The Mafia Lord's Possession

By Kiara_Chan08

3M 69.1K 4.4K

"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Ra... More

Author's Note
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Scared
Chapter 3: Doubt
Chapter 4: Dangerous
Chapter 5: Beautiful
Chapter 6: Faint
Chapter 7: Serious
Chapter 8: Whisper
Chapter 9: Serve
Chapter 11: Caress
Chapter 12: Astonished
Chapter 13: Pretend
Chapter 14: Crying
Chapter 15: Favorite
Chapter 16: Embraced
Chapter 17: Impetuous
Chapter 18: Mischievous
Chapter 19: Open
Chapter 20: Truth
Author's Note
Chapter 21: Loud
Chapter 22: World
Chapter 23: Smile
Chapter 24: Fast
Chapter 25: Crazy
Chapter 26: Hurt
Chapter 27: Happiness
Chapter 28: Voice
Chapter 29: Beloved
Author's Note
Author's Note Again
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Memory
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Catch
Chapter 34: Lost
Chapter 35: Longing
Chapter 36: Walk
Chapter 37: Remember
Chapter 38: Figurative
Author's Note
Chapter 39: Sibling
Chapter 40: Sleep
Chapter 41: Name
Chapter 42: Nervous

Chapter 10: Mortgage

75.6K 1.9K 147
By Kiara_Chan08

Mortgage is a conveyance of an interest in property as security for the repayment of money borrowed.

*****

Chapter 10

Hanggang mag-gabi ay nasa isip ko parin ang nangyaring pag-uusap namin nina Keila at Aiko kanina. Kahit sinasalubong ko ang Primo ngayon ay yun parin ang nasa isipan ko. Hindi ko nga namalayan na nakalampas na pala ang Primo sa akin. "Buong magdamag ka ba mag-gaganyan?" saad ni Nate sa akin na ikinagising ko sa malalim na pag-iisip. Nakayuko parin kasi ako hanggang ngayon.

Pag-angat ko ay naaaliw na tingin ang ipinukol sa akin ng aking kaharap. Medyo namula ang pisngi ko sa pagkapahiya. "Pasensya na, may iniisip lang."

"Halata nga," nakangiting sabi nito. "Ito, pakibigay mo ulit kay Mila," sabay bigay ulit sa akin ng attaché case ng Primo.

"Kung ako na lang kaya ang mag-lagay nito sa opisina niya. Personal maid naman niya ako," saad ko rito.

"Pasensya na Miss Krishna, hindi kasi basta-basta nagpapasok ang Primo sa opisina nito na walang pahintulot niya."

"Ganun ba. Ahmm.. Huwag mo nga akong tawaging Miss, napakapormal kasing pakinggan at isa pa katulong lang ako rito. Krish na lang."

Umiling ito. "Hindi pwede eh."

"Bakit naman?" nalilitong tanong ko. Pero nagkibit-balikat ra ito at ngumiti na parang may tinatagong sikreto.

"Sige, mauna na ako sayo Miss Krishna," paalam nito habang ako ay naiwang nagtataka.

Naghanda na ako para sa pagpunta sa kwarto ng Primo. Naghalukay ako sa bag ng makakapal na damit, hindi ko pa kasi ito naaayos sa closet. Hindi sinasadya ay may nakapa akong isang makapal na sobre. "Hindi ko pa nga pala naibibigay ito sa Primo." Ito yung pera na naipon namin para sana pangbayad. Naisipan kong ibigay ito ngayon.

Isasara ko na sana ang bag ng may maalala. Hinalungkat ko muli ang loob at kinuha ang isang picture frame ng pamilya namin. Dinala ko kasi ito para kahit papaano ay hindi ako malulungkot. Hindi ko rin kasi matatawagan sila papa dahil pati ang cellphone ko ay ibinenta ko at kahit na may cellphone ako ay nakakasigurado ay hindi ko rin yun magagamit dahil bawal nga dito sa mansyon. Miss na miss ko na talaga sila at ipinagdasal ko na sana gumaling na si papa at nasa maayos na lagay sila.

Hinalikan ko muna ang litrato bago inilagay ito sa nightstand. Dinala ko na rin ang sobre na naglalaman ng pera at nagtungo na sa silid ng Primo. Kumatok na naman ako ng tatlong beses pero laking gulat ko na si Nate ang nagbukas nito. Nanlaki ang mga mata ko at sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko. "Ahmm..," hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nakakahiya! Baka anong isipin nito sa akin.

Ngumiti ito. "Pasok ka, kanina ka pa hinihintay ng Primo." Pagpasok ko ay siya rin paglabas ng Primo sa banyo. Napatalikod ako bigla ng makita kong nakabalot lang ito ng tuwalya sa ibabang parte. Lalo tuloy namula ang pagmumukha ko.

"Sige Nate, makakalabas ka na." Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"Ah... Primo sa labas muna ako para makapagbihis kayo," saad ko rito.

"No need. May iuutos ako sayo at bakit mo ako kinakausap na nakatalikod?" maowturidad nitong saad.

"Eh kasi po..."

Paano ko ba ito ipapaliwanag.

"Nakakasilaw po kasi ang katawan niyo," bulong ko.

"What?"

"Wala po. Haharap na po ako sa inyo," pag-iba ko sa aking sinasabi. Humarap ako rito pero iniwas ko ang tingin sa hubad nitong katawan at itinuon ko na lang sa mukha nito. Pero nagulat ako ng may makita akong kaaliwan sa mga mata nito.

For goodness sake! I had really saw it or I am just hallucinating?

