Ang Poste at Ang Duwende

Enairashhh által

6.4K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... Több

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 34

53 9 0
Enairashhh által

"Why? A-akala ko, kayo na? I-I'm sorry. N-nabalitaan ko lang sa...Teammates ko."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Timingnan ko si Bansot pero mukhang wala syang balak na bawiin yung sinabi nung lalaki. Panay parin ang pag-uusap nila habang ako,mukhang tangang nakatingin sa kanya. Minsan napapatingin sya sakin at naiinis ako sa ginagawa nya.

"Mag..."napalunok ako dahil di ako makagsalita ng maayos. Feelong ko anumang oras,maiiyak na ako.

"Oh, Ate mo?" takang tanong nung lalaki kay Bansot. Napapikit nalang ako sa inis. Kanina pa ako dito pero hindi manlang akong nagawang ipakilala.

"O-oo---"napapikit ako sa sagot nya. Mas lalo lang nitong pinasakit ang damdamin ko.

"Wag kang sasama kung kani-kanino ha. C-cr lang si Ate." sarkastikong sabi ko. Agad akong umalis doon ng hindi sila nililingon. As if namang sa cr ang punta ko. Dinahilan ko lang yun para makaalis. Mabilis akong nakalabas ng mall. Hindi ko na namalayan na lumuha na pala ako. Grabe. Bakit ba palagi nalang akong umiiyak?

"Mayumi!" napapikit ako ng marinig ang boses na yun. Mas lalo pang tumulo ang luha ko. Mabilis akong sumakay sa humintong jeep. Saktong puno na ito kaya agad nang umandar. Narinig ko pang tinatawag ako ni Bansot pero hindi ko na sya nilingon. Ayokong marinig ang boses nya, ni makita sya dahil nasasaktan ako. Habang nasa byahe,patuloy parin ako sa pag-iyak. Alam kong marami nang tumitingin sakin pero hindi ko nalang pinapansin. Siguro iniisip nilang nababaliw na ako. Wala akong paki-elam. Gusto kong i-head lock si Bansot ngayon. Gusto ko syang suntukin. Bakit? Bakot sya pumayag makipag-date? Bakit nya pinaramdam sakin lahat ng ka-sweetan kanina? Bakit nya sinabing meron na syang nararamdaman sakin? Ano yun? Pinaglalaruan nya ba ako?

Bakit nya pinaramdam sakin yun kung meron na pala syang...

Sila na pala...

Lalong umagos ang luha ko.  Bakit nya pinaglaruan ang feelings ko? Hindi ko na maintindihan.

Natauhan ako ng magsalita si Manong. Sabi nya bumaba na raw ako. Napatingin ako sa paligid. Wala na palang tao.Hindi ko na napansin sa kakaiyak ko. Saka lumagpas na pala ako samin. Agad akong nagbayad saka bumaba. Natanaw ko ang puregold. Agad akong pumasok. Gusto ko lang magpalamig saglit bago umuwi. Pagpasok ko agad akong tumungo sa grocery. Doon agad ako pumunta sa mga pagkain. Habang dumadampot ako ng mga junk food, napapaisip ako. Sila na pala, bakit sya nakipag-date sakin? Tapos sinabi nya pang nagseselos sya kay Gelo. Sila na pala bakit hindi nya agad sinabi sakin? Hindi yung umaasa ako na baka may pag-asa. Kung sinabi nya naman yun e,maiintindihan ko at hindi ko sya papakeelaman. Alam ko kung hanggang saan lang ako. Pero tinuloy nya parin. Nakipagkita parin sya sakin. Pinaasa nya akong meron syang nararamdaman sakin.

"Mayumi?" agad akong napalingon at nakita ko si Gelo na nakangiti. Biglang kumunot ang nuo nito at nawala ang ngiti nya. Naka blue oversized t-shirt sya at itim na shorts. Meron rin syang cart na dala. Halatang nag-grogrocery sya.

