My Last Fall (Bestfriend Seri...

Par jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 18

260 12 0
Par jeyninstrous

Pagkarating sa school at naiparada na ni Jaxson ang kotse niya sa parking lot ay wala na kaming kibuan. Diretso lang akong lumabas ng kotse niya at ganoon din siya at pumunta sa classroom namin habang hindi nagpapansinan.

May ibang mga estudyante pa akong naririnig na pinagchichismisan kami  kapag dumadaan kami sa harap nila. May nagsasabi pa na di kami bagay ni Jaxson dahil ang ganda ko daw tapos si Jaxson mukhang tukmol chos!

Di naman talaga kami bagay dahil alien kami---este tao!

Binalewala lang yon ni Jaxson kaya binalewala ko nalang din. Maubos sana laway nila kaka chismis at huwag ng sumara ang bibig nilang mga mabaho tulad ng sakin chos!

Mga inggitera!

Pagkarating sa classroom ay dire diretso lang siyang pumunta sa upuan niya at ganoon din ako. Nakakapanibago nga dahil hindi masyadong maingay ang classroom.

Napatingin naman ako kay Janica at Shantal pero ang mga pangit deadma lang! di man lang nila napansin ang pagdating ng isang magandang dilag na tulad ko tse!

Abala na naman si Janica sa cellphone niya at si Shantal naman ay naka nap at tulog na naman. Napalingon naman ako kay Amari at nakita ko siyang nag wave sa akin at ngumiti kaya nag wave din ako sa kanya pabalik at ngumiti.

Agad ulit akong lumingon kay Janica at inagaw ang cellphone niya kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit pumasok ka na?" tanong niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit? ayaw mo pa ba akong pumasok? eh sa gusto ko ng pumasok." sabi ko at tinignan ang cellphone niya.

Napangisi ako ng makita kong may ka chat siyang lalaki.

"Uyyy! ano to ha? sino to?" sabi ko pa sa kanya at bigla nalang niyang inagaw ang cellphone niya sa akin at itinago sa bag niya.

"Wala." sabi niya pero kinulit ko pa din siya at sinundot sundot ang pisngi niya.

"Asussss aminin mo na, may ka fling ka no? yieeeeee!" panunukso ko sa kanya pero inikutan lang niya ako ng mata at ngumiti ng bahagya.

"Wala yon." sabi pa niya pero tinignan ko lang siya ng kakaiba habang nakangisi.

Nakita ko namang lumapit si Amari sa amin at sakto din na gising na si Shantal.

"Hi Solana, how are you?" tanong sa akin ni Amari habang nakangiti.

"Okay na okay na!" sabi ko at nag thumbs up at lumingon kay Shantal.

Ngumiti naman ito sa akin at parang may kakaiba lang sa kanya ngayon dahil ang tamlay niya. Eh masayahin naman siya palagi.

"Hi beshywap." bati niya sa akin sa matamlay na boses.

"Okay ka lang?" tanong ko pero hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin at nilagyan ng headset ang dalawa niyang tenga.

Napatingin ako kay Janica at Amari at binigyan sila ng nagtatanong na expresyon.

"Anong nangyari diyan? nawala lang ako ng ilang araw na sadgirl na ulit?" sabi ko sa kanila pero nagkibit balikat lang si Amari at nagpaalam ng babalik sa upuan niya sa harapan.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Janica.

"Woy Janica, ano ba kasing nangyari diyan habang wala ako?"

"She broke up with her boyfriend." sabi pa ni Janica at tumingin na ulit sa cellphone niya.

Nagulat ako sa sinabi niya at napalingon sa likuran. Tinignan ko ang tukmol squad pero may kanya kanya silang mundo.

May natutulog, nagce-cellphone, at nagbabasa ng libro. Napansin ko na parang may kakaiba.

Ng mapatingin ako sa upuan ni Clint ay doon ko lang napansin na iba na ang nakaupo at yong kalbo na mukhang si doraemon na classmate na namin ang nakaupo.

Napatingin din ako sa iba pang mga upuan at hinanap si Clint at nakita ko siyang nakaupo na sa tabi ni Cheska.

"Solana." napalingon ako kay Zeddie ng tinawag niya ako.

Jusko po! nakangiti na naman siya sa akin! kong tanggalan ko kaya siya ng maputing ngipin at palitan ng kulay gold na ngipin? chos!

