My Last Fall (Bestfriend Seri...

Door jeyninstrous

14.3K 668 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred Meer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 22

244 11 0
Door jeyninstrous

Dumating ang biyernes na sobrang lutang ng isip ko hanggang sa matapos ang morning class at afternoon class namin.

Tang*nang utak to oh! wala na ngang laman lutang pa!

Gustuhin ko man na magfocus sa pakikinig sa mga discussions ng teachers namin ay talagang wala akong maintindihan dahil sa kakaisip ko kong kamusta na si Shantal at Amari.

Hindi pumasok si Shantal at nag excuse siya sa lahat ng teachers namin dahil tutulungan niya ang parents ni Clint sa pag-aasikaso sa lamay nito. Si Amari naman ay wala pa kaming balita sa kanya kong kamusta na siya matapos ng nangyari.

May number si Janica sa kanya pero kong tatawagan naman namin ay hindi siya sumasagot at minsan ay cannot be reach. Gusto nga sana namin siyang puntahan sa bahay nila kaso hindi naman namin alam kong saan siya nakatira dahil wala siyang nababanggit sa amin at sobrang private niyang tao.

Nandito kami sa cafeteria ngayon kasama ang mga kaibigan ni Jaxson dahil napagkasunduan namin lahat na kumain muna bago umuwi. Mamayang gabi pa naman kami pupunta sa bahay nila Clint para makiramay.

Gustuhin ko man na maging masaya dahil okay na kami ni Jaxson ay hindi ko magawa dahil nag-aalala ako sa dalawa ko pang bestfriends.

"Starting today, Solana and her friends can sit here in our VIP table." anunsyo pa ni Jaxson sa mga kaibigan niya at tumango tango naman ang mga ito.

Dito na kami nakaupo sa VIP table ngayon na may sampung upuan at para lang sa grupo ni Jaxson kaya mas dumadami ang haters namin dahil nga dito na kami nakaupo kasama ang mga heartthrobs ng campus at hindi na sa dati naming spot. Kahit magalit sila sa amin ay wala akong paki dahil alam ko namang inggit lang sila.

Inggit well mga schoolmates and classmates, die later charot!

Nakikinig lang kaming dalawa ni Janica sa kanila habang nag-uusap sila tungkol sa band competition na sasalihan nila. Dahil wala na si Clint na keyboardist nila ay maghahanap sila ng bago.

"Why don't we find a girl vocalist?" napatingin ako kay Zeddie ng magsalita siya habang kumakain.

Nakita ko naman na napatingin silang lahat kay Jaxson na para bang hinihintay nila ang sasabihin nito.

"Is my suggestion good, cousin?" may pagka-sarkastiko sa boses na sabi ni Zeddie at nakita ko naman ang masamang tingin ni Jaxson sa kanya.

Nag-away ba sila? I smell something piggy--este fishy.

"We're finding a keyboardist not a girl vocalist." sabi ni Jaxson.

"But it's better to find a girl vocalist para naman may ka partn--" hindi na naituloy ni Zeddie ang sasabihin niya ng tumayo si Jaxson mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

"I already said that we don't need a girl vocalist, naiintindihan mo ba?" inis na sabi ni Jaxson at agad na akong hinila patayo kaya nagulat ako ng bahagya.

"Eyyy ano ba yan! di pa ako tapos kumain, Jaxson!" reklamo ko habang ngumunguya ng fries.

Nakita ko namang tumayo si Zeddie at pumunta sa kabilang side at hinawakan din ang isa kong kamay.

"Let her finish her food, Jax." sabi ni Zeddie.

"She's done." sabi naman ni Jaxson.

Magrereklamo pa sana ako ng mabilis niyang inalis ang kamay ni Zeddie na nakahawak sa kabila kong kamay at hinila na ako palabas ng cafeteria. Ng makalabas kami ng cafeteria ay agad niyang binitawan ang kamay ko at nagpamauna ng maglakad kaya sumunod agad ako sa kanya.