"W-what happ---" bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Bakit?" taka syang lumapit sakin at tiningnan ako. Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Di ko mahanap yung samyang" dahilan ko. Lalong kumunot ang nuo nya.

---

"So anong nangyari?" pag-uulit nya. Nilibre nya ako ng milktea. Hindi naman ako makatanggi dahil tulala lang akong naglalakad habang sumusunod sa kanya. Nasa 7-11 kami ngayon. Mamaya na raw sya uuwi. Hindi naman daw magagalit mama nya.

" Wala" pilit na ngiting sabi ko. Tiningnan naman nya ako na parang sinusuri. Napaatras pa ako sa lapit nya.

"You're lying. Namamaga ang mata mo, hindi lang basta gawa ng samyang yan" napatingin ako sa kanya. Sinisimsim nya ngayon ang milktea nya.

"Bakit? I mean, nakaayos ka ngayon. Nakipagdate ka ano?"nakangisi pang sabi nya pero tinitigan ko lang sya. Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon.

"Pangalawa mo na yan" ani ya, nawala ang ngisi sa labi. Taka akong napatingin. "Aling pangalawa?"



"Yang pag-iyak mo, dalawang beses ko nang nakikita."

"Aminin mo, iisang tao lang ang dahilan ng pag-iyak mo ano?" napatungo ako. Tama sya. Ikaw ang dahilan. Palaging ikaw.

"Alam mo, dapat hindi ka umiiyak dyan. Ang ganda ganda mo pa naman" mabilis akong napatingin sa kanya. Nakita ko naman ang ngiti nya. Yung ngiti nya mula ng araw na iyon hanggang ngayon hindi nawala. Napabuntong hininga ako. Ayokong madamay pa sya sa problema ko. Ayokong pati ngiti nya, mahawaan ko ng kalungkutan.

"Tara inuman!"sigaw ko.

"Umiinom ka?" gulat na tanong nya. "Joke lang" ngiting sabi ko. Natawa naman sya.

"Akala ko pa naman" ngiti paring sabi nya kaya nangunot ang nuo ko. Di ba sya napapagod kangingiti? Sabagay, mas lalo pa syang pumogi dyan.

"Anong akala mo? Bakit, umiinom ka ba?"

Napakamot sya sa ulo nya at nangingiti na paramg awkward. Ohhh... "Secret lang natin to ah."

Nanlaki ang mata ko.

"Oo. Influence din ng mga barkada ko." nahihiyang sabi nya habang kumakamot pa sa batok nya. Cute.

"Yun ba yung kasama mo nung event?"

"Oo"

Noong time na nasa event si Gelo, nakasuot sya ng all black. Ngayon ko lang na realize na para syang bad boy nung time na yun.

"Gelo, nagcocosplay ka ba?"

"Hindi. Nanunuod lang ako ng anime" ngiting sabi nya saka sumimsim ng milktea na malapit ng maubos. Napaubo naman ako. Naalala ko nanaman si Bansot sa sagot nya.

"Okay ka lang?" alalang tanong nya. Tumango naman ako saka ngumiti. "Tara sa playground" natuwa naman ako at sumunod sa kanya. Medyo malayo ang nilakad namin pero nakarating narin kami. Agad akong sumakay sa duyan. Tumabi naman sya sa isang duyan. Malakas ang hangin kasabay ng makas ko ring pagsipa.

"Mayumi, dahan dahan lang, baka tumilapon ka" natawa nalang ako kay Gelo. Mukhang titilapon talaga ako nito papuntang langit!

"Malapit lang bahay namin dito, gusto mo pumunta?" gulat akong napatingin sa kanya. Napapakamot nanaman sya sa ulo nya tas mapupunta sa batok nya. "Okay lang kung ayaw mo, iihahatid nalang kita pauwi"

"Nandoon ba, parents mo?" diretso kong tanong. Natawa naman sya. Nangunot naman ang nuo ko. Ewan ko ah. Ako lang ba nakakapansin, adik ba tong si Gelo? Wala namang nakakatawa, ni hindi nga ako nag-joke tapos kung makatawa wagas?

