The Half Moon of the Sun

De Adys62597

860 16 0

The beginning of the end. New-Born Light vs. God of Darkness. White Angels,Dwarfs,Giants,Vampires vs. Black A... Mais

Knowing the path of past
Tribe of Dwarf and Giant
Missing Pages
Daring Training
Final Test
Lame
Angel in disguise
SPY
Identity vs. Confusion
Denier
It was a spell
The Real Me
ELEMENTS
TRUTH or DARE
ELEMENTAL CREATURE
The Guardian
Royal Party
God of Darkness
Dream

Daring Traning 2

57 2 0
De Adys62597

Yan po si Selene

Chapter IV Part 2

Selene's POV

Nagising ako nang naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Pasimple akong kunwari tulog. Si peste pumasok sa kwarto ko. Ang kapal naman ng mukha nya 'no pagkatapos nya 'kong sigawan plano pa nyang sirain ang umaga ko. Tss. Kaya hindi ko tuluyang minulat ang mga mata ko para maka-iwas pambu-bully ng peste.

Umalis naman sya agad. Pagkaalis nya tsaka ko iminulat ang mga mata ko. Agad naman bukas ang pinto kaya pumikit ako ulit.

"My little princess, I know you are already awake so please open your eyes." si Papa pala

"Good Morning Papa." bati ko kay Papa sabay ngiti.

"Papa na-miss kita, simula kasi nung dumating tayo rito wala ka ng ibang kinausap kundi si Tito Garf. I feel jealous Papa." sabi ko kay Papa

"Payakap nga sa prinsesa ko."sabi ni Papa sabay yakap sakin. Niyakap ko rin pabalik si Papa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may naramdaman akong likidong.pumatak sa may likuran ko. Umiiyak si Papa?

"Papa are you crying?" syempre tinanong ko. Curiousity mode.

"No." sagot ni Papa

Kumalas na si Papa. Pinat nya lang ako at sinabing "Everyday is a day to challenge you, so be strong my little princess."

Ayan na naman si Papa. Lumabas na si Papa. Busy talaga si Papa. Ano kaya ang pinagkakaabalahan nya? hmmm... Curiousity mode.

Naalala ko na may training pa pala ako. Naligo ako sa CR dito sa kwarto ko. Urrrgghhhhh.... My simple life is now messy.

Paglabas ko tsaka ko lang napansin ang isang basket na puno ng strelawberry hindi ko mapigilang ngumiti dahil takam na takam ako. Hmmm... Teka ito yung inilipag ni peste kanina ah. Baka may lason ito kaya hindi ko kakainin. Tss... Ano yan suhol? ang gusto ko lang naman ee wag nya akong guluhin o asarin.

Dumiretso na 'ko agad sa training room. Nagsuot lang ako ng simple attire. Pero syempre cool parin ang dating ko.

Si Master Ken ang trainor ko ngayon ang Bow&Arrow Master. Pagdating ko nakalinya na naman sila at nang makita nila ako sabay sabay silang nag-bow sa akin. Feeling ko prinsesa ako. Hahhahha. My gosh nasa fairytale ba ako? Nasa tribu ako ng mga dwarf at may extrang giant... Para akong si snow white nito ahh... Hahhaha. Sana naman maging maganda ang performance ko ngayon. Kasi naman kahapon ee tatanga tanga lang naman ako but i believe I can fly, I can touch the sky, I can be stronger like them. Hahaha. Tae naman, ang pangit ko mag-english.

Ayan. Ito na naman po tayo. Binigay.sakin ang bow tapos nakasabit sa likod ko ang arrow. Tamang-tama dala ko ngayon ang camera. Hihihi...

"Miss Selene, let's start." wika ni Master Ken

Inabot ko sa kanya ang camera tapos nag-pose ako sa harap nya. Yung pose ko parang determinado akong pumana, Yun ba ready to fight na.

"Miss Selene... Ahh... Ehh... Ano po ba ito?" nahihiyang sabi ni Master Ken

Tae naman. Ang tagal na nyang nag-e-exist dito tapos hindi nya alam ang camera. Tss. Nakaka-turn off naman mga ito mga taong kweba. Ayy..nalimutan kong nasa tribu pala ako ng dwarf at giant. Hehe. Malay ko ba na walang camera dito kasi ang gaganda ng gamit nila dito. So ayun nag-explain ako sa kanila tapos nag-selfie kami. Hihihi. Pagkatapos nun. Balik ulit sa traning.

Ang target ko naman ngayon ay apple, kahapon strawberry. Ang sasarap ng prutas dito, I swear. May tamang formation ang kamay, focus din dapat sa target, tamang pag-exert ng force na ipapasa sa bow na ipapasa naman ng bow sa arrow (physics? hahhaha) at dapat mabilis din kumuha ng arrow.