"Woy! ano bang problema mo?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

Hindi niya ako sinagot kaya mas lalo ko siyang kinulit at hinawakan ang isang braso niya. Napatigil siya sa paglalakad.

"May problema ka eh tsaka bakit ba ayaw mo sa suggestion ni Zeddie kanina? ayaw mo non may ka duet ka?" sabi ko pa at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

Isinilid niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya.

"I don't want his suggestion ." sabi niya at tinalikuran ako at naglakad na ulit.

"Bakit nga?" tanong ko pero hanggang sa makarating kami sa parking lot ay hindi niya ako sinagot.

Agad niyang binuksan ang kotse niya at sinenyasan akong pumasok pero nanatili lang akong nakatayo at tinignan siya.

"I said get in." sabi pa niya at mukhang nawawalan na ng pasensya.

"Wala ka kayang sinabi na pumasok ako, sumenyas ka lang uy." sabi ko pero inikutan lang niya ako ng mata at hinawakan ulit sa kamay at pinaupo sa shotgun seat.

Bago pa niya maisara ang pinto ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya at agad din na binitawan. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya.

"Ikaw ang maghahatid sa akin sa bahay namin?" tanong ko at tumango siya.

"Baka sunduin ako ni kuya Felix."

"I already told your Mom and Dad na ako na ang maghahatid at susundo sayo palagi." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Seryoso?! sinabi mo yon?" tanong ko at tumango naman siya.

"Bakit mo naman sinabi yon?" tanong ko at nakita ko pang napakamot siya sa batok niya.

"Can you stop asking?" sabi niya sa naiirita na boses.

"Bakit ang sungit mo na naman? nagtatanong lang naman ako ah!"

"You know that I hate noisy." sabi niya at agad ng isinara ang pinto at umikot papunta sa driver's seat at agad na sumakay.

"Put on your seatbelt." sabi niya at napairap naman ako bago mag seatbelt.

Akala ko pa naman siya ang maglalagay ng seatbelt sa akin hmp! kahit kailan talaga napaka ungentleman!

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako dahil ayaw nga niya sa maingay.

Eh sa ipinanganak akong maingay paki ba niya?

Pagkarating sa tapat ng bahay namin ay agad naman niyang itinigil ang kotse at agad na akong lumabas. Hindi na umasang pagbubuksan niya ako ng pinto kasi nga ungentleman siya diba?

Maglalakad na sana ako papasok ng gate ng bahay namin ng tinawag niya ako kaya napalingon ako sa kanya habang nakasimangot.

"Ano na naman?" tanong ko sa nagtatampo na boses.

Kakainis lang kasi! ako na nga yong nagpapaka-bait sa kanya pero siya ang sungit pa din sa akin! tukmol talaga!

"Look, I'm sorry if I'm being mean to you. Ayaw ko lang talaga ng maingay." sabi niya na mas lalo kong ikinasimangot.

"So, ayaw mo din sa akin dahil maingay ako? kbye!" sabi ko at tinalikuran na siya pero mabilis niya akong hinila paharap sa kanya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap.

Lub dub! Lub dub! Lub dub!

Hindi ko alam pero shemsss! kinakabahan ako na kinikilig!

What is happening to the world??? to my heart??? to my pempem--- tignan mo tong si pempem ko kinikilig din! napaka malandi amputa! kurutin kita diyan eh!

"Sorry if I'm so mean. Promise, gagawin ko ang lahat para masanay sa ingay ng bunganga mo." sabi niya na ikinatawa ko ng bahagya.

Loko talaga to! kenekelegg ake ahehe.

"Sorry din, susubukan ko na din na huwag masyadong mag-ingay." sabi ko at agad naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at kinurot ang pisngi ko kaya nahampas ko siya sa braso.

"Aray! yong pishngi ko mashaket!" reklamo ko pero tinawanan lang ako ng loko.

