Miserable life

By Kween-shei

296 97 12

Isang babae na ginagawa ang lahat para sa kanyang magulang pero kahit kailan ay hindi siya naging sapat at la... More

PROLOGUEEEEE
CHAPTER1
CHAPTER2
CHAPTER3
CHAPTER4
CHAPER5
CHAPTER6
CHAPTER7
CHAPTER8
CHAPTER10
CHAPTER11
CHAPTER12
CHAPTER13
CHAPTER14
CHAPTER15
CHAPTER16
CHAPTER4(real)
CHAPTER17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29

CHAPTER9

8 4 0
By Kween-shei

Nagdaan ang ilang mga araw at pahirap na pahirap na ang aming mga leksyon kaya lahat kami ay tutok na tutok sa pag aaral kahit si marga hindi na kami palaging gumagala dahil ang oras namin sa pag gagala ay nilalaan nalang namin sa pag aaral.

Tulad ng sabi ko lahat ay gustong maka pasok sa senior high school sa aming paaralan dahil ito ang paaralan na maganda lalo na para sa senior high school para pagdating sa kolehiyo ay hindi na kami masyadong mahirapan dahil mas nakakaalam kami ng konti kompara sa ibang paaralan.

"Sofia tara na kakain muna tayo mamaya na ang gawain."pumayag nalang ako kay marga dahil kahit lunch ay nag aaral ako o kaya ay gumagawa ng mga projects.

"Hey baby i miss youu."malambing na saad ni sylvister dahil kahit nag kikita kami araw araw ay tuwing uwian lamang dahil pareho na kaming busy.

Umupo ako sa tabi ni sylvister dahil may binili na siyang pagkain para samin pero habang kumakain ako ay nagbabasa ako ngunit nainip ako ng isarado niya ang binabasa ko.

"Kumain ka muna mamaya na magbasa."

"Pero alam mong kailangan ko yang basahin sylvister!"pagalit konang sabi pero hindi ako pinansin.

Balak kona sanang agawin nang magsalita siya "Kahit ba sa pagkain sofia libro parin ba bigyan mo naman ako kahit konting oras lang."ito ang kauna unahang beses nakita ko siyang ganito.

"Akala ko naiintindihan mo ako akala ko palagi mo akong iintindihin pero ito palang nga hindi mona ako kayang intindihin."umalis ako habang galit hindi kay sylvister kung hindi para sarili ko dahil tama siya kahit sa lunch nalang sana pero hindi niya rin ako masisisi.

Pumunta muna ako sa cr para maka pag ayos akala ko susundan niya ako pero walang sylvister na nag pakita kung hindi ay mga bitches!

"Kaya pala mag kaibigan kayo ni marga kasi ginagamit mo siya para makuha si slyvister."Sabi ni lia parang inabangan pa talaga ko sa cr wala ako sa mood para makipag away sa kanya pero nagulat ako nang sabunutan niya ako.

"Sinabi kona sayo diba na layuan mo sylvister."agad namang kumulo ang dugo ko sa galit sa kanya.

"Una sa lahat hindi ko ginagamit si marga pangalawa kahit ano pa ang ilagay mo sa mukha mo ay hindi kapa rin magugustuhan ni sylvister!"Pero bago ako lumabas sa cr ay binuhusan ko siya ng mineral water na hawak ko.

"Bitch!"galit na galit na sigaw niya pero hindi kona pinansin at bumalik na sa room.

"Sofiaa okay kalang ba?may problema ba kayo ni kuya?"agad na bungad sa akin ni marga.

"Wala nagulat nga ako sa inasta niya sana maintindihan mo ako marga dahil pareho lang tayo ng pinagdadaanan."

"Wag kang mag alala sofia kakausapin ko si kuya mamaya."tumango nalang ako dahil dumating na ang guro namin.

Mabilis na natapos ang buong klase sa hapon dahil tulala lang ako iniisip ko na sana maintindihan ako ni sylvister kung totoong mahal niya ako.

"Tara na marga baka nasa parking lot na si kuya."nagpahila nalang ako kay marga dahil wala akong gana ngayon.

