Played by Fate (Game of Love...

By JeraldineTanL

29K 572 47

Game of Love side story: Played by Fate LOVE is not in our choice but a matter of FATE. "Fate will bring you... More

Played by Fate
Chapter 1: Reunion
Chapter 2: Torn
Chapter 3: Anniversary Date
Chapter 4: Family
Chapter 5: Consequences
Chapter 6: Time and Space
Chapter 7: Piggyback Ride
Chapter 9: Parents
Chapter 10: Courage
Chapter 11: Closure
Epilogue

Chapter 8: Romantic Island

1.2K 32 2
By JeraldineTanL

 Chapter 8: Romantic Island

“GOOD MORNING! GET up!” ani Zeke sabay hila kay Mika paupo sa kama. Kanina pa siya ginigising nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabangon and it is almost time for them to leave para sa water activities na gagawin nila.

“Give me one more hour, okay? Just one more hour! Inaantok pa ‘ko,” sagot nito habang nakapikit. Halos wala pa ngang balak na bumangon.

“Mika, come on! You will hate me kapag binuhat kita palabas sa hotel room na ‘to para kumain sa labas,”

“Fine!” napipilitang sigaw nito at umupo. Nananatiling nakapikit ang mga mata nito. Hindi rin nito napigilan na mapahawak sa ulo niya na masakit pero tolerable naman. Dahil iyon sa dami ng nainom niya kinagabihan.

Umupo sa tabi niya si Zeke at inabutan siya ng gamot at tubig. “Drink this. Para sa hangover mo ‘yan. You should prepare now para ‘pag lumabas tayo, tuloy tuloy na.”

Ininom niya iyon at nagsimula ng kumilos. Pumasok na siya sa loob ng CR dala ng ilang gamit niya. Nagshower siya saglit at ginawa ang mga kailangan niyang gawin doon. Paglabas niya, naka-ayos na siya at ready na siya na umalis.

“Why do you look like that?”

“Bakit? Ganito naman ako lagi, ah?”

“Hindi ka na dapat nagmakeup dahil mamaya, mawawala din ‘yan. You don’t really need to put make up on to look beautiful, Mika. Maganda ka na and you know that.”

She just rolled her eyes at him at tumalikod para hindi nito makita ang pagngiti niya. Hindi naman sweet ang sinabi nito pero kinikilig siya. Hindi naman talaga nakakakilig kung iisipin ang sinabi nito sa kanya. What’s wrong with you, Mikaela? Nagpabola ka naman!

Hindi niya mapigilan na sitain ang sarili at pigilan ang nararamdaman. If she will keep on doing that, baka pagbalik nila sa Manila, na-fall na siya ng tuluyan dito lalo na at kahit kaunti ay may feelings pa siya dito and looking back, okay naman sila noon ni Zeke. Nagkagulo lang naman nang makipagbreak ito kay Jin noon. Kilalang kilala niya rin naman ito. She knows how good Zeke can be. Alam niya na gagawin nito ang lahat para sa kanya at mahal na mahal siya nito. Ang kaso, hindi niya alam ngayon kung kagaya pa rin ba noon ang nararamdaman nito para sa kanya.

“Let’s go! Gutom na ‘ko. Tigilan mo na ‘ko sa mga banat mo na ‘yan.”

Kinuha niya na ang pouch niya na may laman na pera at cellphone saka sumama kay Zeke sa paglabas nito. Sa hotel na tinutuluyan nila ay may inclusive na breakfast buffet kaya naman wala na silang inalala kung saan kakain. Pagkadating nila doon ay bakante ang puwesto na pang-dalawahan kung saan mas tanaw mo ang beach ng Boracay. Hindi rin naman maaraw at maaliwalas ang panahon kaya doon na sila umupo.

“I’ll get the food for the two of us,” pagpepresinta ni Zeke saka iniwan siya doon.

Habang naghihintay, kinuha niya ang phone niya at nagtingin tingin. Doon niya lang nadiscover sa call logs ng phone niya a tinawagan niya ang Mommy niya.

“Oh no,” nasambit niya. Hindi niya maalala na tinawagan niya ito at base sa tawag na ‘yon, halos limang minuto rin niyang kausap ito. “What have I done?”