"Tsk! pabebe." sabi pa niya at agad na napabitaw sa pisngi ko ng may marinig kaming tumikhim.

Sabay kaming napalingon sa likuran namin at nakita ko si Mommy at Daddy na nakatayo sa tapat ng gate at nakatingin sa amin habang nakangiti. Agad namang lumapit si Jaxson sa kanila at bumati at nakipagbeso kay Mommy at nakipag manhug kay Daddy.

"Ang sweet niyo naman, kinikilig ako!" sabi pa ni Mommy at kinurot ako sa tagiliran kaya agad akong napaigtad.

Tignan mo tong si Marga oh! matapos akong kurutin ay hinampas naman niya ng bahagya si Jaxson sa braso at nagpabebe.

Nakoww! si Mommy talaga pabebe amputa!

"Jaxson hijo, thank you for bringing my daughter home." sabi pa ni Daddy at ngumiti naman si Jaxson.

"No problem, tito." sabi pa niya.

Si Mommy naman ay panay pa din ang kaka-hampas ng mahina sa kanya. Agad na hinila ni Daddy si Mommy palayo kay Jaxson.

"Uhm...tito and tita, I have to go. Susunduin ko nalang po si Solana mamaya para sabay na kaming pumunta sa bahay nila Clint." sabi ni Jaxson at tumango naman si Daddy at si Mommy naman ay nag wave.

"Mag-iingat ka Jaxson hijo, magpapakasal pa kayo ng anak ko." sabi pa ni Mommy at nakita ko pang napailing si Daddy hanggang sa nakasakay na si Jaxson sa kotse niya at pinaharurot iyon paalis.

Agad na kumapit si Mommy sa braso ko at tuluyan na kaming tatlong pumasok ng gate. Pagkapasok namin sa bahay ay naabutan ko ang tatlo kong kuya na nakaupo sa sofa sa living area at naka poker face.

Babati pa sana ako sa kanila ng mabilis akong hinila ni Mommy paakyat ng hagdan at si Daddy naman ay lumapit sa kanilang tatlo. Pagdating namin ni Mommy sa kwarto ko ay taka ko siyang tinignan.

"Mommy, bakit parang wala sa mood ang mga yon?" tanong ko sa kanya patungkol sa mga kuya ko at naupo sa kama.

"Haynaku! eh kasi yang mga kuya mo muntik ng makulong buti nalang nakausap ng Daddy mo ang mga pulis at na piyansahan namin sila." sabi ni Mommy at umupo sa tabi ko.

"Bakit naman po sila ikukulong ng mga pulis?"

"Dahil doon sa mga baril na dala nila." sabi pa ni Mommy.

Doon ko lang naalala na may dala nga silang mga baril at hindi ko alam kong saan galing.

"Oo nga pala Mommy nakita ko din yon, saan nga pala galing ang mga baril na yon?" tanong ko kay Mommy pero nagkibit balikat lang siya.

Agad na ding tumayo si Mommy at nagpaalam na at lumabas na ng kwarto ko.  Inilapag ko ang bag ko sa kama at dumiretso sa bathroom at nag shower.

Pagkatapos ay pumunta sa walk in closet ko at nagbihis dahil mamaya susunduin ako ni Jaxson para sabay na kaming pumunta sa bahay nila Clint.

Naghanda din ako ng extrang mga damit dahil balak kong mag overnight doon at samahan si Shantal tutal friday naman ngayon at saturday na bukas walang pasok.

Paniguradong doon yon matutulog si Shantal o baka nga hindi na yon mag abala pang matulog.

Isinilid ko sa maliit na backpack ang mga dadalhin ko at nagsuot na din ng jacket para hindi ako lamigin kong sakali. Napalingon ako sa balcony ng kwarto ko at nakita kong umuulan na sa labas dahil kanina lang ay makulimlim ang langit.

Pagkatapos kong ayusin ang mga dadalhin ko ay agad ko na din na inayos ang sarili ko.