Napakurap-kurap pa ako dahil sa pagsulyap ko ulit ay balik sa walang emosyon at seryoso ang mukha nito. "Kunin mo ang damit pantulog ko sa closet," utos nito.

"Opo Primo," agad na sunod ko sa iniutos. Napatigil lang ako ng mapagtanto na hawak-hawak ko parin pala ang sobre kaya lumingon ako pabalik. "Primo... Diyos ko po!" mabilis akong tumalikod ulit. Tinatanggal naman kasi nito ang nakatapis na tuwalya.

"Sana sinabi mo na gusto mong manood akong maghubad. Papayagan naman kita," sa seryoso nitong boses kaya hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o hindi.

"W-wala po aking balak na silipan kayo. Gusto ko lang ibigay itong pera para sa paunang bayad namin. N-nakalimutan ko po kasing ibigay," kakandautal na paliwanag ko. Nakakasigurado akong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.

"Pakilagay mo na lang diyan sa mesa," saad nito.

"Sige po. Pasensya na rin po," at agad na inilagay ito bago ako tumungo sa malaking walk in closet nito at nagkuha ng pantulog nito. Hindi naman ako nahirapan dahil naka-arrange lahat ng mga damit nito batay sa klase. Napansin ko rin na halos dark lahat ang kulay ng mga damit nito. May mga light naman pero mabibilang lang sa daliri. Ang mga pajaman naman nito ay pare-pareho lang ng style lahat kaya nahirapan akong pumili. Pero may napansin ang mga mata ko, hindi mo ito makikita agad dahil natatabunan ito ng ibang pajama. Kinuha ko ito.

"Ito na lang yata. Para naman kahit sa damit ay hindi ito madilim tingnan."

Ito lang yata ang nag-iisang puting pajama roon. May nakaburda pang LA sa bandang dibdib nito. Mukhang personalize ang isang ito ha. Pagkalabas ko ay laking pasasalamat ko na nakaroba na ito ngayon. Nakatingin na naman ito sa nag-iisang bukas na bintana sa silid nito. Hindi yata nito iyon sinasara. Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nito. Lumingon ito kaya inilahad ko agad ang susuotin nito. Ikinalito ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito pero dagli rin ito nawala katulad kanina.

So, kahit konti ay may emosyon rin pala ang Primong ito. Siguro nga magaling lang talaga itong mag-kubli.

"Pakilagay mo lang diyan. Pwede ka na ring makatulog," saad nito sa pormal na tono.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Dahil sa pagod sa kaka-isip ay nakatulog ako ng mabilis.

"I love you so much," malambing na anas ng isang lalake habang nakapatong ang ulo nito sa kamay at hinahaplos ang pisngi ng babaeng nakahiga sa damuhan.

The girl giggled. "And I love you so so much."

Then the boy kiss her tenderly like she is a fragile glass. "Your lips always taste strawberry," he said after the kiss.

"Yeah I know. You always said that. Pwede bang another flavor na naman."

Malakas na tawa ang kumawala mula sa lalake at umalingawngaw sa buong burol.

Napadilat bigla ang mga mata ko at humihingal na bumangon. I just had a dream. Ako na naman yata ang binangungot dahil ng tingnan ko ang Primo ay mahimbing naman itong natutulog.

Pero ang nakakapagtaka ay parang totoong-too ang napanaginipan ko. Na parang isang ala-ala ng kung sino. Hindi ko naman kasi nakita ang mukha ng babae at lalake mula sa panaginip ko dahil malabo. Ipinilig ko na lang ang ulo ko para hindi na isipin yun, baka panaginip lang talaga. Dahil mukhang hindi na ako makakatulog uli ay bumangon na ako at babalik ng maaga sa kwarto ko. Malapit na rin naman sisikat ang araw. Pagkaisip sa araw ay mas dali-dali akong lumabas. Sumaglit muna ako sa balkonahe para hintayin ang pagsikat ng araw. I feel to watch it right now. Maya-maya lang ay sumungaw na ito at dahan-dahang lumiwanag ang kalangitan.

"Isang bagong umaga na naman," saad ko sa aking sarili. Hinayaan kong liwanagan ng sinag ng araw ang mukha ko. Napapikit pa ako para mas maramdaman pa ang init na hatid nito.

"Magandang umaga po sa inyo," bati ko sa mga nakapilang katulong habang nakangiti. Nagsalubong lang ang mga kilay ng mga ito na mukhang nagtataka. Tipid na ngiti naman ang iginanti ni Aiko at Keila sa akin.

"Lage ka bang ganyan?" tanong bigla ni Mila na katabi ko.

"Ang alin?" nalilitong saad ko.

"Nakangiti."

"Hindi naman. Minsan umiiyak rin ako, nalulungkot at nagagalit gaya ng normal na tao. Bakit?" sagot ko.

"Hindi lang kami sanay," saad nito. May sasabihin pa sana ako ng napatigil kami sa pagdating ng Primo mula sa taas. Nagulat pa ako ng tumigil ito sa aking tapat kaya nag-angat ako ng katawan at tumingin rito.

"Naisali mo sa sobre," sabay iniabot sa akin kung ano man ang nasa loob ng nakakumkom na kamay nito. Nagsalubong ang mga kilay ko pero inilahad ko naman ang kanang palad ko. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko ang kumikinang na kwentas na bigay nito.

Paanong napunta ito sa sobre?

It's my white gold necklace that was given to me by my father as my graduation gift. It has a single angel wing pendant. Ang nakapagtataka lang ay noong nakaraang buwan ko pa ito isinangla.

*****

-LG-

03-08-15

Continue Reading

You'll Also Like

894K 24.2K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...