Forbidden Desire

נכתב על ידי SenyoritaAnji

1.6M 42.9K 6.9K

WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT ••• He was a living temptation that I shouldn't let myself be tempted. ... עוד

Forbidden Lust
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 17

38.3K 1.2K 207
נכתב על ידי SenyoritaAnji

Chapter 17

Napaungot ako nang maramdaman kong parang mabibiyak ng pinong-pino ang utak ko. Wala sa sarili akong bumangon mula sa kama habang hinihilot ang aking sintido.

Damn, hard drinks.

"I told you not to go in a bar again, didn't I?"

Naidilat ko bigla ang aking mga mata at namataan ang kakapasok pa lang Marco na may hawak na tray. He's wearing a white shirt and blue jersey shorts. Mahahalata mo rin na bagong ligo pa ito.

Wala sa sarili akong naglibot ng tingin at napanganga nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko.

I pulled the duvet up to my neck and looked at him, horrified. "N-nasaan tayo? Bakit kasama kita? A-anong nangyari? Pinagsamantalahan mo ba ako?!"

Marco gave me a deadpan look. Nilapag nito ang tray na may lamang pagkain sa mesa at nakapamaywang na hinarap ako. "I just wanna let you know that this is your decision."

"Huh?" Napahawak ako sa 'king sintido. "Wala akong maintindihan."

"Kiara called me to fetch you at the bar. Hinatid kita sa inyo pero nung makita mo si Lace sa gate niyo, sinabi mong gusto mong sa bahay ko manatili." He held his jaw. "Damn, his punch feels like a rock slammed on my face."

Napanganga ako sa sinabi nito. "N-nagkasuntukan kayo?"

He just smiled and pointed the tray of foods. "Kumain ka na. Your phone's been vibrating multiple times. Kung iniisip mong may nangyari sa 'tin, wala. Walang nangyari. I won't take advantage on a drunk woman like you."

Muli itong ngumiti at nagpaalam na lalabas muna ng silid. He head towards the closed door. Nang hawak na nito ang door knob ay nagsalita ako, "Marco."

"Hmm?" Nilingon ako nito.

I smiled. "Salamat."

"Huwag ka munang magpasalamat. May pag-uusapan pa tayo. You have your clothes inside that bag." Nginuso nito ang bag na nasa ibabaw ng sofa. "Take your time. I'll be waiting at the living room."

I bit my lower lip as soon as he dissappeard from my sight. Napayuko naman ako at sinabunutan ang aking sarili.

"Fuck, bakit wala akong maalala?" I whispered to myself and shut my eyes tightly. "Anong pinagagawa ko kagabi?"

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig kong mag-ring ang phone ko. I opened my eyes and search for my phone. Nakita ko ito sa ibabaw ng nightstand kaya't mabis ko itong inabot at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Yes, uncle?" I asked.

"Where are you? Alas diyes na. Marami ka pang sisiputing meeting."

Napasandal ako sa headboard ng kama at hinilot ang aking noo. "P-pwede ba akong mag-absent ngayong araw? M-may aasikasuhin lang."

"Bakit? Saan ka pupunta?" he asked.

"Basta, uncle. Something important," I replied. "I-I'll hang up, uncle. After this, focus na ako sa company."

Hindi ko na inantay pa ang sagot ni uncle at pinatay na ang phone. Ginulo ko ang aking buhok ko at kinagat ang aking ibabang labi.

"Fuck," I murmured.

Umalis ako sa kama at inabot ang shopping bag na nasa gilid night stand. Sinilip ko ang laman nito at napangiwi nang mapansin kong damit ni Kiara ang laman.

Hindi naman sa nangdidiri o ano, pero kasi halos lahat ng damit ni Kiara ay puro revealing. Halos kinulang sa tela.

I proceeded to the bathroom and took a quick shower. Matapos ay nagbihis ako ng damit na siguro ay dala ni Ara. It was a blue faded shorts that comes with a GG belt, and a white spaghetti strap that showed my cleavage. May kasama rin itong leather brown coat na ipinagpasalamat ko.