Maya maya pa ay may narinig akong busina sa labas ng bahay kaya binuksan ko ang sliding door ng balcony ng kwarto ko at sinilip kong kaninong kotse ang dumating. Nakita ko ang kulay blue na kotse ni Jaxson kaya agad na akong bumalik ulit sa loob at dinampot ang maliit kong backpack na nakalagay sa kama at ang phone ko.

Narinig kong may kumakatok sa pinto kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at binuksan iyon. Nakita ko kaagad si yaya Nancy na nakatayo sa labas ng pinto habang nakangiti.

"Ma'am Solana, nandito na po ang fiance niyong yummy." sabi pa niya at umaktong kinikilig.

Napaka landi talaga nitong Nancy na to oh!

"Tse! kinilig ka naman dahil gwapo si Jaxson? pangit mo yaya Nancy!" sabi ko at agad na lumabas ng kwarto ko at tumakbo pababa ng hagdan.

"Grabe si Ma'am oh! ganda ka ma'am?" rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin dahil talagang maganda naman ako.

Inggit lang siya dahil mukha siyang kuko, charot!

Nadatnan ko kaagad si Jaxson sa living area habang nakaupo sa sofa at kausap si Mommy. May patawa tawa pa silang nalalaman.

"Oh baby, andyan ka na pala!" sabi pa ni Mommy ng makita niya ako.

"Ay hindi Mommy, wala ako dito at kaluluwa ko lang to." sabi ko pa pero tumawa lang si Marga pangit, chos!

"Abnormal ka talaga, baby." sabi niya at nilapitan ako at mahinang hinampas.

"Mana mana lang yan, Mommy." pinanlakihan niya ako ng mata kaya agad akong nag peace sign at lumapit na kay Jaxson na ngayon ay nakatayo na.

"Let's go?" tanong niya at tumango naman ako at nagpaalam na kay Mommy.

"Bye Mudra kong pangit---este magandang maganda!" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Asan nga pala sila Daddy at sila kuya, Mommy?" tanong ko matapos ko siyang halikan sa pisngi.

"Pumunta sa company natin ang Daddy mo dahil may aasikasuhin lang daw at sila kuya mo ayun! nakipag date sa mga girlfriend nila kaya kayo, mag-date din kayo."

"Mommy anong date ka diyan? pupunta kami ng lamay uy!" sabi ko at napakamot naman si Mommy sa ulo niya.

Daming kuto ni Marga, chos!

"Ay oo nga pala hehe. Oh siya sige na umalis na kayo dahil baka lumakas pa ang ulan at ma traffic kayo sa daan. Huwag kang mag-alala baby ako na ang bahalang magpaalam sa Daddy at sa mga Kuya mo." sabi ni Mommy at agad naman akong nag thank you sa kanya at nagpaalam na din si Jaxson sa kanya at tuluyan na kaming lumabas ng bahay.

Agad akong pinayungan ni Jaxson ng dala niyang payong at hinapit niya ang baywang ko para mas lalo akong ilapit sa kanya. Hindi na ako nagreklamo pa dahil baka mabasa pa ako ng ulan.

Nakasunod naman sa amin ang isa pang maid namin sa bahay na nakapayong din. Ng tuluyan na akong makapasok at makaupo sa shotgun seat at nakaupo na din si Jaxson sa driver's seat ay agad na niyang ibinigay sa isa naming maid ang payong at isinara na ang pinto at pinaandar ang kotse paalis.

Nakatingin lang ako sa labas habang abala siya sa pagmamaneho. Bigla nalang niyang itinigil ang kotse dahil sobrang traffic.

Hindi nga nagkamali si Mommy dahil ma- traffic nga.

Napalingon ako sa kanya ng bigla nalang siyang nagpa play ng music sa cellphone niya na nakalagay sa monopad sa gitna ng dashboard. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil favorite song ko ang pinatugtog niya.