Tama ang bilis ng pagkuha ko sa arrow pero yung paglagay ng arrow sa bow ang bagal ko. Ang hirap kaya nakaka-pressure. Minsan pa nga nahuhulog yung arrow. Siguro kung nasa labanan na 'ko kanina pa ako patay. Dun pa lang sa paglagay ng arrow sa bow hirap na 'ko pano pa kaya dun sa pagpapakawala ng arrow. Tss. Teka napansin ko lang wala yung peste rito ah... Buti na lang.

Tanghali na 4 hrs na pala akong nagta-try dito sa bow & arrow na ito. Hmp. Nagpahinga muna kami at nag-lunch. Bongga ang pagkain namin. Lagi naman. Pero di parin ako sanay. Nagdala ako ng dalawang latang ham para sakin. Hehhehe medyo selfish po ako pagdating sa ham. Nagsimula na kaming kumain nang napansin ko nakatitig yung mga Masters ko sakin.

"May dumi ba sa mukha ko mga Masters?" tanong ko

"Ah. Miss Selene wala po." sabi nila pero nakatingin parin sila sakin

Nakaka-asar naman. Ayoko nang pinanunood ako sa pagkain ko.

"Pwede po bang tikman yang kinakain nyo Miss Selene?"tanong ni Master Lim ang pinaka-gentleman sa kanilang lima. So yung ham ko pala ang tinitignan nila. Hmmm... Selfish ako ihh pero dahil Master ko sila binigyan ko sila. Halatang ngayon lang nakatikim ang mga ito ng ham takam na takam sila ihh... Hahhaha...

Natapos ang training na wala man lang akong natamaang mansanas. Tsk. Expected ko naman na ihh.

Papunta na ako sa aking silid nang madaanan ko ang isang malawak na silid na nkabukas. Nakita ko si Papa at Tito Garf na nagsasanay din. Hahhha... Like father like daughter lang ang peg. Nanuod ako. Ang galing ni Papa, kakainggit.

Walang pesteng nagpakita. Yes!!!

Makakatulog ako nang maayos. Hihihi

Arfin's POV

Ang saya talagang kasama ang mga giant. Utas ako sa katatawa. Kumusta kaya yung mikrobyo na yun. Malamang sa malamang wala na namang natutunan yun. Ang bobo kasi nun di sa kanya bagay ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.

Tss. Bakit ba iniisip ko na naman ang mikrobyong yun. Makatulog nga.

Miyerkules na. Si Neon ang trainor ni mikrobyo ngayon. Pupunta ba ko o hindi? Medyo tinanghali na ko nang gising.

Papunta na 'kong training field. Pano kasi itong si denden pinilit ako. Ang kulit. Tapos iiwan din ako sa ere aba matindi. Pagdating ko... Aba paseksi na naman ang suot nitong mikrobyong ito ah. Sino ba ang pinaseseksihan nito. Malanding mikrobyo. Tss...

Paghawak pa lang ng whip mali na. Gaano ba kabobo ang babaeng ito. Nakakaboring naman. Wala man lang thrill itong training na ito nagmimistulang kalokohan lang. Hindi naman ata seryosong matuto itong mikrobyong ito. Umiinit ang dugo sa mga tulad nya. Pinag-aaksayahan namin sya ng oras tapos parang balewala lang sa kanya. Di ko na mapigilan ang sarili ko.

"Hoy Mikrobyo! Pwede bang umayos ka! Wag ka ngang tatanga-tanga! Magseryoso ka naman! Malaki ang pinagkaiba ng laro sa training! Gamitin mo nga yang utak mo! Hindi yung nakapatong lang jan sa ulo mo!" sigaw ko sa kanya

"Pasensya na. Lampa kasi talaga ako.Sorry sa abala." sagot ni mikrobyo. Sobrang lungkot nang pagkakasabi nya. I feel guilt. AGAIN. FCK!

Umalis na lang ako. Baka kasi kung ano pang masabi ko. Ayoko lang ng tatanga-tanga. Nakakainis tignan.

Selene's POV

Sobrang sakit. Kahit sino naman siguro ang pagsabihan ng mga salitang yun masasaktan. Pero totoo naman kasi ang mga sinabi nya. Kaya naapektuhan ako nang sobra. Paiyak na 'ko pero todo pigil ako. Ayoko ngang ipakitang mahina ako. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kalakas. Hmp! Go Selene! Kaya 'ko ito.

Nag-focus ako. Si Master Neon ang trainor ko ngayon. Ang WhipMaster. Mahirap i-balance ang whip kung saang direksyon ko ito ihahampas. Ang target namin ngayon ay isang sako na puno ng dayami na nakasabit. Parang punching bag. Hehehe. So far sabi ni Master Neon nag-improve naman daw ang performance ko.

Tapos na ang training ko.