"Yes, complete family. Sunday is family day. Kailangan ko na ring umuwi. Sabay ka muna sakin, ihahatid nalang kita" tatanggi pa sana ako pero mukhang nagmamadali sya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Pumasok kami sa isang subdivision mula sa playground. Malalaki bahay siz. Napatingin ako kay Gelo. Baka nga mayaman tong pogitang to.

"Wait" aniya. Huminto kami sa isang malaking bahay. May second floor at modern house ito. Yayamanin siz! Nagtataka ako kung bakit sa public school pa nya piniling pumasok?

"Oh, Geloy ang tagal mo naman?" ani noong magandang babae na sa tingin ko edad 40. Geloy pala palayaw nya.Hahaha, hindi na masama. Mama ata ni Gelo yung babae. Magkamukha eh. Nagulat naman ako kay Gelo kasi tinawanan nya ang mama nya!

"Ikaw talaga! Kakaselpon mo yan! Nakipagkita ka sa girlfriend mo ano?! Sino sino ba yun? Nakita ko sa selpon mo ang dami!" bulyaw nang mama nya. Nakakatakot! Gusto ko na tuloy umuwi!

"Ma,hindi ko mga babae yun! Mnl48 yun." nahihiyang sabi ni Gelo. " Eh sino nga doon girlfriend mo?! Doon sa minelena 48? Teka?!"  napaatras ako ng pandilatan ako ng mama nya. Putek! Sana pala umuwi nalang ako!



"Ahh, si Mayumi Ma---"


"Girlfriend mo?! Abaaa... Model ka ba hija? Ang ganda mo ah! Ikaw bata ka! Kanina ka pa! Hindi mo sinabing kasama mo pala girlfriend mo! Tara iha,pasok ka. Naku! Akala ko bakla yang anak kong si Geloy!" excited na dirediretsong sabi ng mama nya at inalalayan ako papasok ng bahay nila. Napatingin ako kay Gelo at nag-sorry naman sya.

Pinakain nila ako ng maraming pagkain. Para akong kumain sa pyestahan! Family day nga nila ngayon! Di ko tuloy nakain yung mga pinamili ko. Ang daming tinanong sakin ang mama ni Gelo  at sa huli,nadismaya sya dahil sinabi namin ang totoo. Tawa lang ng tawa ang tatay ni Gelo. Sobrang pogi din grabe. Artista ba si Sir? Saka feeling ko, nagmana sya sa papa nyang palangiti at natatawa agad sa maliit na bagay.

"Mayumi hija, pag di ka pa taken, pwede si Geloy, single yan---"

"Ma!"

Napangiti nalang ako. Lakas din ng sapak ni Madam.

"Hahahaha!" oh. Nahuli pa si Sir sa pagtawa. My gas. Ang saya ng pamilyang 'to!

"Sorry ulit sa parents ko" hingi nya ng pasensya ng ihatid nya ako sa bahay gamit ang sasakyan ng daddy nya. Wala pa syang lisensya kaya kinakabahan ako na baka mabangga kami o kaya mahuli. Buti nalang hindi. Saka naitanong ko rin sa kanya kung bakit sya pumapasok sa school imbis sa private school. Ang sabi nya, masaya daw kasi tapos trip lang nya. Pusa,sana all!


"Ate, sino yan?" napalingon ako kay Kisig na kunot-nuong nakatingin samin. Lumabas naman si Mama.

" Ah, I'm Gelo po. Mayumi's classmate. Nice to meet you. Po" ngiting sabi ni Gelo kay Kisig na kunot-nuong lumapit. Lumapit din si Mama pero nanlaki ang mata ko sa gulat ng may lumabas pa sa bahay namin. Napalunok ako. Bakit sya nandito?