"Hi Z-zeddie, bakit?" tanong ko at ngumiti din sa kanya.

Napalingon ako kay Jaxson na katabi niya ng bigla itong umubo ng pina hard na akala mo ikakamatay na niya ang pag-ubo niya.

"Uhmm...can we talk for a minute outside?" tanong niya at napalingon ulit ako kay Jaxson na ngayon ay ang sama na ng tingin sa akin pero inirapan ko lang siya at agad na tumango.

"Sure!" sabi ko at sabay kaming tumayo at naglakad palabas ng classroom.

Pagkarating namin sa labas ay pumwesto kami sa malapit sa hagdan para hindi makita ng ibang classmates namin na nag-uusap kami. Mga chismosa at chismoso pa naman yong mga yon.

"Ahh...Z-zeddie, ano nga pala ang pag-uusapan natin?" tanong ko agad sa kanya at tumikhim naman siya sandali bago magsalita.

"Okay ka na ba?" tanong niya at napaiwas naman ako ng tingin.

Owemzeeeee concern si crush sakin!

"Ah...oo naman, ayos na ayos na." sabi ko sabay ngiti.

"Good to hear that." sabi niya at ngumiti ulit kaya napaiwas na naman ako ng tingin.

Naging tahimik kami sandali kaya agad akong nagsalita.

"May tanong ako."

"About yesterday."

Nagkasabay pa kaming magsalita kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya ng natawa siya.

"Uhmm... ladies first." sabi niya kaya naiilang na ngumiti at tumingin ulit ako sa kanya.

"Pwedeng magtanong?" sabi ko at tumango naman siya.

"Yeah sure! kahit ano sasagutin ko." sabi niya at ngumiti ulit.

Tang*na namang ngiti yan nakakalaglag pempem talaga eh! charot!

"Bakit nga pala sa ibang upuan na nakaupo si Clint?" tanong ko at bumuntong hininga naman siya at napakamot sa kilay niya.

"We found out that he's a gay and Jaxson got mad and they fought."

"Bakit naman siya magagalit? dahil lang sa bakla si Clint? ano bang problema kong maging bakla siya? wala naman diba? tsaka tao pa din naman siya." sabi ko at napabuntong hininga naman ulit si Zeddie.

Pwera nalang kong maging alien si Clint diba? talagang magagalit yon si Jaxson dahil hindi niya matanggap na may alien sa grupo nila, chos!

"Yeah that's right but knowing Jaxson, masyadong mainitin ang ulo niya."

"Ganun ba." nasabi ko nalang.

Kaya pala sadgirl si Shantal ngayon dahil nga kay Clint na lalaki din ang gusto.

Eto namang si Clint oh bakit ba nagpaka girly pa pero sabagay desisyon din naman niya yon. Sayang ang kagwapuhan niya chos!

"Ah Zeddie, may isa pa pala akong tanong." sabi ko at tumitig naman siya sa akin.

Eyyy huwag ka nga tumitig baka matunaw  ako ahehe.

"Go ahead, ask me anything you wanted to ask."

"Bakit nga pala parang hindi magkasundo ang mga kapatid ko at grupo niyo tsaka noong pumunta kayo ni Jaxson don sa bahay eh nagalit ang mga kapatid ko. May away ba sa pagitan ng grupo niyo at grupo ng mga kapatid ko?" tanong ko.

Curious lang mga bes, kainis kasi palagi nalang silang nagkakasagutan pag nagkikita. Sarap ipag-untog at ipahalik sa isa't isa.

"I'm sorry Solana but I can't tell you about that. Mas mabuti sigurong si Jaxson nalang ang tanungin mo o ang mga kapatid mo." sabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang mapatango nalang.

"Pinag-uusapan niyo ba ako?"

Sabay kaming napalingon ni Zeddie kay Jaxson na bigla nalang sumulpot sa harap namin habang nakapamulsa.

"Hindi ah! ikaw? pag-uusapan namin? kapal." sabi ko at bigla nalang niya akong hinila palapit sa kanya.

"Let's go inside." sabi niya at hinila na ako papasok sa classroom.

Ang mga punyeta naman naming mga kaklase ay akala mo giraffe sa taas ng mga leeg at auto lingon kaagad sa amin. Pinaupo ako ni Jaxson sa upuan ko at sinamaan ng tingin bago bumalik sa upuan niya sa likuran.

