Hopeless Love [PUBLISHED UNDE...

Oleh The8thWorldWonder

2M 18K 3.4K

Available in PPC Stores, Pandayan, and Natinal Bookstores nationwide! Grab your copy now for only 109.75php! ... Lebih Banyak

Hopeless Love
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
FOR QUERIES
BOOK 2 OF HOPELESS LOVE
I'LL CARRY YOU TO HEAVEN
HE SHE HE
The Value of a Second Chance
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED

CHAPTER 27

28.2K 303 51
Oleh The8thWorldWonder

CHAPTER 27

Ngayon ginaganap ang Victory Party sa Ashford ngunit napag-pasiyahan kong mag-stay na lang sa bahay dahil hindi ko naman kayang mag-saya ngayon. Buti na lang at hindi required na pumunta doon. Isa pa, nakita ko rin ang pangalan ni Nelle doon sa guest list at paniguradong magkasama sila ni Paul doon ngayon.

“Nakatulala ka na naman dyan,” dinig kong sabi ni Mama pagpasok niya ng kwarto ko. “Kanina pa ako kumakatok pero hindi mo naman binubuksan kaya pumasok na ako.”

“Pasensiya na po, Ma,” paumanhin ko ngunit hindi ko siya nagawang tignan.

“Bakit hindi ka um-attend sa Victory Party ng basketball team ng school ninyo?” tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko.

“Wala po ako sa mood,” malungkot na tugon ko.

“Bakit, anak? Ano’ng problema?” tanong niya. “Noong nakaraan ay sobrang saya mo lang tapos ngayon naman ay mukhang pasan mo na ang mundo.”

“Ma, bakit po ganon? Bakit po kung kailan masaya na ako tsaka naman biglang mawawala iyon ng isang iglap lang?” tanong ko sa kanya at pilit na pinipigilan ang nagbabadyang pagtulong muli ng mga luha ko.

Hindi pa ba kayo ubos? Please naman, oh. Huwag ngayon. Huwag sa harap ni Mama.

“Aaliyah, kasi hindi naman pwedeng palagi ka na lang masaya. Hindi rin naman pwedeng palagi kang malungkot. Isipin mo na lang, kung palagi kang masaya, paano mo pa mararamdaman ang pakiramdam ng totoong kasiyahan kung hindi ka muna makakaramdam ng kalungkutan?” Hinarap ako ni Mama sa kanya at saka hinawakan ang dalawang kamay ko. “Tell me, anak. What happened?”

Kinuwento ko kay Mama ang lahat ng nangyari. Mula noong nakilala ko si Nelle sa mall hanggang sa naging pamamaalam namin ni Paul sa isa’t-isa kagabi.

“Bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag?” naguguluhang tanong niya nang matapos akong mag-kwento. “Bakit hindi ka nakinig sa kanya?” dagdag pa niya habang pinupunasan ang mga luhang pumatak sa mga pisngi ko kanina habang nag-kukwento sa kanya.

“Ma, natatakot akong baka maniwala na naman ako sa kanya,” paliwanag ko. “Baka po madala na naman ang puso ko at hindi nito matiis na maniwala sa kanya.”

“Iyan ba talaga ang kinatatakot mo? Kasi sa tingin ko ay hindi.” Huminga siya ng malalim bago muling nagpatuloy. “I think you’re just afraid to find out na hindi naman pala si Paul ang nagsinungaling sa’yo kundi ang sarili mong utak na piniling paniwalaan ang taong minsan mo lang nakasama kesa sa taong noon pa man ay nandiyan na para sa’yo. Natatakot kang maramdaman ang pagsisisi na hindi mo pinakinggan ang puso mo at sa halip ay sinunod mo ang sinasabi ng isip mo.”

Tama si Mama. Natatakot akong mapatunayan sa sarili ko na dapat ay ang puso ko ang sinunod ko at hindi ang isip ko. Pero masyado nang masakit.

“Siguro nga po, Mama,” tipid na tugon ko sa kanya.