"Miss Selene gusto nyo po bang mamasyal?" tanong ni Master Lim

"Ahh. Kayo na lang muna. Next time na lang." sagot ko

Medyo pagod na rin ako ihh. Pero inakbayan ako ni Master Ian.

"Sigurado akong mag-e-enjoy ka dun" wika nya.

Wala na akong nagawa kundi sumama. NO CHOICE.

Gabi na. Ang dilim. My gosh baka makakita na naman ako ng giant. Gosh! Tae naman kasi ee. Tahimik lang akong naglalakad kasi nila. Pinagtitinginan na nga kami ng mga dwarf dito.

Ahhhhhh!!!!!!! Giant!!! Napasigaw ako. Nakakita nga ako ng giant pero blue eyes sya. Kainggit ng mata nya. Pero takot parin ako.

"Wag kang matakot Miss Selene, mababait ang lahat ng giant." sabi ni Master Ken

"Ang mga blue eyed giant ang guwardya sa blueberry farm, ang mga red eyed naman ang sa strawberry farm at ang mga green eyed naman ang sa apple farm. Naka-depende ang kulay ng mga mata nila sa farm na binabantayan nila. Marami kasing magnanakaw na hayop dito." paliwanag sakin ni Master Lim

Dumating kami sa isang parang bar. Omy! Wala pa ako sa legal age para pumasok jan sabi ko sa mga trainors ko. Napakamot na lang sila sa ulo. Hinila naman na ako ni Master Ian.

Pagpasok namin sa loob namangha ako. May nagkakantahan. Maraming pagkain as usual tapos mag nagsasayaw. May mga banda rin pala rito at dance group. Ang saya nila rito. Madali pa naman akong mahawa. Nakikanta at nakisayaw na rin ako at syempre nakikain. Hehhehe. Yung lungkot ko kanina napalitan na ng saya ngayon.

Kasalukuyan akong abala sa pagkain nang bigla akong nilapitan ni Master Lim at inilahad ang kamay. Nagtaka tuloy ako kasi disco yung genre ng kanta.

"Can I have this dance?" sabi ni Master Lim

"Ah. Kaloka ka naman Master Lim. Di ako mahilig sumayaw." sagot ko

He snap his finger then the band change the genre of the song into a sweet. Namula naman ako dun. Niyayaya akong sumayaw ng ala Xian Lim. Tatanggi pa ba ako? syempre hindi na no. It's not time for choosyness Selene kaya Go na!

Ilalahad ko na rin ang kamay ko nang biglang may kumuha ng kamay ko. Hinatak ako sa gitna at isinayaw nya ako. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Master Lim.

"Hoy estranghero! Sino ka ba?" tanong ko sa lalaking yun, nakamaskara kasi sya.

Inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at sinabing "Kung makikipagsayaw ka dapat sa gwapong katulad ko. Tsk."

Si peste to ah. Tae ninakaw nya ang first dance ko. Tinulak ko sya pero tae mas malakas sya sakin. Mas hinigpitan pa nya ang paghawak sa kamay ko at sa bewang ko. Nang init tuloy ang mukha ko. Tss. Ang awkward naman nito naka-shorts lang ako tapos nakikipagsayaw ako ng walts. Ano ba ito!

"May gusto ka ba kay Lim?" out of the blue na tanong ni peste

"Wala." sagot ko

Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita. Bakit bigla na lang nagkaganito si peste.

Arfin's POV

Kanina pa ako andito sa Happy House ng giant at dwarf nang bigla kong nakita si mikrobyo. Isasayaw yata sya ni Lim. Tsk.

Hinablot ko yung maskara na nakasabit sa dingding at saka isinuot.

Ngayon kami ang magkasayaw ni mikrobyo. Ewan ko ba. Bigla na lang akong nagkaganito. Ang Korni.

Pagkatapos ko syang isayaw ay hinigit ko na sya paalis.

"Anong problema mo?" sabi ni mikrobyo

"Ikaw."

"Bakit ako?"-mikrobyo

"Ang tanga mo kasi, Nakakainis." sagot ko

"Bakit mo isinayaw ang tangang tulad ko?"

"Trip ko lang paki mo."

"Tss. May gusto ka sakin 'no?" -mikrobyo

"Asa." sagot ko

Nakakainis naman. Tae naman. Bakit ko ba kasi sya isinayaw. Gusto ko lang namang asarin si Lim ee.

"Bakit? Bakit? Bakit?" paulit ulit na tsnong ni mikrobyo. Kainis.

"Ano ba! " sigaw ko sa kanya

Nainis na naman sya dahil sa pagsigaw ko. Itinaas nya ang kaliwang kamay nya. Shit. Bakit ko hawak ang kamay nya?! Tapos tinanggal nya yun at sabay alis. This is incredible! Fck! Am I fcking inlove with that stupid girl?!! No... I'm Prince Arfin and i'm not used to be inloved with those type of girl.