Nakita ko namang pumasok si Zeddie kasunod ang teacher namin kaya nagsitayuan ang lahat at bumati sa teacher. Agad namang nag discuss si ma'am Amiza pero eto na naman ako lutang ang isip.

Hanggang sa bigla nalang akong tinawag ni ma'am.

"Kindly stand up, miss Feliciano." sabi niya kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan ko.

"I thought you're absent for one week, miss Feliciano?"

"No ma'am, gusto ko na po kasing pumasok." sabi ko at tumango tango naman siya.

Kasunod niyang tinawag ay si Zeddie at si Jaxson at auto tayo naman ang dalawa. Nagtaka pa ako kong bakit kami lang tatlo ang pinatayo.

Anong ganap? papipiliin ba ako ni ma'am kong sinong mas mahal ko sa kanilang dalawa at pakakantahin ng mahal ko o mahal ako by KZ Tandingan? charot!

"Since miss Feliciano is here, pwede na kayong mag start sa report niyo about love." sabi ni ma'am kaya nanlaki ang mga mata ko.

Report about love???!!! wala akong alam sa love love na yan! echosera to si ma'am oh!

Di ko aakalain na ngayon na pala ang reporting! Pambihira!

"Ma'am pass." sabi ko kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko at pati na din si Jaxson at Zeddie.

Napakunot naman ang noo ni ma'am.

"Why miss Feliciano?"

"Wala po akong experience at alam sa love, NBSB po ako ma'am." sabi ko at biglang natawa ang iba.

Tang*na! anong nakakatawa sa sinabi ko? totoo naman ah!

"It's not necessary na NBSB ka miss Feliciano dahil iba't ibang klase ang love. Your love to your family, friends or relatives not just to your lover." sabi ni ma'am at ngumiti.

Ayyy to naman si ma'am oh! may palusot pa chos!

Napatingin ako kay Zeddie at Jaxson ng pumunta na sila sa gitna.

"Miss Feliciano, come here in the middle." sabi ni ma'am at napakamot naman ako sa ulo ko bago naglakad papunta sa gitna ni Zeddie at Jaxson.

"Okay class. Today, the first reporters are this three people standing in front of all of you." sabi pa ni ma'am at itinuro kaming tatlo.

"Kindly start." sabi ni ma'am at pumunta sa pinakalikuran at pinanood kaming mag report habang naka cross arms.

Agad naman kaming tatlong pumwesto at narinig ko pang tumikhim si Jaxson kaya malamang siya ang unang magsasalita.

"Good morning. The three of us are standing here in front of you to report about love. So, what is love?" panimula ni Jaxson at lumingon sa akin saglit kaya napataas ang isang kilay ko.

"Many of us experience love. Of how does it feel to be inlove or to be loved. Well, love is a nice feeling. Agree or disagree?" sabi niya at agad namang sumagot ang mga kaklase namin.

"Agree!" sabay sabay nilang sabi at may iba pang nag thumbs up.

"Yeah, that's right. I also agree because I also experience it, being inlove and being loved. There are different types of love. First is what we call Philia."

Hindi ko maiwasan na humanga kay Jaxson kahit papaano dahil parang walang kahirap hirap sa kanya na magsalita at mag explain sa gitna. Samantalang kong iba lang ang nasa gitna at nagsasalita ay kinakabahan na pero siya hindi mo mababakas sa mukha niya na kinakabahan siya.

The way siya magsalita ay parang professional at ang talino. Matalino naman talaga siya noon pa lang pero tukmol nga lang, chos!

"Philia or Affectionate Love, is a love without romantic attraction and occurs between friends or family members."

Para akong timang na nakikinig lang sa kanya sa gilid at napansin ko na nakanganga na pala ako kaya mabilis kong itinikom ang bibig ko. Hindi ko talaga maiwasang humanga sa kanya kahit pa mukhang mine-morize lang niya ang lahat ng sinasabi niya.

"Second is Pragma or Enduring Love. Pragma is a unique bonded love that matures over many years. It's an everlasting love between a couple that chooses to put equal effort into their relationship. Commitment and dedication are required to reach Pragma. Instead of falling in love, you are standing in love with the partner you want by your side indefinitely."