She cannot remember anything that caused her to panic. All she can remember is uminom pa sila ni Zeke noong gabi matapos nilang mag-usap. Dahil sa kalasingan no’n, ni hindi niya na alam kung paano siya nakabalik sa kuwarto pero sigurado naman siya na si Zeke ang nagdala sa kanya doon. Ang inaalala niya lang, baka kung ano ano na ang nasabi niya sa mga magulang lalo na at lasing siya. Baka nasabi niya ang mga bagay na hindi niya dapat na sinabi sa mga ito. Marami kasi siyang hinanakit sa parents niya but when it comes to them, wala siyang say at nananahimik lang siya.

Kahit na nakabalik na si Zeke sa puwesto nila ay nanatili siyang walang imik pero nang mapansin niya ang pagkain sa harap niya ay nanlaki ang mata niya.

“Ipapakain mo sa’kin ang lahat ng ‘to?! Patatabain mo ba ‘ko?”

“Kung kaya ko, why not? But don’t worry, that is really not my intention. Gusto ko lang na kumain ka ng marami dahil marami tayong gagawin at kailangan mo ng energy. Eat up,”

“I can’t eat all of these,” sabi niya habang nakatingin kay Zeke at pinagmamasdan ang reaction nito. Nang mapansin niya na hindi ito natuwa sa sinabi niya, nagsalita siyang muli. “Fine, I will try but I can’t promise you na mauubos ko ‘to.”

Sinimulan niya ng kainin ang pagkain. Gusto niya naman ang pagkain kaya magagawa niya namang ubusin ‘yon. Sadyang nag-iinarte lang siya. Hindi niya rin kasi magawang kumain ng marami dahil takot siyang tumaba. Kapag nangyari ‘yon, kakailanganing niyang lumagi sa gym dahil sa trabaho niya, kailangan niya i-maintain ang katawan niya.

She know very well din na ayaw ni Zeke na nagcocontrol siya sa pagkain. Gusto nito na kung ano man ang inihahanda para sa kanya ay kainin niya at maubos. Ganoon naman kasi noon pa. Alagang alaga talaga siya nito. Instead na ang parents niya ang gumagawa at naggaguide sa kanya, si Zeke ang gumagawa noon. When Zeke is with here, hindi uso ang diet diet dahil strict talaga ito when it comes to eating.

Habang kumakain ay bigla na namang sumagi sa isip niya ang phone call na ginawa niya noong nakaraang gabi kaya natigilan siya sa pagkain.

“Mika, is there anything wrong? Hindi mo ba gusto ang pagkain?”

“Zeke, I called my parents last night. Anong sinabi ko sa kanila? I don’t remember anything. Baka kung ano ano na ang nasabi ko,”

“I really don’t know. I tried to stop you but you insisted on calling them kaya hinayaan na lang kita because if not, nagwawala ka. I don’t even know kung ano ang sinabi mo sa kanila dahil pumasok ka sa CR at doon ka nakipag-usap sa kanila,”

“And then?”

“Sabi mo paglabas mo, you finally did it. I don’t really know kung ano ang sinabi mo sa kanila at kung ano ang tinutukoy mo.”

She let out a heavy sigh. She’s doomed. Bakit ba kasi siya nagpakalasing lasing? ‘Yan tuloy, nagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat na ginagawa. Naalala niya bigla noong nagpakasal si Gab. Nagdrunk call din siya noon. Mabuti na lang at hindi na ginawang issue nina Jin at Gab at pinalagpas na lang nila iyon. Sobrang hiya ang naramdaman niya noon and now, she is making the same mistake twice... at sa parents niya pa.

“May iba pa ba akong ginawa after that?”

“Wala na. You just cried yourself to sleep. I feel so helpless. Hindi ko alam kung paano kita icocomfort kaya hinayaan na lang kita to let it all out,”

“You don’t have to help me. Ako na ang bahala sa sarili ko and sa parents ko. I know you are concern but I know I can handle this. Thank you,”

“I think you really have to talk to them once we get back to Manila. Malamang may mga sinabi ka sa kanila na kailangan niyong pag-usapan. Who knows? Maybe may magbago,”

“They will never change, Zeke,”

“Kasi hindi nila alam ang side mo. They don’t know how you feel because you never told them. Try to talk to them and for sure, there will be a way to resolve your problems with them,” advice nito sa kanya. She is still not confident to talk to her parents. Baka kasi lalo lang siyang iwasan ng mga ito lalo na sa ginawa niya kinagabihan which she cannot remember.

