Jonah Complex [HSS #3, Comple...

By InsaneSoldier

241K 17.6K 3.8K

Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpa... More

Jonah Complex
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Final Chapter

Chapter 32

5.2K 431 52
By InsaneSoldier

Ngayong wala na kami sa bahay ay mas na-appreciate ko ang getup ni West. Ever since no'ng sa debut ng classmate namin ay ngayon ko lang ulit siya nakitang naka-dress.

May pagka-dark blue 'yon and sleeveless, hanggang half lang din ng thigh niya ang ikli, at pinaresan niya iyon ng snickers. Ang cute-cute niya, jusko.

Ang cute din ng knapsack na dala niya, mas maliit iyon kaysa sa usual niyang school bag.

Nakakahiya kay self, naka-pants lang ako─kupas pa─tapos pink shirt na may minimalist design ng coffee. Parang gusto ko umuwi ng bahay para magpalit.

"You look pretty today,"

Natigilan naman ako sa narinig. Nang tingnan ko siya ay ang aliwalas ng ngiti nito. Why naman ganyan ka, West? Kakalait ko lang sa sarili ko tapos kakaiba na naman nakikita mo sa akin.

"S-salamat."

Tumawa siya ng mahina at hinawakan ako sa braso. "Why I find everything about you fascinating?"

Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko sa narinig. Sa kanya ko nga dapat sabihin 'yon, lagi na lang talagang nauunahan ako sa mga bagay-bagay. Why so weak naman kasi, Ella?

Pakiramdam ko talaga siya ang nanliligaw sa amin, kaso kapag sinabi ko naman 'yon sa kanya ay malamang bibigyan niya lang ako ng witty remark.

Ang weird lang na kapag gusto mo yung tao, para bang wala ka na talagang nakikitang iba. Totoo pala talaga 'yon...

Pero truth be told, maganda naman kasi talaga siya, matalino, talented, tapos mabait pa. Ang dami niyang kayang gawin kahit na hindi niya pinapakita sa iba.

Ilang beses ko na yata nasabi 'yon sa sarili ko pero hindi nakakasawa ulit-ulitin kasi totoo naman, eh.

Lord, ang swerte ko. Huwag mo bawiin, iiyak talaga ako.

--

Nagtaka ako nang sa cemetery niya ako dalhin. Wala naman kasi siyang sinabi kung anong pupuntahan namin pero siyempre nakakapagtaka pa rin kung anong meron.

Saka lang nag-sink in sa akin ang lahat ng huminto kami sa tapat ng isang puntod at nabasa ko yung familiar na surname—Hansen. It's her...

"Ma, mukhang may bisita ka last time, ah." Marahan niyang hinaplos yung bungkos ng bulaklak na nasa tabi lang nito. Hindi ko alam kung anong klaseng flower 'yon pero ang ganda no'n. West looked at me. "Ate South often visits her."

Napatango ako bago ngumiti. Nabanggit niya no'n one time na close si South at ang mama niya. Close naman silang lahat sa kanya, since iniwan sila ng Dad niya, hindi ko lang alam kung gaano sila kabata no'n.

Umupo siya sa damuhan kahit na naka-dress siya, ipinatong na lang niya ang bag sa lap. She motioned me to sit beside her na kaagad ko rin namang ginawa. Hindi ko rin alam anong sumapi sa akin pero nakita ko na lang ang sarili kong hawak-hawak siya sa kamay.

Nang ngumiti siya ng matamis—game over pa sa game over si ate mo Ella.

"I want to introduce you to her so I brought you here." Panimula niya. Pinaglaruan niya yung mga daliri ko. "Una kong pinakilala si Jamaica kay Mama kasi best friend ko siya. Then ikaw naman ngayon because I like you."

Hindi ako nakaramdam ng kung ano dahil yung best friend niya ang nauna rito. Para bang nakakatuwa na lang din na ganoon yung strength ng relationship nila. Na kahit wala ngayon si Jamaica sa school, hindi niya nakakalimutan yung tao.

Wala ako masyadong balita sa kanya. Ang alam ko lang ay itutuloy niya ang pagbubuntis at wala na raw siyang pakialam sa tatay no'ng baby. Pero hindi ko rin alam, pakiramdam ko deep inside may care pa rin siya.

Nakikita ko si Mama kay Jamaica.

"Ma, si Ella." She chuckled. "Manliligaw ko po."

Hindi ko alam pero na-shy ako bigla sa pagkakakilala niya. Manliligaw ako pero ako ang parang pabebe masyado. Jusko.

Huminga ako ng malalim. "H-hello po, manliligaw po."

Natawa si West. Hindi ko mapigilang mamula. Ella, hanggang dito talaga ipapahiya mo sarili mo!

"My suitor's funny and cute. I like that about her, Ma."

Napakamot ako sa ulo ko. Parang gusto ko na lang lamunan ng lupa—pero huwag sana rito. Baka matropa ko bigla mga nakalibing dito lalo na ang Mama niya tapos hindi na talaga ako makaalis.