I picked up my phone from the night stand before storming out of the room. Bumungad naman sa 'kin ang sala kung saan prenteng nakaupo si Marco at nagtitipa sa kanyang laptop.

Tumikhim ako para agawin ang kanyang atensiyon. He immediately lifted his gaze at me and motioned the chair adjacent to his seat.

Umupo ako rito at hilaw na ngumiti. "M-Marco, about last night..."

"It's fine."

"Sorry," I muttered. "Wala ako sa katinuan kagabi kaya kung ano-ano ang mga sinabi ko. Sana huwag mong seryosohin."

I saw how an emotion flashed through his eyes that he immediately hide before I could even decipher. "Alam ko."

Tumango ako dito at napakamot sa 'king batok. I'm nervous, al'right.

"A-anong pag-uusapan natin?" I asked.

He took a deep breath. "Kaya mo pa ba?"

Napalunok ako at pilit na tumawa. "Of course, kaya ko."

"Mahal mo pa rin ba siya?" he asked.

Napaiwas ako ng tingin at napayuko. "H-hindi ko alam."

"Bakit ba kahit ganito na ang mga nangyayari, siya lagi ang iniiyakan mo." He leaned against his seat and closed his laptop. "You know why I like you? It's because you are tough and strong. Pero anong nangyayari? Dahil sa lalaking 'yun nagiging ganito ka na."

I have no words left to speak. Nahihiya ako. Nahihiya ako dahil tama ang sinabi niya.

Nagpalag siya ng isang purse sa mesa at tinulak ito palapit sa pwesto ko. Nagtataka naman akong napatingin dito.

"Inside of that purse are the only things I could give you. I don't know how to comfort a person," he said.

Inabot ko ito at tinignan ang laman. Umawang ang labi ko matapos kong silipin ang loob ng purse.

A car keys, keycard, and a small notes with a handwritten made by him.

"Hindi ako sigurado kung tatanggapin mo 'yan. But if you really want to move on, escaping this city temporarily is not bad. Malayo na ang Batanes mula rito. People there are approachable." He smiled at me. "Let that place be your temporary escape."

I bit my lip and shook my head. I pushed back the purse towards him. "H-hindi ko matatanggap 'to, Marco. My company would be my temporary escape."

"Still..." He pushed it back towards me and smiled. "Accept it. Alam ko namang magulo pa ang isip mo kaya pag-isipan mo muna 'to."

Tumayo ito kaya't wala sa sarili rin akong napatayo. Nilapitan ako nito at hindi na ako nakaangal pa nang niyakap niya ako.

"I can't bear seeing and watching you cry because of someone unworthy of your tears." He kissed my temples and whispered, "So, please accept my offer and build yourself again."

--

"Miss Keith, this are the reports from marketing departments and operation management." Nilahad ni Gemma ang dalawang makapal na folder sa mesa. "Your meeting with Mr. Chan was moved this six in the evening in Chinese Cuisine, Luxury Restaurant."

Napatango ako at hinilot ang aking sintido. "Thank you, Gemma. You may now leave."

"Gusto niyo pong ipagtimpla ko kayo ng kape?" nahihiyang sambit nito.

I smiled and nodded my head in agreement. "Yes, please."

Mabilis itong tumalima at dumiretso sa coffee maker ng opisina ko. Pansamantala kong binitiwan ang ballpen na gamit ko sa pagpipirma. My hand reached for my laptop and started typing my presentation for the upcoming board meeting.

"Ito na po, Ms. Keith." Maingat na nilapag ni Gemma ang isang tasang may lamang mainit na kape.

"Thank you, Gemma," I said without even lifting my gaze at her. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito gumagalaw sa pwesto niya. Doon na ako nag-angat ng tingin. "May kailangan ka pa?"