“Kausapin mo siya, Aaliyah. Kailangan mong pakinggan ang side niya,” sabi ni Mama habang tumatayo mula sa kama ko. “Give yourself the chance to listen to your heart. In fact, you really don’t have to hear his explanations. You only have to hear the beating of his heart,” saad niya at saka tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Without even thinking twice, I found myself typing a message for Paul.

Let me hear your heartbeats.

Wala akong natanggap na reply mula sa kanya kahit na naghintay ako for about twenty minutes. Naalala kong sinabi niyang hindi na niya ako kakausapin pa.

Huwag naman sana. Hindi pa sana huli ang lahat. Baka hindi pa lang niya nababasa ang message ko dahil nasa party siya. Oo, Aaliyah. Tama.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa backyard namin upang i-check ang mga rabbit na binili ni Paul.

“Hi, Carrot!” bati ko doon sa white rabbit. “Kamusta, Chico?” baling ko naman doon sa black. “Namimiss niyo na ba ‘yong totoong may-ari sa inyo? Ako din kasi, eh,” buntong-hiningang saad ko at saka naupo sa tapat nila. Kumuha ako ng gulay doon sa gilid at pinakain sila.

“Huwag kang mag-alala, mas namimiss ka niya,” dinig kong may nagsalita ngunit hindi ko iyon pinansin dahil pakiramdam ko ay imahinasyon ko lang iyon.

“Hay, nag-hahallucinate na ata ako! Ugh!” sabi ko habang pinapalo nang marahan ang magkabilang pisngi ko. “Ano kayang ginagawa noon? Magkasama kaya sila ni Nelle ngayon? Hay, malamang nandoon sila sa party.”

“Nandito kaya ako sa tabi mo.” Narinig ko na naman ang boses ni Paul ngunit this time ay nilingon ko na siya dahil bigla siyang tumabi sa akin nang sinasabi niya iyon.

“P-paano ka nakapasok?” gulat na tanong ko.

“Pinapasok na ako ni Tita. Sabi niya ay nandito ka daw,” paliwanag niya.

Nang makita ko siya ay ni walang kahit na anong sakit akong naramdaman. Tuwang-tuwa ang kalooban ko ngayong nandito siya sa tabi ko. “Bakit ka umalis sa party?” tanong ko.

“Hindi naman ako nagpunta doon kasi wala ka,” tugon niya habang hinahaplos-haplos ang balahibo ni Chico. “Wala naman akong gagawin doon. Isa pa, hindi ko kayang magsaya matapos ang mga nangyari kagabi.”

Agad naman akong napayuko nang sabihin niya iyon. Oo, alam ko. Nasaktan ko siya kagabi. Pero hindi ko na inisip iyon dahil sarili ko lang ang inintindi ko.

“Paul, I’m sorry,” sincere na paghingi ko ng tawad sa kanya. “I should have listened to you first.”

“It’s not yet too late. Pwede ko pang ipaliwanag sa iyo ang lahat,” tugon niya.

Umiling naman ako at ngumiti. “Sa totoo lang, you really don’t have to explain. Let me just…” tumigil ako sandali at inisip kung itutuloy pa ba ang sasabihin ko dahil nahihiya ako. Huminga ako ng malalim at saka nagsalita. “Let me listen to your heartbeats.”

Pagkasabi ko noon ay ngumiti siya at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap ako sa kanya. Lumuhod siya gamit ang parehong tuhod niya at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti siya at saka nagsalita. “Ready?” tumango ako bilang sagot at agad naman niyang marahang nilapit ang tenga ko sa kaliwang dibdib niya.

Hindi ko naiwasang mapapikit nang gawin niya iyon. Narinig ko ang sobrang bilis na kabog ng dibdib niya. Hindi ko alam kung bakit tila parang napakasarap pakinggan ng mga iyon. “Paul. Ang bilis ng tibok ng puso mo,” nakangiting saad ko.