Tila napansin ni Zeke ang reaction niya kaya naman hinawakan nito ang mga kamay niya.

“Don’t worry, Mika. Everything will be alright. I know na takot ka na sabihin ang lahat sa parents mo pero hanggang hindi mo sinusubukan, you will never know. You can do it. Ilabas mo ang matapang na Mika na kilala namin, okay? I’m always here to cheer you up.”

She forced a smile. “I will try, Zeke. I will do my best.”

“AAAHHH! NALULULA AKO!” sigaw niya ng paulit ulit at nakahawak ng mahigpit sa harness. Kasalukuyan silang nagpaparasailing at hanggang ngayon ay unti-unti pa rin silang iniaakyat to get a better view of the island.

Zeke can’t help to laugh watching her. Matapang kasi siya at mahilig sa mga ganoong bagay but she never expected na malulula siya doon. Siguro ay dala na rin iyon ng takot niya kung sakali man na may mangyari na hindi maganda dahil hindi siya marunong lumangoy.

Napatingin na lang siya sa kasama nang hawakan nito ang kamay niya at nginitian niya ito. Kahit papano ay lumakas ang loob niya sa ginawa nito. Pumikit siya at huminga ng malalim. Pagdilat niya ng mga mata niya, nakita niya ang ganda ng buong Boracay. She can’t help but say

“Wow! Ang ganda pala dito sa taas,”

“You like it?”

“What are you talking about? I love it! Thank you.”

Tahimik lang sila sa taas while admiring the view. Perfect ang activity na ginawa nila for the weather. Well, lahat naman ng gagawin nila ay inarrange na ni Zeke.

“It would be really nice if my parents were also here with me,” mahina niyang nasabi pero sakto na para marinig ni Zeke. “But don’t get me wrong. It was good doing these things with you. Ito ‘yung mga bagay na gusto natin gawin noong highschool pa tayo but we weren’t able to do so. Imagine, nagawa pa rin natin ‘to after so many years!”

“I wouldn’t mind doing everything we planned years ago, Mika. Sabihan mo lang ako,”

“Sobra sobra na ang ginagawa mo para sa’kin, Zeke. Tama na dahil baka hindi ko masuklian lahat ng ‘yon. Just staying beside me is okay. You really don’t have to do all of these,”

“I’m not asking anything in return, Mika. As long as I can see you happy, okay na ako. Sapat na ang thank you mo bilang kapalit ng mga ginagawa ko.”

She just smiled. She know where their conversation is going. Hindi tatagal at tungkol na naman sa feelings ang pag-uusapan nila kaya nanahimik na siya. If they are going to talk about their feelings, hindi doon ang tamang venue para doon.

Nang matapos ang parasailing at makaalis sila sa harness, doon lang narealize ni Mika na hanggang ngayon ay magkahawak kamay pa sila ng ex boyfriend kaya naman binitawan niya na ang kamay nito at awkward na humiwalay dito. Muli silang sumakay sa speedboat pabalik sa pinanggalingan nila.

“What are we going to do next?” tanong ni Mika kay Zeke.

“What do you want to do?”

“Hm, everything! Let’s try everything na p’wede nating gawin!”

And so they did. For that day and the next day that they stayed on that romantic island called Boracay, kung ano anong activities ang ginawa nila like island hopping, helmet diving, scuba diving, cliff diving, flyfish at kung ano-ano pa. Nagkakain din sila sa iba’t ibang restaurants doon at syempre, hindi nawawala ang picture taking. And now, for their last night, pinili na lang nila na magswimming kaysa mag-inom sa mga bar doon.

“It’s getting cold, hindi ka ba nilalamig? Kanina pa tayo nasa tubig,” tanong sa kanya ni Zeke.

“No, I’m alright. Marami-rami pa naman ang nagsswimming. The sun just set. Mamaya na tayo kumain ng dinner.”

Napahawak na lang si Mika sa balikat ni Zeke nang may maramdaman siyang kakaiba sa legs niya. Bigla siyang nagpanic dahil hindi niya alam ang gagawin lalo na’t nasa area sila kung saan hanggang sa leeg niya na ang tubig.