Pagdating namin sa parking lot ay wala pa si sylvister hanggang sa mag 30mins na kaming naghihintay dito nang mag salita si marga."Sofia mauna na raw tayo dahil baka gagabihin si kuya madami daw gagawin."parang nahihiya pang sinabi ni marga pero tumango nalang ako.

Pagka uwi ko naligo muna ako at hinintay ang tawag niya dahil gabi gabi ay tumatawag siya kahit late na pero habang nag hihintay ako nga scroll muna ako sa mga myday sa facebook pero agad na lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang isang kaibigan ni sylvister at ang kanilang kaklase na naghahawakan ang kamay pero hindi kona muna ito inisip.

Dumating ang alas dose ng umaga ay wala parin akong tawag na natanggap galing kay sylvister kaya natulog nalang ako pero hindi ako makatulog kaya hinintay kung mag 3am at mag jogging.

"Anong ginagawa mo dito sofia?"nagulat ng marinig ko ang boses ni marga hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa kanilang village.

"Wala nag jojogging lang hindi ko alam dito na pala ako naka rating sa inyong village."

"Okay kalang ba?bakit gising kana?"nag aalalang tanong niya sakin.

"Oo okay lang bakit ikaw gising pa?"

"Nagising kasi ako tapos tumingin ako sa bintana ko tapos ayon nakita kita kaya binabaan kita."tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam na para maka uwi na at maghanda para sa pasok.

Pagka uwi ko nakita ko si yaya na nagluluto na kaya binilisan ko nalang ang pagliligo at bihis para makapag almusal at makaalis dahil marami pa akong gagawin sa paaralan.

"Sofia ang aga mo yatang nag jogging."saad ni yaya na nakangiti pa.

"Hindi na ako makatulog yaya eh."ngumiti nalang siya at umalis na kaya binilisan konalang din ang pagkain.

Nang dumating ako sa school ay akala ko may sylvister na naghihintay sa akin sa parking lot pero wala o baka naman hindi pa dumadating kaya hinintay ko muna siya.

"Uy sofia bakit kapa nandito time na ah."sabi ng isa kong classmate na babae.

"May hinihintay lang mauna kana."tumango naman ito at agad ding umalis kasi baka ma late.

Imposibleng wala pa si sylvister dahil isang oras na ang time na nakalipas pero hindi parin ako pumasok Ngunit minamalas yata ako ngayon at biglang umulan ng malakas kaya umuwi nalang ako kasi basa na ako alangan pa na papasok pa ako dahil basa na ako nilakad konalang pauwi dahil hindi na ako nagpasundo.

"Sofia anong nangyari bakit basang basa ka?"nag aalalang tanong ni yaya pagkakita niya sakin.

"Naulanan lang yaya tsaka hindi na muna ako ngayon papasok dahil parang masama ang pakiramdam ko."

Pagkapasok ko sa kama ko ay hindi ako naligo hahayaan konalang ang sarili kong magkasakit para makapag pahinga mona sa sakit na akin nararamdaman pagkatapos kong pumalit ng damit ay natulog nalang ako.

"Sofia kain na."rinig ko na katok ni yaya sa aking kwarto.

"Paki hatiran nalang ako dito yaya."agad namang pumasok si yaya kasi baka alam niya na iyon na ang sasabihin ko.

"Okay kalang ba sofia?"

"Okay lang yaya maraming salamat."umalis naman siya at ako ay sinubukan kong kumain pero wala akong gana kaya tiningnan ko muna ang aking cellphone nakita ko maraming miss called ni marga.Akala ko rin ay tumawag si sylvister pero akala ko lang pala kaya natulog nalang ako.

Nagising ako ng giniginaw ako kahit naka balot na katawan ko parang nanghihina ako at nawalan ng malay.

"Doc kamusta si sofia?"alam ko agad na kay mommy iyong tinig.

"Okay lang naman siya stress lang at naulanan kaya siguro nilalagnat."umalis naman agad ang doctor pero hindi kopa dinidilat ang aking mata dahil parang wala pa akong lakas.