“I told you. You’re the only one who can make my heart beat this fast.”

Matagal bago ko itinigil ang pakikinig sa tibok ng puso niya. Nang lumayo ako ay agad siyang tumayo at inilahad ang kamay niya sa harap ko para tulungan akong makatayo.

“Are you sure you don’t want me to explain?”

Umiling-iling ako at saka nagsalita. “Wala ka namang dapat ipaliwanag. Alam ko, hindi dapat ako nakinig kay Nelle. Nadala lang siguro ako ng emosyon ko kahapon.”

“Akala ko, hindi na talaga kita makakausap kahit kailan,” nakangiting wika niya.

“You have to thank my Mother,” nakangiting sabi ko nang makitang papalapit si Mama sa amin.

Napatingin naman si Paul sa likod niya at nakita si Mama na nakangiti sa kanya habang papalapit. “Aalis lang ako, Aaliyah. Kailangan kong puntahan si Papa mo sa office para idala ‘yong mga papers na nakalimutan niya,” saad ni Mama nang makalapit siya sa amin.

“Sige po, Ma. Mag-iingat po kayo.”

“Sige, mauna na ako,” sabi niya at saka ako hinalikan sa pisngi. “Paul, bantayan mo ang anak ko, ha?” baling ni Mama sa kanya.

“Syempre po, Tita,” nakangiting tugon niya. “Tita, thank you po.”

“Saan?”

“Sabi po kasi ng anak niyo, kayo ang dapat kong pasalamatan at kinausap niya akong muli,” paliwanag ni Paul. “Kaya salamat po, Tita.”

Isang malaking ngiti lang ang iginawad ni Mama kay Paul at saka tuluyan nang umalis. Niyaya ko si Paul sa sala at saka hinandaan ng miryenda dahil ayaw naman daw niyang kumain ng heavy meal kahit dinner na.

Binuksan ko ang tv at naupo ako doon sa kabilang couch na katapat lang niya. Hindi ako makagalaw nang maayos dahil nakita kong tinititigan lang niya ako.

“Bakit diyan ka naupo?” Napatingin ako sa kanya at napansin kong kumportableng-kumportable siya sa pagkakaupo doon sa couch. “Dito ka,” yaya niya sa akin habang tinuturo pa ang space sa tabi niya.

Bigla naman akong nakaramdam ng pag-init ng mga pisngi ko. “D-dito na lang ako. Tinatamad na akong tumayo,” pagdadahilan ko. Bigla naman siyang tumayo mula doon sa couch. “Saan ka pupunta? Uuwi ka na?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip ay lumakad papunta sa akin. Bigla naman niyang siniksik ang sarili niya doon sa konting space sa tabi ko. “H-hoy! Hindi tayo kasya,” reklamo ko.

“Tayo ka na lang. Kakandungin kita.”

“A-ano?!” gulat na tanong ko.

“Ayaw mo kasi doon sa kabila, eh.”

“Aaaaay!” napatili ako ng bigla niya akong buhatin at siya ang umupo doon sa couch tapos ay ibinaba din niya ako doon sa may binti niya. “Ano ba ‘yan!” wari’y reklamo ko pero sa totoo lang ay sobrang kilig na ang nararamdaman ko.

Tumayo ako at saka mabilis na lumipat doon sa mas malaking couch. Hindi niya ako napigilan ngunit ang ginawa naman niya ay agad na lumipat din doon. Tatayo sana akong muli kaso bigla niyang nahawakan ang braso ko. The next thing I know, nakayakap na siya sa akin mula sa likod ko at nakapatong na ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.

“I missed you,” bulong niya na labis namang nagbigay ng kung anong kiliti sa buong katawan ko. “I missed you so much.”

“P-Paul.”

“Two minutes,” giit niya. “Two minutes lang.”

Hindi na ako muling nag-salita pa at hinayaan na lang siya na yakapin ako sa ganoong posisyon. Lagpas na ata sa dalawang minuto iyon ng pakawalan niya ako. Umayos ako ng upo at sumandal sa couch.