“Zeke, I can’t move. Pinulikat yata ako,” sabi niya dito.

“Hold on to me. Bubuhatin kita.”

She nodded and put her arms around his neck at binuhat na rin siya nito papunta sa dalampasigan. Habang naglalakad papunta doon ay hindi niya maiwasan na titigan ito. For the past few days, alagang alaga siya nito and she can’t deny the fact na sa bakasyon nilang iyon ay talagang nag-enjoy siya at kahit papano ay nakalimutan niya ang mga problema.

Pinaupo siya nito sa buhangin and gently massaged her foot hanggang sa naging okay na ito. Matapos ‘yon ay inalalayan niya ito pabalik sa hotel room at doon na sila nagbanlaw at nagbihis so they can have their dinner.

Kumain sila sa isang restaurant kung saan may live band na tumutugtog at hindi gaanong maingay para makapagkwentuhan sila. Tomorrow morning, balik na naman sila sa usual na gawain nila sa buhay. Zeke is going back to work at siya naman, sa bahay muna para makapagpahinga and she plans on visiting her parents sa bahay. Gusto niya na matulog sa bahay nila kahit two nights lang. Magbabakasakali siya na makakausap niya ang mga ito.

Tahimik lang silang kumakain while enjoying the live band na tumutugtog ng puro acoustic na kanta. Nararamdaman din niya ang kaunting pagkahiya kay Zeke. Hindi niya maikakaila kung paano siya naging clingy dito habang nandoon sila. Then again, she started to depend on Zeke. Paminsan minsan nga ay kinikilig pa siya dito kahit hindi naman siya nito pinapakilig. Am I falling for him again?

“Mika, can you be my girlfriend?” biglang tanong nito sa kanya na naging dahilan para maubo siya. Agad rin naman siya nitong inabutan ng baso ng tubig na ininom niya rin.

“I’m sorry. Okay ka lang?”

“I’m alright. What is it you’re asking again?”

“I know I’m fast to ask you to be my girlfriend so I understand if you don’t want to--”

“I would love to but--”

“But what?”

“Zeke, I really want to take a risk and try it again with you but there is something stopping me. Kung sakali man na maging tayo na ulit, hindi ko alam kung paano ‘yon sasabihin kay Marc. Alam mo naman ang nangyari, ‘di ba?”

“Is he really the problem here? Kasi kung siya nga, I don’t see him as a valid reason. I am willing to wait until you and your parents are okay pero kung si Marc ang dahilan, parang may mali yata do’n. You guys are over, right? I know you don’t love him and I can feel it, you still have feelings left for me and I can settle with those feelings. I will make you love me like you did before. Mika, I really love you and if I have to fight for you, I will. Kung kailangan mo na kausapin pa si Marc, then it is okay pero sana ‘wag mong pigilan ang sarili mo dahil alam mo na masasaktan siya kung sakali. Alam ko na ‘yan ang pumipigil sa’yo.”

Sandaling nanahimik si Mika. She knows that Zeke is really sincere. Ramdam niya ‘yon hindi lang sa salita nito kung hindi pati sa mga actions nito. She cannot deny the fact na kahit saglit pa lang sila magkasama nito, nahulog na naman ang loob niya dito. Pakiramdam niya tuloy ang unfair niya kay Marc. Matagal man nageffort sa kanya si Marc pero hindi man lang siya nagkaroon ng feelings para dito pero kay Zeke, madaling nadevelop iyon.

Maybe that is because of the length of time na kilala mo ang isang tao. Since Zeke is with her mula pa noong bata sila hanggang sa makagraduate sila ng highschool, kilalang kilala niya na ito. Alam niya na ang ibig sabihin ng mga actions nito at mas madali silang nagkakaintindihan. Idagdag pa don ang fact na Zeke was her ex boyfriend and first love kaya naman hindi madali na mahalin niya itong muli. Siguro may dahilan lang talaga kung bakit sila pinaglalapit muli ng tadhana and in that unexpected time na kailangan na kailangan niya ito.

Sa mga sinabi ni Zeke, tinamaan siya kaagad doon. It is true. Dahil lang sa guilt kung bakit siya naghohold back ng feelings when she really doesn’t have to. Siguro ay kailangan muna nila magkaroon ng maayos na closure ni Marc before she can start again with Zeke. At bago pa man ‘yon, she needs to fix everything with her parents. Like what Zeke said, he can wait. Nagawa nga nitong maghintay ng ilang taon, paano pa ngayon, ‘di ba?