"Tita kamusta si sofia?"alam kona agad kong kaninong boses yon kaya pinatili kong nakapikit dahil ayaw na ayaw ko siyang makita!

"Okay lang naman iho nilalagnat lang kasi daw sabi ni yaya umuwing basang basa ng ulan.Yaya kayo nalang muna mag bantay kay sofia dahil may gagawin pa ako."trabaho nanaman syempre.

"What are you doing here?"malumanay parin na tanong ko kahit galit na ako.

"Sofia sorry hindi ko alam na hinintay mo ako sinabi lang sakin ni marga sorry hindi ko naman alam na uulan at magpapaulan ka."

"Tama ka hindi mo alam na uulan kaya bakit ka nag sosorry?busy ka diba pwede kanang umalis maraming salamat sa pag bisita."

"Sofia please."nagmamakaawang sabi niya pero mabuti nalang at inawat siya ni marga."Kuya tara na hayaan mona natin si sofia."at hinila na ni marga si sylvister.

Pagkalabas nila ay umiyak ako ng umiyak ng mahina pero hindi ko alam kong ano ang aking iniiyakan kaya natulog nalang ako.

Pagkatapos ng tatlong araw na pahinga ay napag desisyonan kona na kailangan konang pumasok baka mahuli na talaga ako sa klase.

Inagahan ko talaga ngayon para wala pa si sylvister kahit alam ko naman na hindi niya ako hihintayin tulad noong naka raan pero pagkarating ko sa parking lot ay mali pala ako dahil nandun na siya at nag hihintay sakin.

"Sofia lets talk pleasee sorry na sofia please."hinahabol pa ako nito dahil hindi ko siya pinapansin.

"Mamayang lunch na tayo mag usap wala pa akong gana ngayon."akala ko mag mamatigas pa siya pero hinayaan nga niya ako.Bobo kaba sofia syempre yon sinabi mo bat kapa masasaktan.

Pagpasok ko sa room ay agad akong kinamusta ng mga kaklase ko at ni marga pero wala akong pinansin at nginitian ko lamang silang lahat dahil wala akong gana mabuti nalang at dumating na ang aming guro.

"Sofia tara na lunch na tayo."yaya sakin ni marga hindi ko namalayan na lunch na pala dahil indi naman ako nakaramdam ng gutom.

"Ikaw nalang marga hindi ako gutom eh."mabuti nalang at hindi na niya ako pinilit at tuluyan ng lumabas.

Pero maya maya ay may narinig akong mga bulungan pero hindi ko pinansin dahil wala akong pakealam sa kaning mga bulungan nagkaroon lang ako ng pakealam ng may umupo sa tabi ko.

"Lunch na kaya dinalhan kita ng pagkain at sabi mo mag uusap tayo ngayon."pero wala akong ganang magsalita kaya hinintay konalang siya kung ano ang sasabihin niya.

"Sofia sorry yung nakita mo sa myday ng kaibigan ko ay nagkahawak lang kami non dahil nanalo kami sa aming defense at sorry kung hindi kita napuntahan noong inuulanan ka dahil akala ko ay nakapasok kana.

"Tulad ng sabi mo ay hindi mo alam na uulan diba kaya okay lang wag kang mag alala okay lang talaga."agad ko naman siyang hinalikan sa pisnge to assure him that everything's okay.

"Give me a chance baby i love you."hinalikan rin ako sa noo at pinakain nalang ako dahil malapit ng matapos ang time.

Sana hanggang sa huli sylvister ay nasa tabi kita sana lang..

Nang malapit ng mag bell ay pinaalis kona siya baka ma late pa siya sa klase niya pero tamang tama dumating rin si marga.

"Sofia okay naba kayo?sana lang kasi ako inaaway at pinapagalitan palagi sa bahay bakit daw hindi ko sinabi agad na hinihintay mo siya sa parking lot eh kasi lunch lang din ng sabihin saakin ni andrea."walang preno na sabi niya oo nga pala naisip kona agad na si andrea nag sabi.

"Pasensiya kana marga nadamay kapa tuloy."pero hindi nalang siya nag salita dahil dumating na ang guro.

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
78.1K 2.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...