"Third is Storge or Familiar Love. Storge is a naturally occurring love rooted in parents and children, as well as best friends. It's an infinite love built upon acceptance and deep emotional connection. This love comes easily and immediately in parent and child relationships."

"Fourth is Eros or Romantic Love. Eros is a primal love that comes as a natural instinct for most people. It's a passionate love displayed through physical affection. These romantic behaviors include, but are not limited to, kissing, hugging and holding hands. This love is a desire for another person's physical body."

Sa hinaba haba ng sinabi niya ay parang gusto ko nalang mahiga at matulog sa gitna dahil nakaka nosebleed. Puro kasi English ang paliwanag niya nakakaumay.

Ang galing ko pa naman sa English, chos!

Napalingon naman ako kasunod kay Zeddie ng siya na naman ang nagsalita.

"Fifth is Ludus or what we call Playful Love. Ludus is a child-like and flirtatious love commonly found in the beginning stages of a relationship a.k.a. the honeymoon stage. This type of love consists of teasing, playful motives and laughter between two people. Although common in young couples, older couples who strive for this love find a more rewarding relationship."

Isa pa to si Zeddie mylabs ang galing mag English. Haynaku mga Zigfred nga naman oh!

"Sixth is Mania or Obsessive Love. Mania is an obsessive love towards a partner. It leads to unwanted jealousy or possessiveness known as codependency. Most cases of obsessive love are found in couples with an imbalance of love towards each other. An imbalance of Eros and Ludus is the main cause of Mania. With healthy levels of playful and romantic love, the harm of obsessive love can be avoided."

"Seventh is Philautia or Self Love. Philautia is a healthy form of love where you recognize your self-worth and don't ignore your personal needs. Self-love begins with acknowledging your responsibility for your well-being. It's challenging to exemplify the outbound types of love because you can't offer what you don't have."

Ang gwapo talaga ni Zeddie kapag tini-titigan ko siya pero ngayon pa lang ay parang gusto ko nalang talagang maglatag ng higaan sa gitna at hintayin silang matapos. Mukhang matatagalan pa ang explanation nila eh inaantok na ako dito halerrr!

"And last but not the least is Agape or Selfless Love. Agape is the highest level of love to offer. It's given without any expectations of receiving anything in return. Offering Agape is a decision to spread love in any circumstances including destructive situations. Agape is not a physical act, it's a feeling, but acts of self-love can elicit Agape since self- monitoring leads to result."

Final na talaga hihiga na ako sa sahig dahil inaantok ako pero ng akmang hihiga na ako ay tumingin sa akin si Zeddie at Jaxson kaya napaayos ako ng tayo.

"It's your turn." rinig ko pang sabi ni Jaxson kaya bahagya akong nagulat at itinuro pa ang sarili ko at tumango naman siya.

Napatingin pa ako sa ibang mga kaklase namin na tutok na tutok sa amin at naghihintay sa susunod na magsasalita.

Eyyy ano ba naman yan!

Dahil sa wala akong experience sa love love na yan ay sinenyasan ko si Jaxson ng putol ulo. Nakita kong napakunot ang noo niya.

Ay tang*na to! Hindi pa makaintindi ng sign language. Inulit ko ulit pero amp*ta nakakunot pa din ang noo niya kaya napakamot ako sa ulo ko at napapikit saglit at huminga ng malalim.

Okay relax tayo self tsaka pempem, huwag kabahan.

Kahit papaano naman ay nakapag research ako at study ng kaunti.

Hindi din naman pwede na wala akong pakinabang sa report na to at baka ma zero pa ako sa project kaya kailangan kong mag explain ngayon. Bahala na si batman, superman, captain america,wonder woman, iron man at isama na din natin si anabelle, chuckie at sadako.

Bahala na silang umintindi tutal matalinoness naman sila, chos!

Bago ako magsalita ay tumikhim muna ako sandali at huminga ng fresh air pero puking ina! bakit carbon dioxide yata yong naamoy ko?!

Ang baho ng utot! bwiset yarn! kong sino man ang umutot sumakit sana tiyan niya, walangya!

"Okay classmates, makinig kayo ng mabuti." panimula ko pa at tutok na tutok naman silang lahat sa akin.

Chosera tong mga to kapag love talaga ang pinag-uusapan ay parang silang lahat makakarelate ah!