Playing: Fall For You

Napapikit ako para damhin ang kanta pero napamulat ulit  ng marinig ko siya na nagmumura at sinapak niya ang manibela.

Problema niya? may galit ba siya sa manibela o baka naman sa kanta?

"Woy okay ka lang? ayaw mo ba sa kanta?" tanong ko at lumingon naman siya sa akin.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil parang nagu-guilty na natatae na ewan ang expresyon ng mukha niya.

"No, it's not about the song." sagot niya.

"Eh bakit nagmumura ka diyan at sinapak mo yong manibela?"

"I'm mad of myself and at the same time guilty." sabi niya habang nakatingin pa din sa akin.

"Bakit naman?" tanong ko at naisip ang manibela.

Kawawa naman kasi dahil hindi naman pala siya ang kinagalitan pero siya ang sinapak.

"Nagu-guilty ako dahil sa paraan ko ng pagtrato kay Clint. I'm mad of myself because I didn't give him a chance to explain his side and I choose to get mad at him when I found out that he's gay." sabi niya at naihilamos ang dalawang kamay niya sa mukha niya at sumandal sa headrest ng upuan niya at pumikit.

Agad ko namang hinawakan ang isang kamay niya at tinapik ito. Agad siyang nagmulat at tumingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Naiintindihan kita at okay lang na ma- guilty ka pero huwag kang magalit sa sarili mo dahil alam kong nagawa mo lang yon dahil kaibigan mo siya. Siguro nabigla ka lang ng malaman mo na ganoon ang pagkatao niya kaya ganoon ang naging pakikitungo mo sa kanya pero sure naman akong naiintindihan ka ni Clint dahil mabait siyang tao."

"Do you think he will forgive me?"

"Oo naman. Walang tao na hindi kayang magpatawad, Jax. Nagagalit tayo dahil sa mga taong nagkasala sa atin pero hindi ibig sabihin non ay hindi na natin kayang magpatawad. Kahit gaano man mahirap ang magpatawad ay kailangan gawin  dahil iyon ang mas mabuting gawin at kinakailangang gawin." sabi ko at tumigil muna sandali.

"Alam mo sa totoo lang, masarap sa pakiramdam ang magpatawad lalo na ang patawarin, gaya ng pagpapatawad mo sa akin." sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Sorry." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka nagso-sorry?'

"Sorry dahil sinabihan kitang walang kwentang kaibigan. Ako naman talaga ang walang kwentang kaibigan."

"Woy! huwag mo ngang sabihin yan! may kwenta ka kaya! tsaka kahit napaka-mainitin ng ulo mo palagi ay hindi ko pinagsisi-sihan na naging boy bestfriend kita." sabi ko at nakita ko naman siyang ngumiti.

Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti. Kaysa naman sa nakasimagot palagi na akala mo ang laki ng galit sa mundo.

"Really?" tanong niya at tumango naman ako at nag thumbs up.

"Really really!" sabi ko at sabay kaming natawa.

"Kahit pa magkasala ako sayo hindi mo pagsisi-sihan na naging boy bestfriend mo ako?" tanong niya at ngumiti naman ako at umiling.

"Hinding- hindi dahil nga boy bestfriend kita at ang mag bestfriend ay hindi nag iiwanan, nag-aaway lang." sabi ko at sabay ulit kaming natawa.

Tuluyan na niyang pinaandar ang kotse ng umusad na ang traffic. Narinig ko pa ang huli niyang sinabi na nagpangiti sa akin.

"I'm so lucky to have you as my girl bestfriend, Solana."

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.9K 90 37
A compilation of words.
484 59 34
(based on not true story) TW: DRAMA ANTHOLOGY!! This the first chapter of Local of Lipa before Hazel and Gerald's coming. Agatha is a smartest studen...
4.8K 2.1K 10
A TEEN SHORT CHRISTIAN FICTION Raised by a single Christian mom, Fiyinfoluwa has always hated the fact that her mom always made her attend church fel...
838 55 10
polaroid of our memories.