“Bakit hindi ka um-attend ng party?”

“Wala ka naman doon, eh,” mabilis na tugon niya.

“Nandoon si Nelle, ‘diba?” tanong ko at tumango naman siya bilang sagot. “Oh, bakit hindi mo sinamahan doon ‘yong girlfriend mo?”

Natawa siyang saglit at tumingin sa akin. “Girlfriend? Sinabi niya sa’yong girlfriend ko siya?” Tumango naman ako bilang sagot. “Ang pagkakaalam ko, wala pa akong nagiging girlfriend since birth,” natatawang pahayag niya. “Not unless you want to change that.”

Bahagya naman akong napangiti ngunit pinigilan ko iyon dahil ayokong makita niyang kinikilig ako. “Masaya kaya doon sa party!” pag-iiba ko ng usapan.

“Mas masaya dito sa tabi mo.”

Uuuugh! Paul! Bakit ba kanina mo pa ako pinapa-kilig?!

Nanatili lang akong tahimik matapos noon at binaling ang atensiyon ko sa palabas sa tv ngunit hindi ko naman iyon maintindihan dahil kay Paul pa din talaga nakatuon ang pag-iisip ko.

“Aaliyah,” dinig kong tawag niya sa akin. Nilingon ko siya at hinintay na muling mag-salita. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Yuck, basa!”

“Sino ba kasing may sabi na hawakan mo ‘yan?!” wari’y inis na tanong ko sa kanya at inalis ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Pasmado nga kasi ako.”

“Joke lang! Ito naman!” natatawang sabi niya at saka muling hinawakan ang mga iyon. “Pero ito, seryoso,” saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. “Makinig ka, ha?”

Tumango lang ako at hinintay kung ano ang sasabihin niya. Bigla siyang tumayo at lumuhod sa sahig sa harap ko. “Ehem ehem,” panimula niya. “Ngayon ko lang gagawin ‘to. Nakakahiya pero dapat intindihin mo na lang din ang boses ko,” tuluy-tuloy na pahayag niya. Hindi ako umimik sa halip ay hinintay kong simulan niya ang pagkanta.

Oo, hindi siya kumakanta dahil sabi niya ay iyon daw ang pakatagu-tago niyang talent. Pero ngayon, kakantahan niya ako. OH. MY. GOD.

~ Kapag ako’y binibiro mo. Ang lahat ng iyan, sa aki’y totoo. Mga titig mo ay tumutunaw sa puso ko. Kapag ako’y nasa tabi mo ay kabilis ng kaba sa dibdib ko. ~

Pang-babae ang kantang ‘to, ‘diba?

Hindi man maganda ang boses niya ay sobrang kasiyahan naman ang dinudulot nito sa akin. Hindi naman importante kung sintunado siya o nasa tono, eh. Ang importante ay sinusubukan niya akong mapasaya. Ang importante, he’s singing from his heart.

Yes, that, I know, is true.

~ Ang hiling ko lang sana’y malaman na ang puso ko’y sawa na sa biruan ~

Kahit ako, Paul. Sawang-sawa na ako sa puro biruan.

~ Bakit ‘di na lang totohanin ang lahat? Ang kailangan ko’y paglingap. Dahil habang tumatagal ay lalo kong natututunang magmahal. Baka masaktan lang. ~

Tumigil siya sa pagkanta ngunit ang mga tingin niya sa akin ay hindi pa rin niya inaalis. Napansin ko ang pag-taas-baba ng balikat niya na tila ay humihinga ng malalim.

“Aaliyah,” panimula niya. “Totohanin na natin ‘to.”

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
190K 3.2K 16
Dahil sa kagustuhan ni Alexander na makabalik sa America ay naisip nyang gumawa ng hakbang para maipakita sa mama nya na mas makabubuti sa kanya ang...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
504K 6.5K 60
Teacher student pa nga, step siblings pa! Pano magiging TAYO nyan?