Napakamot ito sa kanyang kilay. "S-sorry po kung mangingialam po ako, pero sana po bigyan niyo naman po ng konting pahinga ang katawan niyo. Tingnan niyo po, malaki na po eyebags niyo. Nangangayayat na rin po kayo. Isang linggo na rin po kasi kayong ganito. Sorry po kung pakialamera ako."

I bit my lips and forced a smile. "Don't worry about me, Gemma. After the meeting tomorrow together with the board members, I'll take a break."

It's been a week since I last saw Marco. At sa isang linggong 'yun, nilunod ko ang sarili ko sa trabaho. I worked overtime para hindi ko sila maabutan na gising kaya minsan ay nasa sementeryo ako natutulog, sa puntod ni daddy.

It's weird, but it was comfortable than sleeping in the mansion with the man who played and torn my heart into pieces.

Its been a week since I started avoiding him. Pero kahit na umiiwas ako, hindi nu'n naiibsan 'yung sakit na nararamdaman ko. Masakit pa rin lalo na 'pag nahuhuli ko sila ni mommy na naglalampungan sa kusina o 'di kaya'y sa sala tuwing umaga.

"You can continue your works, Gemma. No need to accompany me to my last meeting. I can handle myself."

Tumango ito at ngumiti. "Yes, miss. Excuse me."

Nang makaalis na si Gemma ay nagpatuloy ako sa pagtitipa ng aking presentation. Mahirap na, magaling pa naman manggisa ng tanong ang mga board members. They're still in doubt kung deserve ko bang maging CEO ng kompanya which made me want to roll my eyes at them. Like, hello? This is my father's business. Alangan namang sasayangin ko ang effort ni Daddy sa kompanya na 'to.

Pasimple akong sumimsim sa kapeng tinimpla ni Gemma habang nag-iisip pa ng mga posibleng katanungang ibabato nila.

My phone vibrated above the compiled folders on my desk. Inabot ko ito at tumingin sa wall clock para alamin ang oras, and it was five-thirty in the afternoon. I should be going now para hindi ako ma-late.

"Hello, Kiara?" I asked after answering the call. I connected the call directly to my bluetooth earpiece while busy fixing my things. Including the reports Gemma handed me earlier.

"Let's go to bar! May banda daw mamaya," she said that earned a roll eyes from me.

"Don't tell me it's the 'Black Labels' again." Pinulot ko ang aking sling bag bago naglakad palabas ng silid.

"Then I won't tell you!" she giggled. "Dali na! Pangatlong beses mo na akong tinanggihan."

"This would be the fourth time, Ara. I can't come. May business meeting ako by six pm, I'm not free."

Nang makalabas ako ay mabilis na tumayo si Gemma sa kanyang kinauupuan. I motioned her to sit and gestured that I'll go ahead first which she responded with a nod.

"Kagigil ka naman! Puro ka trabaho, e."

I chuckled and pressed the elevator's button. "I told you, I need to win the board member's heart. I need to close every deals as I can."

"Sige na nga! Basta sa birthday ko, babawi ka ha." Tunog yata 'yun ng pagtatampo.

The door opened and I walked in. Sumandal ako sa pader ng elevator at pinindot ang ground floor which is the parking lot.

"Sure, sure," I replied and checked my time. "Anyways, I have to hang-up na. I'll call you when I'm free."

"Sige, ingat ka!"

I hummed before turning off the call. Humikab naman ako at tumuwid ng tayo. Nangangalay ang likod ko dahil sa ilang oras kong pagkakaupo. Masakit din ang leeg ko, magkaka-stiff neck yata ako.

Nang muling bumukas ang pinto ay lumabas na ako at dumiretso sa sasakyang binili ko. My baby bugatti chiron. The first ever car I bought using Daddy's allowances that I saved from before. Ayoko na manghiram ng sasakyan kay uncle.