"Mas gusto kita," Wala sa loob na nasabi ko. Wait, oh, my ghad!

Napalingon ako sa kanya para sana lumusot pero natigilan ako. Namumula kasi siya, like, hindi naman ganoon ang kulay niya kanina.

Tumikhim siya. "Hmm, and she's sweet, too, if she will want to, Ma."

"Wuy."

"Crime 'yon, Ma, 'no?" Panay tawa siya kaya padagdag na ng pagdagdag ang hiya ko. "Pinapakilig anak ninyo. Gusto yata sagutin siya rito sa harap ninyo mismo."

Jusko.

Mga ilang minuto niya pa akong inasar-asar. Hindi ko naman siya maasar pabalik kasi nakaka-blangko talaga siya ng braincells. Hindi ko malaman kung anong dapat mas ma-feel ko, kilig ba o kahihiyan. Nakakaloka!

Matapos no'n ay saglit kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa name ng mama niya na nakaukit sa puntod. Iniisip ko kung paano kaya kung buhay pa siya? Siguro maraming magbabago rin. Siguro mas masaya rin sila West.

Iyon yung mga what ifs na minsan nang pumasok sa isip ko no'ng bata pa ako. Pero simula nang dumating sa buhay namin si Mimi, lahat 'yon wala na. Kahit never na bumalik yung tatay ko, wala naman akong naalalang naging tatay talaga siya kung tutuusin. Nag-donate lang ng sperm 'yon kay Mama.

"As much as possible, ayokong malaman mo yung tungkol sa family ko in a deeper sense, kasi kahit ako, wala akong alam sa tingin ko." Sabi pa niya. "Both of our families aren't perfect pero I think it's still an ideal kind knowing that we can be happy despite what it's lacking with."

Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang yakapin—kaya iyon ang ginawa ko. For a moment, she looked really sad, kahit na saglit ko lang napansin 'yon. Iba lang talaga ang dating.

"Sa akin, hindi ko rin nakita yung tatay ko at wala naman akong balak makita siya, maigi nga kung huwag na siya bumalik, eh."

"Are you mad with your Dad, too?"

"Hmm," Napaisip ako. Madalas sinasabi ko yung mga bagay-bagay na parang ang dating ay galit nga ako sa kanya. Hindi ko naman ma-feel na galit talaga ako. "Mas tamang sabihin na wala akong pakialam sa kanya."

"I'm still mad with Dad," Mahinang sabi niya sa bandang tainga ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap. "Even if he's trying to make it up with us now, I'm still mad at him. I love him, and I hate him, too."

"And it's fine. Lahat naman ng bagay may tamang oras, kung hindi ka pa ready na patawarin Dad mo, ayos lang 'yon. Walang pipilit sa'yo, understandable 'yon. Anong magagawa natin kung malaki yung kasalanan nila sa inyo?"

Tumingin siya sa puntod ng mama niya at bahagyang hinaplos iyon. Bumaba ang tingin niya sa nakalapag na bulaklak. "Mama gave up because of him. Ate South suffered because of him, Ate North struggled a lot because of him. He doesn't know the extent of their sacrifices. Maayos kami ng kambal ko dahil kina Ate at wala siya sa panahon na 'yon."

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya magkwento, kasi parang kahit sabihin niya na ayaw niyang malaman ko yung mga ganoong bagay, may part pa rin siguro sa kanya na gusto niyang may makaintindi sa kanya.

"I just feel really bad for them. We can't do anything but watch. Lalo na si Ate North, she's supposed to enjoy her youth, be with her friends a lot, kahit no'ng college siya. It wounded her the most. People see her as someone really ideal—and I think she is, pero walang may alam ng mga pinagdadaanan niya, kahit kami. And I think what really hurts me is to think that she's been always there for us but we never had the chance to be there for her."

Siguro nasobrahan sa pagiging independent si Ate North. Ang alam ko ay 26 lang siya, at bata pa 'yon kung tutuusin, pero nagawa niyang magkaroon ng business na tingin ko ay malaki ang starting capital, na-maintain yung ganoong kagandang bahay nila, at napag-aaral ang mga kapatid nang hindi humihingi ng tulong sa iba.

Hindi ko alam paano niya nagawa lahat 'yon.

"Whenever I see how hardworking she is, I see my Mama, too." Napangiti siya. "Life seems bearable."

"Siguro kung nasaan man ngayon si Mama mo, masaya siya kasi okay kayo."

"I really hope so."

Kahit papaano ay umaliwalas na ulit ang expression niya. Hindi siya nakangiti pero pansin ko naman na mas okay na siya kaysa kanina habang nagkukuwento.

"Maging happy ka, West. Deserve mo 'yon, kayo ng mga kapatid mo."

Tumingin siya sa akin ng matagal. Natigilan pa ako ng haplusin niya ang pisngi ko. "You're so special, Ella. Remember that."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 52.7K 52
Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso...
74.3K 3.4K 17
Valle d'Aosta Series 5
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.