Selene's POV

Ang labo naman nung peste na yun. Isinayaw ako tapos hinigit pauwi tapos ang dahilan lang ay tanga ako? Grabe talaga yun. Okay lang sana na isinayaw nya ako dahil maganda ako at kabigha-bighani ang gandang taglay ko. Pero yung isinayaw nya ako dahil tanga ako? take note ang tagal nyang hawak ang kamay ko.

Day 5 of training

Si peste ang trainor ko ngayon. Kahapon di sya nagpakita sakin. Siguro dala parin ng hiya. Buti nga sa kanya. Tinuruan akong sumuntok,tumadyak,umilag at iba pang self-defence. Nagsanggol nga rin kami yung itutumba mo yung kamay ng kalaban mo. Kadalasang pinagpupustahan. Syempre si Master Ian ang trainor ko dun. Ang lakas, talo pa nya Manny Pacquiao sa liksi at bilis.

1 hr. na kaming naghihintay kay peste. Nakakainip naman. Di na nahiya yun. Sabagay wala ata sya nun.

"Hindi ako mabait na trainor mikrobyo." biglang may nagsalita sa likuran ko

"Never mo naman nagamit ang salitang mabait ee. Alam ko na yun." sagot ko

Ibinigay nya yung sword sakin. Ang bigat pala nito. Ang cool. Nagulat ako nang mula sa likuran ko ay iniayos nya ang sword sa kamay ko. This is too much. Akala ko hindi sya mabait. Akala ko sisisgawan nya ko pero hindi. Serious type sya ngayon walang bullying. Ang eespadahin ko ay yung nakasabit na mansanas na kontrolado ni peste. Iniiwas nya yun. Kaiinis ang hirap pala nito.

"Ano ba. Isipin mo kalaban mo yan. Kung may hawak lang yang espada tulad mo baka magkahiwalay na yang"

Oo na! Sigaw ko. Kadiri naman kasi yung susunod na sasabihin nya.

"Tss. Determination. 'yon ang kulang sayo." sabi ni peste

Halos lahat ng sinasabi nya ay tama naman talaga. Kaya pinagbutihan ko.

"Arfin." tinawag ko sya sa pangalan nya. FFTF. ^_^

Napalingon sya sakin at nalimutan nyang iilag yung kontrolado nyang mansanas. Nahiwa ko tuloy. Hehhehe. Yes!!! Napalundag ako sa saya. Ang galing kasi nyang kumontrol ee.

"Tss. Madaya" bulong nya sakin at umalis

Ang saya-saya ko ngayon. Naisahan ko si peste. Pangalan lang pala nya ang kahinaan nya. Yahoooo!!!!

First Training KS Test

Kinkabahan na 'ko. Ommy!!!

Nagsimula na ang test.

Unang test is Sling Test.

Nag-review kami kahapon ng mga Masters ko. Kaya gagalingan ko talaga. Nakakahiya rin kasi nanunuod ang Hari at si Papa.

Nadaplisan ko lang yung strawberry.

"Not bad Selene" sabi ng Hari tapos napangiti lang si Papa sakin. Siguro nahihiya sya na ang hina ng anak nya. Pero ngumiti rin ako.

Bow and Arrow Test.

Tae naman. Isa to sa pinaka mahirap gamitin. Nailagay ko naman ang arrow nang maayos sa bow. Ipinasa ko ang naipon kong pwersa sa bow at pinakawalan ko ang arrow. -___-

Geez. Yung poste ang natamaan ko.hindi yung apple.

Ngumiti lang ang Hari ganoon din si Papa. Alam ko ang kahihiyang dala ko kay Papa. Tae naman.

Whip Test

Kailangan ko pa bang sabihin ang nagawa kong kahihiyan? Kainis.

Ayun nahulog yung apple hindi sya nahiwa ng latigo na ito. Bakit hindi makisama itong mga sandatang ito.

Body Test

Inisip ko yung mga taong mamamatay tao. Sinipa at sinuntok ko yung punching bag na yun.

Mas lalo atang na-disappoint si Papa at ang Hari. Ano ba ito. Kainis.

Sword Test

Sana naman pagbigyan ako ni peste ngayon. Ayun umatake lang ako ng umatake at yung rope ang natanggal ko. Tss. Hayyy... Exhausting!

Nakakapanghina naman ito. Hayyy...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CAST

Bae Suzy as Briellasone Selene Alectrona
Ahn Jae Hyun as Afriel Lieru
Bi Rain Jung Ji Hoon as Arfin Elaph
Kang Min Hyuk as Zadrille Helle
Kim Hyo Yeon as Freya Yophiel

Continue lendo

Você também vai gostar

10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
11.8K 1.2K 66
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...