“Mika?” tawag nito sa kanya dahil sa tulala na siya.

“Zeke, I would want to try it again with you. I’ll be straightforward now since hindi naman na tayo bata para magpa-tweetums pa at magpaligoy-ligoy. I like you and I don’t mind to try it with you again. These past few days, I really enjoyed your company and it might seem fast but I started to develop my feleings for you... again. But I really can’t be your girlfriend right now. May mga bagay pa akong kailangan ayusin with Marc and with my parents. I know you will understand so I’m telling you exactly how I feel. I really cannot commit myself with anyone kung ‘yung sarili kong buhay, hindi pa maayos.”

Hindi niya inaasahan ang nakuha niyang reaction mula kay Zeke. Ngumiti ito.

“You’ve matured so much, Mika. I love you more because of that. You know exactly what to do. Don’t worry, I will just stay by your side until everything is back to normal,”

“Thank you, Zeke.”

She can’t help but smile. Kahit nang matapos silang kumain at pabalik na sila sa hotel na pinagsstayan ay nakaplaster pa din ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Idagdag pa doon na they are holding hands while walking. Dinadama ang lamig ng hangin sa beach. Naglakad lang sila ng naglakad habang nagkekwentuhan. They are reminiscing the happy memories they had.

“It’s time,” biglang nasabi ni Zeke na ikinataka niya.

“What do you mean?”

“Happy birthday, Mika. Happy Valentine’s Day na rin,” sabi nito habang hawak hawak ang dalawang kamay niya.

Bigla siyang napaisip. It is really her birthday at kasabay noon ang Valentine’s. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa kaarawan niya dahil sa dami ng iniisip niya. Kaya naman pala iba ang feel sa lugar na ‘yon at sandamakmak ang couples na nakikita niya ay dahil Valentine’s Day at doon pinili na magcelebrate.

“Wow! Naalala mo pa, ha? Ako nga nakalimutan ko na, eh. But wait, that’s it?”

“That’s it? Well, yes. I wanted to be the first one to greet you. Isn’t it special?”

“Wala man lang akong flowers, chocolates, life size teddy bear or kahit cake man lang? That’s just it? Sana naman kung isusurprise mo ako, sinagad sagad mo na!” may pagka-demanding na sinabi niya. Actually, she was just joking. Hindi niya naman talaga kailangan ng ganon. Masaya na siya na may nakaalala ng birthday niya.

“Come with me!”

Hinila siya nito pero napansin niya na pabalik na sila sa hotel at kagaya ng inaasahan, doon nga sila pumunta at papunta pa sa hotel room.

“Teka lang, nageexpect ako pero mukhang deretso na tayo para magpahinga. Ano ba naman ‘yan! Nakakainis!”

Tinawanan lang siya ni Zeke at pumasok sila sa hotel room nila. Nang buksan ang ilaw, nagulat siya dahil may mga balloons na nakadikit sa kisame at may mga ribbon na nakakabit doon at may nakasabit pa na pictures. Tiningnan niya ang mga iyon at nakita ang mga pictures niya, mayroon din doon na kasama niya ang family niya at pictures nilang dalawa ni Zeke.

“Wow! Infairness, ah? Hindi bongga pero maganda!”

Nang lumingon siya kay Zeke ay napataas ang kilay niya dahil may hawak itong cake. Just where did that come from? Nginitian niya na lang ito as he sings happy birthday.

“Now, make a wish and blow the candle.”

Pumikit siya and made her wish. Lord, I wish... I wish that my family will be united again. Sana hindi na puro work sina Mommy and Daddy para magka-time na sila with me. That’s all I’m wishing for mula pa noon. Matapos ang wish niya ay idinilat niya ang mga mata at hinipan ang kanila. Now, for her wish to come true, kailangan niya din mag-act at hindi lang umasa kay Lord. Ready na siya, haharapin niya na ang parents niya pagbalik niya ng Manila.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.6K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
8.2K 219 8
lagi nya akong binubully ano ba gusto nya? ano ba kaylangan nya sakin? bat ba laging ako?