit nitong ngumiti.

                “Ngumiti ka na, sige ka papangit ka niyan.” Biro ko pa sa kanya. Saka naman siya ngumiti.

                “Ayan maganda ka na.” sabay pisil ko sa pisngi niya. Nang bigla nalang sumulpot si Ivy at ang sama ng tingin sa aming dalawa.

                “Talaga ho bang magkapatid kayong dalawa? Bakit di kayo magka-mukha?” napatingin ako kay Ivy na masama parin ang tingin sa aming dalawa. Di man siya naka-cross-arm ngunit ramdam ko yung tension na namamagitan sa dalawang batang babaeng ito.

                “O-oo…” nauutal na tugon ko.

                “Oo? Talaga?” di parin siya kumbinsido.

                “Ganito nalang. Mas matanda kasi ako kay Ivy kaya di kami magkamukha at magka…”

                “Hindi kami magkapatid.” Napalingon ako noong si Ivy na ang sumagot para sa akin. Napakamot nalanga ko ng ulo ko sa di ko maintindihan na irereak ko sa nangyari.

                “Bakit naman ako maniniwala sa iyo?” taas kilay na tanong ni Anna kay Ivy.

                “Kasi… wala kang choice kundi ang maniwala sa akin.”

                “Talaga?” mataray pang tanong ni Anna kay Ivy, biglang nagsidatingan ang mga magulang nilang dalawa.

                “Anong nangyayari? Ebong? Ano nangyari?” tanong pa sa akin ni Tito Samuel.

                “Ayaw bata lang po yan,” sagot ko sa kanya.

                “at pinabayaan mo naman sila?” lumapit si Tita Esme at para akong nahiya na tama naman siya sa sinabi niya. Pinabayaan? E wala nga akong magawa kung paano ko sila mapapatigil at pakiramdam ko di ko talaga kayang patigilan silang dalawa.

                “Anna?” hinila ng kanyang ina si Anna.

                “Pagpaumanhin niyo na po… ang anak ko.” Paghingi pa ng tawad ng ina nito sa kanila Tito’t Tita.

                “Ano ka ba. Okay lang yan, tara na sa loob at magsabay-sabay na tayong maghapunan.” Dagdag pa ni Tito. Saka na kami nag-si pasok sa loob ng bahay.

                Katahimikan ang namutawi sa loob ng kusina ng hapon na iyon. Ni wala sa isa sa amin ang nagbukas ng topic upang magsalita. Para bang nagpapakiramdaman. Hanggang sa ako na itong pumutol sa katahimikan ng lahat nang bigla-bigla nalang ay tumayo ako, kahit na di pa kami nagtatapos kumain.

                “Anong problema Ebong?” nag-aalalang tono ng boses ni Tita Esme.

                “Gusto ko na pong umuwi.” Giit ko sa kanya. Napatingin si Tita kay Tito Samuel at ganun din kay Ivyt na parang wala lang naririnig nang oras na iyon. Gusto ko na talagang umuwi. hindi ko alam kung bakit sa dami-rami ng pwede kong sabihin e yun pa ang sinabi ko.  Saka tumayo si Ivy at hinila nito ang kamay ni Anna. Na kinagulat naman ng bata.

                “Saan mo ako dadalhin?” tanong naman ni Anna kay Ivy na natatakot na ng minutong iyon.

                “Anong gagawin mo Ivy?” pasigaw na ani ng kanyang ina ngunit parang bingi at walang naririnig itong si Ivy at patuloy parin na kinakaladkad si Anna. Noong lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kanyang kamay, bigla nalang akong lumipad at tumilapon sa may kusina. Ang sakit ng likuran ko ng minutong iyon, nag-iba ang kulay ng mga mata ni Ivy at nangyayari lang iyon kapag siya ay galit.

                Gumamit na nang kapangyarihan si Tito Samuel, ngunit kaagad na nakagawa ng pangharang itong si Ivy at di naharangan ang kapangyarihang ginamit ni Tito sa kanya. “Ivy… parang awa mo na… wag mo siyang sasaktan!” giit pa ng ina ni Anna.

                “Di siya sasaktan ni Ivy.” Ito ang aking tugon noong muli na akong lumapit sa kanila, kahit na paika-ika ang lakad at masakit ang likod at pinilit kong tumayo at pumunta roon, upang makita ang gagawin niya.

                “Wag mong sabihing…” nanlaki ang mga mata ni Tita Esme sa ginagawa ni Ivy. Sa paghawak nito sa ulo ni Anna, nahimatay si Anna at parang nawalan ng lakas. Pinigilan naman ni Tita na makalapit ito sa harang na ginawa ni Ivy, dahil baka mapahamak ito.

                “Manalig tayo. Alam kong di sasaktan ni Ivy si Anna.” Giit pa ni Tita Esme sa sinabing iyon ni Tita ay parang kahit papaano ay naniwala na itong ina ni Anna. Nagpatuloy sa ginagawa nito si Ivy, maya-maya ay sinugatan niya ang kanyang hintuturo. Kinagat niya ito at may mga dugo nang nagsitulo rito. Na siyang ginamit niya para panulat sa ginagawa niyang ritwal. Oo isang ritwal ang ginagawa niya, may mga kung anong signs siyang sinusulat sa sahig. At bawat signs na ito ay bigla-bigla nalang umiilaw. Lahat kami ay nakaabang sa susunod niyang gagawin. Noong natapos na nito ang kanyang ginawa, ay may apoy na lumabas sa kanyang palad. Maliit lang ito noong una, maya-maya ay bigla itong lumaki at halos sakupin na ang buong harang na kanyang ginawa. Nangangaba na, ito ang nakikita ko sa mga mata nina Tito at Tita. Ngunit mukhang malaki talaga ang tiwala nila sa kanilang anak. Maya-maya pa ay napalitan na nang kulay asul ang kanina lang ay kulay pulang apoy. Nasa tabi pa rin nito si Anna at parang di naman ito naapektuhan ng apoy na nasa kanyang gilid. At lumapis ang ilang pang minuto ay napalitan naman ng kulay itim na apoy ang kaninang asul. At nagporma itong bilog, maliit na bigla-bigla nalang lumaki. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla otomatik na gumalaw ang katawan ko at tumakbo ako papalapit kay Ivy at kahit na alam kong masusunod ako o para lang akong babangga sa pader sa harang na kanyang ginawa ay pinilit ko parin ang sarili ko, hanggang sa parang isang himala na nakapasok ako sa harang at niyakap ko ng mahigpit si Ivy.

                Mahigpit na mahigpit, na siyang nagpakalma sa kanya ng minutong iyon. Ang kaninang malaking kulay itim na butas ay bumalik sa pagiging maliit nito at bigla nalang nawala noong nahimatay si Ivy. Ito na kaya yung sinasabi niyang portal? Kaso kung ito nga iyo ayaw ko namang may mangyaring masama sa kanya. Ayaw kong masaktan si Ivy dahil sa akin. Dahil sa kagustuhan ko. Ayaw ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

223 52 10
unedited | completed | 2023 Is it okay for me to wish for something that I don't have? Ganyan ang sitwasyon ni Beverly. Nang mapunta siya sa mundo ng...
73.4K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
513K 12.8K 22
I don't know how and I don't know if it's magic or miracle, but suddenly, I escaped time. The only explanation I can think of is that maybe... everyt...
2M 72.2K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...