I pressed my car's alarm first before opening the door beside the passenger's seat and stepped in. Prente akong sumandal sa 'king kinauupuan at nilanghap ang amoy ng vanilla sa loob ng sasakyan.

I turned on the engine and turned it into sports mode. Damn, I wanna hear my baby's voice. I didn't knew I had this obession on cars, maybe I should buy another one.

Nang marinig ko ang pagtunog ng sasakyan ay napangiti ako. I stamp on the accelerator to hear him more. Nang makuntento ako ay pinatakbo ko agad ang sasakyan paalis ng parking lot.

I was humming while driving calmly along the highway. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait habang binabaybay ng alaala ko ang mga pangyayari sa buhay ko. Simula sa pagkamatay ni daddy, sa depression na sinapit ko, sa pagdating ni Leslie sa buhay ko, at sa panloloko nito sa 'kin.

I stomp on the break when my eyes saw the red light coming from the traffic lights.

This is gonna be a long night for me.

--

"Hey, mom," matamlay kong bati kay mommy nang makauwi ako ng bahay.

It's still eight kaya gising pa sila. I need to rest for today. Pagod ako sa office works at nangangalay din ang pisngi ko sa kakangiti habang kausap ang investor kanina. And gladly, I was able to close the deal.

"Akala ko hindi ka na uuwi rito." Tinaasan ako ni mommy ng kilay kaya't hindi ko na lang siya pinansin.

Dumiretso ako sa kusina at doon nadatnan si nanay Bebeth na naghahain ng pagkain. Nilapitan ko kagaad ito at niyakap.

"Nanay," I murmured.

"Diyos ko kang bata ka. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot," sambit nito nang kumalas ako sa yakap. "Heto, kumain ka muna bago ka pumunta sa taas. Baka makatulog ka at hindi na makakain."

I smiled genuinely and nodded my head. Naghila ako ng aking upuan at mabilis na umupo. Si nanay Bebeth ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko na ipinagpasalamat ko. Ewan ko ba pero parang drained ako sa araw na 'to.

"Kumain ka ng marami. Pumayat ka na. Matulog ka rin minsan. 'Yung eyebags mo, oh." She ruffled my hair. "Sa bakuran lang ako, ha. May iniwan pa akong dina-dryer sa washing machine."

I nodded and smiled. I just did the sign of the cross before eating. Hindi ako kumain kanina dahil hindi ko bet ang pagkain sa Chinese Cuisine kanina. At saka, business meeting ang pinunta ko, hindi pagkain.

Minadali kong kumain dahil inaantok na ako. Sinalansan ko ang mga pinggan bago tumayo at nilagay ito sa sink. I reached for the glass and pitcher for a drink. Matapos ay pumihit ako paharap at napaatras nang bulto ni Leslie ang bumungad sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

I moved to the other side thinking he wants to drink water as well. Ngunit kasabay ng paggalaw ko ay ang pagharang ng braso niya para i-trap ako.

I looked up at him and erased every emotions on my eyes. "What do you want?"

He didn't speak. Instead, he leaned in and captured my lips. I didn't move nor respond. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko to the point that I felt afraid he might hear it.

"You don't respond to my kisses now," he said in a very cold tone.

Walang buhay ko siyang tinignan. "I don't like your kisses anymore."

His jaw clenched. Diniin niya ang kanyang katawan sa katawan ko. "Why? You preferred Umali's kisses than mine? Was he good in bed?"

I chuckled nonchalantly. "Yes, Lace. Marco was good in bed." I lied.

Tinulak ko ito at naglakad palabas ng kusina. Habang naglalakad palabas, biglang sumagi sa isip ko ang huling usapan namin ni Marco.

Maybe he was right. Leslie being near me would only make me feel pain. A vacation on a faraway land won't hurt, but I guess it will heal my wounded heart for a mean time.

המשך קריאה

You'll Also Like

5.1K 291 12
"You ruined my life! So why would I kneel to someone like you?!" - Mauel
818K 28.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
128K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?