"Aba, ang gwapo naman ng 'klasmeyt' mo Mayumi!" nangingiting sabi ni mama saka ako sinisiko ng palihim. Hindi ko naman sya pinansin dahil nakatitig lang ako kay Bansot na seryoso lang ang tingin.

"Ay oo nga pala Yumi. Kanina ka pa hinihintay ni Thomas! San ka ba nanggaling?!" napatingin ako kay Mama pero ngayon nakangiti na itong nakatingin kay Gelo. Si Kisig naman ay napapataas pa ang kilay sakin.

" Hijo, halika,pasok ka. Dalawa pala kayong bisita ni Mayumi ngayon"

"Ahh, sorry po, Ma'am. Need ko narin po kasing umuwi. Pero salamat po sa invitation. Next time nalang po, babalik po ako." hindi ko parin sila pinapansin dahil nakatitig lang ako kay Bansot. Ganun parin ang suot nya mula kanina. Napakagat labi ako para pigilan ang sarili kong umiyak.

"Mayumi! Nagpapaalam na si Gelo! Ano ka ba naman!" gulat akong napalingon kay Gelo na ngumiti sakin saka sumakay ng kotse nila. " Goodnight, Mayumi. Thanks kanina" tumango naman ako saka nginitian sya pabalik. Pinaharurot na nya ang sasakyan nya. Nang makalayo na ang sasakyan ay nakaramdam nanaman ako ng sakit. Dahil sandaling tumalikod ako, makikita ko ulit sya. Sa pagtalikod ko kailangan ko syang harapin ng may tapang. Kakayanin ko kaya? Makita ko nga lang sya, gusto ng kumawala ng luha ko e. Nakatalikod pa nga lang ako, sobra na ang tibok ng puso ko. Yung tibok ng puso ko, hindi na katulad ng dati, tumatalon sa tuwa. Ngayon, gusto nang sumabog sa galit.



"Hoy Ate. Pumasok na tayo." napapikit ako ng marinig si Kisig. Humugot muna ako ng malalin na paghinga bago humarap. Pinili kong tumingin muna kay Kisig. Napalunok ako dahil kita kong seryoso ang mukha nya habang naka-krus ang braso. Ngayon ko lang sya nakitang seryoso nang ganyan.


"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka b---"akmang lalapit ang nakakunot nuong si Kisig sakin pero hinawi ko agad ang kamay ko. "Tara na! Pasok na tayo! Malamok"


"Huy! Kanina ka pa? Sorry ah?! Nakalimutan kong may project pala tayo! Tara, pasok!" mabilis kong sabi saka agad pumasok ng bahay. Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Naninikip ang dibdib ko. Nakita ko yung mga mata nya. Yung mga matang yun, nakakainis na.


"Ma, pakisabi sa bisita,bihis lang ako"


"Aba, bat di ikaw ang mag---"


Mabilis akong dumiretso sa kwarto.Agad kong isinara ang pinto dahil hindi ko na napigilan pa. Ayokong makita nyang umiiyak ako. Naiinis ako. Bakit pa sya nandito? Ano pa bang gusto nya? Sinaktan na nya ako. Kulang pa ba yun? Aamin na ba sya ngayon? Magso-sorry? Bakit? Dahil sila na at niloko nya ako? Nakakapangsisi tuloy na nalaman mo bahay ko dahil sa bwisit na dare na yan! Tae ka Bansot umuwi ka na sa nuno sa punso! Putsa ka!


"Ate, yung bisita mo"

"M-masama pakiramdam ko. Pakisabi sorry di namin nagawa project namin ngayon." dahilan ko. Sana tumalab. Sana hindi napansin ni Kisig na umiiyak ako. Narinig kong bumuntong hininga sya.



"Magpahinga ka na"



----

:<

Olvasás folytatása

You'll Also Like

21K 818 51
(BOOK 2 OF GANGSTER TO THE GANGSTER) Continuation.... Gangsters Love. the gangster who felt in love to each other but?kaya ba nila?if may mamatay sa...
2.1M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
756K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
122K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...