"Hindi na ako mag eenglish at tatagalogin ko nalang tutal hindi naman tayo mga amerikano o kastila tsaka nakaka nosebleed ang English, feels ko dudugo ang ilong kong matangos, matangos nga ba?" sabi ko at bigla nalang silang natawa.

Nakita ko pang mag thumbs up sa akin ang tatlo kong beshywaps na mga alagad ni anabelle at chuckie charot!

"Okay keep quiet mga classmates! chosera kayo, eto na mag eexplain na." sabi ko at tumahimik naman sila at tumigil na sa pagtawa.

Akala naman nila sobrang nakakatawa yong sinabi ko.

"Love. Ano nga ba ang love? aba'y ewan ko pero sabi nga nila masarap daw ma-inlove at masakit ang masaktan ng dahil nagmahal ka. Well, tama nga naman at kapag nagmamahal ka ay hindi talaga maiiwasan na masaktan ka dahil kaakibat ito ng pagmamahal." sabi ko pa at may palakad lakad pang nalalaman na akala mo ako ang teacher.

Ipa retired ko nalang kaya si ma'am at ako na ang pumalit? chos!

"May iba't ibang klase ng love gaya nga ng sinabi ni Jaxson at Zeddie kanina."

"Siyempre unang nanggagagaling ang pagmamahal ay sa pamilya natin. Natututo tayong magmahal dahil iyon ang unang pinaramdam at itinuro sa atin ng pamilya natin. Kapag walang pagmamahal ay hindi magiging makabuluhan ang buhay natin."

"May teorya na nagsasabi na sa buhay daw natin ay magmamahal tayo ng tatlong beses, tatlong magkaibang stages ng buhay natin. Ito ay ang first love, intense love at unconditional love." sabi ko at ngumiti.

Killer smile ganern, chariz!

"First love. Ang pag-ibig na ito ay parang isang fairy tale. Ito ay ang lahat-ng-ubos na puppy love at isa na, sa panahong iyon, sa tingin mo ay tatagal magpakailanman. Kadalasan ay nararanasan natin ang ating unang pag-ibig sa high school, at kadalasan ito ay nagtatapos dahil ang dalawang tao ay maaaring magkahiwalay o dahil sa ilang maliit na argumento na ang relasyon ay hindi sapat na matatag upang mapaglabanan. Ang pag-ibig na ito ay kadalasang higit na nasa ibabaw, na may higit na kahalagahan sa kung ano ang magiging hitsura ng relasyon sa iba. Bagama't tiyak na parang tunay na pag-ibig sa panahong iyon, hindi karaniwan ang malalim, hilaw na pag-ibig na mararanasan mo mamaya. Ang heartbreak ay maaaring makaramdam ng napakalaki, sa simula, ngunit karaniwan kang nakakabawi mula dito nang mabilis."

Halos hingalin ako sa explanation ko. Hindi ko nga alam kong saan ko nakuha ang mga impormasyong yon.

"Ang natutunan ko sa unang pag-ibig, na ang umibig ay ang pinaka-hindi kapani-paniwalang pakiramdam sa mundo, ngunit hindi lahat ng relasyon ay tumatagal magpakailanman, at tiyak na hindi sila palaging katulad ng mga ito sa mga pelikula."

Napapahugot na ako ah!

"Intense love. Ito ang pangalawang pag-ibig, at ito ang kadalasang bumabaligtad sa ating mundo. Habang nahuhulog tayo sa matinding kuwento ng pag-ibig na ito, ang relasyon ay nagiging salamin sa ating kaluluwa: nakikita natin ang lahat ng ating kawalan ng katiyakan, ating mga pangangailangan, at ating mga hangarin na nakatingin sa atin. Sa relasyong ito, maaari tayong makaranas ng selos, takot, at pagdududa sa sarili na hindi pa natin naramdaman. Ang relasyon ay may napakalaking mataas at dramatikong pagbaba. Madalas nating subukang hubugin ang kalahati sa ating perpektong kapareha, at sinusubukan nating hubugin ang ating sarili upang maging kanila. Ito ang pag-ibig na parang rollercoaster at ang maaaring mag-iwan sa atin ng pakiramdam na binabantayan, hindi nagtitiwala, at nasaktan. Ang dalamhati mula sa relasyong ito ay maaaring hindi maipaliwanag na masakit, ngunit sa pamamagitan din ng dalamhati na ito tayo ay talagang lumalago, nagbabago, at nagbabago habang hinahanap ang panloob na lakas at katatagan na hindi natin alam na mayroon tayo."

Napapaypay na ako sa sarili ko dahil sa sobrang haba ng explanation ko at sobrang seryoso lang ng mga kaklase ko.

"Last but not the least, unconditional love. Pagkatapos nating makabangon mula sa dalamhati ng matinding pag-ibig at sinimulan nating pagalingin at linangin ang pagmamahal sa sarili, pagkatapos ay darating ang hindi inaasahang pag-ibig. Ang nagmumula sa kung saan at nararamdaman na ganap at lubos na tama. Walang mga laro, at kapag kasama mo sila pakiramdam mo ay nasa bahay ka. Niyakap mo ang lahat ng kung ano sila, lahat ng kanilang mga di-kasakdalan, at lahat ng kanilang mga nuances. Mas nararamdaman mo ang iyong sarili sa kanila kaysa dati, at palagi mong binibigyang inspirasyon ang isa't isa na maging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili. Kapag may balakid o hamon sa relasyon, nagtutulungan kayo para malampasan ito dahil pareho kayong nakatuon sa inyong kinabukasan. Ito ang walang kundisyong pag-ibig na nagmamarka ng simula ng magpakailanman, at pinasasalamatan mo ang universe araw-araw sa pagdadala sa kanila sa iyong mundo and that would be all thankyou!" sabi ko at nag bow.

Halos silang lahat ay nagpalakpakan at naghiyawan. May mga nag standing ovation pa at pati si ma'am ay todo palakpak.

"That was a very good explanation, miss Feliciano." sabi pa ni ma'am Amiza habang pumapalakpak at nakangiti.

Agad naman siyang lumapit sa aming tatlo.

"Goodjob to the three of you." sabi pa ni ma'am at pinabalik na kami sa mga upuan namin.

"Omg! good job beshywap Solana!" sabi pa ni Amari.

"Pinahanga mo ako sa love mo, akala ko ba walang alam at experience?" sabi naman ni Janica kaya natawa ako.

"Tse! echosera! chamba lang yon tsaka akala niyo naman nanalo ako sa lotto kong maka react kayo." patawa tawa ko pang sabi.

"Galing mo, beshywap. Grabe memorization mo ah!" sabi naman ni Shantal at nginitian ako at napalingon naman ako kay ma'am Amiza ng tinawag niya ako.

"Yes ma'am?"

"Can you tell us kong sinong pinaghuhugutan mo ng mga sinabi mo kanina, miss Feliciano?" sabi pa ni ma'am at inasar naman ulit ako ng mga classmates ko.

Akala naman nila ka close ko sila, tse!

"Uhmmm...naku ma'am wala po! opinion ko lang yon." sabi ko at tumango naman si ma'am habang nakangiti.

"Sabihin mo nalang kasi na may crush ka rito!" sabi ng isang kaklase ko kaya napakagat ako sa labi ko.

"Akala ko ba walang talo dahil family tayong lahat dito? mukhang family stroke yata to ah." hirit naman ng isa kong kaklase at nagsitawanan ang lahat.

"And who's your crush miss Feliciano? pwede ba naming malaman?" sabi ni ma'am habang nakangiti pa din kaya parang nahiya ako.

"W-wala po ma'am!" nahihiya kong sabi pero napakunot nalang ang noo ko ng makita ko ang mga kaklase ko na nakatingin na sa likuran at bigla nalang may nagsalita.

"Maybe I'm her crush ma'am? she confess to me earlier that her heart belongs to me."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis pa sa alas kwatro na nag react.

"Hindi kita crush!"

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

57.5K 1K 37
Life couldn't get harder... But it just did after you sat next to me, everyone bullies me, when will you stop noticing me?? I can't believe that your...
4.7K 77 7
" we should break , i don't love you anymore "
3.8K 127 35
Ang Storyang ito ay Tungkol sa Mag Asawang Sweet sa Una Pagkatapos nang kasal sweet and After How many Years Lagi nalang Silang NagAaway Just Because...
Treasure My Heart Par Andi

Roman pour Adolescents

15K 431 47
Maurie Hevrea Zolina views herself as someone who does not act decently. Hevrea sleeps at her classes, laughs hysterically, and is never determined t...